My Romantic Textmate (Message...

By NiknokPalaboy

156K 11.1K 596

More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Grilled Marinated Lamb Salad | Recipe
Chapter Five
Chapter Six
A Love Story
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
You're Only Lonely
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Stay With Me
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty (Finale)
Nathan's Letter To Jenny
Appreciation Note
Horoscope O Tadhana (One-Shot) - Part 1
Horoscope O Tadhana (One-Shot) - Part 2
A 10-Minute Love Story (Vince One-Shot Story)
I Dreamt of Paris
Caramel Macchiato (One-Shot)
I Love You
The Chat
Moving On (#Hugot One-Shot)
The Red Shoes
Mr. Overconfident
Mr. Overconfident (Chapter 2)
Mr. Overconfident (Chapter 3)
That's My Seat
Mr. Overconfident (Chapter 4)

Pangarap (One-Shot)

1.1K 43 14
By NiknokPalaboy

"Hanz, mauna na kami sa baba." Sabi ni Sashi na matalik kong kaibigan matapos kalabitin ang balikat ko.

Akma akong sasagot ng magsalita ang Amerikanong kausap ko sa kabilang linya. Tinanguan ko na lang si Sashi sabay senyas ng Two Minutes na agad naman nitong naintindihan. Ilang sandali pa ay nakita ko na siya at ang boyfriend niyang si Bingo na palabas ng pintuan ng opisina.

Two minutes lang ang sabi ko kay Sashi, pero sa tinakbo ng pag-uusap namin ng customer ang 2 minutes ay naging 22 minutes. Matanda na kasi ito kaya medyo mabagal na magsalita at mabagal na rin ang pick-up. Kung hindi ko nga lang napakiusapan na humanap ito ng kasambahay na tutulong sa kanya mag-navigate ng computer malamang hanggang ngayon hindi pa rin kami tapos mag-usap.

Dali-dali akong pumunta ng locker upang kunin ang aking cellphone dahil alam kong may text ako mula kay Sashi at hindi nga ako nagkamali. "Friend, ang tagal mo nauna na kami. Bukas na lang yung treat" Text nito.

Gano'n na lang ang pagkadismayang naramdaman ko. Ang dapat sanay libreng lunch ko ngayon ay naging bato pa. Sobrang excited pa naman ako sanang kumain ng Grilled Marinated Lamb Salad ng Chilis & Sweets. Matagal na rin since last time akong nakakain noon. Sa laki ng servings noon, swak na swak ito sa nararamdaman kong gutom ngayon. Pero eto Value Meal na tinda sa pantry sa 11th floor na naman muna ako ngayon dahil ito ang kasya sa budget.

"Hanz." Boses ng isang lalaki ng makapasok ako ng Elevator.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang lalaking tumawag sa aking pangalan. Si Theodore Peralta Jr na mas kilala sa pangalang Ted na Manager ng Account namin. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Napako rin ang tingin ko sa kanya at kung siguro'y nakaharap ako sa salamin, hindi ko magugustuhan ang aking hitsura. Mukha akong tanga. Yung hitsura ko parang nakakita ng aparisyon, nakatulala lang.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Kanina gutom, oo. Pero ngayon, iba na. Tila may hanging umihip sa aking batok na nagdulot ng bahagyang pagtaas ng aking balahibo. Shit!! Kinikilig ako.

Sino ba naman ang hindi kikiliging makasolo sa elevator ang Crush ng buong Account. Mapababae o bakla ay pinagpapantasyahan siya. Siya na merong mapupungay na mga mata, makinis na mukha, mapulang labi at perpektong ilong. Idagdag mo pa ang almost 6 feet nitong height at batak nitong katawan na nababanaag ko sa fit nitong blue shirt.

Honestly matagal-tagal ko na ring crush itong Account Manager namin mula pa siguro ng magsimula akong magtrabaho sa call center na ito. Actually, simula pa siguro ng Training. Natatandaan ko, siya yung nag Orient sa amin tungkol sa Product ng Account. Supervisor pa lang siya noon. Muntik ko na nga siyang maging Supervisor kung hindi lang nagsipagresign yung dalawa kong batchmate dahilan para malipat ako ng ibang team pamalit sa kanila.

Nakakainis nga dahil yung Supervisor na napuntahan ko, si Sir Steve, bukod sa hindi na kaguwapuhan ay ubod pa ng tamad. Walang-wala talaga ito kung ikukumpara kay Sir Ted, mapa-physical man o professional. Nagtataka nga ako kung bakit naging Supervisor yon eh. Sabi ng iba malaking sipsip daw. No wonder, kasi from Supervisor, gaya ni Sir Ted, Manager na rin ito ngayon. Anyways, ayaw ko na siyang pag-usapan kaya balik na lang tayo kay Sir Ted.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakasama ko siya, dahil minsan na rin kaming nagkasama noong Ondoy. Pareho kasi kaming workaholic kaya habang ang iba ay absent dahil hindi nakapasok sa taas ng baha, kami nasa opisina at nagtatrabaho. Dedicated eh.

Well, honestly hindi lang talaga ako nakauwi ng araw bago bumaha dahil malakas na ang ulan at ang hirap sumakay kaya minabuti kong sa office na lang matulog. Ganoon rin ang nangyari kay Sir Ted nahirapan din siyang sumakay dahil Cavite pa ang inuuwian niya kaya minabuti niyang mag-stay na lang din sa opisina.

At dahil nga na stuck kami sa opisina dahil sa baha, hindi ko makakalimutan yung lampas limang beses naming pabalik-balik sa vendo machine sa pantry para mag-kape at mag-skyflakes dahil sa gutom hanggang sa dumating yung libreng pagkain bigay ng Opisina para sa mga empleyado nilang nastuck sa baha. Dahil na rin sa boredom at gutom kung ano-ano na nga ang napag-usapan namin.

Doon ko nalamang mahilig pa la siyang magtravel, domestic or international. Katunayan halos lahat ng popular destination sa buong Pilipinas napuntahan na niya at lahat ng bansa sa South East Asia narating na niya. Sa kwentuhan ring iyon ko nalaman na nililigawan pala niya noon si Beverly, yung Supervisor sa IT Dept. Nakalimutan ko na kung bakit ko nalaman na nililigawan niya si Beverly. Ay oo nga pala, tumawag pala ito sa kanya nung nastuck kami, kinamusta siya, tapos nung marinig ko yung name nito, kinumpirma niyang yun nga si Beverly ng IT Dept. Tapos tinanong ko kung gf niya, ang sagot lang niya sa akin sana.

Next thing I know, item na sila. Anong taon nga ba yung Ondoy incident, 2 years ago? So most likely nasa 2 years na sila, unless nag-break sila. So far, wala pa naman ako nababalitaang break-up. Kahit nga gawa-gawang issue lang wala pa. Sila pa na mga crush ng bayan. Para silang Brangelina ng holywood. Ganoon sila kapopular. Marami silang fans sa office, kahit pa sabihing maraming nagpapantasya kay Sir Ted, marami ring kinikilig sa loveteam nila. Sabi nga ng iba kong officemates, Match-made in heaven sila. Guwapo si Boy, maganda si Girl. At totoo namang maganda si Beverly, kahawig niya si Heart Evangelista. At hindi ako exage, may hawig talaga siya ni Heart, ngalang mas maganda ako sa kanya, sabi nila hawig ko daw si Marian. Yun ang sabi ng mga friends ko. Chos!

"Sir Ted" iyon na lang ang nasabi ko. Wala na akong ibang maisip na idugtong dito.

"Out na?" Nakangiti pa ring tanong nito labas ang mapuputi at pantay. • nitong ngipin na talaga namang weakness ko.

"Lunch po." Medyo conscious kong sagot.

"Same here. Saan ka maglalunch?"

"Pantry." Mahina kong sagot. Tsaka ko lang naalala na 11th floor ang pantry. Mabuti na lang at nasa 22nd floor pa lang kami, dahil kung nagkataon sa ground floor ako dadamputin.

"Let me guess yung palabok sa pantry?" Nakangiti pa rin niyang tanong.

"Bakit po ninyo nasabing palabok?" Nahihiya kong tanong.

"Madalas kitang makita sa Pantry na kumakain ng palabok. Noong isang araw lang I'm with friends nakita kita kumakain mag-isa."

Bigla akong nag-isip. Tama, nagpalabok nga ako nung isang araw.

"Then yesterday, I'm pretty sure na palabok rin yung kinakain mo dahil kahit na malayo ako sa kinauupuan mo nakita kong pinipigaan mo ng calamansi yung pagkain. And you were seating on the same exact spot."

Natawa ako sa sinabing 'yon ni Sir Ted. Bakit niya alam na palabok ang kinakain ko, ibig sabihin pinagmamasdan niya ako habang kumakain. At bakit niya ako pinagmamasdan? Sa dami ng mga kumakain sa pantry, bakit ako ang tinitingnan niya? Siguro hindi niya ako makalimutan.

I remember yung nagkukuwentuhan kami nung Ondoy, sabi niya sa akin. "You're funny. I like your sense of humour. And I like girls with sense of humour." Yun yung exact words na sinabi niya. Hindi ko lang sineryoso kasi parang hindi totoo. Dahil kung he likes girls with sense of humor, bakit si Beverly ang nililigawan niya, eh prim and proper ang front noon.

Naisip ko, baka ngayon lang siya naliwanagan. Nabulag lang talaga siya sa Physical attraction na naramdaman niya kay Beverly at ngayon lang niya narealize na boring kasama ang prim and proper. Na kailangan ng konting humour sa pagsasama. Diba nga sabi niya he's having lunch with friends. Bakit friends? Bakit not with Beverly? Hindi kaya nagkakalabuan na sila?

"Masarap ba ang Palabok sa pantry. Hindi kasi ako mahilig doon eh. Pero kung masarap, gusto kong matikman."

Tumango ako.

"Okay then, magpalabok tayo. Sagot ko." Si Sir Ted.

"Sigurado kayo sir?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo naman. Nung pinagmamasdan kita yesterday, parang ang sarap mong kumain. Talagang na-curious ako sa lasa ng palabok. I said to myself magpapalabok ako one of these days. Good thing narito ka."

"At may makakasama kayong kumain ng palabok?"

"Oo."

"Sir Ted naman, nakakaconsious kaya."

"Conscious? Bakit? Para namang wala tayong pinagsamahan. Nakalimutan mo na ba yung Ondoy moment natin?"

Bigla akong kinilig ng ibrought up niya yung Ondoy. Naaalala pa rin niya yon? "Hindi mo talaga nakalimutan yung Ondoy Sir Ted ha?"

"Oo naman. I had so much fun kaya. Sa totoo nga namiss kita. Na miss ko yung sense of humour mo."

Ito na. Naspeechless na lang talaga ako. Namiss daw niya yung sense of humour ko. Ibig sabihin noon, iniisip niya ako? Kasing dalas rin kaya ng pag-iisip ko sa kanya?.

"Oh ano Hanz, palabok na tayong dalawa ha? Sagot kita."

"Sabi mo Sir Ted eh, makakahindi pa ba ako."

Tumawa siya sabay tapik sa balikat ko. Bigla akong nakaramdam ng kuryente. Grabeng kilig ang naramdaman ko. Sabay ng tapik na iyon ay bumukas ang pinto ng elevator.

"Hanz 11th floor na."

Tila wala akong narinig sa sinabi niya. Ramdam ko pa rin ang kilig na dulot ng tapik niya sa aking balikat.

"Hanz, 11th floor na."

Noon lang ako naulinigan. Agad akong lumabas ng elevator at dire-diretsong tumungo sa pantry.

"Palabok at puto nga ate Maricel."

Agad namang sumandok ng order ko si Ate Maricel.

"Huwag mo ng i-microwave. Gutom na gutom na kasi ako eh.

Sa sobrang gutom ko...

Kung ano-ano ng naiimagine ko..

Continue Reading

You'll Also Like

37.9K 712 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
375K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
7.3M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes