The Antagonist

By KCaela_

130K 4K 289

Is it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Part 1
Chapter 14: Part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17: Part 1
Chapter 17: Part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Author's Note
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Part 1
Chapter 26: Part 2
Chapter 27
SURVEY
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31: Part 1
Chapter 31: Part 2
Chapter 32: Part 1
Chapter 32: Part 2
Chapter 32: Part 3
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
A N N O U N C E M E N T
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
So, is this how the end looks like?
It's your turn
A Sweet Ending After All

Chapter 47

754 30 3
By KCaela_

JANA

Abot langit na talaga yung pagdadasal ko. Hindi ko na maintindihan yung kaba.

Matapos magbitiw si tito Adrian ng mga salitang iyon, halos gusto ko na umiyak. Naguguluhan ako, sa pagkaka-alala ko kasi, siya ang nag push sa amin ni Ada na marealize kung ano ba kami sa isa't isa.

Baka nagbago ang ihip ng hangin kaya ngayon ay hindi niya kami matanggap.

Matagal na nabalot ng katahimikan ang kwarto sa pangalawang pagkakataon. Alam ko this time, wala na yung maliit na boses na babasag sa katahimikan.

Nag aalangan nga ako kung dapat ba tanggalin ko yung magkahawak naming kamay ni Ada. Ang awkward naman, hindi kami tanggap ng Dad niya pero harap-harapan magka-holding hands kami.

Gusto ko rin sana makita ang reaksyon ni Ada, pero hiyang-hiya akong iangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko.

Naramdaman kong hinihimas ni Ada ang likod ng palad ko gamit ang hinlalaki niya. Napapisil ako sa kamay niya. Gusto kong sabihin sa kanya na nandito lang ako, at sana naintindihan niya 'yon through what I did.

"Love.." Natatawang tawag sa akin ni Ada.

Kung hindi ba naman abnormal 'tong girlfriend ko. Hindi na nga kami tanggap, nakuha pang maging masaya.

"Love, look at Daddy.." this time, hindi na niya napigilan ang sarili sa paghagikhik.

Sinunod ko ang sinabi niya, tinignan ko ang kanyang ama. Siguro kung may iniinom ako ngayon ay naibuga ko na. Sobrang pula ng mukha ni tito Adrian. Hindi dahil sa galit. Kundi dahil sa pagpipigil ng tawa.

"It's a prank." Saad ni Tito at tuluyan na ngang humalakhak.

Kung kanina ay mabigat ang sitwasyon, ngayon naman ay para bang nanalo sa lotto ang hitsura nito.

"But on serious note, disappointed talaga ako sa inyong dalawa. Kasi bakit late niyo na na-realize kung ano ang halaga ninyo sa buhay ng isa't isa? Kinailangan pang magkalayo kayo bago niyo makuha na nagmamahalan pala kayo. Kung walang magkukusa, parehas kayong naghihintayan." Mahabang sabi nito.

Galak ang nangingibabaw sa akin ngayon. Hindi ko akalain na buong pusong tatanggapin ng pamilya ni Ada ang tungkol sa amin.

"Ngayong nandyan na kayo, gusto ko lang sabihin na masayang-masaya ako. Anak na rin ang turing ko sa'yo, Jana, malaki ang bilib at tiwala ko sa'yo noon pa man. Pero sana 'wag mong i-take for granted 'yon. Alagaan, mahalin, at respetuhin mo si Ada, 'yon lang ang hiling ko.." pagse-seryoso nito.

"Opo, tito. Makakaasa po kayo." Sagot ko naman na may ngiti sa labi.

"Ada, anak.. ganoon din ang hiling ko sa'yo. Alagaan, mahalin, at respetuhin mo si Jana. Buo ang suporta ko sa inyong dalawa. Kahit pa sabihin niyo sa akin na magpapakasal na kayo bukas, ngayon pa lang ay ako pa ang hihila sa inyong dalawa para magpakasal na. Wala akong ibang gusto kung hindi maging masaya ang mga mahal ko sa buhay, lalong-lalo na ang mga anak ko, ang bunso ko." Pahayag nito.

Alam naman nating lahat kung gaano ka-maldita si Ada Gaile. Pero kaunti lang ang nakakaalam na ginto, busilak, at malambot ang puso niya. Kaya ko nga siguro siya minahal ay dahil mas nakita ko ang puso niya kaysa sa kamalditahan niya. Nang tingnan ko siya ay naluha na sa sinabi ng Daddy niya.

Wala kaming magiging problema sa pagtanggap sa amin ng mga pamilya namin at mahal sa buhay, sigurado ako doon. Pero hindi naman ibig sabihin ay hindi na kami haharap sa matitinding dagok at hamon ng tadhana. Kaya wag kayong mag Sana All. Kasi baka ma-jinx. Charot.

Aminin man natin o hindi, ang mundo ay puno pa rin ng mga mapanghusga. Hindi marangal sa mata ng iilan ang ganitong klaseng relasyon. May magtatanong pa diyan kung sino ang lalaki, sino ang babae. Para sa akin, mangmang ang tanong na iyan. Dahil obvious naman na parehas kaming babae, tapos tatanungin kung sino ang lalaki? Dili na lang ako mag-talk. Eme. Ano ba kayo, it's the 21st Century.. Let's normalize this kind of relationship.

Matapos kaming kausapin ni tito, wala na kaming sinayang na oras. Gumawa na kami ng baby. CHAR. Syempre, pumunta na kami sa Casa Dela Cruz. Sobrang excited na ako na ipakilala siya bilang partner ko.

~*~

ADA

Sa lahat ng blessings na ibinigay sa akin Ni Lord, sobrang thankful ako sa lahat, lalo ang pagbibigay Niya sa akin ng isang gaya ni Jana. Pero bago pa man dumating si Jana, I've always been delighted to have a Dad like Adrian Garcia.

Wala siya sa tabi ko habang lumalaki ako pero ramdam na ramdam ko lagi ang pagmamahal niya. Mas ramdam ko pa nga 'yon kahit na nasa magkabilang side kami ng mundo kaysa sa kung sino man ang nagbibigay sa akin ng atensyon kung saan ako lumaki.

Sobrang maka-Daddy ako. I always look up to my Dad. Lagi kong sinasabi na gusto ko maging gaya niya pagtanda ko. Gusto ko maging mabuting tao. At minsan ko na ring pinangarap na sana makahanap ako ng husband na gaya ni Daddy. Narinig naman Ni Lord 'yon, hindi nga lang husband ang ibinigay, wife ang dumating.

Bukod Kay Lord, pinapasalamatan ko talaga ang Daddy dahil siya yung naging instrument para magkaroon ako ng Jana sa buhay ko. Ikinwento ni Dad na ayaw niya naman daw talaga akong paalisin, pero baka iyon ang kailangan. Hindi raw siya nagsisisi sa naging desisyon niya, especially that it really gave a good outcome. Gusto niya rin daw sana na sundan ako ni Jana that time, na siya rin namang gustong gawin ni Jana, pero parehas silang nagtiwala at naniwala na ako ang kusang babalik. After all, there's no place like home.

Although hindi naman kusa talaga ang pagbalik ko, dahil nga pinilit ako ng Daddy na umattend sa Founding Anniversary Event, deep inside gusto ko na rin naman na talaga bumalik dito nung mga panahon na 'yon. Kasi nga sila ang tahanan ko.

Ngayon ay nasa kotse na kami at papunta na sa place ng family nila Jana. Tanghali na rin kaming nakaalis dahil napahaba ang kwentuhan namin sa bahay. Kita ko sa mukha niya ang excitement. Dahil doon ay nababawasan ang kaba ko. Confident ako sa maraming bagay, pero syempre kinakabahan pa rin naman ako, lalo na sa parteng ito.

Tinignan ako ni Jana, napaka lawak ng ngiti niya. Nahawa na rin tuloy ako.

"What's with the smile?" Tanong ko.

"Wala lang, sobrang saya lang na tanggap tayo ng pamilya mo. Tapos ngayon naman, ipapaalam na natin sa pamilya ko. Alam kong kinakabahan ka dyan, pero there's no need for that. Kasi tanggap ka nung mga 'yon, mas nauna pa nga nilang matanggap kaysa sa akin." Natatawa niyang sabi.

Pinalo ko siya sa braso. Hindi ko rin alam kung bakit. Trip ko lang siguro. Char. Syempre, she's always like that. Alam niya kung anong lagay ko kahit 'di pa ako nagsasabi.

Hinawakan niya ang kamay ko at sakto namang huminto ang kotse. Nandito na kami.

Hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa makababa kami at makapasok ng bahay nila. Pagbukas pa lang ng pinto ay sinalubong kaagad kami ng Mama niya.

"Good afternoon po, Tita." Bati ko.

"Good afternoon din, anak. Mama na lang ang itawag mo sa akin." Bati nito at niyakap pa ako.

Napahilamos ng mukha si Jana, nahihiya nanaman sa ginawa ng kaniyang ina sa pangalawang pagkakataon. Gantong kahihiyan din siguro ang naramdaman niya noong unang tungtong ko rito sa kanila.

"Pasok na tayo sa Dining, nakahanda na ang tanghalian, at nandoon na rin sina Papa." Masaya nitong pag invite na tumuloy kami.

Nagulat ako nung tumambad sa akin ang mesa na punong-puno ng pagkain. Fiesta ba rito sa kanila? Baka naman may birthday? Nang isa-isahin ko ito, doon ko lang napansin na halos lahat ay paborito kong pagkain. Teka, birthday ko ba?

"Lov-- Sherry, birthday ko ba?" Bulong ko kay Jana. Nahihiya kasi akong tawagin siyang "love" sa harap ng pamilya niya, hindi pa naman nila alam yung sa amin.

Ngumiti lang siya bilang sagot.

Lumapit ako sa Papa niya at nag bless. "Good afternoon po." Bati ko.

"Ay napaka gandang dalaga mo na, anak. Kilala mo pa ba ako?" Tanong nito sa akin.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Hala sige, maupo na at kakain na." Pag invite nito, guiding us to the chairs.

Humila ng isang upuan si Sherry at isinenyas sa akin na maupo ako rito. Nag thank you ako sa kaniya at ngumiti. Pagkaupo niya sa tabi ko ay doon ko pa lamang binati ang kuya niya.

"Hello po, kuya Josh." Kaway ko dito.

Nag salute lang ito sa akin at ngumiti.

"Nasaan na sila Jana?" Isang babae ang lumabas mula sa pinto ng siguro ay CR.

"Ay nandyan na pala kayo." Nakangiti nitong sabi.

"Ate!" Bati ni Sherry. Tumayo pa ito at niyakap ang babae.

"Hello, Ada. Ako si ate Lj, ang fiancé ni kuya Josh niyo." Kaway nito sa akin bago tuluyang makaupo sa tabi ng mapapang-asawa.

Siya pala yung bride-to-be. Kala ko harap-harapan nambababae si Jana e. Charot. Akala ko pinsan niya.

"Hello rin po. Congratulations nga po pala sa nalalapit niyong wedding." Masaya kong bati.

"O halika na't magdasal para makakain, lalamig na ang mga ito." Alok ni tita Sherlie. Syempre, tita pa rin. Baka maudlot ang sa amin ni Jana kapag Mama ang itinawag ko sa kanya. Eme.

Our lunch time was filled with laughter. Puro kasi pagbubuking sa mga nakakatuwang karanasan ni Jana at kuya Josh ang ikinukwento ng mag asawang Dela Cruz. Ang magkapatid naman ay kaunti na lang at sasayad na ata ang mga nguso sa lamesa.

Nang matapos ang mga panunukso ng mag asawa sa dalawa nilang anak, nagsalita muli si tita Sherlie.

"Pa, naalala mo ikinwento ko sa'yo, galing na dito si Ada dati. Tapos sabi ko kay Jana, magkakasundo kami ng girlfriend niya. Nakakahiya, hindi niya pala girlfriend si Ada." Kwento nito sa asawa.

Nagtawanan naman ang lahat pero saglit lang iyon dahil pinutol agad ni Jana nang siya naman ang magsalita.

"Actually, Ma..." Seryoso nitong tawag sa Mama niya.

Ngumiti naman si tita, parang sinasabi na ipagpatuloy niya ang sasabihin.

"..Papa, kuya, ate Lj.. girlfriend ko na po si Ada. I mean, ngayon. Girlfriend ko na siya ngayon. Dati kasi girl friend lang." Nahihiya pero nakangiti nitong sabi.

"Naku, manang, pakilabas nga ho wine natin. Kailangan mag celebrate!" Masayang pahayag ng Papa niya.

"Sabi ko na nga ba crush mo si Ada e." Pang-aasar ng kuya niya. Ginantihan naman ito ng matalim na tingin ni Jana.

"Wow, may partner na si Jana sa procession ng kasal, tapos kayo na next ikakasal, ha?" Excited na sambit ni ate Lj.

"Hindi na baby ang bunso namin. Nakatagpo na ng baby niya." Masayang sabi ni tita Sherlie at naluluha pa.

"Jana Sherry, ingatan at alagaan mo si Ada. Resbakan ka namin ng mga kapatid niya pag di ka umayos." Panloloko ni kuya Josh.

"Kuya naman, ako yung kapatid mo rito e." Natatawang sabi ni Jana.

"Ay, ikaw ba? E syempre kapatid ko na rin 'tong si Ada ngayon. Kaya ingatan niyo ang isa't isa. Mag enjoy lang kayo, pero syempre mas maging responsable rin. Masaya ang kuya para sa inyo, lalo na sa'yo bunso." Proud na sabi nito.

"Thank you, kuya." Sabay naming sabi ni Jana.

"Tama ang kuya niyo. Dapat ay mahalin, ingatan, respetuhin, at alagaan niyo ang isa't isa. Sa pamilya natin, walang kaso ang relasyon niyo. Kung saan masaya ang anak namin ay doon din kami lalo't alam naming maganda at mabuti naman ang intensyon. Maaaring marami ang manghuhusga sa inyo sa labas, mga ibang tao na hindi kayo kilala, wag kayo magpaapekto sa mga sasabihin nila. Dahil unang-una, hindi nga nila kayo kilala. Alalahanin niyo lang ay ang isa't isa pati ang mga taong tunay na nagmamahal sa inyo. Wag kayo mag-alala, kami na ni Mama ang kakausap kila kumpadreng Adrian kapag mamamanhikan na si Jana." Masayang sabi ni Tito.

"Papa naman." Suway ni Jana sa huling sinabi ng ama.

"Nasabi na ng boys ko ang lahat, ano pa ba ang masasabi ko?" Natatawang sambit ni Tita.

"Saksi ako sa pagmamahalan niyong dalawa, sa totoo lang ay hiniling ko na mangyari ito at ibinigay naman Ng Diyos. Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa kundi mga apo. Naiintindihan niyo ba 'yon Josh at Jana?" Pagtawag nito sa atensyon ng dalawang anak.

No one attempted to answer. Si kuya Josh at ate Lj ay namula ang mga mukha. Habang kami naman ni Jana ay napayuko sa hiya at saya.

"Ito na yung wine." Masayang sabi ni tito.

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan at tawanan at parang walang gustong tumayo sa hapagkainan.

Sobrang gaan kasama ng pamilya ni Jana. Pakiramdam ko nga, I'm one of them. Mas smooth ang naging flow ng pagsasabi sa family niya kung ano ang meron sa amin. Pero kahit ganoon, masayang-masaya ako na okay ang relationship namin sa parehas na side.

Pagkahatid sa akin pauwi ni Jana ay hindi ko na siya pinag-stay sa amin. I suggested na mag bonding siya kasama ang pamilya. Dahil sa totoo lang, sunod-sunod na araw na kaming magkasama.

My heart is filled with joy. Pero bigla akong natakot. Nasanay kasi ako na may kapalit ang lahat. Baka itong saya namin ay may kapalit pala. Bigla kong naalala yung incident na nangyari nung event. Hawak man ng mga pulis ang gunman, hindi pa rin kami nakakasigurado ni Jana sa kaligtasan namin, lalo na siya dahil punterya siya nito.

I tried to divert my attention. Pinagdasal ko na lang ito. Chineck ko ang phone ko kung nag chat na ba si Jana, at hindi nga ako nagkamali. Sinabi niya lang na pupunta sila sa reception para i-check kung may nalimutan pa ba. Pagtapos ko siya replyan, doon ko lang naalala na hindi pa pala alam ni Mommy.

Binuksan ko ang conversation namin. She was active 15 minutes ago kaya naman hindi ko na siya sinubukang tawagan. Nag-iwan na lang ako ng message.

Mommy, we've been trying to contact you earlier this day. May important lang kasi ako na sinabi sa family. Ikaw na lang ang hindi ko pa nasabihan, but probably nasabi na sa'yo ni Daddy. Pero gusto ko na sa akin pa rin manggaling. Mom, your Ada is not a baby anymore. You know Jana, right? Yung anak ni tito Jon at tita Sherlie? Hindi ko na patatagalin. I just wanted to let you know na girlfriend ko na siya. I wanted to tell you how we became girlfriends. Kaya pag hindi ka na busy, call me para makapag chit chat tayo. I love you and I miss you, mommy! Take care po.

Sent.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 100K 66
[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa k...
76.9K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
Trapped By Unavailable

Mystery / Thriller

68K 3.8K 37
"If being in hell is the only way to be with her, then I am pleasure to suffer hell every single day." -Police Officer Allison Harwell Allison Harwel...
1.2K 105 24
She was my Sky and I was her Sun. I am a photographer and she is my muse. I love her... and even if she hasn't told me, I know that she felt the sam...