Hi, Stranger (EPISTOLARY)

By hanjhanjbeybe

252K 11K 1K

C O M P L E T E D ISANG ARAW, ANG LAKI NG GALIT KO SA MUNDO. GUSTO KONG ILABAS PERO HINDI KO ALAM KUNG PAANO... More

Unang Inis
Ikatlong Inis
Ikaapat na Inis
Ikalimang Inis
Ika-anim Na Inis
Ikapitong Inis
Ikawalong Inis
Ika-siyam na Inis
Ikasampung Inis
Ikalabing-isang Inis
Ikalabingdalawang Inis
Ikalabingtatlong inis
Ikalabing-apat na Inis
Ikalabinglimang Inis
Ikalabing-anim na Inis
Ikalabingpitong Inis
Ikalabingwalong Inis
Ikalabingsiyam na Inis
Ikadalawampung Inis
Ikadalawampu't-isang Inis
Ikadalawampu't Tatlong Inis
Ikadalawapu't-apat na Inis
Ikadalwampu't Limang Inis
Ikadalawapu't Anim na Inis
Ikadalawampu't Pitong Inis
Ikadalawapu't Walong Inis
Ikadalawampu't Siyam na Inis
Ikatatlumpung Inis
Ikatatlumpu't Isang Inis
Ikatatlumpu't Dalawang Inis
Ikatatlumpu't Tatlong Inis
Ikatatlumpu't Apat na Inis
Ikatatlumpu't Limang Inis
Ikatatlumpu't Limang Inis
Ikatatlumpu't Anim na Inis
Ikatatlumpu't Pitong Inis
Ikatatlumpu't Walong Inis
Ikatatlumpu't Siyam na Inis
Ika-apatnapung Injs
Ika-apatnapu't Isang Inis
Ika-apatnaput' Dalawang Inis
Ika-apatnapu't dalawang Inis (part 2)
Ika-apatnapu't Tatlong Inis
Ika-apatnapu't Apat na Inis
Ika-apatnapu't Limang Inis
Ika-apatnapu't Anim Inis
Ika-apatnapu't Pitong Inis
Ika-apatnapu't Walong Inis
Ika-apatnapu't Siyam na Inis
Ikalimampung Inis
Ikalimampu't Isang Inis
Huling Inis
PLEASE.

Ikalawang Inis

10.9K 295 25
By hanjhanjbeybe

A: Hi, Stranger. Nag-message ako ng madaling araw kasi naisip kong baka tulog ka na, hindi ka na magrereklamo, hindi mo na ko munurahin.
A: Alam mo ba nong 4th year Highschool ako, binu-bully ako ng mga kaklase ko.
A: At medyo nakatagpo lang ako ng kaibigan nung malapit nang mag-graduation.
A: Kaya lang naudlot pa rin.
A: Akala niya kasi ako ang nagkalat na may anghit siya, ako lang daw kasi ang nakakaalam nun.
A: Eh, wala naman akong pinagkakalat, Stranger.
A: Tapos kamalas-malasan pa, kagrupo ko siya sa Science.
A: Kasama sa clearance namin yung research paper namin sa Science.
A: Kaya lang yung mga kagrupo ko, nagalit sa'kin kasi nga raw pinagkalat ko na may anghit yung almost-new-found-friend ko, tsismosa raw ako.
A: Kaya ang nangyari, ako lang ang gumawa ng research paper namin.
A: Iyak ako nang iyak kapag ginagawa ko 'yun, kasi nga walang tumutulong sa'kin.
A: Tapos alam mo ba, palaging nag-aaway ang parents ko nu'n. Silent war, cold war, mas masakit pa sa pisikilan. Parang mas gusto ko pang magbatuhan na lang sila ng pinggan.
A: Tapos wala pa kaming computer no'n, kaya malamang, hindi rin ako marunong mag-computer, kaya nagre-rent lang ako sa labas.
A: Sa sobrang katangahan ko sa computer, hindi ko alam ang tab. Basta pindot lang ako ng pindot ng space hanggang mag-center. Hindi ko rin alam na may center, right align, at justified non.
A: Tapos kailangang mag-research, hindi naman ako marunong mag-google.
A: Basta wala akong alam.
A: Iyak ako nang iyak sa computer-an, punagsasarhan na nga ako minsan, eh.
A: Hanggang sa sinamahan na ko ng magulang ko sa computer-an para tulungan ako.
A: Astig nga, eh. Pansamantala silang nagkaayos sangalan ng research paper.
A: Ang alam kasi nila individual yun. Hindi ko sinabing by group.
A: Sandali Stranger, inaantok na ko.
S: Tangina binitin pa ko, o!
A: Bastos ka, ah! Nagma-masturbate ka habang binabasa mo chat ko?! At nabitin ka?! Walang halong kahalayan 'yang mga message ko tapos sasabihin mong nabitin ka?! Bastos ka, Stranger! Iheychu hanggang later!
S: ANAK NG TUPA NAMAN, O! NABITIN AKO SA KWENTO MO!! DUMI NG ISIP MO!!!
A: Ay hehe. Sorry na.
S: Ayan, nag-hehe ka rin. Puro ka hinanakit sa katawan, eh. Ituloy mo na kwento mo.
A: Bukas na. Inaantok na talaga ko. Goodmornight, Stranger!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 29.1K 51
One hot night to a total stranger. Ano ang gagawin mo kung ang isang mainit na gabi ay magbunga ng dalawang sanggol? Are you ready? To be a Mommy t...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
13.3M 747K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
5.4M 165K 39
Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas U...