STASG (Rewritten)

Autorstwa faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... Więcej

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XIV

7.7K 229 50
Autorstwa faithrufo

"Admit it, you're waiting for something that you know is never gonna happen and you're completely aware of that. Am I right?"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Ow!" daing ko. "Ang daya mo! Hindi naman ganun kalakas suntok ko!" Nang gigigil na sabi ko bago kurutin 'yung balat sa may kili kili ni Asher.

Agad siyang napahiyaw sa sakit bago niya hinampas 'yung kamay ko. "Wag dyan!" sigaw niya. Bumitaw na ako at sinamaan siya ng tingin. "Hindi naman ganun kalakas suntok ko! Mas grabe nga 'yung sa'yo e!" Itinaas niya 'yung sleeve ng polo niya. "Tignan mo nga oh! Pulang pula na!"

"Eh tignan mo naman 'yung akin?!" itinaas ko 'yung sakin at pinakita 'yung nag v-violet kong balat.

"Puta," mura niya bago hawakan 'yung siko ko at hilain 'to para matignan 'yung pasa ko. "Ba't ganto naman na?"

"Pasain talaga ako diba?" binawi ko na 'yung braso ko at binaba 'yung sleeves ko. "Tsaka ako naman nag aya na magsuntukan tayo e."

Hinawakan niya ulit 'yung braso ko at medyo hinimas 'yung ilalim nung pasa ko gamit 'yung thumb niya. Kinagat ko 'yung loob ng pisngi ko para hindi dumaing.

"Masakit ba?" nag aalalang tanong niya at umiling lamang ako. "Ano ba kasing trip mo?"

"Wala lang."

"Sorry," aniya. "Sorry talaga. Ang tagal mo na kasing hindi nagka pasa. Nawala sa isip ko."

"Sus," ngumuso ako. "Wala kang kasalanan. Ako nga nag aya e. Kulit mo din nu?"

Ngumisi siya, "Alam mo naman kasing game ako sa kahit anong aya mo e."

"Ows?" tinaasan ko siya ng kilay. "Kung ayain kitang maghalikan tayo, game ka?"

Panandaliang lumaki 'yung mata niya dahil sa sinabi ko. Tapos napatingin ako sa labi niya nung basain niya 'to. Nakita ko 'yung pangil niya nung ngumisi siya bago lumapit sakin. Nalipat ko 'yung tingin ko sa mapungay niyang mga mata at kumalampag 'yung puso ko sa dibdib ko. Nakita ko ang panandalian niyang pag sulyap sa labi ko bago niya 'to ibinalik sa mata ko.

"Malay mo," mahinang aniya. "Oo."

Lumayo siya at agad na pumutok 'yung kung ano mang bubble na nakabalot saming dalawa kanina.

Medyo natulala ako dahil sa sinabi niya kaya naman umiling ako at lumunok. Sumulyap ako sa wall clock ng classroom nila at tumayo, "Malapit na pala mag-time. Balik na ako sa classroom namin."

Tumango siya at itinabi 'yung paa niya para makadaan ako, "Okay, ingat sila sa'yo. Tanga ka pa naman."

Isinipa ko patalikod 'yung paa ko nung malagpasan ko na siya kaya naman tumama 'to sa binti niya.

"Tss, lumayas ka na nga. Dadating na crush ko." Napatigil ako at napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. Itinataas baba niya 'yung kilay niya at may naglalarong ngisi sa kanyang labi. Lumipat 'yung tingin niya sa kung ano mang nasa likod ko.

Lumingon ako at nakita si Abigail na papasok na ng classroom, 'yung seatmate niya. Uminit 'yung gilid ng mata ko at napalunok ako. Siya pala.

"Hi Adrian!" bati niya nung nakita niya ako. Sobrang lambot ng boses niya. Bagay na bagay sakanya dahil sobrang hinhin niya at napaka bait.

"Uy, Gail." Bati ko pabalik pero hindi ko magawang ibalik 'yung ngiti niya.

"Babalik ka na sa room niyo?" tanong niya at tumango lamang ako tapos pilit na ngumiti.

Nilagpasan ko na siya at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nakita ko pa si James na nakatingin sakin, pag aalala ay halata sa mata niya. Nung makalabas na ako ay sumulyap pa ako sa bintana. Pagka upong pagka upo ni Abigail sa tabi ni Asher, naghiyawan ang mga kaklase nila. Nag iwas nalang ako ng tingin at nagmamadaling naglakad pabalik sa classroom ko.

Pagka pasok ko sa classroom ay agad kong nakita ang mga kaibigan kong nagkukumpulan sa row namin. Inokupa na ni Tris 'yung upuan ko, 'yung ulo niya nakasandal sa balikat ni Jared habang nakikinig sila kay Angelo na nag gi-gitara.

Sa pinto palang ay nakita na ako ni Tris at sumenyas na lumapit ako bago niya tinapik 'yung hita niya. Sinunod ko ang sinabi niya at kumandong sakanya. Agad niya akong niyakap ng parang isang bata.

"Bakit parang ang lungkot mo, bes?" tanong niya at hindi ako sumagot. "Kaninong itlog ang babasagin ko?" Hindi parin ako sumagot.

"Can I lay by your side?" pagkanta ni Angelo at nagsi-taasan ang mga balahibo ko. "Next to you? You.."

"Crush ko na siya, Tris.."

"Si Asher?" tanong niya. Medyo lumingon ako sakanya bago tumango. "Sus, lilipas din 'yan."

Bumuntong hininga ako, "Sana." Nagtama 'yung tingin namin ni Jared nung palingon na ako sa harap. Nakahawak siya sa ibabang labi niya at base sa ekspresyon niya at narinig niya ang usapan namin. Hindi ko nalang siya pinansin at humarap na ulit kina Angelo. Malalaman din naman nilang lahat, lalo na't si Tris ang unang naka alam.

Hindi nagtagal ay tumunog na ang bell kaya naman nag sitayuan na sila para bumalik sa kanya kanyang upuan. Ako tumayo lang para makaalis na si Tris.

Maingay parin ang classroom dahil wala pa naman kaming teacher, pero kami ni Jared, tahimik lang. Well, tahimik dahil nakayuko siya at may plano atang matulog.

"Jared"

"Hmm?"

Hinarap ko siya at nakitang nakayuko parin siya, "Pano mo malalaman kung may gusto sa'yo 'yung lalaki?"

Binuksan ni Jared 'yung isang mata niya para matignan ako. Bago siya humarap sakin ng medyo nakakunot ang noo, "Why?"

"Curious lang."

Tinignan niya ako ng parang hindi siya naniniwala. Hinawakan niya 'yung batok niya at nagkibit balikat, "It depends," aniya. "you can never really tell unless he makes a move on you."

"Eh paano kapag sobrang sweet siya sa'yo? Pero sinasabi niyang may iba siyang gusto..." tanong ko. "ano ibig sabihin nun?"

Itinagilid niya 'yung ulo niya at medyo itinaas 'yung isa niyang balikat, "It means he's just a really sweet guy."

"So wala siyang gusto sakー dun sa girl?"

"Still can't tell," sagot niya. "Maybe he's just pretending to like someone para hindi malaman nung babae."

"Pa'no kung meron talagang babae na gusto niya?"

"He doesn't like yoー" medyo umubo siya. "the girl then."

"So assuming lang 'yung babae?"

Tumango tango siya bago niya ipinatong 'yung siko niya sa mesa niya at inilagay 'yung isang daliri niya sa ibabang labi niya, hinihintay ang reaction ko. Yumuko lang ako at hindi na nagsalita. Narinig ko siyang gumalaw, medyo lumapit. "Can't really blame the girl though."

Tinignan ko siya, "Anong ibig mong sabihin?"

"Kung ganun ba naman kumilos 'yung lalaki when he's with her," nag iwas siya ng tingin at dinampot 'yung ballpen niya. "hindi mahirap i-assume na he likes her."

"So tingin mo nga posibleng may gusto 'yung guy doon sa babae?"

"No," kumunot ang noo niya at tinignan ako. "just because he's sweet doesn't mean he has romantic feelings for her."

Kumuba ako at bumuntong hininga, "Ang gulo naman."

Nag chuckle siya, "Magulo talaga." Sumulyap ako sakanya; naghihintay. Kasi mukhang may sasabihin pa siya. "Pero kung gusto niya talagang malaman, she should just ask him."

Napalayo ako at napanguso, "Edi nagmukha na siyang assuming?"

Ngumisi si Jared, "Assuming na nga siya e. Bakit hindi niya pa sagarin?"

• • • • • • • • • •

"Hero, 'wag mo naman ibuga sakin."

"Ay, sorry." Aniya bago humarap sa kabila para doon ibuga 'yung usok ng sigarilyo niya.

"Shit," bigla na lamang lumitaw si Kiko. "Itago niyo ako!"

"Bakit?" nakakunot noong tanong ko.

"Si Hannah dadaan," nagmamadaling sabi niya habang sinusubukang magtago sa likod ko. "kasama niya mga alipores niya."

"Engot ka talaga! Pumasok ka dun sa shop!"

Yumuko pa siya lalo. Kulang nalang ipasok niya 'yung ulo niya sa palda ko. "Ssh! Makikita niya ako, andyan na siya e."

As if on cue, may narinig akong nagsalita na babae, "I could've sworn I saw him! Siya 'yun, promise."

"Ano bang suot niya?" tanong ng isang babae. Lumitaw na sila sa paningin ko. Mga nakapormang kikay. Tatlo lang sila at ang puputi! Naglaway ata ang katabi kong si Hero.

"Naka white siyang sando."

"Hi miss!" bigla na lamang isinigaw ng katabi ko kaya naman sabay sabay na nagsi-lingunan 'yung mga babae sa direksyon namin. Inihagis ni Hero 'yung sigarilyo niya at tumayo sabay inilagay 'yung gitna ng bimpo niya sa batok at hinawakan ang magkabilang dulo nito sa kanyang mga kamay. "Ako ba hinahanap niyo?" malakas niyang tanong dahil tulad ni Kiko, naka puting sando din siya.

"Uhm, no." sagot nung pamilyar na babae sa gitna. Nung humarap na talaga siya saamin, dun ko lang na-realize na si Hannah pala ito.

Bumukas 'yung pinto ng computer shop at lumabas si James kasama si Troy at parehas na naka bukas ang polo nila kaya naman kitang kita 'yung panloob na suot nila. Sa pinto palang ay nakita na nila kaagad si Kiko na naka crouch at nagtatago sa gilid ko kaya naman nagpuno ng pagtataka ang mga mata nila.

"Oh! Eto pa pala!" malakas na sabi ni Hero kaya naman gulat na napatingin 'yung dalawang lalaki sakanya. "Mga brad! Etong magagandang mga binibini na ito ay naghahanap ng lalaking naka puting sando!"

Nag aalangang tumingin si James sakin kaya naman pinandilatan ko siya ng mata. Agad niyang na-gets at tuluyang hinubad 'yung polo niya at inikot ikot 'to sa taas ng ulo niya.

"Ako ba ang inyong hinahanap, mga munting binibini?" tanong niya habang naglalakad papalapit sakanila at tumigil sa tabi ni Hero. Mas lalong natakpan ang tinataguan ni Kiko.

Umupo si Troy sa tabi ko at natatawang pinanood lamang ang dalawa niyang kaibigan. Walang plano makisali sa kanilang kalokohan.

Bumukas at ang pinto at nahigit ko ang hininga ko nung lumabas si Asher. Hindi na niya suot 'yung polo niya pero naka puting t-shirt siya. Naka fold 'yung sleeves ng t-shirt niya kaya naman kitang kita 'yung mga ugat ugat niya sa braso pati na din 'yung ilang nunal niya dito. Napaka tangos ng ilong ni Asher dahil may dugo silang kastila. Tapos 'yung kilay niya itim na itim katulad ng buhok niya. Hindi 'to masyadong makapal hindi din naman ganoon kanipis. Wala siyang korte, diretso lang pero kung titignan mo e akala mo inayos ng isang make-up artist. Sa lahat ng lalaking kilala ko, sa mata niya ako pinaka nagagandahan kahit simpleng dark brown lang ito nadaig niya pa ang kulay asul na mata ni Kiko. Siguro dahil sa napaka haba niyang pilik mata, daig pa ang babaeng gumamit ng curler at mascara. Tapos 'yung labi niya.. medyo dark ito dahil sa paninigarilyo. Ani ng marami ay cupid's bow daw ang tawag sa shape ng labi niya. Naka push back 'yung buhok niya dahil medyo mahaba 'to sa harap tapos may suot suot siyang gray na beanie.

Itinaktak niya 'yung hawak hawak niyang sigarilyo bago niya 'to inilagay sa labi niya. 'Yung uniform niya lukot na at naka sampay lang sa balikat niya.

"Ano meron?" kunot noong tanong niya. Iniabot ko 'yung kamay ko sakanya kaya naman medyo lumapit siya at binigay sakin 'yung polo shirt niya. Dumapo 'yung tingin niya kay Kiko at tumaas ang isang kilay niya.

"Asher, right?"

Napatingin kami doon sa nagsalita at nakita ko si Hannah na medyo umabante. Noong tinignan ko si Asher, nakita kong umangat 'yung gilid ng labi niya.

"Sino ka nga pala?" tanong niya kay Hannah. Ginawa ko na lamang busy ang sarili ko at itinupi 'yung uniform ni Asher habang pinapakinggan ko silang mag usap.

"Hannah," rinig kong sagot nung babae. "Hannah Encio, nag usap tayo sa fb."

Medyo ini-angat ko 'yung tingin ko para matignan si Asher kaya naman nakita ko ang mabilis na paglipat ng tingin niya kay Kiko pabalik kay Hannah.

"Ah, oo." Aniya bago umabante. "Bakit ka naman napadpad dito?"

Bahagyang tumawa si Hannah, "May friend kasi akoー" rinig ko ang pagbulong ni Kiko ng bullshit at hindi ko napigilan ang pag ngisi. "ーsi Christopher. Christopher O'Connor? May kilala ba kayong ganon? Nakita ko kasi namin siyang tumakbo papunta dito.."

Nanghiram si Asher ng lighter habang nagsasalita si Hannah para masindihan niya 'yung sigarilyo niya. Humithit siya ng kaunti bago niya 'to inalis sa pagitan ng labi niya. "Christopher?" kunot noong tanong niya bago siya nagtaas ng isang kilay. Umiling iling siya, "Wala kaming kilalang ganun."

"Pero.. you're friends with him on facebook.."

"Shit," bulong nung ulupong na nagtatago parin sa likod ko.

"Oh?" parang gulat na gulat pa si Asher. "May picture ka ba niya?"

"Ah yes yes!" ani Hannah bago ilabas 'yung iPhone niya. Sosyal. Naglakad siya papalapit kay Asher, pero hindi ganun kalapit dahil nakaharang parin si James at Hero sa dadaanan niya. "This is him."

Tumayo si Asher sa pagitan ni James at Hero tapos sabay sabay nilang tinignan 'yung pinapakita ni Hannah. Gusto kong maki usyoso pero ayoko namang makita nila si Kiko.

"Ah!" bigla na lamang sigaw ni Hero bago niya tinapik sa balikat si Asher. Nangunot ang noo ni Asher at medyo pinandilatan niya si Hero. Si Troy, na tahimik parin na naka upo sa tabi ko ay biglang tumawa sa reaction na ginawa ni Hero. Malaking matang tinignan ni Hero si Asher, "Kilala natin yan diba?"

Hindi sumagot si Asher kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko. Anong gagawin nila? Anong palusot naman ang inimbento nitong si Hero?

"Oo!" sabi naman ni James bago itulak 'yung balikat ni Asher. "Si Chris! Chrissy? Bakla 'yan e." Mas lalong tumawa si Troy, may kasamang palakpak pa. Naitakip ko 'yung uniform ni Asher sa bibig ko para hindi nila makita 'yung ngiti ko.

"B-Bakla?" hindi makapaniwalang tanong ni Hannah.

Natawa bigla si Asher kaya naman nagpeke siyang ubo. "Oo nga pala," nakangiting kinamot niya 'yung noo niya habang 'yung isang kamay niya ay nakabulsa. "Si Chrissyー" napatawa siya at nag pekeng ubo ulit. "Dumadaan 'yan dito minsan naka micro mini.. ta's 'yung itlog niya nakalaylay."

Napa-squat si Hero bago humalagpak ng tawa at pumalakpak. Si James naman ay napasandal nalang doon sa bakal sa tabi niya at 'yung katabi kong si Troy naiiyak na sa tawa. Naramdaman kong gumalaw si Kiko kaya naman napatingin ako sakanya. Tumayo na siya habang nakasimangot dahil sa kalokohan ng tropa niya. Lumapit siya kay Asher at binatukan ito.

"Ano bang kailangan mo?" maangas niyang tanong kay Hannah bago niya kamutin 'yung ulo niya. "Hanggang dito ba naman.."

Panandaliang naguluhan si Hannah at ang mga kaibigan niya bago siya ngumiti ng pagka lawak lawak. Inilagay niya 'yung bangs niya sa likod ng tenga niya bago siya nag pout.

"You didn't reply to my text."

Kawawang Kiko.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.2M 36.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
3.6K 254 8
"Don't be afraid to love as well as to be hurt." Lucy Madrigal
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...