Melting You Softly (Student S...

Oleh maysique

134K 6.2K 4.7K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... Lebih Banyak

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 43

1.6K 76 10
Oleh maysique

Chapter 43

"Does it still hurt?"

Umiling ako at niyakap nang mahigpit si Baba habang nakasubo sa bibig ang lollipop na bigay niya. Nasa backseat kami ng sasakyan niya habang naka-park sa labas ng McDonald's. I wanna go with him inside to buy food and coffee but my feet were aching so he massaged it.

Nasa kabilang dulo siya nakaupo at nakasampa ang mga paa ko sa kanyang hita habang nakasandal ako sa pintuan. His jacket was hovering my legs to cover it up.

"I brought your slippers just in case since you always wear high heels whenever you go to a club. You want to wear it instead?" he asked, hands still on my toes and ankle.

I nodded. Maingat niyang ibinaba ang mga paa ko mula sa kanyang kandungan. Kinamot ko ang ulo at umayos ng upo.

"Talikod," utos niya na sinabayan pa ng pag-ikot ng daliri at paglapit sa aking tabi.

I shifted in my seat to comply with his order. Hinawi niya ang buhok ko sa balikat at sinimulang suklayin gamit ang mga daliri.

Tinanggal ko ang lollipop sa bibig. "When's our anniversary?"

"You've already asked me that several times. First of August."

"Just wanna make sure you're not really a doppelganger." I sucked the lollipop again. "But when is our anniversary?"

"Eleftheria Isra," banggit niya at bahagyang hinila ang buhok ko. "Isang tanong mo pa..."

Lumabi ako at pinaglaruan ang lollipop sa loob ng bibig gamit ang dila.

"Axasiel isn't suplado. You sound suplado kanina pa." I glanced at him over my shoulder. "Galit ka po?"

Hinigpitan niya na ang buhok ko at ipinatong sa kaliwa kong balikat. Kinapa ko ang buhok mula sa pagkakatali pababa sa dulo nito. Hindi siya sumagot kaya naman nilingon ko na.

His arms slithered around my waist until they settled between Baba and my stomach. He sighed and planted a dainty kiss on my shoulder blade, sending short tickles to the back of my neck.

"No," he breathed. "But I was really upset when you didn't tell me that you'd go there. You know that you don't have to ask for my permission, Izzy. I just want to be informed that my girlfriend is out so I won't be worried sick."

I let out a shaky breath when he drizzled me with shallow kisses while delicately drawing circles on my belly with his fingers.

"I'm... sorry," were the only words I could say.

He stopped kissing my bare skin. "Did you have a good time?"

Kinagat ko ang aking labi sa lambing at rahan ng boses niya. Para akong kinikiliti sa bawat haplos ng hininga niyang tumatama sa balat ko.

I shook my head. "I just went there for Harley. And uh... I just had a few drinks."

Lumingon muli ako sa kanya kahit nakatalikod. He pressed his lips on my temple and laughed quietly.

"Few drinks? Sigurado ka po?"

Tumango-tango ako. Mas lalo siyang humalakhak kaya sumimangot ako. Ipinatong ko ang isang kamay sa kanyang hita at tumingala nang kaunti para matingnan siya nang maayos sa mga mata. Lalong naningkit ang tingin niya sa akin dahil sa sagot.

"I want you to have a good time when you hang out with your friends," he said. "Just let me know that you're out with them next time, please..."

Tumango muli ako. His gaze from my eyes descended to my mouth. He let his head droop until his lips touched my bumpy cheek where the candy inside my mouth stayed.

Ngumiti siya at hinila na ang jacket na nakapatong sa aking mga hita. He assisted me to wear it even though I could do it on my own. Yumuko siya sa may gilid ng upuan para kunin ang dala niyang mabalahibo kong tsinelas.

I beamed when it made me comfortable to step on. Tuluyan na kaming lumabas ng sasakyan niya habang yakap ko pa rin si Baba. Wala naman siyang sinabi at hinawakan na lang ako sa baywang habang papasok kami sa loob ng kainan nang tumigil ako sa paglalakad.

"Axasiel... there's a tornado in my stomach," I told him in a low voice.

I thrust Baba into his chest and ran at one corner outside the store. Yumuko ako at humawak sa dalawang tuhod nang biglang bumulwak ang mapait na likido sa bibig ko. May humawak sa balikat ko at humagod sa aking likod habang patuloy akong nagsusuka.

Tears were brimming in my eyes when I uncurled myself. Pinunasan ko ang bibig gamit ang braso ng jacket na suot bago kinuha si Baba kay Axasiel.

"Okay ka na po?"

Tumango ako at hinila ang laylayan ng damit niya. Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin para punasan ang aking noo.

"Axasiel..."

"Hmm?"

"Nadura ko 'yong lollipop."

"Kuha tayo ulit sa sasakyan mamaya."

Hinila ko ulit ang damit niya. "Axasiel..."

"Hmm?" He was chuckling.

"I want a spider."

"Spider?"

Tumango muli ako. "I want a spider as pet."

"You're arachnophobic, Izzy." Sabay pitik niya nang mahina sa noo ko.

"Am I?"

"Yes. Come on. Let's buy you a coffee."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Pagkapasok namin sa loob ng Mcdo ay dumiretso muna kami sa restroom. Isahan lang iyon at may lababo na sa loob kaya doon ako naghilamos at nagmumog. I used the tissue to dry my face before I stalked out of the restroom.

"Axasiel, your cap is missing," puna ko nang ngayon lang napansin iyon.

"Wala akong dala," sagot niya at hinawakan na ako sa braso.

Kinuha ko si Baba sa kanya at hinalikan iyon. Patagilid ko siyang tiningnan at naabutan siyang nakataas ang kilay na nakamasid sa akin.

"You're not even wearing a hoodie or jacket. Your outfit is incomplete. But I like your white shirt. You always look clean and neat." I smiled.

Ngumiti siya at ipinatong ang kamay sa ulo ko. "Cute naman ng lasing."

I shook my head. "Nooo. I already wash my face so—" Napatigil ako sa paglalakad at namilog ang mga mata. "Oh! Nakalimutan natin si Harley! Should we buy a dog for a pet? No. Let's just adopt some dogs, please? Any dog is fine!"

Inakbayan niya ako at bahagyang tinulak para makapaglakad. I looked at him hopefully until we stopped at a vacant table. He pulled the chair and almost forcefully let me sit.

"We will if you'll be a good girl now."

"I'm a good girl," sabi ko pagkaupo.

He bent down, planting his palm on the table and his other hand tucking some loose hair behind my ear.

"Do you want to eat something else aside from coffee?"

Tumulis ang nguso ko at napalingon sa katabing mesa. There were two identical kids in there with an elder woman, probably their mommy. Nang makita ang Happy Meal box sa mesa nila at ang nilalaro ng dalawang batang babae ay itinuro ko iyon.

I returned my eyes on him and he was pressing his tongue in his cheek. Mula sa itinuro ko ay lumipat muli ang tingin niya sa akin bago siya tumango.

"I want the meal with chicken and fries. Also, don't forget the chicken fillet sandwich and sundae, too..." Tumingin ako sa itaas at nag-isip. "Iced French Vanilla Coffee for my drink and oreo cheesecake, please."

"Alright."

Pinaupo ko si Baba sa katabing upuan at sumandal sa kinauupuan. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napunang kahit madaling araw ay marami pa ring tao. Karamihan ay nakagrupo at may mga nakalabas na laptop habang nag-uusap.

"Psst!"

My head swung in the direction of the identical kids. Ngumiti ako at kumaway sa kanila nang ipinakita nila ang maliit na laruan mula sa kanilang Happy Meal. I noticed that the elder woman was gone in their table.

"Where's your mommy?"

"She went to the restroom," sagot ng isang nakataas ang ponytail at itinuro si Baba na katabi ko. "Your banana is so big."

Kinuha ko si Baba sa upuan niya. "His name is Baba. He's two years old. How about you?"

"I am Marika, and she's Mariko," she answered and pointed at her sister who was silent. "We are both five years old."

"How much is your Baba? Where did you buy him?" sa wakas ay tanong ng tinawag na Mariko.

"I don't know. Axasiel bought it for me. Do you want to hold Baba?" I offered.

"May we?"

Ngumiti ako at tumango bago iniabot sa kanila. In exchange, they let me borrow their Happy Meal toys until their mommy came back from the restroom. Nakaalis na sila nang dumating si Axasiel at nakumpleto ang pagkain ko.

I clapped when I got the Barbie toy from the Happy Meal before I pushed the box across him and took the chicken fillet sandwich, sundae, oreo cheesecake, and coffee.

"That's yours," sabi ko habang itinuturo ang box. "I only want the toy."

I unwrapped the sandwich and removed the chicken fillet before passing it to him again. Sinimulan kong kutsarain ang sundae at ipinalaman sa tinapay bago kumagat. I smiled when I saw him watching me with seemingly amused eyes.

"Happy?"

Tumango-tango ako kay Axasiel. Habang hawak sa kaliwang kamay ang ice cream ay kinakain ko rin 'yong oreo cheesecake. He was only eating the chicken fillet I gave him when he leaned on the table to mop the side of my mouth with a tissue.

Kumuwit ako sa kinakain at inilapit ang tinidor sa kanya. Nang kainin niya iyon ay saka ko inilapit ang platito sa kanya. Umawang ang labi niya habang mabagal na ngumunguya nang makita ang ginawa ko.

I simpered. "You like it. So, it's yours na rin."

"I didn't say..."

"Ayaw mo?" Napawi ang ngiti ko.

"I didn't say I don't like it."

I waited for him to finish the food except the one in the Happy Meal box. We decided to give it out to some homeless man we'd encounter later. Hindi ko na rin naubos ang kape kaya ibinigay ko rin sa kanya.

"C-L-A-Y GO, C-L-A-Y GO," I chanted while we were cleaning the table, although it wasn't that messy. "Let's do the CLAYGO, CLAYGO."

Tumayo ako at kinuha na si Baba nang natapos para makaalis na.

"Izzy, your Barbie toy."

"Oops!" I giggled and snatched it from his hand.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakauwi noong gabing iyon. Basta paggising ko kinaumagahan, wala na naman akong kasama sa bahay. Napakamot ako sa ulo habang chine-check ang alarm kong nakapatay na bago binasa ang mga chat sa gc namin.

I slumped in the bed again for a few hours and only got up before lunch to prepare our food.

Habang naghihintay sa niluluto ay tinawagan ko si Axasiel. Mayroon siyang ilang message na hindi ko na-reply-an kanina dahil antok pa. I wonder if he had enough sleep? Maaga pa naman ang pasok niya at anong oras na rin siguro kami nakauwi.

Dadaanan ko na lang muna siya sa pinapasukan niya para ibigay ang lunch niya. Wala kasi ang program na kinuha niya roon sa UdLAT kaya nagkahiwalay na rin sila ni Raghnall ng unibersidad.

Kumunot ang noo ko at ilang beses tinawagan ulit si Axasiel pero hindi niya iyon sinagot. I shrugged my shoulders and just typed a message for him that I'll bring him his lunch.

Natapos na akong maligo, magbihis, at maghanda ng pagkain nina Ral at Axe nang makatanggap ako ng tawag sa kanya. I was all smile when I answered his call only to sulk upon hearing his news.

"I'm sorry, Izzy. Naka-silent ang phone ko nang tumawag ka dahil nasa klase pa ako. Katatapos lang din naming kumain nang nabasa ko ang text mo."

I squashed my nose and glanced at the gracefully arranged food lunch for him. My garlic butter scallops are sure mouth-watering. Tumikhim ako nang tinawag niya muli ang pangalan ko.

"Ayos lang. Hindi ko pa naman nahahanda..."

"Meron pa po ba?"

"Siyempre," matabang kong sagot.

"Puwede mo pong dalhin mamaya? Kaunti lang naman ang kinain ko ngayon kaya magugutom din ako ulit mamaya. I'll eat it an hour before our appointment with our dentist."

My beam brought back to my face after what he said. Galak na galak akong inayos ang mga pagkain namin bago tuluyang umalis ng bahay. I contemplated for a minute if I'd use my car and ended up commuting again.

Pagdating sa UdLAT ay hinatid ko muna ang pagkain ni Raghnall. Bilang naman sa mga daliri ang mga kaklase ko sa room namin nang makapasok ako. Dapat ay last sem namin iti-take ang Pumuwesto ako sa row kung saan nakatapat ang aircon para magpalamig. Napalingon ako kina Atienza at Damien sa may likuran, maingay habang nakatutok sa kanilang telepono at halatang naglalaro ng ML.

"Atienza! Duo kayo?"

"Ha? Oo!" sagot niya habang abala pa rin sa paglalaro.

"Sali ako. Trio tayo..."

"Sige, wait—ay puta sabi kasing retreat na!" Hinampas niya ang mesa at ginulo ang buhok. "Napakabobong nilalang!"

I wasted my time playing with them until Seth, Mason, and Steffy arrived to fill in the room with their loudness. Si Aaron, as usual, ang madalas na huling dumating kung hindi ako.

"Vien, baka naman walang prof o hindi papasok si Sir?" si Seth. "Ako na ang bababa!"

"Hoy, pabida, huwag!" tutol agad ni Aaron. "Hintayin natin hanggang twelve-thirty. Kapag wala pa, alisan na agad!"

"Sige, sige. Kapag wala pa si Sir ng twelve-thirty, uwian na. Kapag pumasok siya at 'di tayo naabutan, sabihin natin sa susunod na akala natin wala siya. Thirty minutes na 'yon, e."

"Ba naman 'yan, sayang paglaba ko ng uniform!" si Steffy habang nakasimangot sa tabi ko at hinuhubad ang coat.

"E 'di isuot mo hanggang sa bahay niyo mamaya," sabi ko at tumawa habang naglalabas ng Pocky box sa bag.

"O kaya gamitin mo bukas. Hindi naman halatang hindi lalabhan." ani Mason. "Wala rin namang aamoy sa 'yo."

"Weh, inaamoy mo nga ako lagi." Umirap si Steffy.

Aaron slapped her desk. "Bili ka na kasi sa akin ng pabango."

Tumawa si Seth sa tabi niya. "Nakahanap na naman ng pagkakataon para mambudol. Ipagpatuloy mo 'yan."

"Hindi pa nga ubos 'yong akin. Ayan oh, si Izzy ang bentahan mo at maraming pera 'yan."

I was munching my stick biscuit while offering it to them when Aaron's plausible stare and smile locked on me. Napaungol ako at halos iuntog ang noo sa mesa.

"Ay! May bagong labas ako, bakla! Amoy baby cologne! 'Di ba mahilig ka sa amoy baby? Bili ka na, dali! Abot hanggang kabilang buhay ang amoy!"

Nagtawanan sila habang nagtutulungan na bentahan ako ng nasabing pabango. Dinadahilan pa na ako ang mas mapera sa amin! Anong maraming pera? Ubos nga lagi allowance ko kakakain at lakwatsa.

At talagang dala pa nga niya ang mga binebenta. May tester pa. Sinubukan kong lagyan ang pulso bago amuyin iyon at napataas ang kilay. In fairness, amoy baby nga. It reminded me of Axasiel.

"Magkano?"

"220 dapat pero dahil kaibigan kita, 200 na lang! Malaki na 'yan, ah. May pouch pa!"

"Sure kang pangmatagalan 'to hanggang kabilang buhay?" Kahit alam kong hindi.

"Oo nga. Oil-based 'yan kaya matagal din talaga."

I snorted and slid out my purse from my bag. Aaron made a triumph dance while wagging the money up his head. Sabay-sabay naman na nag-ayusan sa upuan ang mga kaklase ko nang padarag na bumukas ang pinto.

Napahawak pa ako sa dibdib at napabuga nang marahas nang makitang si Atienza lang pala iyon.

"Gago, akala ko si Sir!" sigaw ng kaklase ko.

"Kape pa," sabi niya habang tumatawa at inililibot ang paningin sa paligid. "Asturias, Fernando, San Diego... sumama kayo sa akin sa office ni Dean. Ngayon na raw."

Namilog ang mga mata ko at bumalik ang kaba sa dibdib. Idagdag pa ang mga pananakot ng mga katabi ko.

"Lagot ka, Izzy. Baka nalaman nilang ikaw 'yong nakasira ng bidet sa first floor?" si Seth.

"Hala, oo nga! Pero paano nila nalaman? Tayong lima lang naman ang nakakaalam no'n, ah?" eksaheradang sambit ni Steffy.

"O baka may nagsumbong na umaakyat ka sa rooftop?" dagdag pa ni Aaron.

"Or she was caught using drugs?" bulong ni Mason sa amin.

I gritted my teeth and raised my middle finger quickly. Humagalpak sila sa tawa at hinampas pa ni Steffy ang kamay ko nang tumayo ako sa upuan. Sumunod na sina Danica at Damien kay Atienza kaya binilisan ko na rin ang lakad ko palabas.

I don't think it's because I've done anything wrong. Kasama namin si Danica, e. She's very bright and kind, and she has no records of any form of offense. Hindi tulad naming tatlo na may record na.

Napapitlag ako nang maramdamang may gumapang sa braso ko. Si Danica lang pala!

"I think it's about the international internship," bulong niya sa akin.

My lips parted. "You mean, for our internship next sem?"

She nodded and smiled. "But I'm not fully sure. I just heard that Damien and Atienza also applied for an international internship. I really want to have this internship, Izzy."

Nanlamig ako lalo. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong naging yelo sa loob ng napakalamig na opisina ng dean matapos ngang ibalita na isa kami sa mapapalad na natanggap sa mga nag-apply ng international internship sa Singapore!

"I highly encourage you to take this as your biggest opportunity in your last term in college. This will create a substantial credential in your resume when you apply to work after graduation..."

The dean persuaded us by elaborating on the advantages of taking this internship while my mind was buoying somewhere in Narnia. The three got accepted in one of the hotels here in the Philippines, so they still have other options if they won't take this international internship. While I'm here... still waiting for the last choice aside from this.

It's a paid internship. Bukod sa sagot ng university ang plane ticket at one-month allowance namin, may matatanggap din kaming transport at house rent allowance mula sa kumpanya na ilalaan para sa mga intern nila. Maliban sa mga hindi nabanggit, sagot na namin ang lahat.

Considering not every OJT or internship have this kind of benefits, the offer is practically tempting and agreeable. Naalala kong sinabi ni Mama na noong internship niya, wala talaga silang bayad sa training at allowance lang nila ay one-hundred pesos kada araw. 'Yong iba, wala talaga kahit allowance.

Bago kami umalis sa office ay ibinigay sa amin ang letter galing sa Harlton Hotel at ang waiver na kailangan ng pirma ng parent o kahit sinong guardian.

"Kailan nga raw ang alis? Next, next week, Saturday na, 'no?" si Damien habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Paano pala 'yon, e, December na no'n. Puwede kayang umuwi rito kung sakali?"

"Uh, puwede naman siguro iyon," sagot ni Danica sa dalawang lalaki. "Sagot nga lang siguro natin ang pamasahe sa araw na 'yon?"

Tahimik lang akong nakikinig sa diskusyon nila. Alam naman ng magulang ko kung saan ako nag-apply kasama na rin itong para sa international internship.

The problem with me is: I counted my chickens before they hatched. I was optimistic that I'd get an internship in at least one of the three local hotels I've applied for before our second sem starts. The international one is the least of my expectation to get through.

Alam naman ng mga magulang ko ang tungkol sa mga in-apply-an ko. In fact, Mama was the one who encouraged me to apply for the international one. Hindi ko naman inaasahan na kung ano pa ang hindi ko inaasahang makuha ay iyon pa ang ibibigay sa akin.

This is yet to be my last option. May isa pa naman akong hinihintay. I hope it will bring me good news.

"Izzy."

Napabalik ang tingin ko kay Axasiel na nasa harap ko at kumakain ng dala kong lunch para sa kanya. Napansin kong ubos niya na pala iyon at inililigpit niya na ang pinagkainan. Guilt crept in my chest.

"I'm sorry. What were you saying?" I licked my lip. "Sorry. I was just thinking of something."

Nagtagal ang titig niya sa akin na para bang hinahalukay niya na ang utak ko para malaman ang iniisip. Sa huli, ngumiti siya nang tipid.

"Thank you for the food. It was palatable, as always. That was what I said."

Mas lalo akong nakonsensya. He had probably said something aside from that, but I was only physically present but mentally absent. My shoulders sagged. I was so awful.

"Hey..." tawag niya at gumapang ang kamay sa mesa para abutin ang kamay ko. "You can always tell me what's bothering you, Izzy. I'll listen, alright?"

Sa lambing ng boses niya at sa maunawaing ugali niya, pakiramdam ko ay gusto kong maiyak kahit wala namang nakakaiyak. He gave me a reassuring smile and nod with a tender squeeze on my hand.

"Axasiel..."

"I'm all ears," he said attentively.

"Alam mo namang... may hotel internship kami, hindi ba? Tulad noong second year kami?"

"Yes," he replied at once.

Tumikhim ako at ibinaba ang tingin sa kamay naming magkahawak. He was caressing the back of my palm and knuckles with his thumb. I don't want to look him in the eye because I'm ashamed that I am probably not efficient enough with my skills so I got rejected by two big hotels.

"Hindi ako natanggap sa dalawang hotel na in-apply-an ko. 'Yong isa, hinihintay ko pa ang resulta." I paused and contemplated for a bit. "Tapos kanina... ibinalita sa amin na..."

Napaigtad ako at nabawi ang kamay sa kanya nang tumunog ang phone ko na nakapatong lang sa sementong mesa kaharap ko. He motioned me to answer the call first.

"It was an unregistered number," I told him. " I don't usually answer this, e."

Nilahad niya ang kamay sa akin. I reluctantly gave it to him. Once glance on the screen and he thumbed it to the right. Tumikom ang bibig ko habang pinapanood siyang ilagay iyon sa kaliwang tainga, nakatingin din sa akin.

"Hello?" he greeted politely and held his voice for a moment. "She's here, Ma'am. I'll give the phone to her now. Thank you."

Pinandilatan ko siya. I mouthed, "Who's that?" and he smiled while giving back the phone to me, covering the mouthpiece.

"It's about your internship application at Fairmont Hotel."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

85.4K 2.1K 110
G3 series #2 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 i'm not rapunzel but i'll let you pull my hair, baby. wanna try?
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
27.3K 2.2K 35
Victoria Maxenne Villanueva, a 'go-with-the-flow' woman who was contented with what life threw at her, but there was this man named Zack William Hiso...
42K 2.5K 125
[EPISTOLARY] A painter with a motto of 'study first'. A guitarist and also a procrastinator. Due to COVID-19, face-to-face learning was prohibited an...