The Red Shoes

92 1 0
                                    

Katatapos lang mag-shower ng asawa kong si Lena ng tumabi siya sa akin sa kama habang nanonood ako ng balita sa TV. Bigla kong naamoy ang bango ng sabon sa katawan niya. Gustong-gusto ko talaga ang amoy na 'yon kaya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya at halikan sa leeg. "Ang bango talaga ng asawa ko." Sabi ko sa kanya.
"Naman!" Nakangiting sagot sa akin ni Lena.
"Kaya naman hibang na hibang ako sa'yo eh." Sabi ko habang patuloy ko siyang hinahalikan sa balikat at leeg niya.
"John, kilala na kita. 'Yang mga ganyang gawa mo gusto mo na namang makaisa." Nakatingin sa aking sabi ng maganda kong asawa.
"Pwede ba?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Kaka-sex lang natin kanina bago ka pumasok ng trabaho, diba?"
"Alam ko, pero gusto ko ulit ngayon." Nakangiti kong sagot sabay halik sa kanyang leeg.
"Haaay." Iyon lang ang nasabi ni Lena.
At dahil hindi tumanggi ang asawa ko naghubad na ako ng damit para, alam mo na, makaisa. Pagkatapos ay sinimulan ko na ring hubaran si Lena ng pigilan niya ang kamay ko.
"Love, pwede bang huwag muna ngayon? Pagod kasi ako sa trabaho eh." Sabi niya.
"Ha? Love, ready na ako o."
"Sorry love, pero I really can't do it, pagod talaga ako eh."
Bigla akong nanghina ng marinig ko ang sinabi ni Lena. Sa dalawang taon naming pagsasama bilang mag-asawa kilala na namin ang isa't-isa. At alam kong kapag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya talaga. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi magbihis ulit.
Nang makita ni Lena na medyo disappointed ako, hinatak niya ako pabalik ng kama at niyakap."Hon, sorry. Bawi na lang ako bukas." Bulong niya sa akin.
Tumango lang ako.
"Hon, huwag kang magtampo. You need to understand na minsan may mga bagay na hindi natin parati kayang ibigay."
"I understand." Sagot ko na medyo may konting tampo.
"I love you!" Sabi sa akin ni Lena sabay yakap ng mahigpit. "Tyaga ka muna sa yakap ko Hon!" Dugtong ni Lena.
Hanggang sa makatulog ay magkayakap kaming dalawa.

Knabukasan. Pagkatapos kong sunduin si Lena sa trabaho niya ay niyaya ko siyang mag-dinner na lang kami sa labas. Sinabi ko sa kanyang gutom na gutom na ako dahil hindi ako nakapag-lunch sa dami ng trabaho. Pumayag naman siya kaya agad kaming dumiretso ng Mall kung nasaan ang Chili's and Sweet na paborito naming restaurant.
After namin kumain ay ako naman ang niyaya ni Lena na pumunta ng shoe store dahil titingin-tingin daw siya ng sapatos dahil kailangan na daw niya ng bago. Naglakad kami hanggang sa matapat kami sa sa isang shoe boutuique. Up to 50% OFF.
Gano'n na lang ang excitement ni Lena ng makita ang sign. Agad niya akong hinatak papasok ng boutique. Nakita kong dire-diretso siya sa isang lugar na parang alam na niya kung saan siya pupunta at pagkatapos ay may dinampot na isang pares na sapatos.
"OMG!! John, 50% Off nga!" Nanlalaki ang mga matang sabi sa akin Lena.
"Yun nga ang nakapaskil sa labas diba?"
"I can't believe this! Three months ko na tong binabalikan dito. I really really want this red shoes."
"Gusto mo pala bakit hindi mo siya bilihin?" Tanong ko sa kanya.
"Because this shoes costs P8,999. But, because of the 50% Off, now it's only P4,500! And I really want this shoes." Sabi ni Lena sabay abot sa akin ng sapatos.
"Gusto mo talaga ng ganitong klase ng sapatos?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang sapatos.
"Oo Hon. Hindi lang gusto, that is the kind of shoes that I need!" Sabi ni Lena.
"O sige, hold it." Sabi ko sa kanya sabay balik sa kanya ng sapatos.
"Are you serious?"
"Yes hold it. Wait for me here, I'll just go somewhere."
"Okay." Excited na sagot ni Lena na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Iniwan ko si Lena at agad akong pumunta sa kabilang side ng boutique upang maghanap ng sapatos. Ilang sandali pa ay binalikan ko si Lena bitbit ang sapatos na binili ko sa kanya. "Bitawan mo na 'yan, binili na kita ng sapatos."
"Really?" Hindi makapaniwalang sabi ni Lena. Sabay balik sa shoe rack ng sapatos na hawak niya at excited na lumapit sa akin at kinuha ang box ng sapatos na binili ko para sa kanya.
Hindi mapagsildan ang saya sa mukha niya habang binubuksan ang kahon. Ngunit ganon' na lang ang biglang pag-asim ng mukha niya ng makita ang hitsura ng sapatos sa loob ng kahon.
"Ano 'to?" Salubong ang kilay na tanong niya.
"Red shoes. Diba sabi mo you need red shoes. Ayan binili kita. Don't worry ka-size yan ng red shoes na tinitingnan mo kanina." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Agad na inilabas ni Lena ang sapatos sa kahon at galit na pinagmamasdan ito. "P499?! Ibinili mo ako ng sapatos na halagang P499.?" Nanlilisik ang mga mata niyang tanong sa akin.
"Well actually Hon, P1,000 original price niyan, 50% Off lang kaya ngayon P499."
"Hon! You seriously bought me a freakin' P499 shoes?!" Nanggagalaiti niyang tanong.
"Why Hon? What's wrong with P499. It's still shoes. Tsaka ikaw na rin may sabi, sometimes we need to understand na may mga bagay na hindi natin kayang pparating ibigay." Nakangiti kong sabi kay Lena.
Pero parang hindi iyon nakuha ni Lena dahil tumalikod ito sa akin at inis na lumakad palabas ng boutique bitbit ang sapatos na binili ko sa kanya."Lena!" Tawag ko habang sinusundan siya.
"What?!" Galit niyang balik sa akin.
"I love you! Tiyaga ka muna diyan." Natatawa kong sabi sa kanya.
"FREAK!!!" Galit niyang sigaw sa akin habang dire-diretsong naglalakad palabas ng mall.

Well. Kilala ko naman si Lena, gano'n talaga yon sa umpisa kapag inis. Isang araw lang wala na ang inis noon. Bukas lang bati na kami ulit.
Ay SHOOT!! Nangako pala siyang babawi ng sex. Pero pagkatapos ng nangyari ngayon, malabong mangyari mamayang gabi 'yon.

My Romantic Textmate (Message Sent)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora