I Have A Sugar Daddy

By asterovenia

6.1K 285 23

If loving you means hurting, then I'm happy to suffer in pain, forever, my lover. A story written by: asterov... More

I Have A Sugar Daddy
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
Epilogue
Special Chapter

19

164 11 0
By asterovenia

“Don’t cry, everything's gonna be alright.” sabi ni Song at hinigpitan niya ang pagkahawak ng kamay ko habang nakasakay kami sa elevator papunta sa floor kung saan si Tom and Isabelle.

Nanginginig na ako dahil kanina pa nagpabalik-balik sa isipan ko yung sinabi ni Isabelle sa akin. Nahimatay si Tom at sabi ni Isabelle ay inasikaso na siya ngayon ng doctor.

Nakita namin si Isabelle na nakatulalang nakupo lamang sa upuan na nasa labas ng room. Napatingin siya sa amin ni Song at ngumiti ng bahagya. Tumayo siya at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at umiyak siya.

Bakit?

Ano ba talaga ang nangyari?

“What happened?” tanong ni Song sa kaniya. Kumalas siya ng pagkayakap sa akin at pinahid yung luha niya. Napaupo siya sa upuan at nakatulala lang para bang nawawalan na siya ng pag-asa.

Hindi nga ako makapaniwala na makita siyang masasaktan ng ganito except nong araw na namatay yung kasintahan niyang si Rico.

Ako naman ay nagpipigil lang ng luha. Kailangan kong mag-isip-isip ng mga magandang bagay para pasayahin ang sarili pero hindi ko kaya. Napaupo rin ako sa tabi niya.

“Diyan lang kayo, bibili lang ako ng pagkain.” sabi ni Song. Hindi kami sumagot ni Isabelle at nakatulala lang kaming dalawa. Napansin siguro ni Song na wala kami sa mood kaya napabuntonghinga naman siya at umalis.

Sa ngayong kami nalang dalawa ay tahimik lang kami. Akala ko nga na hindi niya ako kakausapin pero nagulat ako nong napangiti siya at nagsalita.

“He's my bestfriend for almost 6 years and hindi ko alam kung paano ko matatanggap sa oras na mawawala na siya.” aniya. No, hindi mawawala si Tom.

“Lumaki akong may mahirap na buhay doon sa America kasama ang aking ina dahil matagal na rin akong walang ama at alam mo kung paano kami nagkakilala?” she smiled while reminiscing those memories of them. Hindi ako nagsalita at nananatili na lamang na nakatulala, nakikinig lamang ako sa kaniya.

“Isa akong waitress doon sa America at si ina ay isang janitress sa paaralan kung saan kami nag-aaral ni Tom. Bali classmate kami.” aniya. Napalingon naman ako sa kaniya na ngayon ay nakasandal lang sa sandalan ng upuan habang nakatitig sa sahig.

“Binubully ako dahil nga sa isang janitress ang mama ko pero dumating si Tom upang iligtas ako. Doon kami nagkaclose. Hindi naman kasi yan friendly dahil sa tuwing may kumaibigan sa kaniya, may kakalat na issue na dahil lang sa pera, kinaibigan siya.” sabi nito. Napalunok ako. I felt bad and sad for Tom.

“He's really a good guy. I admit it, I like him kaya nga diba sinundan ko siya sa bahay niyo kaya humingi ako ng tawad kung napaselos ka namin. Sinabi niya naman sa akin na magkaibigan lang talaga kami at okay na ako non at isa pa, nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa tuwing nakikita kang tumatawa. Sa part na iyon, talong-talo na ako.” she said. Napalunok naman ako. Naalala ko naman ang ginawa ko kay Song kanina.

“Hindi natin madidiktahan ang oras, alam kong alam mo ang kalagayan ni Tom kaya sana huwag mo siyang iwan.” she started to cry. Ako rin. Kinagat ko ang labi ko dahil ayokong umiyak ng malakas. Napakasakit na ng puso ko lalo nang marealize kong bilang nalang ang mga panahon na nandito si Tom.

Natahimik ulit kaming dalawa hanggang sa dumating na si Song dala-dala ang pagkain. Wala akong gana pero pinilit niya ako. Sinusubuan pa nga niya ako kaya naiilang ako. Napatingin naman si Isabelle sa amin at napangiti nalang ng bahagya.

“Kayo na?” tanong niya bigla kaya natigil ako. Naramdaman ko ang pag buntong hinga ni Song. Napatingin ako sa kaniya at bigla naman siyang umiwas.

“We're friends.” sabi ni Song. Napatango- tango si Isabelle at nagpatuloy na kumain hanggang sa lumabas na ang doctor. Si Song na ang kumausap at tumingin lang kami sa reaksyon ni Song. Nakita ko ang pagngiti ni Song pero hindi masaya kundi may bahid na lungkot ito. Alam kong hindi maganda ang resulta.

Lumapit na si Song sa amin.

“He's okay right now. Natutulog lang.” aniya. Napatingin ako sa relo ko and it's already 12:00 midnight. Gusto kong manatili rito.

“Sa tingin ko kailangan nyo nang magpahinga” dagdag oa ni Song. Napatingin naman ako kay Isabelle na ngayon ay nakatulog na. Napangiti naman ako.

Thank you, Isabelle.

“Ihatid mo na si Isabelle sa apartment niya.” sabi ko. Napakunot naman ang noo niya kaya napangiti ako ng bahagya.

“Mananatili ako rito. Gusto kong manatili sa tabi niya.” sabi ko napatitig si Song sa akin na nag-alala. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

“I'm okay.”

“Are you sure?”

Tumango ako kaya napabuntong hinga siya at hinalikan niya ang noo ko. “Keep safe. Good night.”

Ginising niya naman si Isabelle. Sinabi ko na rin na ako na muna ang magbabantay kay Tom at buti nalang ay pumayag siya. Napabuntonghinga akong tumingin sa kanika habang naglalakad na paalis. Hinarap ko ang pinto ng room kung saan nandon si Tom. I'll be okay.

Pumasok na ako at nakita ko siyang mahimbing na natutulog umupo ako sa kama at pinagmasdan siya. Looking at him like this makes me suffer in pain. Hindi ko kayang makita siyang ganito pero ano ang gagawin ko? Mahirap kalabanin ang sakit at mas lalong mahirap kalabanin ang panahon.

Hindi ko pa kayang bitawan siya. Marami pa akong mga bagay na hindi ko nagawa sa kaniya. Kailangan pa naming tuparin ang mga plano naming dalawa kapag kami ay kasal na. Kailangan na mangyari iyon.

Hinawakan ko ang pisngi niya at hindi ko maiwasang maiyak. Pinisil ko ang kamay niya at umupo na sa upuan na katabi lang ng kama.

“Love, don't leave me like this... Be strong...” sabi ko hanggang sa nakatulog na ako. Sa pagtulog ko, may tumulong luha sa mga mata ko. Ang sakit lang.

Nagising lamang ako dahil sa may biglang humaplos sa buhok ko. Halos mataranta naman ako nang makita ko si Tom na nakaupo na ngunit namumutla parin siya. Napaiyak na naman ako.

“Hey, Panny, don't cry. I'm okay—”

“Ayan ka na naman e, kahit hindi ka okay, sasabihin mong okay ka lang. Huwag ganun, Tom.” sabi ko at pinahid ang luha sa pisngi ko.

“I'm sorry.” sabi niya at napabuntonghinga.

“I missed you so much.” aniya kaya napatitig ako sa kaniya. “Pasensya na ah? Nagkita tayong ganito ang kalagayan ko” sabi niya at umiwas ng tingin. Kumirot ang puso ko. Ang makita siyang nanghihina ay ang kahinaan ko. Bakit ba kasi ganito? Wala na ba talagang pag-asang gamutin yang puso niya?

“Time flies too fast but it doesn't change the fact that my heart only wants you.” aniya at ngumiti. I gulped. Same, siya naman palagi ang mahal ko.

“Kung naniniwala ka paring ako ang pumatay—”

“No, hindi ako naniniwala.” agad na sabi ko para putulin ang sinabi niya.

“Thank you.” he said at nanghihina niya akong niyakap at hinalikan ang pisngi ko. Damn, I miss him so much.

“Let's date.” aniya bigla kaya nagulat ako. Nababaliw na ba siya? Hindi maayos ang kalagayan niya tapos yan pa ang naisipan niya? Kailangan niyang magpahinga.

“Kailangan mo munang magpahinga ng 5 weeks. Kailangan mong magpahinga.” sabi ko ngunit ang ngiti sa labi niya ay unti-unting nawala. Bakit? Anong nangyari?

“Can I have a wish?” tanong niya sa akin napalunok ako at napatango.

“5 days of dating, please.” sabi niya at ngumiti. Iniisip ko palang na may iba na itong kahulugan, durog na durog na ang puso ko. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang ako kaniya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko.

Ayoko. Ayokong 5 days lang. Gusto ko araw-araw.

“Stefanne...”

“Okay, 5 days of dating.” I smiled.

May pumasok na doctor para icheck ang kalagayan niya kaya naisipan ko munang maghintay sa labas. Itinext rin ako ni Song na pupunta siya dito para dalhan ako ng pagkain. It's already 9:36 in the morning and hindi pa ako kumain.

“Gumising na siya?” tanong ni agad ni Song nang dumating siya. Tumango ako at tsaka kinuha ko ang ang pagkain. Doon na ako sa loob kakain. Sabay na kami ni Tom.

“I need to go, may cases akong aasikasuhin.” he said. Tumango ako at nagpasalamat sa dala niyang pagkain. I know that Song is very tired and naglaan parin siya ng oras para sa akin. I salute and thank him for that.

Nang makalabas na ang doctor pumasok na ako. Kailangan lang daw muna ng pahinga ni Tom dahil baka aatakihin na naman ito kapag masyado niyang pinapagod ang sarili niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Inilabas ko ang pagkaing dala ni Song at pinakain ko siya.

“Kumain ka din” sabi niya pero agad akong umiling. Gusto kong siya muna ang papakainin ko, gusto kong alagaan siya. Dahil unang-una, napagbintangan ko siyang pumatay ng mga magulang ko. Pangalawa, hindi ko pa nagawa ang mga ganitong bagay dahil hindi siya papayag. Gusto niyang siya ang gagawa sa akin ng mga ganito. Pangatlo, kahit ngayon man lang, kahit sa konting panahon, magagawa ko ang mga bagay na hindi ko nagawa dahil kapag dumating ang panahon na wala na siya, siguradong pagsisisihan ko ang lahat.

“Make sure you'll eat.” aniya habang nginunguya ang pagkain. Ngumiti naman ako at tumango. Pinahiran ko naman ang bibig niyang may kalat. Alam kong titig na titig siya sa akin. Kinikilig na sana ako ngayon pero ang makita siyang ganito ang kalagayan niya, para bang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko.

“Love...” pagtawag niya sa akin kaya ay napatingin ako sa mga mata niya. Mga mata niyang pagod na pagod na at mga labi niyang namumutla. Damn, hindi na ganito ang Tom na nakilala ko noon. Malusog ang Tom ko noon pero ngayon, hinang-hina na.

“Let's watch a movie.” sabi niya at napatango ako ng bahagya. Simula na ang limang araw. Limang araw na gusto kong maging taon. Ayoko ng araw lang, gusto ko ng mahabang panahon.

Kinuha ko ang cellphone ko at naghanap ng magagandang movie and end up sa isang action movie. Nang magstart na ang movie, hindi ko maiwasang lumingon sa kaniya na seryosong nakatingin sa cellphone. I gulped. Hindi siya mawawala, sigurado yun. Kailangan kong mag-isip ng positibo.

Hindi ako nakapagfocus sa movie dahil bigla akong nakatulog at nagising lamang dahil sa may naramdaman akong may nakatitig sa akin. Nang tinignan ko siya ay bigla siyang napangiti at ako naman ay nataranta. Dumudugo ang ilong ni Tom.

Kumuha ako ng tissue tsaka ay dahan-dahang pinahiran iyon. Naramdaman ko ang nanghihina niyang paghinga.

“Stefanne...”

“Hmm?”

“Can I have a favor?” tanong niya. Kinakabahan ako sa magiging favor niya. Naramdaman ko lang na masakit ang pabor na hihingiin niya.

“Smile for me,” he said. Natigil ako anmt napayuko. Sa tingin niya ba makakangiti ako kung nasa ganitong kalagayan siya? Syempre hindi.

“I'll smile if you'll promise that you'll fight. Be strong,” I said. He gulped pero agad naman siyang ngumiti at tumango.

“Of course, magpapakasal pa tayo,” nakikita ko sa mga ngiti niya ang hindi kasiguraduhan.

“I really want to live with you and build a family with you but...” hininto niya ang kaniyang sasabihin at pinisil niya ang aking kamay.

“Fate doesn't want us to be together—”

“Tom, huwag kang magsalita ng ganyan!” agad kong sabi. Nasasaktan ako, ngayon pa nga lang kami nagkaayos tapos ganito pa.

“Stefanne, listen...”

“No...”

“Lalaban ako hangga't kaya ko pa” he said kaya nagsimula na namang tumulo ang luha ko. I don't think that it'll be easy fo me to let him go like this, marami oa akong gustong sabihin sa kaniya. Marami pa akong mga bagay na gusto kong siya ang kasama na gumawa ng mga bagay na iyon.

“Kaya mo, naniniwala ako sa iyo.” sabi ko agad kahit na masakit sa puso ko. Hindi ko makikita ang kinabukasan ko na wala siya. Lahat ng plano para sa kinabukasan nandon siya kaya sana naman bigyan pa siya ng mataas na panahon.

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya iyon sa dibdib niya. Mabagal ang pagtibok nito. “Nararamdaman mo ba yan?” nanghihinang tanong niya sa akin. Dahan-dahan akong tumango.

“Ang sakit na nyan, pero kahit ganun ikaw parin ang palaging pipiliin nito,” he said. Hindi ako nagsalita at nanatili lamang nakayuko habang yung kamay ko hawak ng malalamig niyang kamay na ngayon ay nilagay niya sa dibdib niya.

“You know how much I love you, right?” napatango ako. “Kaya nga diba, pumunta ako sa Pilipinas? Nag-aral pa nga ako ng Filipino language dahil gusto kong makipag-usap sa iyo gamit ang wika niyo.” aniya at bahagyang natawa.

“Kaya ito lang ang hiling ko sa iyo...”

I bit my lower lip and gamit ang isa kong kamay ay pinahid ko ang luha na nasa pisngi ko bago ako tumingin sa kaniya.

“Smile for me. You don't have to say a word, just smile for me. Make me happy as long as I'm here. Stay by my side until the day comes...” he said. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Hinayaan ko nalang na dumaloy sa pisngi ko. Mas mabuti na iiyak ko nalang to kesa pipigilan ko pa, napakasakit na e.

Nawala na nga ang mga magulang ko kaya wag naman sana si Tom.

Pagkatapos ng aming kuwentohan, dumating na ang oras ng pananghalian. Nagpaalam lang ako saglit sa kaniya na lalabas lang ako saglit  para bumili ng makakain.

Habang namimili ako ng pagkain sa isang karenderya, napatinhin naman ako sa matatandang magkasintahan na sa tingin ko ay nasa 80 na ang edad nila. Napangiti ako dahil kahit na ganun, ang sweet parin nila.

Kung bibigyan ng mahabang panahon si Tom, siguradong aabot kami sa ganito.

“Iha, umiiyak ka ba?” tanong ng tindera kaya napangiti ako habang pinahid ang luha sa mga mata ko. Umiling ako sa kaniya at kinuha na ang sukli.

Nang bumalik ako roon sa room niya ay halos mabitawan ko ang pagkain buti nalang ay naalala kong oara ito kay Tom.

Nasa loob ang doctor ngayon habang inasikaso si Tom na inatake na naman sa puso. Napaupo ako sa upuan at tsaka ay hindi ko mapigilan ang umiiyak. Ayokong makita siyang ganito. Ang sakit. Di ko kaya.

Nasa labas lang ako ng isang oras at pumasok lang nong tinawag na ako ng doctor.

“Ikaw ba ang guardian?” tanong ng doctor. Napalingon naman ako kay Tom na ngayon ay natutulog na ng mahimbing napalunok ako at tumingin kay doc. He smiled at me.

“I know that you're his lover. Do everything you want while he's here.” sabi ni doc kaya napayuko ako at naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. Sure na talaga? Hindi na mababago? Daratimg ba talaga ang panahon na iyon? Paano na ang aming nasimulan? Ibaon nalang ba sa limot lahat? Malapit na ba talaga ang katapusan?

Ang daya naman ng oras, hindi na ba talaga mapipigilan?

Napalingon ako kay Tom na ngayon ay payapang natutulog. Lumapit ako sa kaniya at titigan lang siya. Hinawakan ko ang kamay niya at napaiyak.

I hate this.

Ang mawalan ng mahal sa buhay na wala namang magawa para mapigilan ito.


Continue Reading

You'll Also Like

51.8K 632 51
Buong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking p...
565K 19.2K 144
Read and find out...
17.5M 423K 26
Nobody can forget their first kiss. Even if you were only 6 years old. Especially when the person who kissed you was your older brother's bestfriend...
3.7M 106K 70
Alexandra Grace, the best nurse in New York is asked to relocate and work full time for the young multi-millionare named Ace. Ace Anderson is an arr...