The Man Of My Imagination

By Rapunzelyza

96.8K 2.2K 162

"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'... More

โ˜„
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
BOOK 2
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
EPILOGUE

CHAPTER 10

1.3K 40 0
By Rapunzelyza

“HOY, MANONG GUARD! HUSTISYA NAMAN DIYAN! PALABASIN NIYO NAMAN NA KAMI, OH!” sigaw ng isang boses sa di kalayuan. Di ko kilala kung kanina iyon nanggaling pero grabe yung boses niya, masyadong malakas. Abot ata hanggang bahay namin.

Charot.

Anyway, hindi naman talaga yung boses ni Ate ang problema. Ang totoo niyan, maaga yung uwian namin. Saya-saya ko no’n kasi bukod sa wala yung teacher namin, maaga akong makakauwi! E di ibigsabihin lang pwede pang gumala! (Yung gala na para sa mga taong walang pera). Grabe na saya ko nun, eh. Nasa highest level na. Kaso naman etong si Kuyang Guard ayaw kami palabasin. E di na badtrip agad ako. Hindi pa raw kasi pwedeng lumabas hangga’t hindi pa raw nasa tamang time na pwede pang palabasin. And I’m like: Bakit kailangan pang hintayin yung time kung pwede namang palabasin na tutal pinauwi na kami?!

Kuyang Guard kasi!

“Oo nga, Manong Guard! Palabasin niyo na kami, tagal-tagal na kaming nag-iintay dito, oh.”

“Tumigil kayo. Hangga't hindi pa nag-a-alas dose, walang lalabas!”

Naman, oh! Gutom na ako, e!

“Ang tagal naman no’n Kuya! Nakakangawit nang tumayo, oh.”

“Tiisin niyo!”

Ungot lang ng ilan ang ni-response ng iba. Kami naman ni Sam na kanina pang nananahimik ay mas lalong nanahimik.

Speaking of Sam, hindi ko siya kinakausap hanggang ngayon. Alam kong nahahalata niya ‘yon sa pag iwas ko pero hindi siya nag-sasabi kung bakit. Pero kung balak niyang makipag bati, ekis pa rin sa akin! Hindi ko pa rin makakalimutan yung ginawa niya kanina! Nagtatampo kuno ako kay Arlyn dahil sa biglaan niyang pagtawag kay Qen kaya ayaw kong ipakita sa kanya tapos ipapakita niya?! Nakakainis! Bahala siya sa buhay niya.

After it seems like forever, narinig ko na lang ang pagbukas ng gate. Maraming naghiyawan, sumuntok sa hangin, at nagsaya dahil sa pagbukas no’n at syempre kabilang ako do’n sa nag saya. Nagmamadali ang agos ng mga estudyante kaya may nakabunggo sa akin. Malakas eh. Muntikan na akong humalik sa sahig. Buti na lang at hindi ko naging first kiss ang sahig at may nakasalo sa akin sa paghawak sa aking braso.

Inangat ko ng tingin ang nakasalo sa akin. Agad ko rin iyong binawi nang makita iyon ay si Sam. Hindi na niya tinanggal pa ang pagkakahawak niya sa aking braso na tila ginagabayan at baka raw siguro may magtaka sa aking ipahalik sa sahig. Okay na yung ganito. Aba, ayoko namang malasahan ang sahig. Kadiri yun. Pangit lasa. Magpapaubaya na lang ako kay Sam kahit hindi kami bati. Hmp.

Tahimik lang kami pareho kahit hanggang sa Jeep. Pagkababa sa tapat ng bahay, ganoon pa rin. Kasama namin ang katahimikan. Naging Bestfriend pa yata namin. Pero ang akala kong kasama naming katahimikan ay aabot hanggang pagpasok sa bahay ay pagkakamali dahil pagka apak na pagka-apak ko sa sahig ng aming bahay ay saka ko siya narinig mag salita.

“Bakit ang tahimik mo naman yata kanina pa?” Hindi ko siya sinagot. Nagdire-diretso ako patungo sa kwarto nang may humawak sa aking braso. Alam kong siya yun. Kaya nga nagpumiglas ako, pero mas humigpit lang ang kapit niya sa akin. “Talk to me, Laura.”

“‘Wag mo nga ako kausapin. Galit ako sayo!”

“At bakit ka naman galit sa akin? Ni hindi ko nga alam kung may nagawa ako.”

“Aba, e, bakit ko sasabihin sayo?”

“Bakit nga?”

“Ayaw! Bitawan mo na nga ako at nang makatulog na.”

“Matutulog ka imbis na kumain?”

“Bakit ba? Hindi naman ako gutom. Bitawan mo na kasi ako!”

“Saka na kita bibitawan kapag sinabi mo sa akin kung bakit ka galit.”

Frustrated kong ginulo ang buhok. “Oo na! Ikaw kasi! Bakit mo pinakita kay Arlyn yung abs mo?!”

His forehead knotted. “Bakit naman hindi?”

“E, kasi nga, ayaw kong ipakita mo tapos ikaw naman ‘tong biglang nagpakita. Akala ko ba ayaw mo ng pinapakita ang treasure mo sa iba?!”

Mas lumalim ang gatla sa kanyang noo. “Teka nga, nag-seselos ka ba?”

Nanlaki ang aking mata. “Wala pa akong feelings sayo tapos mag-seselos agad?!”

“Malay ko ba kung nag-seselos ka nga at nagalit ka nang ipakita ko kay Arlyn abs ko.”

“Hindi nga! Ang tanong ko lang bakit mo pinakita?!”

“Wala nga lang. Masama ba? Isa pa, nadamay lang iyon dahil medyo maganda mood ko kanina.”

“At bakit ka naman good mood?”

He looked intently at me. Iba yung binibigay niyang titig kaya medyo naiilang ako. “You’re doing the it.”

“Anong ‘it’?”

“Moving on.” Kahit hindi kumpleto ang pagkakasabi niyang iyon ay naintindihan ko. Nawala rin ang isip ko tungkol kay Arlyn. Oh, moving on. Yun ba ang dahilan? Nakita niya akong nag iwas ng tingin at tumakbo palayo nang tawagin siya ni Arlyn kaya siya good mood? Kaya hindi na rin siya nag dalawang isip na hubarin ang damit niya dahil wala na sa kanya yon dahil iniisip niya ang moving on ko kay Qen?

Qen... bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Yung pagpunta sa bahay niya, sa pagka usap niya sa akin...

Marahas kong ipiniling ang ulo. Hindi. Hindi pwede ‘to. Bawal na. Bawal na yun.

2nd rule: ‘Wag siyang iisipin. Kapag inisip mo pa ay parang sinabi mong mas ma attach ka pa sa kanya.

“Gusto mo kumain? Luto ako carbonara.”

“May ingredients pa dito sa bahay niyo?”

“Meron pa ‘yan, syempre!” Hinatak ko na siya patungong Kusina. This moving on was a big challenge for me. Pero dahil sa nangyari kanina, at ang mga nakatalagang rule sa isip ko, masasabi kong mapapadali ang lahat. At pag sa oras na nakalimutan ko na ang feelings ko kay Qen...

Saka ko naman mamahalin ang isang Sam na masungit.



TWO weeks na bago ang Halloween Pageant Contest dito sa school. Marami nang nag de-decorate ng halloween thingy sa loob at labas ng Classrooms. Mas naging busy naman ang contestants at mga SSG’s. Matrabaho yun. Alam ko dahil minsan ay nakita ko si Vice na halos malaki na eye bags. At doon ko talaga naisip: Buti hindi ko naisipang mag SSG kahit na noon nando’n si... ehem.

As for me naman, sa isang linggong nakalipas ay mas pinursigi ko ang pag mu-move on. At hindi naman ako nabigo. Dahil ang 3rd rule ko sa sarili ang natupad. Nangyari yun nang utusan ako ng teacher naming ilagay sa table niya yung activities namin. Actually, hindi naman talaga ako nag volunteer na ipasa yun, eh. Si Ma’am talaga ang may kasalanan. Kung tutuusin, nananahimik nga ako sa gilid tapos bigla na lang ako tatawagin para i-collect at ipasa sa table niya yung papers. Nakakainis nga eh.

“Hala, Ma’am... bakit ako—” aangal na sana ako nang marami nang nagsi puntahan sa pwesto ko para ipasa ang activity. Sunod-sunod to the point na natabunan na ang harap ko. Hindi ko na tuloy makakausap pa si Ma’am!

“Ayan! Perfect score ‘yan for sure!” hagikhik naman nitong si Arlyn sa tabi ko. Hindi ko na nagawa pang pansinin dahil hinahanap ng mata ko si Ma’am.

Hindi ko na mahanap si Ma’am pero tanging narinig ko na lamang ang pagsasabi niya ng, “Ikaw na ang bahala mag dala ng mga ‘yan, Ms. Quinto. I’ll be leaving now for my next subject.”

Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong magagawa. Bibilisan ko na lang yung pagsagot sa assignment na hindi ko nagawa sa bahay. At saka mapag-ko-kopyahan naman si Arlyn. Pwede na.

Nang makitang wala nang nag papasa ng mga papel ay tumayo na ako at lumabas ng room. Pagkarating sa Office nila Ma’am ay hinanap ng mata ko ang kanyang table. Hindi naman ako nabigo dahil mabilis lang iyon makita sa bungad. Pagkalagay ay umalis na rin ako agad.

Habang naglalakad ay lumilipad ang aking isip. Sa mga oras na ‘to, ano kayang ginagawa ni Sam? Hanggang ngayon ni hindi ko manlang ang ginagawa nung panlibang dahil ni minsan ay hindi ko siya naabutang gumawa ng ibang bagay maliban sa paninitig sa malayo. O hindi naman, e, nagbubunot ng damo.

Sa lalim pala ng aking iniisip ay di ko namalayan ang taong makakasalubong ko. Hindi ko na sana mapapansin pa yun kung hindi ko lang nasulyapan ng tingin. Para naman akong nataranta pero pinilit kong kumalma. Hide, hide!
Sabi ko sa isip. Umiwas ka, girl! Remember: Rule number 3! Rule number 3!

Bago pa magtagpo ang landas namin ay nakakita na ako ng daan kung saan makakapag-iba ng aming direksyon. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala na siya sa daan.

3rd rule: As much as possible, wag hayaang mag-tagpo ang landas niyo. Hindi naman kayo katulad ng tadhanang nagtatagpo ang landas dahil meant to be. Nagtatagpo kayo dahil gusto kayong saktan. Charot. Basta iwasan mong mag-tagpo ang landas niyo!

Sa ngayon, ang 4th rule na lang ang hindi ko pa nagagawa, pero kung tutuusin pala, parang pwede ko naman nang tanggalin iyon. Imposible naman kasing mangyari ‘yon dahil bukod sa sobrang busy niya, iniiwasaan ko pa siya. Kaya totoong imposible, pero ano bang malay natin, ‘di ba?

“Sam, gusto mo gala tayo mamaya?” Untag ko sa kanya. Recess namin ngayon at buti tanging dalawa lang kamiang narito. Hindi ko kasi matitiis ang matinis at malantod na boses ni Arlyn pag nagkataon. Nakakarindi pa naman iyon.

Kita ko ang pag-kunot ng noo ni Sam sa aking peripheral vision. “Gala? Para saan?”

“Ngayon ko lang napansin at naiisip na wala ka pa pa lang alam na mga bagay na meron dito sa mundo namin.”

“I do already know a lot of things. Hindi na kailangan niyan.”

“Kahit na, hindi naman magiging sapat iyon, ano! Mas maganda kung in real life mo talaga makikita. At saka, you need to know more about what’s in this world.”

“Ano namang pinagkaiba ng pagkakatingin ko sa reality at imagination mo?”

“Kasi kapag sa reality mo talaga nakita, mas kumpleto sa feeling. Hindi sapat ang nakita lang sa imagination dahil parang kulang pa rin.”

“Pa’no mo naman nasabi iyan? Ibig mong sabihin, mas maganda ang mukha ni Qen sa reality kaysa ako na gawa sa imagination mo?”

“Ano namang kinalaman ni Qen dito sa pinaguusapan natin? Sabi ko, gala. Wala akong sinabing pag-usapan si Qen.”

“Sagutin mo na lang.”

Neknek mo, gusto mo lang marinig sa akin na mas gwapo ka kay Qen!

“Hindi nga kasi. Ano, sasama ka?”

“Mas gwapo nga ba siya?”

“Sasama ka nga?”

“Mas gwapo nga ba kasi siya?”

“Ano ba, Sam? Naman, e!”

“Sagutin mo muna tanong ko bago iyo.”

“Oo na, hindi! Hindi siya mas gwapo! Mas gwapo ka sa imagination ko. Kaya nga pinangalan ko sayo, Sam, ‘di ba? Coming from the word “handsome”?”

He smirked. Nang-aasar! “Yun naman pala, e.”

“Anong, ‘yun naman pala’?”

“Hindi na ako sasama. Sabi mo mas maganda sa imagination? E, di hindi na.”

“Hala ka, bwisit. At sino namang may sabi na pwede kang tumanggi?”

“Tinanong mo ako kanina kung gusto ko sumama so it means lang na it’s either tumaggi ako at pumayag. But I chose not to. Kaya anong sinasabi mong bawal tumanggi?”

“Para sa’yo yung gala tapos ako lang gagala? Aba.”

“Oh, e di, picture-an mo na lang.”

“Ay, pak. May mamahalin akong cellphone para picture-an, ano?” I said, sarcastically.

“Basta ikaw na bahala.”

“Sumama ka na lang kasi!”

“Katamad.”

Pipilitin ko pa sana siya nang may maalala. Napa face palm tuloy ako. Oo nga pala! Kaya ko siyang kontrolin. Bakit kailangan ko pang itanong sa kanya? Naman, oh. Bakit ba lagi ko na lang iyon nakakalimutan?!

“I don’t like that smile of yours,” litanya sa akin ni Sam. Kinapa ko ang labi at oo nga, nakangiti ako. Gano’n ba ka evil ang gagawin ko? Naku, hindi naman.

“Hehe. Kumain na lang tayo.” Nag-aalangan man ay tinuloy na lamang niya ang pagkain. Nang makatapos ay nagpaalam na ako sa kanya.

Pagdating naman sa room ay sinalubong ako ng makalat na kapaligiran. Maski ang board na ginamit sa last subject ay hindi pa rin nabubura ang nakasulat do’n. Wala bang Cleaners ngayon? Tinignan ko ang names ng Cleaners sa dingding. Hindi pa naman ako dahil bukas pa naman ako naka assign.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Bahala sila, sila naman ang mapapagalitan ni Ma’am, hindi kami. Maghanda na lang sila dahil iyon ang next subject namin ngayon.

“Hoy,” pagtawag pansin ko kay Arlyn pagkaupo. Nag-me-make up siya at hindi manlang matignan ang gawi ko. “Hoy, babae.”

“Ano?”

“Cleaners ka, lukaret. Mag linis ka. Bahala ka diyan, baka ikaw pa mapapaglitan ni Ma’am kapag hindi ka pa kumilos.”

“Bakit ako? Hindi ba pwedeng yung ibang ka cleaners ko na lang?”

“Bakit hindi ikaw? Ano ‘yon, hihintayin mo pa silang mag linis bago ka kumilos?”

“Oo.”

“Bahala ka diyan, ikaw din mapapagalitan ni Ma’am.”

“Kung gusto mo, ikaw na lang.”

“Hoy, bukas pa ako. Idadamay mo pa ako sa katamaran mo.”

“Basta, mamaya na lang ako mag-lilinis. Mag-uuwian na rin naman, e.”

“Bahala ka.” Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy sa pag make up. Hayaan ko na nga, siya rin naman mapapagalitan.

Hindi nag tagal ay dumating na nga ang Adviser na Science Teacher namin. Hindi pa niya mapapansin ang kalat kung hindi niya pa iyon naapakan.

“Ano ba naman ‘yan, Aqua. Napakadaming kalat. Ano, bumagyo? Hindi niyo manlang ba naisipang mag-linis? Nakakahiya sa mga past teachers niyo, ang kalat-kalat dito. Ay hindi naman porque wala ngayon ang President niyo hindi na kayo magkukusang mag-linis, ha.” Napalingon naman ang mata nito sa Board. “Oh, eto namang board, hindi manlang-” Ma’am frustratedly brushed her hair. “Cleaners, magsitayo nga.” Nagsitayuan naman ang Cleaners. Lihim akong natawa nang makita ang pagsimangot ni Arlyn. Ano, make up-make up ka pa diyan imbis na mag linis, ha. Pagalitan ka tuloy.

Patuloy na pinagalitan ni Ma’am ang Cleaners. Akala ko nga hanggang sa subject niya siya kaso umabot hanggang last subject. Inutusan kasi ni Ma’am mag linis ang Cleaners kaya medyo nagtagal at naubos ang time. As for our last subject, wala si Sir kaya ayun, ginamit yun ni Ma’am na time para mag-turo.

“Eto ang assignment niyo. Wag niyo kakalimutan,” sabi ni Ma’am nang marinig na ang bell. Nakahinga naman ako nang maluwag at uwian na rin sa wakas.

“BES, hala. Naiwan ko sa Classroom notebook ko!”

Nakakunot noong bumaling ako sa kanya. “Anong notebook?”

“Notebook ko sa Science. E, di ba may assignment tayo ro’n? Pa’no na ‘yan. Huhu.”

“Edi kumpoya ka sa akin tas gumamit ka ibang notebook tutal may reserba ka naman.”

“E, ayoko ng ganun. Gusto ko yun mismong notebook ko. At saka, nandun lahat ng lectures ko. Paano ka makakakopya sa akin, ‘di ba?”

“Parehas lang naman tayong di matalino kaya anong sinasabi mong hindi makakakopya sayo? Iba naman source natin.”

“E, basta! Gusto ko ng notebook ko na ‘yon.”

“E, bakit ba ako ang inuutusan mo, ha? Pwede namang ikaw na lang tas- hoy, ano ba!” Bigla niya na lang kasi ako tinulak patungo sa pinto. Hindi naman ako makapag pumiglas dahil di ko alam gagawin niya. Tapos bigla na lang niya akong tinulak palabas sa nakabukas na pinto. Pinilit ko muling makapasok pero hinarangan niya ang daan. “Ano ba?!”

“Di ka pa pwedeng pumasok hangga’t hindi mo naibibigay yung notebook. Bye!” Sinara na niya ang pinto. Ilang beses ko ‘yong kinalabog pero hindi niya pa rin binubuksan. If I know, pagsasamantalahin no’n ang pagkakataon na pakitaan siya ni Sam ng abs. Bwisit, talande.

Wala na akong nagawa pa. Dumiretso ako sa room namin. Wala nang katao-tao. Buti naman. Kaagad ko nakita ang notebook niyang nasa desk lang niya. Kinuha ko na iyon bago lumabas ng room.

Pabalik na sana ako ng kina Sam nang makita kong makakasalubong ko si Qen. May kausap siya kaya hindi niya ako napansing nasa harap niya. Hala, hindi pa pala siya umuuwi?! Omg! Hide, hide!

Kagat ko ang labi habang nag-iisip kung saan makakapagtago. Natataranta ako pero pinilit kong kumalma. Isip, Laura. Isip! Hindi makakatulong ‘yang pagkataranta mo!

Naisip kong magtago na lang sa bukas na Classroom ng hindi ko alam na section. Ganito, mag tatago ako dito hanggang sa tuluyan na siyang maka alis. Nakita ko siyang dumaan sa room na pinagtataguan ko. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang palaging nararamdaman kapag matagal siyang hindi nakikita. Nang makitang nakalagpas na siya, saka na ako umalis.

Pero ang bubungad pala paglabas ko ang gugulat sa pagkatao ko.

“Laura?”

Patay.

Continue Reading

You'll Also Like

32.5K 1.5K 50
This is set in modern times in a world where magic is the norm. Five teens are part of a rebel group who are trying to fight for hybrid equality.
5.5K 208 18
๐‘†๐‘ก๐‘Ž๐‘Ÿ๏ผ๐‘๐‘Ÿ๐‘œ๐‘ ๐‘ ๐‘’๐‘‘ ๐‘๐‘ฆ ๐‘“๐‘Ž๐‘š๐‘’ ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘“๐‘Ž๐‘ก๐‘’๏ผš When actress ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฒฬ๐—ฟ๐—ฒ๐˜‡ reunites with childhood friend ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—Ÿ๏ฟฝ...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.2K 457 200
More original poetry by me about life, struggle, hope, pain, good and bad. Anything that inspires me. None of these poems have ever been published be...