His Loss

Od clumatic

323K 9.7K 2.6K

wattys winner 2021 editor's pick nov 2021 Naloko, nasaktan, at isinumpa sa langit na siya'y magiging stronger... Viac

Foreword
c h a p t e r o n e
c h a p t e r t w o
c h a p t e r t h r e e
c h a p t e r f o u r
c h a p t e r f i v e
c h a p t e r s i x
c h a p t e r s e v e n
c h a p t e r n i n e
c h a p t e r t en
c h a p t e r e l e v e n
c h a p t e r t w e l v e
c h a p t e r t h i r t e e n
c h a p t e r f o u r t e e n
c h a p t e r f i f t e e n
c h a p t e r s i x t e e n
c h a p t e r s e v e n t e e n
c h a p t e r e i g h t e e n
c h a p t e r n i n e t e e n
c h a p t e r t w e n t y
c h a p t e r t w e n t y - o n e
c h a p t e r t w e n t y - t w o
c h a p t e r t w e n t y - t h r e e
c h a p t e r t w e n t y - f o u r
c h a p t e r t w e n t y - f i v e
Book Two: Teaser

c h a p t e r e i g h t

8.6K 309 70
Od clumatic


        "ITO NA BA SIYA? THE MAN OF THE HOUR?"

Malaki at nakakaasar na ngiti ang salubong ni Vince sa amin kinabukasan. Ala-una ng hapon at kasabay ng tirik ng araw ay ang pagkainis ko sa matingkad at kulay violet na floral polo-shirt ni Vince. Hindi ko maintindihan kung ano ang naisip ng lalaking ito at naghintay sa entrance ng opisina na para bang sasalubong na kamag-anak ni Theo.

"Ito pala si Vince," matabang na pagpapakilala ko sa in-house photographer namin kay Theo na tumango lang at nag-iwas ng tingin. "Vince, si Theo 'yong artist."

"Kumusta pare? Balita ko ikaw daw gumawa nung hand-painted invites para sa debut last time. Nakita ko 'yon. Ang lupit."

"Thanks." Tipid na ngumiti si Theo kay Vince na mukha namang na-disappoint sa malamig na tugon sa kanya at lumingon sa akin.

"Kailan magsisimula 'yong meeting? May lakad pa 'ko, e."

I couldn't help but roll my eyes. Kita mo 'to. Pa-importante at snob na nga, nagmamadali pa. "Ito na po, sir. Pasok ka. Welcome to Elixir Weddings and Events where every fantasy becomes a reality."

Corny na tagline kung ako ang tatanungin, pero mukhang epektibo naman sa mga naging kliyente ni Tito Erning.

Kasabay ng pagtulak ko ng sliding door ay ang biglang pagtahimik ng madalas na maingay na opisina. Parang may halong magic na tumigil ang lahat sa ginagawa. Maski si Weng na abala nanaman sa pagkutkot sa drawer niya ng makakain ay sumilip.

Natawa si Vince. "Akalain mo 'yon. Tumatahimik din pala 'tong mga 'to."

I cleared my throat, leading the way. Kahit nakaiwas ang tingin ko sa Couture and Design department, alam ko na nakamasid sila sa amin, or more specifically kay Theo na mukhang hindi kumportable sa lahat ng matang nakatuon sa kanya.

"Oh hi!" Lumitaw si Tasha sa harapan namin, as expected. She was wearing her signature vindictive grin. "Ikaw 'yong taga Silly Strobes? I'm Tasha, Junior Designer and consultant ng Design and Couture department. Welcome to the team!"

"Silly Strokes," pagtatama ko sa kanya bago pa makasagot si Theo. "Strokes kasi painting."

"'Yon naman talaga sinabi ko," came her snarky reply. She even had the nerve to look at me incredulously.

Aba. "Hindi kaya 'yon ang sinabi mo."

"Megan," she cooed, "that's exactly what I said. Bingi ka lang siguro. Sa tagal mo ba namang matulog, 'di na ako magtataka kung nabingi ka na."

"Hoy, teka lang. Hindi ako bingi! Mali naman talaga—"

I paused when I felt a gentle squeeze on my arm. Nagtataka akong tumingin kay Theo na agad din akong binitawan. "Dalhin mo na ako sa opisina ng boss mo. May lakad pa 'ko."

"Fine! Okay, sige, nagmamadali ka, e." I turned to Tasha with a glare. "Rinig mo 'yon? Una na raw kami."

Mabilis na sumunod sa akin si Theo papunta sa opisina ni Tito Rin at bago ko pa man mabuksan ang pinto ay tinawag niya ako.

Exasperated, I groaned. "Ano nanaman? Nandito na tayo? Ano pang demands mo?"

"Ganito ka ba palagi?" He tilted his head to the side, observing me. Sa hindi malamang dahilan, parang naubusan ako ng sasabihin at nakaramdam ng consciousness sa bigat ng titig niya. I briefly glanced at him.

Okay, medyo cute naman pala kasi 'tong mokong na 'to. Very, very light. Normal lang naman na reaksyon ang matahimik sa harap ng isang taong cute. Nothing special.

"Anong ganito? Define ganito. Maganda? Maingay?"

He chuckled which surprised me. "Tama ka roon sa maingay, pero ibig kong sabihin, lagi ka ba talagang nakikipag-away?"

"Away? Ako?" I pointed at my chest and blinked at him. "Dine-defend ko lang 'yong sarili ko. Hindi ba 'yon sa 'yo tinuro noong elementary ka? Defend yourself against your oppressors?"

"So kaya ka nakipag-away sa akin kasi sa tingin mo opressor ako?"

I scoffed. "Ano sa palagay mo?"

"Baka nakakalimutan mo ikaw ang may kasalanan sa akin hindi ako. Hindi ka man nga lang marunog magpasalamat na pumayag akong gawin 'tong napaka kumplikado niyong project."

"Alam mo," I started, shaking my head. "Hindi ko dine-deny na may kasalanan ako sa 'yo. Sorry kung nabasa ko 'yong plates mo at kung anupaman ang naging dulot ng katangahan ko sa 'yo noong araw na 'yon at lahat ng araw after that, okay? Sorry. Thank you rin kasi pumayag ka na pakinggan ang proposal namin at magpasa ng portfolio kahit na obviously away mo." I gave him a quick bow. "Thank you po, Sir."

He rolled his eyes but I ignored him. Moment ko 'to. Tumuwid ako ng tayo at taas-noong nginitian siya. "Pero, the fact na ginagamit mo ng paulit-ulit 'yong inosenteng pagkakamali kong iyon para pahirapan at konsensyahin ako, doesn't that make you an oppressor?"

Natahimik siya at nakita ko ang pag-tagis ng kanyang bagang. Ha! Mukhang naka one-point ako roon, ah!

I smirked at him. "So? Pasok na tayo sa opisina?"

Nilagpasan niya ako at dire-direstsong itinulak ang pinto nang hindi man lang umiimik. As I watched the glass door swing after his wake, a satisfied grin spread over my face. Akala niya siya lang may sense? Batang uhugin 'to, 'no!

-

"Pogi pala 'yong Theo 'di mo naman sinabi," ngumunguyang sabi ni Vince. Late Lunch break nanaman at gaya ng naging tradisyon naming tatlo, nasa kantong lamesa na naman kami ng cafeteria, malapit sa may aircon at lamesa ng condiments.

Naunang umikot ang mga mata ni Weng sa akin. She gave me a look that said, tingnan mo 'tong tangang 'to, bago kumagat sa burger niya. Alas dos na ng hapon pero ngayon pa lang kami nabigyan ng pagkakataon na makapag-lunch. Sa haba ng monologue kanina ni Tito Erning. When it finally ended, hindi nakapagtataka na mas mabilis pa sa bisita ng piyesta ang pag-alis ni Theo.

I sighed and dug my fork into a sad plate of spaghetti.

"E ano naman kung gwapo?" tanong ni Weng. "Bet mo ba, Vince? Akala ko ba si Tasha ang crush mo."

"Ano ba kayo, siyempre tinitingnan ko lang kung may kakumpetensya ako. Nakita niyo naman 'yong itsura ni Tasha nung dumating 'tong si Megan saka 'yong Theo." Huminga si Vince nang malalim. "Para talagang nagka-crush 'yong crush ko sa crushable na si Theo. Tangina."

Hindi ko naiwasang mapangiwi. Kadiri. Sa dalawang taon na katrabaho ko sila Vince at Weng, hindi na sa akin bago ang mga sikreto nilang hindi naman masyadong tago. Tulad na lang ng pagkakaroon ng crush ni Vince sa Managing Director at Design Consultant na si Tasha.

"Alam mo, nakakasuka ka. Ano bang nakita mo riyan kay Tasha e ang baho naman ng ugali n'on. Maganda nga pero salbahe naman."

"Hoy, Megan! Talented 'yang si Tasha ko, 'no! Mabait siya, sadyang nakakainis ka lang."

My wide eyes flew to Weng. "Naririnig mo ba 'to, Weng? Nakakainis ba 'ko?"

She smiled sheepishly. "Honestly? Medyo?"

"Nakakinis kayo. Hindi ko na kayo ililibre ng siomai sa katapusan."

"Ito namang si Megan. Nagtanong ka kasi, syempre sasagutin ko!" Then, leaning closer to coo at me, Weng added, "pero alam mo, mukhang hindi na bad trip si Theo sa 'yo. Pansin ko kanina."

Napaisip ako saglit, inaalala kung paano binalibag ni Theo ang front door ng Elixir pagkatapos ko siyang habulin nang nagmamadali siyang lumabas sa opisina ni Tito Erning.

I remembered how his nostils flared at kung ilang beses niyang sinabi na hindi ko naman siya na-inform nang maayos kung gaano katagal dapat ang meeting. Napangiwi ako.

"Kung nakita niyo lang kanina kung paano niya ko sininghalan doon sa entrance. Nakakainis. Isang oras lang naman tinagal nung meeting 'tapos silang dalawa lang naman ni Tito 'yong nagsalita. Ano kasalanan ko roon? Aba malay ko ba kung may lakad siya."

Tumango si Weng at saglit na natahimik. "Alam mo, nagtataka rin ako e, kung bakit laging nagmamadali o kulang sa oras 'yang si Theo. 'Di kaya—"

"O, lecheng chismis nanaman kayo," saway ni Vince. "Ang pag-usapan niyo lang kung ano na mangyayari sa project nung tao. 'Wag niyo na pag-usapan 'yong personal niyang buhay. Kayo talagang dalawa kahit kailan."

"Napaka OA nito," I said, rolling my eyes. "Basta nitong weekend may meeting kami with Kiana. Magpe-present siya ng artwork niya, portfolio at dahil mayabang sila pareho ni Tito, nag-offer si Theo na magpresent rin ng rough concept para sa graphic wedding album nila Kiana."

Kasabay ng malakas na pagsinghap ni Weng ay ang malakas na pagbaba ng kanyang bote ng tubig sa lamesa. Sabay kaming napatalon ni Vince. "Meron na lang siyang apat na araw! Kaya niya ba 'yon?"

'Yan rin ang tanong na bumabagabag sa isip ko. Would he make it o maghahanap nanaman ako ng ibang paraan para i-pamper si Kiana June? I sighed. "Well, let's just wait and find out. Dapat kayanin niya kasi we're meeting the bride this weekend."

-

2:22 ng hapon ko napagtanto na baka nga hindi naman talaga sa akin swerte ang mga dobleng numero. One hour and twenty-two minutes nang late si Theo, at malapit nang tumupi ang nanginginig kong mga tuhod sa kaba kakahintay sa kanya sa tapat ng studio ni Kiana. Sa bawat dumaan na sasakyan, halos maputol ang leeg ko kakasilip, umaasa na baka sakaling may milagro sa buhay ko at dumating na siya. But to no avail, wala pa rin akong Theo na nahagilap.

I checked my phone at wala ni isa sa mga messages at tawag ko ang sinagot man lang ni Theo. Bakit ba ngayon? Sa dinami-rami ng araw bakit ba kasi ngayon pa nagkasakit si Tito Erning? Bakit ba late si Theo? Bakit ko ba kailangang gawin 'tong mag-isa?

"Is he not here yet?" malambing na tanong ni Kiana. I shook my head, offering her an apologetic smile and sent a rapid string of angry messages to Theo.

Kapag talaga nakita kita, Theo, gigisahin kita ng buhay.

"Okay lang 'yan. Makakapaghintay naman kami." She placed a manicured hand over Derek's thigh na agad namang nag-iwas ng tingin sa akin. "Don't be so stressed. Ang ganda pa naman ng top mo."

I looked down at my white top. Blouse iyon na nabili ko sa ukay. Manilaw-nilaw na at may butas sa laylayan. After a few alterations sa turo na rin ni Lola Dally, ay naging off-shoulder na ito na may burda sa ilalim.

"Ay, thank you po. Tinahi ko po 'to."

"Oh?" gulat na sabi ni Kiana. "That's a really cute skill to have, right Derek?"

I pursed my lips when I saw Derek nod his head just to please her. Halata na hindi ito interesado—they both undeniably weren't—and it made me feel restless as I sat there in silence.

Hindi ko alam kung anong inaasahan ko ngayong araw. I always knew it would be uncomfortable; meetings with Kiana would always be lalo na at nagpapanggap ako. Pero may tatlong bagay na nangyari ang hindi ko inaasahan. Una, ang pagtaas ng blood pressure ni Tito Erning nang malaman na kasama si Theo si meeting at nakipagkita ito kagabi. Pangalawa, ang pagiging MIA ni Theo. At higit sa lahat, ay ang lalaking nakaupo sa harap ko na palaging naka-iwas ang tingin.

Ganito pala ang pakiramdam na makita muli nang madalas ang ex mong nasaktan ka nang sobra. Nakakamanhid. But when he was with someone who shined as bright as the stars, nakakapanlumo.

The small interaction was enough proof to me that I didn't belong.

"Ang tahimik niyo naman," Kiana noted with a smile. Halatang oblivious siya sa tensyon sa pagitan namin ni Derek. "Akala ko ba classmates kayo noon pero 'di naman kayo nag-uusap. Ngayon na nga lang kayo ulit nagkita."

"Ah." I laughed. Sumilip ako kay Derek na ngayon ay abala na sa tasa ng kape na bigay ni Tweetie. "Naninibago lang siguro kami, Ms. Kiana. Huli ko kasing nakita si Derek high school pa kami. Parang tingting pa siya n'on at laging naiihi sa pantalon."

"Oh my god!" Kiana exclaimed, laughing. Lumingon siya kay Derek na sa unang pagkakataon ay tumingin sa akin. "Totoo ba 'yon?"

His stare felt as if he was burning a hole through my head. Nanlamig bigla ang mga palad ko. Palalayasin na ba nila ako?

"We all had embarrassing stories to tell," pagkalaan ay sabi niya. A too familiar smirk teased his lips, making me gulp. "Parang 'to si Meg, dati sinamahan ko pa siyang dumumi sa damuhan when we were on our way home from class. Naghanap pa ako ng dahon ng saging na pang punas niya."

Kiana's light brown eyes widened with surprise before she dissolved into another round of laughter.

Hindi ko maiwasang mapangaga kay Derek. Bastusan talaga? Bakit 'yong kuwento niya totoo samantalang 'yong akin hindi naman?

Any rebuttal died on my tongue when the realization dawned that he had called me by a nickname. Meg. Sampung taon na noong huli kong narinig na tawagin niya ako by that name.

"Meg! Ang cute mo!"

Sa unang beses, it was when he called me cute na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ten years later, it was said as a habit with traces of irritation.

"Are you alright, Megan? Oh god, did Derek offend you?" Hinampas ni Kiana ang braso ni Derek. "Ikaw naman kasi, don't ever say that about a woman. Nakakahiya kaya 'yon."

Iniwasan ko ang nakokonsensyang tingin ni Derek. He knew what really offended me, and I wasn't sure if that made it worse.

When no one spoke, Kiana broke the silence by clearing her throat. "Where's the artist na pala, Megan? Is he on his way? You told me na he's gonna present a sample and his portfolio. I wanna see his style and if it matches my vision."

I glanced at my phone. Bad trip. Wala talaga siyang paramdam at pakiramdam. Paano ko ba sasabihin kay Kiana na napakalabo ng vision ni Theo at imposible naman ang kanya?

By being honest? No, of course not. "Uh, may delay lang. Nagka-emergency. Okay lang ba kung mag-reschedule na lang tayo? I'm really sorry about this."

"I think it's best kung ibang artist na lang kunin. We only have four months left for the preparations and we need someone who values time as much as we do," nakangiting sabi ni Derek. He said it so casually, pero sa taong kilala siya, pansin ko ang pagkainis sa boses niya.

Sa 'di malamang dahilan, I suddenly felt the urge to defend Theo kahit gusto ko siyang lunurin sa Pasig River kanina. Paano naman talaga kung may emergency at napahamak ito? Besides, hindi naman ang Elixir or si Theo ang nagdesisyon na gawing sa December ang kasal.

Kiana noticed the shift in his tone too when she turned to him with a frown. "Baby, nahirapan silang maghanap ng artist that can cater our request. Maybe we can let this slide today and discuss other things with Megan tutal nandito na lang naman din siya. Just like the invites."

"I understand. Pero—"

"Ma'am." Napalingon kaming lahat kay Tweetie sa may pintuan. "Nandito na po 'yong artist."

Theo walked into the room heaving at ramdam ang pagtataka at gulat na naramdaman ng lahat. Dumating talaga siya! Without any pleasantries, he plopped down next to me with a sigh. Nakakanganga ako sa kanya. Mukha siyang tumakbo papunta dito at hinihingal pa. His hair was stuck to the sides of his face and his forehead was glistening with sweat. 'Di ko naiwasang mapansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi at mga labi.

Then I snapped out of it. "San ka galing?! Ba't ganyan itsura mo?" Shocked by my sudden outburst, I tried again. "I mean... uh. Ms. Kiana and uh... Sir Derek, ito po si Theo. Siya 'yong artist for your graphic album."

Theo took his sweet time to catch his breath and stuck a hand to Kiana na mukha namang nag-alangan. With an awkward chuckle, inabot ko ang panyo ko kay Theo who gave me a confused look.

"Punasan mo kamay mo," I mouthed and he rolled his eyes.

Derek cleared his throat, and somehow it made me feel like I was caught red handed. Pero bakit ko ba dapat maramdaman iyon? Wala naman akong ginawang masama. With that, I sat straighter and lifted my chin.

Paubo-ubo pang nalalaman, wala namang plema. Dapat 'yong may plema para talagang matapang!

"Sorry late ako," sabi ni Theo habang nagpupunas ng mukha. "Nagkaroon lang ng family emergency."

Derek leaned back in his seat and crossed his legs. "Just make sure it doesn't happen again. Dalawang oras kaming naghintay sa 'yo."

"Ano ka ba naman." Hinampas ni Kiana sa balikat si Derek. "It's fine! So, Theo, do you have the sample with you?"

Mabilis na kinuha ni Theo ang isang rolyo ng papel ang laptop sa bag. Eager eyes watched his every move as he unrolled the paper. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang makita ang dulo ng papel. Paano kung 'di magustuhan ni Kiana? Uulit ba kami? Maghahanap nanaman ba ako ng panibagong artist? Pero paano si Theo? He already worked hard for this.

We all gasped when the full artwork was finally unveiled. Bold colors took reign of the delicate strokes. Parang may sariling mundo at lumulutang sina Kiana at Derek sa larawan while long and fluid strokes of bright colors surrounded them as they shared a passionate kiss. Hindi ko alam kung paanong mukhang intimate ang itsura pero hindi invasive.

It was definitely a work of art. Gulat akong napatingin kay Theo na nakatitig pa rin sa artwork niya.

"Wow," Kiana finally breathed out. She reached out for the paper but caught herself last minute. "Painting ba 'to?"

Theo nodded. "A mix of painting and digital art. Kung tititigan niyo 'yong mga strokes sa paligid, makikita niyo 'yong ilan sa mga bagay na pinalagay niyo tulad ng makeup brushes at mga sasakyan."

"Weh?!" Tinitigan ko ang papel sa lamesa, and true enough, ang akala kong mga curves and shapes lang ay ang mga bagay na pinalagay ni Kiana. "Ang galing," I gushed, grinning at him.

Kiana turned to her fiancé with a beam. "What do you think, Baby?"

Ang walang hiyang si Derek, nag-isip pa. "It's fine. Better than everything we've been presented to so far."

"That's fine with me! You're so talented, kahit hindi ko na tingnan portfolio mo, I'm sure you'll make it happen."

"Ah, thank you. Sabihan niyo na lang po ako kung kailan niyo kailangan ng real-time session. Most of the time sa studio ko naman po gagawin karamihan ng artworks. Kailangan ko lang ng photos."

Kiana looked confused. "Pero hindi ba kasama sa album namin ang production ng wedding? How will you interpret and draw everything, including the aesthetic subtleties ng artists kung 'di ka laging kasama?"

Alanganin na tumawa si Theo at binigyan ako ng naguguluhang tingin. "Naiintindihan ko po ang concern niyo, Ma'am, kaso meron rin po akong ibang kliyente at sigurado naman po ako na marami akong makukuhang information sa photographer at kay Megan."

"But I want it to be as authentic as possible," sabi ni Kiana na mukhang paiyak na. "Can you not spare us more of your time? I'll pay you double."

"Ma'am—"

"Triple."

"Kiana—"

"No problem po," I assured her with a grin. Hindi ko pinansin ang pagsipa ni Theo sa paa ko at mas nilakihan pa ang ngisi. "Lagi ko pong bitbit si Theo every time na may importante tayong gagawin for the wedding."

Bakas sa ngiti ni Kiana ang tuwa. "Awesome! Simulan muna natin sa pag-ocular ng venue at paghahanap ng caterer? OMG! We can do the pre-nup shots too!"

Teka. Ocular ng venue? Pero... "Ms. Kiana 'di ba sa Bicol ang kasal niyo?"

With a groan, Derek tried to catch his fiancée's gaze but she kept her eyes on us. "Yes!" excited niyang sabi. "Pupunta kami roon this weekend for a quick vacation, and we'll be staying there for a week. You guys are definitely coming."

Bad trip. Bwiset. Bastos. Bakit? Quadruple B with a bang. May kasalanan ba ako sa mundo?

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

1.2K 109 43
"I guess LANY is right. Good guys never win." ~~***~~ Jazmine Neriah Wong loves to date bad boys. There's just something in them that attracts her. B...
613K 25.1K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
24.9K 1.5K 10
His Loss Book 2 Megan Espiritu is back to where it all started. Matapos ang kaguluhan sa Manila, she's left with no choice but to go back to her home...