Battle of the Past (Seule Fil...

By 4rtserenery

123K 6.6K 1.7K

SEULE FILLE SERIES #01 [ COMPLETED : UNDEDITED ] Battle of the Past - a woman who has experienced trauma and... More

Battle of the Past
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Note

Chapter 2

2.7K 155 38
By 4rtserenery

Author's Note: Late update nawalan ako ng load hshshs,magu-update ulit ako tommorow!<33.

Sinisipag ako mag sulat beh. Enjoy Reading!:)

FAYE

Nasa tapat na ako ng pinto ng room pero hanggang ngayon nakatayo pa rin ako sa labas. Feeling ko kasi sa oras na pumasok ako sa loob may hindi magandang mangyayari sa akin.

Naalala ko tuloy yung ginawa kong pag-tuhod sa sa junjun niya kahapon, kamusta na kaya yung little kairus niya? Little daw kasi baka maliit.

Napailing ako sa mga naiisip ko.

Papasok ba ako o hindi? Kabado ako bente.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto, ang maingay na room... tumahimik ng pumasok ako. Napakagat ako sa labi ko at humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa pwesto ni Kairus, napalunok ako dahil sobrang sama ng tingin niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at dumiretso sa upuan ko. Bago pa ako maka-upo nagsalita ang katabi ni Kairus.

"Sigurado ako na alam mo na ayaw namin sa babae. Alam mo rin na hindi ka tanggap dito. Bakit pumasok ka pa?" Base palang sa pagsasa-salita niya, halatang ayaw niya sa akin.

Hinarap ko siya at ngumiti, "Sa tingin mo ba may pakialam ako? At sa tanong mo na 'Bakit pumasok ka pa?' natural papasok ako dahil nandito ako para mag aral."

Napa-pikit ako dahil may nagbuhos sa akin ng harina mula sa likod ko, tangina.

Narinig ko ang tawanan nila. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa dalawa na nakangisi sa'kin ngayon.

"Faye..." Rinig kong tawag sa akin ni Ethan pero hindi ko siya pinansin.

"Bakit kasi hindi kana lang umalis? Hindi ka naman bagay dito." Sambit ni Jake. Siya yung nagsabi sa'kin na mukha akong aso. Oo alam ko na ang pangalan niya, sinabi sa akin ni Ethan kahapon. At yung isa namang nagsabi na mayabang ako, si Ryuu.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil binato nila ako ng itlog. Nakagat ko ang labi ko dahil sa inis.

Pinunasan ko yung mukha ko at hinarap sila. "Bakit ako aalis? Ito ang section ko, wala lang pinaalala ko lang baka kasi hindi niyo alam o kaya nakalimutan niyo."

"Bawal ka dito. Hindi ka tanggap dito. Umalis kana lang." Sabi ni Dwayne na nakatayo malapit sa pintuan, nasa gitna pa talaga ng daan ah. Oo kilala ko na siya dahil nagtanong ako kagabi kay Ethan, magkachat kasi kami kagabi. Paano ko nalaman itsura ni Dwayne? Sinend niya picture ni Dwayne kagabi. Ewan ko ba nagulat nalang ako in-add niya ako sa facebook, silang dalawa ni Trace. In-add pa ako sa gc ng section knight kaso nilait lait lang naman ako ng mga hunghang.

Naka-follow pa silang dalawa sa akin sa lahat ng social media accounts ko, pati tiktok. Pero syempre hindi papayag si Ethan na hindi sila nakafollow back sakin.

"Hindi ko hinihingi ang opinion mo." Hindi ko alam kung bakit siya minahal ni Ellaine, ugali palang wala na. "Ex boyfriend ka ni Ellaine diba?" Natahimik siya sa tanong ko, natigil din ang kapwa niya hunghang sa pagbato sa'kin ng itlog at pagbuhos sa'kin ng harina dahil sa tanong ko.

Hindi ko na alam ang itsura ko dahil sa ginawa nila sa'kin. Mukha na siguro akong white lady na may design na itlog.

"A-Ano naman sayo?"

"Kissing other girl in front of his girlfriend? Cheating on his girlfriend? Oh, really?" Natatawang sambit ko. Paano ko nalaman? Tinanong ko si Amelia tungkol dito, kung bakit sila nag break na dalawa.

Ngumisi siya. "Why? You want me to kiss you too?"

Playboy nga.

"Try, then." Gulat na napatingin sa'kin ang mga hunghang at mas lumapad naman ngisi niya, naglakad siya papalapit sakin pero napatigil din sa sunod kong sinabi. "Try to kiss me and I will break your neck." Dugtong ko.

Napalunok siya at umatras. "Ano naman sayo kung may kahalikan akong ibang babae sa harap ni Ellaine? Ano naman sayo kung nagloko ako sa kaniya? Ni hindi niya nga maibigay ang gusto ko. Walang kwenta ang mga kaibigan mo, walang kwenta si Ellaine. Alam mo bang malalandi ang mga kaibigan mo? Baka nga pati ikaw malandi rin katulad ng mga kaibigan mo." Nakangising sabi niya.

Nakatingin silang lahat sa'kin at mukhang naghihintay sila ng sasabihin at gagawin ko sa gagong 'to.

Muli kong pinunasan ang mukha ko at kinalma ang sarili ko. Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit, galit dahil sa pinag-sasabi niya tungkol sa mga kaibigan ko na wala namang katotohanan.

Natawa ako ng bahagya, aktong magsasalita siya ng bigla ko siyang sinalubong ng sampal, na kinagulat niya... nilang lahat.

Napatayo ang mga hunghang maliban sa dalawa na nakupo pa rin at seryosong nakatingin lang sakin, narinig ko pa ang singhapan ng ibang hunghang dahil sa ginagawa ko. Mukhang hindi nila inaasahan ang ginawa kong pagsampal sa kaniya.

Ibang usapan na 'to tangina. Mga kaibigan ko na ang pinag-uusapan dito. Malandi? Nahiya naman ako sa mga chixs niya.

"Alam mo yung ayoko sa lahat? Yung binabastos at pinag-sasabihin ng masama ang mga kaibigan ko na wala namang katotohanan at katuturan sa mismong harapan ko. Okay lang sana kung ako lang pero hindi e, dinamay mo pa sila. Bastusin at pagsalitaan mo na ako ng masama pero wag lang ang mga kaibigan ko." Sambit ko at sinampal ulit siya pero sa kaliwang pisngi naman.

Ayan! Pantay na.

Lumapit sa'kin si Ethan at Trace para pigilan ako. "Faye, tama na." Wika ni Ethan sakin pero dahil literal na matigas ang ulo ko hindi ako nakinig at nagpapigil.

"Malandi ba kamo? Grabe hiyang hiya naman ako sa mga babae mo, 'no? Hiyang hiya akong gago ka! Sa sobrang hiya ko gusto ulit kitang sampalin. Tangina mo gago mas malandi ka! Hoy Alvarez! Tandaan mo 'tong araw na 'to, ha? Sa susunod na bastusin at pagsalitaan mo ng masama ang mga kaibigan ko, 'wag sa mismong harapan ko! At siguraduhin mong hindi ko maririnig dahil baka hindi lang sampal ang abutin mo sakin. At baka sayo naman ang matuhod kong gago ka. Tabi!" Sigaw ko sa kaniya at binangga siya sa balikat, pero dahil ako si Faye Katherine Allister hindi ako nakontento at tinulak siya dahil haharang harang siya sa daanan ko.

Anak 'to ng mafia boss kaya kilalanin mo binabangga mo.

Umalis ako sa room at nagtungo sa cr ng girls. Buti nalang walang mga estudyante dahil baka pagtinginan ako dahil sa itsura ko. Feeling ko talaga mukha akong white lady ngayon na may itlog! Ginawa nila akong pancake.

Pancake na naglalakad.

Natawa ako sa mga kalokohang nasa isip ko. Ganito ba talaga kapag binuhusan ka ng harina at pinag-babato ng itlog? Ngayon ko lang naranasan 'to.

Oo nga pala nakapagmura na naman ako, sabi ko hindi na ako magmumura e! Mukhang mapapadalas ang pagmumura ko dahil sa mga 'yon.

Ayaw sa babae pero mukhang madami silang girlfriends. Lahat yata sila mga babaero. Except kay Trace at Ethan, mukha namang matino yung dalawa.

Pagkapasok ko sa loob ng cr, pumasok ako sa isang cubicle para magpalit ng uniform buti nalang may extra ako, naligo na rin ako.

Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa salamin para makita ang itsura ko. Ayan! Malinis na, maganda na ulit ako.

Napatingin ako sa relo dahil nag ring ang bell, mukhang recess na. Ilang oras ba akong naligo?

Napakamot ako sa ulo ko at inayos ang gamit ko bago lumabas ng cr. Agad akong dumiretso sa cafeteria dahil paniguradong hinihintay na ako ng tatlong bruha.

Pagpasok ko sa cafeteria napangiwi ako dahil ang haba ng pila sa counter. Napanguso ako pero ngumiti din ka-agad dahil paniguradong inorderan na nila ako ng pagkain hehehe.

Hinanap ng mga mata ko yung tatlong bruha. Agad akong lumapit sa kanila dahil nakita ko na sila sa may dulo. Pero naningkit ang mga mata ko dahil malapit lang ang table ng mga hunghang sa table namin.

Wow naman.

Nakabusangot kong pinagpatuloy ang paglalakad ko papunta sa tatlong bruha, nadaan ko ang lamesa ng Section Knight pero hindi ko sila pinansin kahit alam kong sinundan nila ako ng tingin. Mabali sana leeg nila.

"Bakit nakabusangot ka?" Natatawang tanong ni Amelia pagka-upo ko sa tabi niya.

"Wala. May nakita kasi akong tarsier, nasampal ko pa nga. Mag asawang sampal ang ginawa ko sa tarsier, para pantay. Kawawa naman kasi kung isang pisngi niya lang sasampalin ko, diba?" Sambit ko.

Gulat akong tiningnan ng tatlo pero ako kinuha ko lang yung chuckie at binuksan, at sinimulang inumin.

"Kawawa naman. Bakit mo sinampal?" Malungkot na tanong ni Ellaine.

"Ang pangit niya e." Ngumuso ako.

Rinig ko ang tawanan ng ibang hunghang. Mga chismoso.

"Ano bang ginawa sayo ng tarsier?" Nakangiwing tanong ni Stacey.

"Wala naman. Nairita lang ako kaya sinampal ko." Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanila at nagpatuloy sa pagbabasa ng wattpad book na hawak ko habang umiinom ng chuckie at kumakain ng fries. "Ellaine suggested ko lang ha? Sa gorilla kana lang pumatol, pero yung matinong gorilla ha." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Ayoko nga." Nakasimangot na aniya.

"Ayaw sa gorilla, pero pumatol sa tarsier." Bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala."

"So, nasaan yung tarsier na sinampal mo?" Natatawang tanong ni Stacey.

"Nandito sa cafeteria. Kasama yung ibang gorilla at yung ibang kalahi niyang tarsier." Simpleng sagot ko.

"Bakit may gorilla?" Takang tanong ni Amelia.

"Dalawang uri sila e. Yung iba gorilla at yung iba naman tarsier. Okay lang namang magsama sama sila, dahil pare-pareho lang naman silang pangit. " Narinig ko ang pag ubo ng mga hunghang kaya napatingin ako sa kanila at literal na tumaas ang kilay ko dahil ang sama ng tingin nila sa'kin lalo na yung dalawang akala mo pinaglihi sa sama ng loob.

"Eh, bakit sinasabi mong sa gorilla nalang ako pumatol?" Tanong ni Ellaine.

"Wala lang. Baka lang naman gusto mong i-try. Pumatol ka nga sa tarsier, sa gorilla pa kaya." Syempre binulong ko lang yung huli kong sinabi... mahirap na.

Sumimangot lang siya.

Nakarinig kami ng ingay na parang may nahulog, tray yata 'yon. Napatingin kami sa gitna ng cafeteria, may nagkakagulo doon.

Napatingin ako sa dalawang nakaupo, isang babae at lalaking nerd, tumingin naman ako sa apat na babaeng nakatayo sa harap nila, mukha silang clown lalong lalo na yung babaeng parang leader nila, mas mukha siyang clown.

"Grabe talaga si Chloe." Naiiling na sambit ni Amelia kaya kumunot ang noo ko. Chloe? Sinong Chloe?

Lahat ng atensyon namin nasa kanila, literal na tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ng babae na parang leader, siya yata si Chloe.

"Tingnan niyo ang ginawa niyo sa uniform ko! Alam niyo bang mahal pa 'to sa buhay niyo?" Sabi ni Chloe habang nakayuko at tiningnan ang uniform niyang natapunan. "Oh, kayong kambal pala. Magkapatid na basura at magkapatid na magnanakaw. Wala na ba kayong manakawan?" Natatawang tanong ni Chloe pagktapos niyang i-angat ang tingin niya sa dalawang nakaupo sa sahig.

Chloe × Clown. Bagay hehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
157K 10K 40
WANNAN LABARI NE DA WASU BANGARE YA FARU A GASKE. BAN CANJA SHEKARUN YARINYAR BA KO ALAKA BA,AMMA NA CANJA SUNA, SANNAN BABU SUNAN GARI DA KUMA ANGU...
36.8K 2.5K 36
Lynn Lesly Ocampo,a probinsyana girl who always been confused at the mystery of her family,will do anything to solve it even if she have to be the on...