- Still With You ● BTS Jungkook
now playing...
─────
Orio's POV
─────
"Hello girls baka gusto niyo i-try itong marriage booth?" tanong ko sa mga babae na dumaan
"huy diba crush mo yan si Orio"
"Kayong dalawa sa marriage booth girl bilis" sabi ng dalawang babae na pinagtutulukan ang kanilang kaibigan na lumapit sakin at akitin ako sa marriage booth na ako mismo ang nagsupervise
"Sorry Girls pero di ako pwede eh hehe since I'm the one who supervise it. Hanap nalang po kayo ng iba na pwede nyong isama sa marriage booth hehe" Nginitian ko yung babae na nagkakagusto sakin at ngumiti pabalik pero halata kong nalungkot siya
Luh jusko kailangan ako pa ulit manunuyo ng babae? Ganon. Hindi ko naman kasi nireject, sadyang... ayoko lang talaga since ako nagsupervise eh?
"No no no, HAHA I'm not rejecting you. Hindi lang talaga ako pwede ehe" sabi ko sa babae at nakitang nawala ang lungkot sa kanyang mga mata. I smiled at them. Bigla kaming nagulat ng may sumingit na babae
"Excuse me! Kami po sa marriage booth" sabi ng babae na hinahatak si Elixir? Habang si Elixir naman ay nakasimangot lang dahil pinipilit siya ng babae pumunta kung saan saan. Mukha ring pagod na siya maglakad at pagod na hinahatak o kinakaladkad siya nitong babaeng to kung saan saan.
"Ayoko please. Iba nalang please ayoko dyan" sabi ni Elixir sa babae na kinakaladkad siya. Tumingin su Elixir sakin para humingi ng tulong
"Uh..." medyo nataranta ako bigla kasi nga... si Elixir kanina pa hinihila ng babaeng to tapos hindi ko pa alam gagawin ko para matulungan si Elixir..
"Ay hehe, marriage booth is only for couples who are willing. Hindi po pwedeng pilitin ang taong ayaw naman sayo- I mean ayaw sa booth" muntik pa ako madulas.. baka mawala pa yung title ko na 'Campus Angel' ng wala sa oras
"Ayaw sakin?!" gulat na sabi ng babae na mabitawan ang kamay ni Elixir at sinamaan ako ng tingin. Mukha siyang babae na maarte actually. Red na red yung bibig, gaano ba kakapal na lipstick nilagay nito? o baka naman lumaklak ng liptint?
"Hindi naman po. Nagkamali lang ako-" sabi ko at nginitian ang babae kaso natigilan ng may magsalita pa.
"Oo ayaw sayo" sabi ni Neon sa babae. Masyado naman atang straight forward yun? Halata palang sa boses parang naiirita na siya sa babae. Kahit kailan talaga wala tong pake kung may masaktan siya sa mga salitang binibitawan niya.
Umalis bigla ang mga taong nakatambay dito sa booth nung dumating si Neon. Well, ganyan naman talaga eh.. takot ata mahampas ng tubo?
"Sino ka ba para sabihin yan?!" sabi ng babae na namumula dahil sa galit. Hulaan ko magagalit si Neon sa babaeng to. Kilala rin si Neon dahil sa anger issues na meron siya, mabilis rin mairita. Nilapitan ito ni Neon at ngumisi.
"Tapang mo rin noh? Actually Gusto ko yung mga ganyang babae, mga palaban" sabi ni Neon sa babae habang nakangisi kaya nagulat kami lalo si Elixir naman ay nagulat lalo dahil sa kinilos ni Neon sa harap ng babae na tinapangan at sinigawan siya.
"Ano? May gusto ka sakin?" tanong ng babae pero natigilan nang magsalita ulit si Neon
"Kaso ayoko sa taong masyadong desperada at feelingera" sabi ni Neon na biglang nagbago ang ekspresyon at malamig na tumingin sa babae na naguguluhan lang sa mga ipinapakita ni Neon na ugali.
"Alam mo rin naman sa sarili mo na... isang araw lang ang tagal niyo ni Elixir hindi ba?" sabi ni Neon at tumingin kay Elixir at pabalik sa babae
"Alam mo rin ang ugali ni Elixir. Kinabukasan may ibang babae na yang kasama and yet you're here, iniisip na talagang may KAYO ni Elixir" medyo nakaka offend naman ata yung salitang 'may ibang babae ng kasama'. Ewan, baka maoffend si Elixir o kaya yung babae
"Mukha kang tanga sa totoo lang HAHA" ani ni Neon at tinawanan ang babae na nagpipigil ng luha dahil napahiya siya sa harap namin. Tumingin ito kay Elixir at mukhang nanghihingi ng tulong habang si Elixir naman ay tiningnan lang ang babae ng malamig. Titingin sana ang babae sakin pero tumalikod nalang ako at nagkunwari na hindi nakinig sa pinag uusapan nila. Hindi nalang ako lumingon hanggang sa makarinig nalang ako ng sunod-sunod na mga yabag ng paa na parang natakbo ito palayo tsaka ako lumingon para tingnan ang babae na tumaktabo sa malayo.
Kasama sa pagiging campus angel ko ang pagtulong sa iba kaso mukhang hindi ko matutulungan yung babaeng yun ngayon dahil sang-ayon ako sa sinabi ni Neon... kaso medyo straight forward naman at siya
"Salamat Neon bro HAHA nahihirapan na ako dun sa babaeng yun kanina pa ako kinakaladkad eh" sabi ni Elixir na nagpagpag ng damit at tiningnan ng masama yung babaeng tumakbo at napabuntong hininga nalang
"Hindi ko naman ginawa yun para sayo eh. Ang ingay niya masyado ang sakit sa tainga." malamig na sabi ni Neon at nagsimulang magkalad palayo
"Hala... problema nun?" tanong ko kaya napakibit balikat nalang si Elixir at nagpatuloy na akong gawin ang dapat kong gawin. Tumalikod ako at inaayos ang mga gamit sa table ng marinig ko si Elixir magsalita.
"Since andito nalang rin naman ako. Orio may kailangan tayo pag usapan" ani ni Elixir, halatang seryoso siya kaya tumingin ako sakanya ng seryoso.
"Ano yun?"
─────
Harmonia's POV
─────
Naglalakad ako ng mapansin ko si Kisha na naka-Jasmine costume tapos si Stacy nakapang-Snow white sabay si Cassidy naka-casual lang.
Pinuntahan ko sila
"Bakit ganyan suot niyo?" tanong ko kaya napatingin sakin ang tatlo. Ngumiti sila sakin kaya nginitian ko sila pabalik. Andito ako para kausapin si Kisha tungkol sa plano pero curious rin ako kung bakit ganto suot nila.
"Well... mascot talaga ako eh HAHA habang si Stacy nagtry magsuot ng costume" paliwanag ni Kisha kaya tumango ako. Mukhang confession and wishing booth sila? since Jasmine suot ni Kisha HAHA
Uminom si Kisha ng tubig at si Cassidy naman may kausap na isa pang estudyante na babae at si Stacy may hawak na mic
"Oo nga pala Kisha puntahan mo si Neon at Scarlet" sabi ko at nagulat ito kaya sinamid. Habang napatingin naman si Stacy at Cassidy sakanya. Tinulungan ni Stacy si Kisha at si Cassidy naman ay ngumisi.
"HOY HOY HOY ANONG MERON HA? NAKIPAGBALIKAN KA NA BA? rupok mo naman, sayang mga advice ko sayo boang ka" panga-asar ni Cassidy kaya natawa si Stacy at si Kisha naman ay kinaway ang kamay para sabihin na 'hindi'
"Wait b-bakit kailangan ko puntahan si Neon? Pwede namang si Scarlet nalang puntahan ko eh tapos kayo nalang kay Neon." tanong ni Kisha kaya nginitian ko
"Yung plano natin diba? Si Tyco at Void pumunta na sila. Si Elixir sinabi na kay Orio. Ako na magsasabi kay Stacy at Cassidy. Ikaw na kumausap kay Neon at Scarlet" paliwanag ko kaya tumango ito. Si Cassidy naman at Stacy ay nagtakang tumingin sa amin.
"Pero bakit ako pa?" tanong ni Kisha at lumingon ka sa dalawa niyang kaibigan at binalik ang atensyon sa akin.
"Kasi sayo lang siya makikinig si Neon atsaka alam mo naman na masungit yun hehe kaya ikaw nalang please" paliwanag ko ulet kaya napabuga nalang ito ng hangin
"Sige... ako na kakausap sakanilang dalawa" sabi ni Kisha na tumango at umalis para hanapin si Neon
TO BE CONTINUED..
─𔘓────
A/N: HIII GOOD EVE! sorry bukas ko check if there are any wrong grammars and spellings since nagmamadali ako ngayon hehe