Torn in Two (Elite Girls 2)

By NerdyIrel

116K 4.8K 1.8K

MATURED CONTENT (R-18) Paris must really be the City of Love for Iris to fall for a guy she only met at the m... More

Torn In Two
Elite Series Characters
Prologue
Chapter 1 - Paris
Chapter 2 - Freedom
Chapter 3 - Boundaries
Chapter 4 - After
Chapter 5 - Missed
Chapter 6 - Summer Olympics
Chapter 7 - Victory Party
Chapter 8 - Goodbye
Chapter 9 - Changing Paths
Chapter 10 - Bridge
Chapter 11 - Run Away
Chapter 12 - Game
Chapter 13 - Good Friend
Chapter 15 - Heartaches
Chapter 16 - Opposite Directions
Chapter 17 - New Paths
Chapter 18 - Holiday Event
Chapter 19 - Christmas Ball
Chapter 20 - Calm
Chapter 21 - Favor
Chapter 22 - Blind Date
Chapter 23 - Confused
Chapter 24 - Birthday
Chapter 25 - Feelings
Chapter 26 - Whipped
Chapter 27 - Committed
Chapter 28 - Bliss
Chapter 29 - Jealousy
Chapter 30 - Almost
Chapter 31 - Decisions
Chapter 32 - Ownership
Chapter 33 - Surprise
Chapter 34 - Truth
Chapter 35 - Troubled
Chapter 36 - Options
Chapter 37 - Benevolence
Chapter 38 - Afraid
Chapter 39 - Revelation
Chapter 40 - Rupture
Chapter 41 - Chaos
Chapter 42 - Patches
Chapter 43 - Torment
Chapter 44 - Anger
Chapter 45 - Exhausted
Chapter 46 - Chances
Chapter 47 - Unsettled
Chapter 48 - Disturbed
Chapter 49 - Choice
Chapter 50 - Diamond
Chapter 51 - Sunset
Chapter 52 - Upright
Chapter 53 - Final
Epilogue
Author's Note

Chapter 14 - Luncheon Party

1.5K 80 23
By NerdyIrel

CHAPTER 14

Luncheon Party


Iris' POV


I honestly thought my friends were only going overboard when they told me how grand Silva's Bohemian themed luncheon party would be but now that I'm officially here, I'd say the word 'extreme' wouldn't even give justice on how extravagant this event is.


"I love the Pierre's so much!" tuwang tuwa na sambit ni Caylee na napapatalon pa sa saya. She and Tiffany squealed in happiness while Ava and Naomi immediately checked themselves as the official photographers started to approach us.

Sa sobrang pagkamangha ko naman ay hindi ko na nagawang magsalita. I just nod my head in agreement as my eyes wander around.

There were teepee archs everywhere, made of wooden branches and white laces. Huge dreamcatchers are perfectly hanged in different places, beautiful dried flower and wheat arrangements are on the tables and the lights are covered with woven bamboo.

It's breathtaking.


"Iris, smile!" pagpuna ni Tiff sa akin nang mapansin niyang nakatayo lang ako habang sila ay pose ng pose. Agad akong ngumiti sa mga camera at pinakita ang custom-made white lace dress ko.

Sa totoo lang, sobrang nagdadalawang isip akong suotin ito dahil masyadong daring sa taste ko. Low cut kasi ito kaya kitang kita ang cleavage ko pero dahil sa napilit na ako ng mga kaibigan ko ay nilakasan ko na lang din ang loob ko. Lahat naman kami ay ganito ang suot, magkakaiba lang ng design at ayos ng buhok.

Since wavy na ang brown hair ko ay nagpalagay na lang ako ng thin feather hair extensions para match talaga sa event. Caylee braided her hair and wore a flower crown. Kinulot naman nila Tiffany at Ava ang kanila while Naomi decided to put her hair up and added a head dress.


"Alam niyo, kung hindi lang talaga tropa ni Kuya 'yang si Silva at kung hindi rin kuya ang tingin ko sa kanya, malamang inakit ko na siya. I would love to have him as my boyfriend. Imagine how the party would be on our wedding?!" Naomi joked around as we walked towards the crowd.

"But you don't need a Pierre to throw yourself a party. Hello? You're just as rich as him," Ava reminded her.

"Nah, he's way on top. Tsaka parang 'di niyo kilala ang parents ko. They'll never be as extra as Silva's parents."

"Ay nako Naomi. Kahit naman maakit mo si Silva, tingin mo magiging kayo? Sa higpit ng Kuya mo sa'yo, feeling ko tatanda ka na talagang dalaga," biro ni Tiffany kaya nagtawanan kaming lahat. Naomi just scowled and crossed her arms.


Invitation-only ang birthday party na ito pero napakarami pa rin palang invited. All the guests are influential people. Kahit saan ka lumingon ay hindi pwedeng hindi mo makikilala ang mga ito. I even saw a Hollywood actor near us. Nate-tempt akong lumapit at magpa-picture but unfortunately, I don't have my phone with me and I'm too shy to ask a photographer for favor.

Medyo private na tao pala ang mga Pierre. It's my first time to attend their party so I wasn't aware how the rules would be. Pagdating namin dito ay nagulat na lang ako nang pinaiwan ang mga cellphones at camera namin. They said we'll get it again when we're about to leave. Gusto ng pamilya ni Silva na aprubado nila ang mga lalabas na litrato para wala na ring maging problema pa.


"We should get our own tent before grabbing something to eat," I suggested when I noticed that almost everyone already have their own. Nakita ko ang ilan sa mga Elites na naririto. Spencer, Chariz, Fritz and Olivia are inside the white raja open tent just a few feet away from us. Kumaway sa kanila si Tiff bago kami naglakad upang maghanap ng amin.


Once inside our own, Caylee spoke freely. "I'm glad Silva never played the Annual Elite game that seriously. Kasi sa totoo lang, talong talo niya kami ni Zin. He can win so easily if he wants to."

"Alam mo naman sila ng kapatid niya, lowkey lang," Tiff muttered while she's fixing the strap of her heels.

I just listened to them since I haven't met the host or his sibling. Mamaya kapag nakita ko siya, magpapasalamat talaga ako at na-invite ako dito kahit hindi pa kami magkakilala. I know he probably didn't create the guest list but still, as a sign of respect, I'll thank him.


"Hey!" I immediately smiled when our friends finally arrived. Ang ga-gwapo nilang lahat sa mga suot nilang bohemian loose shirts. Si Rios may suot pa ngang felt hat habang si Zin may pa-scarf na nakapatong lang sa balikat niya.


"Wow!!!" asar ni Naomi. "Pa-kiss nga!"

"Lika dito!" tatawa-tawang biro ni Kiel na humalik naman sa pisngi nito.

Naomi chuckled and playfully slapped his face. "Kadiri!"

Umupo si Kiel sa tabi nito at ngumisi lang.

Lately napapansin kong nagiging malandi na rin si Kiel like Rios. Madaming nagkakagustong mga babae sa kanya since first year college kami, and I heard kahit noong grade school pa lang siya, lapitin na talaga siya ng girls. But he's just nice to them. He doesn't really flirt back. Pero ngayon, nagbabago na siya. Pumapatol na siya.

Not that Naomi's one of his girls. We all know they were both just making fun of each other.


"Nasaan pala si Aaron, Caylee?" Evan asked.

"Bakit mo hinahanap? Jowa ka ba niya?"

"Tol, wag mo na tanungin. Matic hindi invited 'yon," Zin said. The boys laughed loudly because of that.

"Ugh, you guys are so annoying." Biglang nag-walk out si Caylee nanlaki ang mga mata ko. Napailing naman si Tiff.



"Hay nako Zin, kailan mo ba tatantanan bestfriend ko? Sinisira mo na naman araw niya."

"Huh? E nagsabi lang naman ako ng totoo. Ito kasing si Evan, nagtanong pa. Lagot ka pre, nabuwisit mo si Caylee."

"Utot mo. Ikaw kaaway non, wag mo ko dinadamay."

"Damay ka, hinanap mo jowa e."

"Malay ko bang hindi invited! Bakit kasi siya nagjowa ng hindi katulad natin? Ayan tuloy. HAHAHA!" Naghalakhakan pa 'yung dalawa kaya sinundan na lang ni Tiffany ang kaibigan niya.


I stayed there, just watching everyone quietly. Maya-maya, tumabi sa akin si Ava.

"Ano na, Iris? Tingin mo makakalimutan ko talaga ang sikreto mo?" mahinang tanong niya habang nakangiti. "Spill the beans, honey."

I frowned at her but didn't dare to say a word. Hindi ko kasi siya binigyan ng paliwanag pagkatapos nung gabing tinulungan niya ako sa mga magulang ko. She lied to save my ass but I just couldn't tell her where I was. Pagiisipan niya ng kung ano ang pagkakaibigan namin ni Dash kahit na aksidenteng nakatulog lang naman talaga ako sa hotel room nung gabing iyon.

"Fine. Malalaman ko rin 'yan soon." Tumayo na ulit siya at si Ava naman ang dinaldal.


We stayed inside the tent till the music stopped. Maya-maya ay may nagsalita na sa mic.

"Ladies and gentlemen, please welcome SILVA PIERRE!" Nagpalakpakan kaming lahat nang bumaba mula doon sa hagdanan galing sa malaking mansion ang isang lalakeng naka-white pants and brown polo long sleeves. Nakatupi ang sleeves nito hanggang siko at nakabukas ang ilang butones. Ang angas ng dating at aura niya. May kaunting balbas pa ito at naka-shades na itim. He's oozing rich and naughty vibes.

I suddenly remembered David. Ganoon na ganoon ang datingan niya. Kung sa unang tingin nga ay iisipin kong siya ito. They have the same height, body built and looks. Siguro ay mas matangkad lang ng kaunti si David.


Umiling na lang ako at inalis sa isipan ko ang lalakeng iyon.

Ngumiti na si Silva at kumaway sa lahat. Tumatawa pa nga siya dahil parang nahihiya siya sa napakabonggang party na hinanda siguro ng mga magulang niya para sa kanya. He grabbed a white wine glass before standing on the stage. Doon nagsasayaw kanina ang mga contemporary dancers na hinire nila.


"Salamat salamat," pag-ngisi niya. Tumahimik na ang lahat at nagsiupuan upang pakinggan ang speech niya. Before he could even start, I heard some guys shouting and teasing him. Sinilip ko ang tent kung saan tumingin si Silva ngunit may harang na white crocheted blanket iyon kaya naman hindi gaano kalinaw ang mga mukha ng mga kaibigan niya.

I saw one who went out, Naomi's older brother Nigel. Humiyaw ito kaya nagtawanan ang mga tao. Napailing naman si Silva at nagsalita na muli.


"Once again, my parents never failed to shock me. They promised me it'll be a small exclusive party but then again, they must be using a different dictionary from us. Small na pala ito, Dad? Mom?" Everyone laughed at his joke. Mukhang close si Silva sa parents niya at nabibiro niya pa ito ng ganito.


"Anyway, you guys know me. I'd rather just drink than spend another minute standing here, so please enjoy the party and have a great time! Thank you for celebrating my birthday with me. Adios motherf*ckers!" Naghalakhakan ang mga tao at tumunog ang napakaraming wine glass ng iniangat ni Silva ang kanya. Bumaba na siya at tumakbo papunta sa mga tropa niya.


"Gutom na 'ko!" Asher complained, faking a cry.

"Kuha na tayong food," pagyayaya ni Theo.


Lumabas na kaming lahat ng tent at didiretso na sana sa buffet table nang may tumawag sa pangalan nila Zin at Evan. When we looked behind, Zin cursed under his breath.


"P*tangina!! Law? Rian?! Hoy g*go! Drey, nandito ka rin?" He and Evan ran to meet their childhood friends. Magtotropa nung college ang mga parents nila kaya sa iisang school sila in-enroll mula pagkabata. Kung hindi ako nagkakamali, nagaaral na kasi sa ibang bansa 'yung tatlong dumating kaya sobra ang saya nila Zin na makita ang mga ito. He must have missed them so much.

Drey's actually my ex, haha.


"Tara, hayaan na muna natin sila." Inakbayan ako ni Rios at hinila na palayo.

We were surprised to see Asher already at the end of the buffet table. Tatlong platong punong puno ng pagkain ang hawak niya at nagmamadali siyang makabalik sa tent. Wow gutom na gutom? Hahaha.


Pastas, finger sandwiches, salads and breads are mostly what's on the menu. Luncheon party kasi kaya hindi ka talaga makakakita ng normal na handa katulad ng kanin at ulam.

I chose to eat the New Orleans Shrimp Salad and Muffaletta Sliders. Kumuha na lang din ako ng oven-baked potato fries. Nauna ako sa mga kaibigan ko sa pagkuha kaya naman dahan-dahan akong naglakad pabalik sa pwesto namin. Nakakailang lakad pa lang ako nang may magsalita bigla sa gilid ko.


"Do you need help?"

I glanced at my side and smiled when I saw Dashiell. "Uhmmm, kahit ito na lang isa hehe." Kinuha niya ang isang plato at tinulungan akong dalhin iyon sa tent namin.

Asher's busy eating so he didn't even look up when we arrived.


"Saan ka nakaupo?" I asked out of curiousity. Alam kong hindi invited ang mga kaibigan niyang varsity players kaya 'di ko maiwasang maisip kung sino ang mga kasama niya ngayon. I'd invite him to sit here if he says he's alone. Kaibigan din naman niya sila Zin.

"Ah. I'm with my brother. Mamaya, ipapakilala kita."


Umupo ako at ngumiti ulit. He remained standing in front of me.

"Uy, kain ka," pagaalok ko. Dash grabbed a piece of fries and ate it.

"Actually, kaya ako nandoon sa buffet table ay dahil gutom na rin ako kaso ang dami pa nila doon," natatawang sambit niya bago tumingin sa suot ko.

"You look... beautiful."


I couldn't help but feel shy at his sudden compliment. "Sira," natatawang sambit ko.

"Seryoso nga."

I blushed and giggled before throwing a clean crumpled tissue at him. Natawa na rin siya at napailing.


"Nako, hindi na pala kita ipapakilala kay Damian. Baka bigla kang ligawan ng kuya ko."

"Wala ka na yata sa katinuan dahil sa gutom."

"I'm just saying. I'm sure he'll get attracted to you when he sees you."

I rolled my eyes. "Hindi ka ba titigil? Anong kailangan mo?"

Humalakhak na siya at inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. "Sige na nga, hindi na kita guguluhin. I'll see you later?"

"Sure."


Pagalis na pagalis niya ay dumating naman sila Rios at Kiel. Umupo sila sa harapan ko. Then Ava an Naomi on my right side.

Habang nagdadaldalan ay nilingon ko si Dash. Nakakuha na rin siya sa wakas ng pagkain niya. Napapangiti na lang ako habang naaalala ang mga biro niya kanina.





Damian's POV


"Tingnan niyo si Dash, parang may binobola doon sa kabila oh," natatawang turo ni Art.

Hinawi ko ang blanket ng tent at sinilip ang kapatid ko. He has his back facing us but it's clear that he's talking to some girl. Hindi ko makita ang mukha nung babaeng nakasuot ng puting dress pero feeling ko maganda ito. Makinis kasi ang balat.


"E 'di mabuti. Naka-move on na rin sa wakas," I said. Umayos na ako ng upo at ngumiti. "I heard he was so broken when his girl suddenly ended things with him."

Hindi nagkukwento sa akin si Dash tungkol sa kanila nung Charmaine. Hindi ko rin alam kung gaano kaseryoso ang relasyon nila dahil isang beses ko lang nakita 'yung babaeng 'yon. Nung summer league lang at saglit ko lang nakausap. But according to Gio and Nigel, Dashiell is really in love with that girl.

Gusto ko ngang kausapin ito mamaya at kumustahin. I know my brother and I don't talk about relationships that much but I want him to know that I'm here for him. Pero sa tingin ko, magiging okay naman na si Dash. I saw him laughing with us earlier. I think it's just a matter of time before he forgets his ex.

Nagagawa na ngang kumausap ng iba hahaha.


"Oyyy sino 'yon?" pangungulit ni Silva nang bumalik na ang kapatid ko dito sa tent na may hawak na plato ng pagkain. Umupo siya sa tabi ko at kumunot ang noo.

"Ha? Sino?"

"'Yung kausap mo sa kabila," I said.

"Ahhh. Wala. Kaibigan ko lang," He muttered with a smile on his face.

"Kaibigan mo mukha mo. 'Di mo lalapitan 'yon kung 'di ka interesado," asar ni Nigel.

"Really, I just helped her bring her food."


Kukulitin pa sana namin siya nang biglang lumapit sa amin si Caylee.

"Happy Birthday Silva!"

"Uy! Thank you!"

"Don't expect me to hug you. I'm loyal to my boyfriend. Sorry." Nagtawanan kami sa pagiging mataray talaga nito pero halata namang nagbibiro lang siya.


"Ikaw, umalis lang ako, nagjowa ka na huh." Tumayo ako at nilapitan siya upang guluhin ang buhok niya. She immediately brushed my hand away.

"You should meet Aaron. He's a good guy so you'll like him. Wait, hindi ka pa naman babalik ng Australia agad noh?"

"I'll only stay here for a day or two. 'Di kami pwedeng um-absent masyado, mahihirapan kami."

She pouted. "That sucks."

"Maybe next time."

Tumango lang siya.


"Hey tiff," bati ko naman sa bestfriend niya.

"Hi. It's so nice to see all of you here. Ngayon na lang ulit kayo nagkasama samang lahat."

"Oo nga e. 'Di bale sasama naman kami kay Damian kapag nag-OJT na siya dito sa Pilipinas," pag-share ni Silva.

"Really? Kailan naman 'yon?"

"Pag-graduating na kami," natatawang sagot niya.

Tiff rolled her eyes. "Ang tagal pa non, third year pa lang kayo at 5 years ang course niyo."

"Wala e. Ganon talaga." Nagtawanan kami kaya napailing na lang si Tiffany.


"Anyway, we just came to greet you Happy Birthday. Kakain na muna kami ha."

"Sure, enjoy lang kayo."


Umalis na 'yung dalawa kaya bumalik na ako sa upuan ko. Medyo busog pa kami dahil pinakain na kami ni Silva kanina sa mansion bago magsimula ang party. Hindi rin kasi namin ugali makihalubilo kung kani-kanino at ayaw naming pumipila sa buffet table.


"I'm getting bored," Nigel mumbled. "Can I add a little fun on your lame party?"

Silva chuckled. "What do you mean?"

"Just trust me on this. Though I might slightly ruin your event."

"Nah. Go ahead. This should be interesting."

Ngumisi si Nigel. "Kaya ikaw paborito ko sa lahat, bro. You tolerate me most of the time."


Umalis na ito kaya naman tinaasan ko ng isang kilay si Silva.

"Sira ka ba? Kilala mo kung gaano kaloko 'yon."

"Hindi naman makakalabas sa media kung ano mang mangyari ngayon dahil exclusive party ito," cool na cool na sabi ni Silva.

"Kahit na. Do you really think Nigel won't do something huge?"


"Magpustahan na lang tayo. Twenty thousand pesos, Nigel will throw a wine in someone's face" he mumbled.

"Hmmm. Too easy. I bet he'll go naked on stage," Art added.

"He might turn off the music or play a headbanging song," Gio pointed out.

"Or he might puke everywhere," pagtawa ni Dash. "He did that last time."


Umiling na lang ako at nilingon ko si Nigel na naglalakad palayo sa amin.

"Let's just hope he won't do anything illegal."





Iris' POV


Nang gumabi na ay isa-isang nagsialisan ang mga bisita. Luncheon means afternoon party but since there is still music and the waiters are even serving foods, most guests didn't bother to leave.  'Yung mga businessmen at politicians nagsiuwian na, pero kahit nabawasan ang mga tao ay punong puno pa rin talaga ang lugar. Some started dancing on the huge space near us.


"I heard there's an after party at the mansion," Zin said, smirking as he stood up. "Let's not miss it."

Lahat sila ay nagsitayuan na. "Teka Ava, samahan mo naman ako saglit sa tent nila Silva. Gusto ko lang siya batiin ng happy birthday. Kanina pa kasi ako nandito pero hindi ko pa rin siya nalalapitan. Nakakahiya naman," I mumbled.

"Sure, tara." Naomi went with us since she said she hasn't seen his brother since the afternoon.


Pagdating namin doon sa tent nila ay kaunti na lang ang mga nandon. I think some of his friends already went to the said after party. Maski si Dash ay wala na dito.

"Silva!" pagtawag ni Ava. "Happy birthday!"

"Salamat. Buti nakapunta kayo."

"Oo naman, ano ka ba. Palalagpasin ba namin ang event ng mga Pierre?"

He chuckled before looking at me. "And this must be?"

"Iris," I replied, shaking his hand.

"Nice meeting you, Iris." He paused for a second before speaking again. "Pamilyar ang mukha mo. Have we met before?"

"I'm not sure. Siguro sa palaro ni Senyor o baka sa isa sa mga social gatherings ng families natin."

"Ah. Yes." He smiled. "Siguro nga."

"Salamat pala sa pagimbita sa'kin. I'm having so much fun. Ang ganda ng theme."

"It's my Mom's idea. Anyway, baka gusto niyong sumama sa'min? We're going to continue the party at the mansion. Nandoon na ang karamihan at papunta na rin ang iba. Hayaan na natin ang mga matatanda maiwan dito," pagtawa niya.

"We're actually on our way there hehe," Ava replied.

"Go, enjoy."


Nilingon ko si Naomi na kasalukuyang kausap ang kapatid niya. Mukhang nagtatalo silang dalawa. Maya-maya ay inis na lumapit sa amin ang kaibigan namin.

"Let's go," she mumbled. Lumayo kaagad kami doon at nagpunta na sa may hagdanan kung saan naghihintay si Rios. "I hate him! He's so epal. Pinapauwi ba naman ako,parang ewan."

"Bakit daw?" Caylee asked.

"I don't know! Baka may binabalak na naman siyang kalokohan, kaya ganon. Tss."


Ava told them about what Silva said and so we all headed to the mansion. Nakita kong umirap pa si Naomi sa kapatid niya bago kami pumanik.


Kung sira ulo si Nigel, matigas naman ang ulo ni Naomi.

Ewan ko ba sa magkapatid na 'yan.


Silva's house was by far one of the best mansions I've been to. Mediterranean ang style kaya gustong-gusto ko. 'Yung sa amin kasi ay modern pero may pagka-old soul yata ako at ganito ang tipo ko ng bahay.

When we finally entered the bar area, I was surprised to see most of the Elites already here. Medyo madilim pero may party lights naman.


"Here," Theo gave me a glass of fruit cocktail since he knows I don't drink hard liquors. I took a sip and smiled. Ang sarap!

Ininom ko na lahat at masayang sumama kila Ava nang magyaya sila sa dance floor. Even though I'm feeling a little sheepish, I swayed my hips a little, copying the way they dance. Kahit ang mga kaibigan naming lalake ay nakipagsayawan din. We were all having so much fun.


And then I suddenly felt a little dizzy. Nagulat ako nang parang umikot ang paningin ko saglit.

That's strange. Wala naman akong ininom na alak. Ganoon na ba talaga kababa ang alcohol tolerance ko para malasing sa isang basong fruit cocktail?

Baka naman dahil sa init lang 'yon. Pinagpapawisan na rin kasi ako kakasayaw.


I excused myself and went to the bar counter. I asked the bartender for a glass of water. Habang umiinom ay ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

What the heck?


"Kiel, nahihilo ka rin ba?" tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa bar upang humingi ng alak dahil naubos niya ang kanya.

"Medyo. Gulat nga ako, ang bilis but who cares? I'm sure Silva won't mind if we crash here tonight. Sobrang dami nilang guests room dito."

"No, iba e. I feel like my temperature also increased. Hawakan mo nga ang noo ko kung mainit?"

"Epekto lang 'yan ng alak, Iris."

"But I didn't drink."

"Ha? Bakit? O, uminom ka kahit kaunti." He handed me a shot glass but I refused.

"Hindi na. Maghihilamos na lang muna ako. Kapag hinanap nila ako, sabihin mo nasa CR ako ah."

"Ayaw mong magpasama? Teka tawagin ko lang sila Ava."

"Wag na, nage-enjoy sila oh. I'll be back before they know it."

"Okay, bilisan mo."


I went out of the bar area and started wandering around the hallway. Teka, sobrang laki naman ng mansion na ito. Ang daming mga pintuan at malulusutan.

I wonder where the comfort room is.


Nag-decide akong umakyat na lang ng hagdanan dahil usually, mas madaming CR sa second floor ng mga mansion. Kaso parang maliligaw yata ako dito.

Patay ang ilaw sa hallway pero buti na lang, napakarami nilang bintana. Dahil bilog na bilog ang buwan ay maliwanag pa rin kahit papaano. Plus there are lights inside some rooms.

Ang creepy nga lang na magisa ako ngayon. Ang tahi-tahimik pa.


I stopped walking when I felt dizzy again. Hinawakan ko ang ulo ko at ni-relax ang sarili ko pero ganun pa rin ang pakiramdam ko. Mabilis ang tibok ng puso at mainit ang katawan.

Sheez. Maybe I should go home. May nakain o nainom siguro akong hindi nagustuhan ng tiyan ko.


I slowly turned around and was about to go back downstairs when someone went out of a room. I heard him cussing but his voice was too low for me to understand the exact words he used.

Baka naligaw din siya katulad ko? I'm not sure. Makaalis na nga dito.

I headed to the stairs while he walked towards my direction, but we both stopped when the moon light from the large circular ceiling window hit our face.

My heart instantly dropped and my whole body froze in shock.

Parehas kaming hindi nakagalaw sa gulat habang tinititigan ang mukha ng isa't-isa.

Tears started building in my eyes.

Hindi ko magawang huminga ng maayos at nanigas talaga ako sa kinatatayuan ko.

"David," I manage to whisper as I stare at him.


*End of Chapter 14*


----------------------------------------


Ayan ha. Sa mga nagsasabing scam ako HAHAHAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
60.3K 2.6K 63
WARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creatin...
10.6K 484 25
Hacienda Alegres Series 6 MATURED CONTENTS||R18+
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...