**********oo**********
Kahit na nakakaramdam na ng panghihina si Apollo ay hindi niya ipinahalata sa lahat
Nakapagbago pa ulet siya ng isa pa niyang kaanyuan, bilang isang demonyo
Mas malaki na siya ng kaunti kay Khael at mas malalaki ang kanyang mga braso at kamay
Napatubo niya ulet ang naputol na braso sapamamagitan ng kanyang bagong kaanyuan
"Hinding hindi niyo ako matatalo!," sigaw nito, tumayo naman kaagad si Khael at sinugod ang nasa harap na kalaban
Nasugatan naman niya ito kahit na mas malaki iyon sa kanya
Hindi alam ni Khael na tinutulungan siya ni Yuri para bigyan siya ng lakas at liksi para mapatay nito si Apollo
"Kayanin mo, Khael!!," sigaw niya habang sumusuka na ng dugo pero nakapikit pa din siya,"Huwag mong sasayangin ang sakripisyo ng aking lola pati na ang ginagawa ko,"
Umiling lang si Khael na tumutulo na ang luha
"Wag mong itaya ang buhay mo, Leigh!," sigaw nito saby lapit sa kinalalagyan niya
Binayo ng binayo ni Khael ang nakaharang na panangga sa harapan nila na pumuprotekta sa kanya pero wala silang nagawa
Ang ilang sa kanila ay lumalaban na ulet sa mga aswang na halos sumigla ng makita ang bagong kaanyuan ni Apollo
Lumapit si Apollo sa nakatalikod na si Khael habang abala sa pag sira mg harang sa pagitan nila
Kinuha nito ang pinsan at inihagis malayo sa kanila ni Yuri
Ngumisi si Apollo at unti unting binubutas ang harang na nasa pagitan nilang dalawa
Sumuka ng dugo si Yuri, pati ang mga tainga niya ay may lumalabas na din dugo habang nabibitak ang harang na ginawa niya
"Ah!," napamulat siya at napahiga ng masira na ng tuluyan ni Apollo ang gianwa niyang harang
Nilapitan siya nito at sinakal, hinang hina na siya at alam niya anumang oras at mamamatay na siya
Pero hindi siya papayag na matalo at manalo ang nasa harapan niya
Kung kayang isakripisyo ng kanyang Lola Maria ang buhay nito, iyon din ang gagawin niya, isang orasyon nalang ang hindi pa niya nagagawa at nagagamit
Pero alam niya iyon na ang tatapos sa kanyang hininga
"Mamamatay kana din sa mga kamay ko," ani ni Apollo na itinutok na ang mga kuko sa tapat ng kanyang puso,"Kagaya ng lola mo kakainij ko din ang puso mo!,"
"Ugh," napadaing siya ng unti unting bumabaon ang mga kuko ni Apollo sa kanyang dibdib
Ramdam na niya ang pagpsok niyon sa kanyang kaloob looban
Tumakbo si Khael at pinigilan si Apollo sa pagdukot sa puso ni Yuri, pero lagi siyang tumatalsik
Ang mga pakpak ni Apollo ang hunaharang sa kanya, kahit na anong gawin niyang pagsugod ay balewala lang iyon kay Apollo
"Mahal na mahal kita, Khael!!!," sigaw ni Yuri ng makapasok na sa loob ng kanyang dibdib ang kuko ni Apollo, dakot dakot na nito ang puso niyang tumitibok tibok pa
Pinipiga na iyon ng aswang na kaharap niya at nagpapahirap sa kanya, kinakapos na sita ng hininga habang paunti unti na pinipiga iyon ni Apollo
Kita sa mukha niya na anumang oras ay mawawalan na siya ng hininga
"Paalam, Khael!," sigaw niya na pilit gumalaw at niyakap nito si Apollo,"Mahal na mahal kita!,"
Kasabay ng pagsigaw niya at unti unting pagkawala ng kanyang hininga ay binigay na niya ang huling alas niya para kay Apollo
Nabitawan nito ang puso niya na natusok ng mga halaman na likha niya para lang mapatay si Apollo
Lumusot iyon sa katawan niya kasabay ng pagyakap niya sa halimaw na nasa harapan niya
"Aaaahhhhhh!!!," malaks na sigaw ni Apollo habang kumakapit sa katawan nito ang mga halaman namay lason at sumisipsip ng dugo mg katulad nito
Bumagsak ang wala ng buhay na katawan ni Yuri na butas ang ilang bahagi ng kanyang katawan
Ginamit niya ang sariling katawan para patubuin amg mga halamang iyon sapamamagitan ng kanyang dugo at laman
"Leigh!!!," sigaw ni Khael sabay takbo sa kinalalagyan nito,"Huwag kang mamamatay, Leigh," umiiyak na itong kalong ang wala ng buhay na katawan ng dalagang mahal na mahal niya
Ang mga aswang naman ay nagbago na ng kaanyuan, bumalik sa pagiging tao at sumuko sa mga kalahi nila
Ilang sandali pa ay dumating na din sina Haring Karry, Reyna Mayumi, sina Greg at ang buong pamilya nito kasama ang lahat ng kalahi
Nakita nilang patay na si Apollo na ngayon ay parang tuyot na halaman nalang, wala na din ang puso nito at kahit lamang loob
Kinain na ng halamang pumasok sa katawan nito,
Inipon nila ang mga nagkasalang aswang at ikinulong sa isang napakalaking kulungan na gawa ng pinuno ng mga ermitanyo
Kasama din nila ito at nanlumo din ito ng makitang patay na ang dalagang nagligtas sa kanilang Prinsipe na ngayon ay nagdurusa
Umiyak din ng umiyak ng lahat ng mga kaibigan nila dahil nawlaa ang isa sa kanila
"Ukinalulungkot ko ang nangyari," ani ni Karry,"Kung napaaga lang sana ang dating namin, sana hindi siya nagbuwis ng buhay,"
"Wala na siya, Ama," iyak ni Khael habang yakap ang katawan ni Yuri na natutuluan na ng kanyang luha
Napayuko nalang sila habang nalulungkot sa nangyari, nakaupo naman sa ulunan ni Yuri ang mga kaibigan niya, hinahaplos ang kanyang ulo at mukha
Hindi sila makapaniwala na hindi na nila makakasama pa ito
Hindi na nila makikita ang mga ngiti nito
At higit sa lahat, hindi na nila madidinig ang boses nito na inaasar sila at pinipikon
"Yuri," iyak nina Trina at Aira
"Leigh, gumising ka!," kuro nina Sister Janelle at Nena
Habang nagdadalamhati sila ay pinasok nila ang loob ng palasyo para ipunin ang mga aswang na napatay at nagtatago sa loob
Hindi na din nila nakita pa ang bunsong anak ni Serafino
"Mukhang nakatakas ang bata," ani ni Greg,"Ang Babaylan ay patay sa loob, mukhang tinapos na nito ang sariling buhay para hindi maparusahan,"
Napabuga ng hangin si Haring Karry sa nalaman, maaari sana nilang kupkupin ang bata at tuturuan ng maayos pero mukhang nahuli na sila ng dating ar nakatakas na ito
Kung sinuman ang kasama nito ay wala silang alam, dahil alam nila na patay na ang kapatid nitong babae at ang inang Reyna nito
Kaya wala silang alam kung sino ang nagtakas dito at saan ito dinala
"Baka sa mundo ng mortal," ani ni Mhiya na nalulungkot din sa pagkawala ni Yuri
"Siguro nga," ani ni Haring Karry
Agad nilang isinakay sa karawahe si Yuri at iniuwi sa kaharian nila Mayumi, habang umiiyak pa din ang lahat sa pagkawala nito
Himdi nila ramdam ang pagkawagi nila sa labanan kung wala ang isa sa kanila lalo na ang pinakamalapit sa kanilang lahat
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!
Paalam Yuri Leigh😭😭😭😭
Kawawa naman si Khael😓😓😓
Hanggang sa muli🖐🖐🖐🖐