- Say Yes ● Loco and Punch
now playing..
─────
Neon's POV
─────
9:00am
Nasa garden kami ng school. Kala ko naman magtatanim tas naalala ko nga pala na art class ito. Pumasok ako sa art class namin. Di ko ine-expect na makikita ko dito si Kisha..
Gusto ko umalis sa totoo lang. Hindi ko pa nakakalimutan lahat. Gusto ko kalimutin ang namagitan samin. Ayoko na. Its been 2 months and it still hurts.
Why? why am I still hurting? Why can't I get over you?
I picked up my bag and was about to leave. Tumingin si Kisha sakin pero I just ignored her. I was expecting her to block my way para tumigil ako sa pagcutting pero she just looked away.
Di nga si Kisha ang pumigil sakin kaya adviser nalang ng art class ang pumigil. Okay sabi ko nga di na ako magcucutting, geez
"Mr. Falviom, masyado kang nasasanay magcutting. Why don't you join us for class today?" our adviser said and smiled
"Fine." I said with a cold tone and was about to go back to my seat.
"Neon! may free seat dito" sabi ng babae sa dulo na nakaupo.
"Neon wag dyan dito ka please~" sabi naman ng isa na katabi ni Tyco at Void.
"Girls quiet down please" the teacher said pero di naman nakinig yung mga babae
"Katabi mo na nga si Void at Tyco pati ba naman si Neon kukunin mo rin?" sabi ng babae sa likod
Kung ang mga babaeng andito pinagaagawan ako, mga lalaki naman kanina pa masama tingin sakin. Kaya pala galit na galit yung mga lalaking sumusugod nalang bigla sakin. Mga girlfriend daw nila parang nagkakacrush na sakin. tch. Kasalanan ko ba na nagustuhan nila ako kesa sainyo?
Si Elixir, Tyco, Void at Orio di naman sinusugod ng ganto. Bat ako pa? Mukhang may galit tong mga kumag na toh sakin ah. Si Orio naman, talagang walang magagalit dyan. Kaya nga tinawag siyang anghel.
"No thanks girls dun nalang ako sa dating pwesto ko" Sabi ko sabay umupo sa upuan. Nakita kong may binulong si Stacy kay Kisha at bigla silang tumawa. Curious ako pero bala sila, wala na akong pake.
"For today we will be painting about plants or nature.Kung gusto niyo ay gumawa kayo ng painting na kagaya ng nakikita niyo ngayon sa garden. Kung gusto niyo rin magpainting pero hindi kagaya ng nakikita niyo sa garden pwede naman basta about sa nature parin.
Nature is pretty isn't it? Thats why I want you to show your love for nature by painting. You can start now" the adviser explained kaya nagstart na ako. Para sakin madali lang naman. Tinuruan ako ng parents ko dati. Naging hobby ko to dati. Hindi man kapani-paniwala pero totoo ito.
Madalas kasi ang nakikita sakin ng ibang tao. Rude, masama ang ugali, laging galit, laging seryoso, mahilig magcutting at manakit ng tao.. etc.
Kaso hindi naman ako ganon kasama, Hindi naman ako nanakit ng tao dahil lang sa ginusto ko. Nanakit ako pag kailangan na talaga at pagdeserve nung tao yun. Ang hirap kasi sa tao ang bilis nila manghusga, sigurado akong naranasan niyo narin yung mahusgahan ka ng iba kahit hindi ka pa talaga nila kilala.
"Wah ang cute nung inyo" may naalala ako bigla nung marinig ko siyang nagsalita
─🧩────
"UY GAGO KA ANG CUTE KAYA"
"Anong cute dyan papel lang yan na may sketch?" sabi ko habang tinitingnan siya na biglang sumimangot
"Ayaw mo sige akin nalang joke"
"Sige iyo nalang HAHA" sabi ko kaya binigay ko sakanya yung notebook
"Seryoso ka akin nalang?"
"Oo naman"
"Sige sabi mo yan HAHA WALA NG BAWIAN, BAKA BUKAS HABULIN MO NALANG AKO SABAY SABIHIN MO '#!#!#!# HOY BALIK MO NA PALA SAKIN NOTEBOOK KO' HAHA"
"Wow, pede rin naman gusto mo talagang bawiin ko yan?"
"Joke lang eto naman. Sabi ko nga tatahimik na nga eh"
"Good HAHA"
─🧩────
Neon ano ba... just focus. Wag na balikan ang nakaraan kung di lang rin naman maibabalik sa kasalukuyan. Sabi mo ayaw mo na bumalik sakanya diba? Sinisi niya ako. Kala ko mahal niya talaga ako. Ang sakit isipin na sinisi mo ako sa lahat ng nangyari haha. tangina.
Kaya ayoko ng arts eh. Bumabalik lahat ng ala-ala.
─𔘓────
Tapos na ang art class. Iniwan ko nalang yung painting. Di na talaga ako papasok sa susunod kong klase. Mamaya maabutan ko nanaman yung babaeng yun. Nakakaasar.
─────
Scarlet's POV
─────
Once again, nakita ko nanaman si Kuyang mukhang sigarilyo este Kuya Neon. Sigurado ako may problema nanaman tong lalakeng toh kaya ayan, lumabas ng school habang may hawak na sigarilyo. Sadboi yarns? jk
Anyway I was about to continue walking ng bigla kong nadaanan yung art class. May narinig akong mga boses. Kilala ko sila sa boses palang. Galing ko noh? cause I'm an alpha kid
"Kanino toh?"
"Kay Neon ata yan"
"Iniwan niya?"
"Hmmm I'll try and ask him later"
"Itatapon lang niya yan" sabi ni Kisha. Halata naman eh. Magdradrawing sabay itatapon. Unti nalang, mapupuno na ng punit-punit na papel yung bahay namin. Siya talaga paglilinisin ko ng bahay. Wag niyo ko itats nanggigigil ako.
─🧩────
Hays.. tapos narin mag linis ng bahay.
I streched my arms sabay binagsak sa sahig ang mop at walis tsaka umupo sa sofa. Yung messy bun ko nagulo na.
Biglang lumabas si kuya Neon ng kwarto niya. Nakasuot ng parang pang rider na damit. White t-shirt at short black jacket, jeans and brown colored shoes. Awit may date ata sila ni ate #%%#%#.
Sabay may dala siyang note book este sketchbook niya. Maya-maya ay habang naglalakad siya pinupunit niya yung mga papel ng sketch book sabay nilalaglag sa sahig.
"Hindi ito. Mas lalong hindi ito. Ang pangit nitong isa wag na toh. Dapat maganda eh. Ano ba yan hindi rin ito ang pangit nito. Wag din ito"
"KUYA PULITIN MO NAMAN KALAT MO NAKAKAASAR NA OH. KAKALINIS KO LANG NG BAHAY"
"Pakilinis nalang may pupuntuhan ako. Sorry nagmamadali ako eh"
"Aba sumbong talaga kita kay mudra. Ang kalat mo nanaman"
"Kung masusumbong mo. Bye HAHAH" sabi nito sabay takbo sa labas kaya dinala ko yung walis namin sabay hinabol siya
"HOY BUMALIK KA DITO!!" pagsigaw ko pero di ko na siya naabutan. Leche talaga. Maglilinis nanaman ako. One on one suntukan kami nito pag bumalik toh. Wag ka magpapakita sakin Kuya Neon magkakablack eye ka talaga sakin
─🧩────
"Tara na may klase pa tayo baka malate tayo" Sabi ni Void kaya dali dali akong tumalikod at naghahanap ng pwede taguan. Bucket ba? Nacurious ako sa pinaguusapan nila eh. Di ko na nga namalayan na kanina pa pala ako nakikinig sa sinasabi nila
"Scarlet?" ayan lagot na di ako nakapagtago agad. Fly High sakin mga teh. Goodluck nalang sakin, baka lumipad na ako ng tuluyan 🕊🕊🕊
"Ehe hi Cassidy" Sabi ko sabay humarap sakanila
"What are you doing here? may kailangan ka ata kunin sa art class and almost forgot, your brother left his painting" Sabi ni Void kaya napangiti nalang ako ng pilit
"Ah no, actually papunta ako sa covered court. Napadaan lang ako. Yung painting? hayaan niyo nalang diyan. Adviser nalang siguro ang magtatago niyan. Pag kasi binalik ko pa kay Kuya Neon yan, itatapon lang niya yan. Sayang" Simpleng sabi ko at ngumiti sakanila
"Ahh may things ka ba na naforgot sa covered court?" tanong ni Stacy. Luh pano niya nahulaan? Pakihulaan nga po ng future ko kung makikita ko bias ko*-* lol.
"Yeah I forgot something" They all made an 'ohh' sound
"Anyway gotta go byee!. See you guys later sa paglilinis ng court" I bid goodbye
"Sige bye!"
"Bye ingat ka"
We all separated and left. Bumalik na sila sa klase nila. Ako ay papunta sa covered court. Actually gamit ni kuya Neon yung naiwan sa court eh, hindi akin. Inutusan lang ako nung gurang na yun.. My feet hurts ya know?
TO BE CONTINUED..
─𔘓────
A/N: So... diba nakikita niyo yung puzzle emojis? and ginamit ko siya sa flashback parts? malalaman niyo sa next chapter;)
🖋: [08. 20. 21]