Chapter Six

5.8K 504 5
                                    

"Jen, binuksan na yung bagong construction diyan sa may kanto, at alam mo ba kung anong gagawin doon?" pambibiting tanong ni Vince. 

"Oo, Grocery Store?" 

"Hindi.... Restaurant.". 

"Hah?" gulat na reaksiyon ni Jenny. 

"At balita ko may sarli silang banda. Delikado na itong restaurant natin." 

"Hindi naman siguro. Marami na tayong loyal customers." 

"Sana nga hindi sila threat para mabawasan ang kumakain sa 'tin." 

At gaya ng inaasahan, kumalat na nga sa restaurant ang balita tungkol sa bagong tayong restaurant sa kanto malapit sa kanila. 

"Tama ang balitang narinig ninyo. May kakompetensiya na tayo," ani Miss Anna. "Kaya simula ngayon, kailangang maging competitive tayo. We need to be more responsible at higit sa lahat, bigyan natin ng importansiya ang mga kustomer, dahil mahirap na, baka sa iba na maghanap iyon, tayo rin ang magiging kawawa." 

Naalala ni Jenny si Leo ng banggitin ni Miss Anna ang pagbibigay importansiya sa kostomer. Kung kostumer rin lang naman na katulad ni Leo, naku hindi bale na lang. Ang isiping iyon ay dala-dala pa rin niya hanggang sa Unibersidad matapos ang trabaho. 

 ----------

Matapos ang klase ay naisipan ni Jenny na dumaan sa bagong tayong restaurant upang makita kung anong hitsura nito. At ganoon na lang ang pagkadismaya niya ng makita ito. Mas malawak ito kung ikukumpara sa Chili's & Sweet. At kung ambiance ang pag-uusapan ay malaki ang lamang nito sa kanila, idagdag pa ang pagkakaroon nito ng sariling banda. 

"Naku, malaking kumpetensiya nga ito." Ani Anna sa sarili. Sinubukan niyang lumapit sa bagong tayong shop. "HOT MOMMA Restaurant Grand Opening on Wednesday Sept. 16. 50% Discounts on all Foods & Beverages" iyon ang nakasulat sa poster na nakadikit sa dingding nito. 

 ----------

"Alam ninyo naman siguro kung anong tinutukoy na 'major event' ang mangyayari sa Wednesday." Ani Miss Anna sa buong staff niya ng tinipon niya ang mga ito bago magbukas ang kanilang restaurant. 

"Grand Opening ng Hot Momma." Ani Vince 

"Tama, kaya there's a possibility na kakaunti ang customer natin sa araw na 'yon. Let's just hope na hindi nila maagaw ang mga loyal customers natin." Si Miss Anna na hindi man umamin ay kinakabahan rin. 

"Sigurado naman pong babalik sa atin ang mga customer. Dadagsain lang naman po siguro sila dahil curious ang mga tao at mayroon silang 50% discount." Ani Aling Fe na head cook at siyang pinakamatandang empleyado ng restaurant. 

"Sana nga, pero dapat makasiguro tayo, kaya sa Miyerkules, isa sa inyo ang pupunta sa Hot Momma, at ikaw 'yon, Jenny. Ikaw kasi ang pinakabagong crew dito kaya hindi ka pa gaanong kilala. So, prepare yourself on Wednesday." 

Labag man sa kalooban ay hindi na nakatanggi pa si Jenny. 

 ----------

Walang klase si Jenny pagkatapos ng trabaho kaya naman naisipan niya munang mamasyal ng kahit papaano ay mabawasan ang stress niya sa trabaho pati na rin sa eskuwelahan. Sa kanyang paglalakad ay narating niya ang parke na malapit sa Unibersidad na madalas tambayan ng mga nagpapalipas ng oras na mga estudyanteng 

Dala ng pagod sa trabaho at haba ng paglalakad ay naisipan ni Jenny na maupo sa talikurang bench na nasa ilalim ng puno. At nang makaupo ay kinuha niya sa bag ang baong chichirya pati na ang dalang manipis na librong matagal na niyang inumpisahang basahin pero hanggang ngayon ay hindi man lang siya nangangalahati. 

My Romantic Textmate (Message Sent)Where stories live. Discover now