Maghihintay (On-Going)

By Aimeesshh25

762 39 0

Handa ka bang maghintay para sa isang taong wala namang kasiguraduhan? Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam ku... More

Maghihintay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24

Kabanata 13

9 1 0
By Aimeesshh25

Kabanata 13

Tahimik na naming binaybay ang daan pauwi sa kanila. Nagyaya na kasi siya kanina at may pasok pa nga raw bukas. Pumayag na naman ako dahil kanina pa siyang humihikab.

Panay ang sulyap ko sa kaniya at napapangiti ako pag nakikita siyang pinipigilan ang antok. Hawak niya ang natirang pagkain namin kanina.

Tumunog ang cellphone ko at may reply na roon si Gray. Hindi ko muna iyon binuksan at pinatay muna ang data. Tiningnan ko ang oras at 9:54PM na pala pero bakit hindi ako inaantok?

Nilagpasan namin iyong kanto kung saan kami binaba ni Papa kanina kaya nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Ihahatid kita roon sa daanan malapit kina Calli."

"Huh? Wag na, Jett! Mapapalayo ka pa." Lumingon siya sa may kantong iyon at kunot na kunot ang noong ibinalik ang tingin sa akin.

Natawa ako. "Ayos lang, Navi. Saka hindi ako mapapanatag kapag doon kita inihatid."

"Sigurado ka ba?" Sinilip niya pa ang mukha ko kaya natatawa akong tumango.

"Oo nga.." kinagat ko ang dila.

"Malayo iyon dito. Sige, ituturo ko na lang."

Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagd-drive. Natanong ko na ito kay Gray kanina at sinabi niyang diretsuhin ko lang daw itong daan na ito at pag may nakita akong waiting shed na kulay yellow tapos may daan na malaki, iyon na raw iyon. Papasok iyon at malapit kina Calli.

Nakahanda na si Navi at pasilip-silip na kaya natatawa talaga ako. Hindi ko lang pinapahalata at baka magalit siya. Malayo nga ang daanan na ito bago namin narating. Nakakainis lang na kung saan pa maayos ang daan iyon pa ang malayo. Bakit hindi nila ayusin ang tulay doon?

Naiinis na naman tuloy ako kaya kinalma ko ang sarili at baka mataasan ko ng boses si Navi.

"Malapit na tayo, ipasok mo na lang sa loob." Aniya na titig na titig sa unahan.

"Hmm, sige." Tumango ako kahit alam ko naman.

Ibinaling ko na ang sasakyan papasok sa daan sa tabi ng waiting shed. Hindi na maputik at sementado ang daan na ito.

"Dahan-dahan ka, Jett. Baka may biglang sumulpot na bata."

Nangilabot ako. "B-Bakit? May multo ba rito?"

"Huh?" Salubong ang kilay na lumingon siya sa akin. "Hindi ko alam. Pero hindi naman siguro mawawalan."

"Ibig sabihin, may multo nga rito? May bata?"

Humalakhak siya. "I mean baka may mga batang naglalaro pa at baka mabangga mo."

Tumango-tango naman ako kaya nagfocus ako sa pagmamaneho. May nadaanan pa kaming malalaking bahay na wala ng nakatira.

"Lomian 'yan dati kaso sinara noong may pinatay diyan." Pagsasalita ni Navi habang nakatitig sa malaking bahay na iyon.

Sandali ko lang 'yong sinulyapan at hindi na muling nilingon! Pakiramdam ko may babaeng nakatayo sa gilid at handa akong sakmalin!

Shit, Navi. Bakit ba sinasabi niya pa ito?

"Malapit na ba tayo kina Calli?"

Lumingon siya sa akin. "Malayo pa."

Tumango ako at nagfocus ulit. Muntik na akong panawan ng ulirat nang may puting pusang nakakapit sa may baging.

"Fuck!" Gulat kong inapakan ang preno.

Napakapit si Navi sa upuan at natatawang lumingon sa akin. "Pusa lang 'yon, Jett. Kumalma ka nga!"

Umakma siyang bubuksan ang pinto nang pigilan ko. "Saan ka pupunta?!"

"Titingnan ko lang kung nasagasaan mo." Nagtatakang sinabi niya at hindi ko na napigilan pa.

Dire-diretso siyang lumabas at tiningnan ang unahan ng kotse. Nagthumbs-up siya sa akin at may sinilip-silip pa roon.

Ayaw pang pumasok! Talaga naman ang babaeng ito.

Ibinaba ko ang bintana. "Pasok na."

"May tao yata." Nagtatakang sinilip niya pa iyon pero nangilabot na ako kaya lumabas na rin ako ng kotse at hinila siya.

Gulat naman siyang nagpahila sa akin. Binuksan ko na ang pinto sa front seat at pinapasok siya. Umikot ako sa sasakyan at pumasok na sa driver seat.

"Sa susunod nga, wag ka ng kung saan-saan sumisilip." Iritadong wika ko. "Seatbelt mo."

Napakurap-kurap siya at kinabit na ang seatbelt. "May titingnan lang naman ako.." mahinang sinabi niya.

"Gabi ngayon, Navi. Baka mamaya may mga siraulong tambay diyan!"

Ngumuso siya kaya kumalma ako. Nakakainis!

"Sorry.."

Hahays. Alam na alam talaga nito kung paano ako pakakalmahin e.

Ngumuso ako at nilingon siya. "Hindi ka na lalabas ng basta-basta huh?"

"Oo na." Salubong na naman ang kilay niya. Hanep talaga. "Pusa lang naman iyon e."

"Eh bakit kasi nakakabit sa baging? Tarzan ba siya?" Inis na ani ko nang muling maalala ang pagkagulat ko.

Humalakhak siya at lumingon sa akin. "Takot ka ba sa mga multo?"

Hindi ako nagsalita kaya lalo siyang tumawa. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil natatawa rin ako.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagmamaneho. Patingin-tingin si Navi sa paligid at wala naman akong magawa. Ayokong tumingin 'no kaya diretso lang sa una ang mga mata ko. Tumigil na kami nang matanaw ko ang bahay nila Calli. Bukas pa ang mga ilaw noon. Hanggang dito na lang kasi ang kalsada.

Navi looked at me. "Salamat sa paghatid. Kahit nakakagulat itong pagsundo mo. Salamat din sa pakain." Tinaas niya ang kamay, napaatras ako. Nangunot ang noo niya. "Tatapikin kita, baliw ka ba?"

"Uh.." nakamot ko ang batok.

Tumawa siya at tinapik ang balikat ko. "Salamat, Jett? Itetext kita mamaya huh?"

"Huh? B-Bakit mo ako itetext?"

"Tatanungin ko kung nakauwi ka na. Malayo pa naman itong dadaanan mo, saka mag isa ka na lang na dadaan doon sa dinaanan natin." Nag-aalalang aniya kaya imbes na mangilabot ako sa takot ay nangilabot ako sa kakaibang dahilan.

Shit, ang OA ko na ah? Nakakainis naman.

"Paano, una na ako? Umalis ka na rin para hindi ka gabihin." Inayos niya ang bag at inabot sa akin ang supot. "Ito, hawak ko pa pala."

"Sa 'yo 'yan."

"Huh?" Tumingin siya roon. "Hindi pa naman ito marumi.."

Nairita na naman ako. "Binili ko 'yan, sadya para sa 'yo."

Batid kong nagulat siya kaya hindi ko na dinagdagan. "Ah! Ganoon ba? Okay, sige! Salamat." Nakamot niya ang ulo at takang-taka na tumingin sa akin.

Kinalas ko na ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Baka kung ano pa ang maisip ni Navi, matalino pa naman iyon. Umikot na ako sa puwesto niya at pinagbuksan siya.

Tumingin siya sa akin at lumabas na. Sinarado ko ang pinto at tiningnan ang dadaanan niya.

"Malayo ba ang inyo rito?"

"Medyo." Sagot niya at inayos na ang bag. Unconsciously, tinulungan ko siya sa pag-aayos. "U-Uh, salamat."

Tumango lang ako. Humarap na siya sa akin at tinitigan ako. Nilabanan ko iyon kahit gusto ko nang umiwas ng tingin.

"Mag-iingat ka, Jett. Salamat ng marami." Ngumiti siya sa akin.

Kumalabog ang dibdib ko at parang nangatog ang tuhod ko. Kinailangan ko pang humawak sa kotse para mapanatili ang tayo.

Pinaikot ko ang dila sa loob ng bibig at tumango sa kaniya.

"Mag-iingat ka rin, Navi."

Tumango siya at tumalikod na. May kakaiba akong naramdaman habang pinapanood siyang maglakad palayo sa akin. Nilingon ko ang kotse at ang susi na hawak ko.

Shit talaga.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at agad na sumunod sa kaniya.

"Navi!"

Napalingon siya sa akin at biglang nanlaki ang mga mata. "Oh? Bakit? May nakalimutan ka?"

"Ihahatid na kita."

Natigilan siya at umayos ng tayo. "Hindi na, Jett. Kaya ko naman na. Umuwi ka na."

"Huh?" Nilingon ko ang daanan at medyo madilim doon. "Ihahatid na kita, kahit sa malayo lang."

"Jett." Kinabahan ako nang dumiin ang pagtawag niya sa akin. "Umuwi ka na, masyado ng gabi."

Ngumuso ako at pasimpleng tinadyakan ang kawawang bato sa gilid ko. Napatingin siya roon.

"Hindi nga ako makakatulog ng ayos.." mahinang sinabi ko.

Napamaang siya. "B-Bakit?"

Naipikit ko ang mga mata. Shit! Bakit nga ba, Jett ah? Bakit hindi ka makakatulog?! Gagi.

"K-Kasi hindi kita nakitang nakauwi ng ayos. Syempre kaklase kita.."

Nanliit ang mga mata niya at ipinakita ang cellphone sa akin. "Magtetext ako sa 'yo kapag nakauwi na ako. Alam ko naman ang number mo at alam ko rin ang fb at ig account mo." Tinagilid niya ang ulo. "Okay na?"

"O-Okay." I sighed. Ano pa nga ba? Parang batas itong si Navi at bawal suwayin. "Magtext ka agad huh?"

"Oo sige." Tinitigan niya pa ang kabuoan ko bago tumalikod pero agad kong hinila ang braso niya. "Jett?" Gulat na tawag niya.

Hinubad ko ang suot na hoodie, nagulo pa ang cap ko sa ulo pero sandali ko lang na inayos. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang ginagawa iyon.

Inabot ko iyon sa kaniya. "Suotin mo."

Nalaglag ang panga niya. "S-Sure ka?"

"Oo. Bakit?"

Tiningnan niya ang mga kamay at may mga hawak iyon kaya napangiti ako.

Simple lang naman magsuot ng hoodie tadhana. Ano ba.

Lumapit ako sa kaniya at bahagyang inalis ang sukbit niyang bag. Isinukbit ko muna iyon sa akin bago ko siya seryosong tiningnan.

"Isusuot ko sa 'yo ah?"

"Okay." Kibit-balikat niya.

Kinagat ko ang dila at dahan-dahan na isinuot ang hoodie sa kaniya, malamig ang braso niya dala ng hangin. Nakapikit siya nang makita kong muli ang mukha niya kaya napangiti na naman ako.

Feeling ko talaga ay kinikilig ako. Yeah, fuck.

Inayos ko rin ang suot noon sa dalawang braso niya at hinila ko pa ang kamay niya para mas maayos. Palihim ko siyang sinulyapan at parang wala naman sa kaniya itong ginagawa ko. Napanguso ako. Ako lang yata ang ginagawa itong big deal.

Inayos ko pa ang buhok niya bago ibinalik sa kaniya ang bag niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago tumango sa akin. "S-Salamat. Ibabalik ko ito bukas."

"Okay lang kahit hindi na. Isuot mo na lang kapag umuuwi ka."

"I-Ibinibigay mo ito sa akin?"

"Oo. Marami pa naman ako sa bahay. Gusto mo pa?" Nakangiting tanong ko.

Hindi siya nagsalita kaya inayos ko ang sarili. Gagi ko talaga. Bakit tuwang-tuwa ako? Baka mamaya, mukha na pala akong payaso!

"Hindi na. Salamat dito. Mauna na talaga ako, Jett. Magtext ka pag nakauwi ka na..at magtetext din ako." Sumulyap pa siya sa akin at saka mabilis na naglakad palayo.

Nakagat ko ang dila at pinanood siyang mawala sa paningin ko. Nakamot ko ang batok at tumalikod na. Nakakainis naman ako! Bakit ba bigla ko 'yong nasabi?

Baka mamaya iba na ang maisip ni Navi? Pero kung ganoon nga, ano naman?

Umuwi ako ng gabing iyon na nakangiti pa rin. Nagulat pa si Papa na medyo natagalan ako. Sinabi ko sa kaniyang doon nakatira si Navi malapit kina Gray. May mga itatanong pa sana siya pero pinaakyat niya na ako at matulog na raw. Ibinalik ko lang ang susi sa kaniya at nagpasalamat.

Nakangiti kong tinanggal ang suot na cap at sinarado na ang bukas na kurtina sa aking bintana.

Napatingin ako sa cellphone ko at muling binasa ang text ni Navi sa akin kanina.

Navi:

Nakauwi na ako, Jett. Ikaw?

Binasa ko rin ang reply ko, isang minuto matapos niyang magtext.

Ako:

Pauwi pa lang, Nav.

Hindi na siya nagreply kaya nakagat ko na naman ang dila.

Okay lang namang reply ko ah? Inayos ko ang buhok at nagtipa.

Ako:

Nakauwi na ako, Navi. Goodnight.

Kinagat ko ang daliri at ibinaba na muna ang cellphone. Nagpalit ako ng damit at shorts saka humiga na sa kama. Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang kagagaling lang noon sa ilaw.

Navi:

Mabuti naman. Salamat ulit. Goodnight, Jett.

Walang humpay ang ngiti ko habang paulit-ulit na binasa ang reply niya.

Tumunog ang cellphone ko at notification iyon sa wattpad. Nanlumo ako nang makitang hindi siya ang nag update. Kumusta na kaya siya?

Tiningnan ko ang mga pictures na kinuha ni Navi sa akin at napangiti na lang nang makita kung gaano ako kaguwapo roon. Tiningnan ko ang pictures niya at napangiti na nang mabilang na lima iyon. Ang dami ko ba namang pinindot kanina e. Tapos tatlong pictures na kaming dalawa.

Pumunta ako sa ig ko at tiningnan ang story ko roon kanina. Nagulat ako na muntik na agad mag 1k ang views noon. Hinanap ko ang kinuhang litrato ni Navi sa akin at agad ini-story. Simple lang ang nilagay ko.

Night with u.

Ayokong itag siya at baka kuyugin siya ng mga may gusto sa akin. Saka pakiramdam ko.. gusto ko siyang itago. Gusto ko akin lang.

Binuksan ko ang message ni Gray at binasa.

@graymaralit: magkasama pa kayo 'no?

Hoy?

Hindi na nagreply?

Kanina ito kaya nireplyan ko.

@johnethanvasquez:
Oo, kanina. Nakauwi na kami.

Tulog na siguro ang lalaking ito kaya baka bukas niya pa makita ang story ko. Binuksan ko ang messenger at hinanap ang pangalan ni Navi. Pinindot ko iyon at s-in-end ang mga pictures niya ganoon na rin ang tatlong pictures namin.

John Ethan:
Ang galing ko kumuha 'no? Hahaha goodnight, Navi.

Kinabukasan, maganda na naman ang mood ko. Hindi ko nga alam kung bakit, basta pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ng mundo.

Hindi ko hinayaang sirain ni Ate Jess ang maganda kong umaga kaya hindi ko siya pinapansin.

"Ang aga mo yata?" Gulat na sinabi niya nang makita akong kumakain na ng umagahan.

Nakabihis na rin ako at maayos na ang buhok ko. Inisip ko si Navi at baka sa may tulay na naman siya dumaan. Napabuntong hininga ako at binilisan na ang pagkain.

"Oh? Tapos ka na?" Gulat niya akong tinuro nang tumayo ako at pumasok na sa dirty kitchen.

"Ma.." yumakap ako sa likod ni Mama na naghuhugas ng pinggan.

"Jett, tapos ka na? Ang bilis mo yata." Kinuha niya ang pinggan ko. "Magtoothbrush ka na."

Kinuha ko ang toothbrush ko rito sa kusina at sinimulan nang magsipilyo. Nang pumasok si Ate ay tapos na ako kaya lumabas na ako. Sinundan niya pa ako ng tingin pero hindi ko siya pinansin.

"Papa! Tara na po?" Bungad ko kay Papa nang makalabas ako.

"Ang ate mo? Hindi ba sasabay?"

"Hindi po yata." Nagkibit-balikat ako at hinugot ang cellphone.

May text doon si Gray na nagsasabing kagigising niya lang. Tumawa ako at hindi na nireplyan. Napatingin ako sa isa pang number. Ngumuso ako nang makitang hindi man lang siya nagreply sa good morning ko.

"Pa, hindi po ako sasabay. Papunta na raw si Ron dito!" Sigaw ni ate mula sa loob kaya tumango na si Papa at tinapik ako sa balikat.

Sumakay na ako sa sasakyan at pinaandar niya naman iyon. Bukas na ang gate kaya dire-diretso lang kami sa kalsada.

"Sino nga iyong sinundo mo kagabi?"

Nagulat ako at lumingon sa kaniya. "Kaklase ko, papa."

Tumango siya. "Lagpas sa may tulay ba siya nakatira?"

"Opo. Kaya roon kami sa malayo dumaan. Doon sa sementadong kalsada kaso malayo pa pala ang kanila roon." Inis na sinabi ko. "Bakit kasi hindi inaayos ang tulay doon? Late pa naman umuwi iyon at may trabaho."

"She's working?"

"Yes, pa. Sa convenience store sa bayan."

"Wow. Mukhang kakaiba ang babaeng iyan." Ngumiti siya sa akin. "Dalhin mo sa bahay sa birthday ng mama mo. Next week na iyon."

Napakurap-kurap ako. "Oo nga po pala." Napatigil ako at inisip na agad kung paano ko siya yayayain. "Sige po, pa."

"Ano ngang pangalan?"

Kinagat ko ang dila. "Navalia po. Navi ang tawag sa kaniya."

"Hmm, ang ganda ng pangalan." Tumawa siya at tinapik ang balikat ko. "Good luck."

Nagtaka man ako ay tumango na lang din. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at tumahimik na lang ako habang nakatingin sa cellphone.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...