Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

De Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... Mai multe

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 69

569 59 2
De Akiralei28

A/N: Happy 11k of reads sa ating lahat👏👏👏👏👏👏

Kung di po dahil sa inyo wala po ang kwentong ito🤗🤗🤗🤗

Thank you po sa inyo🙏🙏🙏

**********oo**********


Samantala,

Nakakuha na ng dahon at halamang gamot si Gudo oara maipainom sa tatlo na hanggang ngayon ay wala pa ding malay tao

Na ipinagtaka iyon ni Gudo, kaya napaisip nalang siya na bka nasobrahn ang tatlo sa banal na langis na ininom ng mga iyon

Kaagad niyang dinikdik at piniga ang katas ng mga nakuha niyang dahon at halamang gamot, bago ipinainom sa tatlo habang nakikiramdam sa kapaligiran

Ilang sandali pa ay umubo ubo ang mga iyon at nagkamalay na dahil sa kanyang ipinainom na halamang gamot

"Mabuti naman po at nagkamalay na kayo, Kamahalan. Mahal na Prinsipe at Mahl na Prinsesa," ani niya sabay tapon sa hawak niya

"Ano bang nangyari?," takang tanong ni Kharry

"Nawalan po kayo ng malay tao matapos ninyong inumin ang natitirang banal na langis,"

"Baka napagod lang kami at nanibago," ani ni Kharry na sinang ayunan naman ni Gudo

"Tayo na po at umalis,"yaya nito,"Nakaalis na sila Haring Serafino patungo sa Kaharian ninyo,"

"Tara na kung ganoon," ani ni Khael at kinuha na ang sandata na nakalagay sa kanyang tabi

"Bago pa mahuli ang lahat," sambit ni Gudo,"Baka mapahamak sila kung hindi po tayo kaagad kikilos ng mabilis,"

Tumango silang tatlo at kaagad na naglakad ng mabilis patungo sa kabundukan,

Doon sila dadaan para walang makapansin sa kanilang mga aswang at ligtas sila sa kagubatan kung doon sila dadaan

Maraming engkanto at engkantado silang nakikita sa kanilang dinadaanan, bawat isa ay nagbibigay pugay at galang sa kanila

Naghahanda din ang mga iyon para sa digmaan, alam nila na kasapi at kakampi nila ang mga iyon

"Susunod po kami sa inyo, Kamahalan," ani ng isang Prinsipe habang nakayuko sa harapan nila,"Inihahanda lang po namin ang aming sandatahan bago lumusob at protektahan kayo laban kay Haring Serafino,"

"Salamat, Mahal na Prinsipe,"ani ni Karry,"Mauuna na kami sa inyo, nasa panganib ang aking kabiyak,"

Tumango nga si Gudo bago ginamit ang kapangyarihan niya sa paglaho o  nagtelefort siya kasama ang tatlo

**********

Samantala,

Naghahanda naman ng mga sandaling iyon sina Greg, Mayumi at ang kanilang hukbo sa papalapit na grupo nila Haring Serafino

"Ilang sandali nalang at makakarating na sila," ani ni Mayumi

"Paulanan sila!,"utos kaagad ni Greg sa mga bampa na nasa itaas ng palasyo nila

Kaagad pinaapoy ng mga kawal nila ang dulo ng palaso bago sabay sabay na binitawan iyon papunta kina Haring Serafino

Ilang bolang apoy din ang sumalubong sa mga grupo nito

"Sugod!," sigaw ni Haring Serafino sa mga aswang, marami ang natamaan at namatay na hindi nakailag sa umulan na mga palaso na may apoy ang dulo

Kaagad nasunog ang natamaan at namatay, mas marami ang namatay ng ang bolang apoy ang tumama sa isang grupo ng mga aswang

Lalong nagalit si Haring Serafino, kaya inutusan na niya ang mga aswang na lumilipad na sumugod at dalhin ang mga aswang na Asbo

Kaagad naman dinagit ng mga manananggal ang mga aswang na nasa anyong tao, kasama ng mga tiktik ay binuhat nila ang lahat ng kauri ng mga aswang na Asbo

Lumipad sila papasugod sa kaharian nila Greg, umiiwas sa mga sumasalubong na palaso para makalapit at maihagis ang mga dala nilang kauri

Nang nasa tapat na sila ng palasyo ay binitawan na kaagad ng mga manananggal at ng mga tiktik ang lahat na kanilang mga bitbit na lahing Asbo na humigit kumulang na nasa limang daang piraso

Nasa ere pa lang ang mga taong Asbo ay kaagad na silang nagpalit ng kaanyuan, ang anyo ng malaking aso na halos kasing laki ng bagong panganak na kabayo

May ilan naman na nalagas matapos matamaan ng palaso at bolang apoy, pero mas marami ang nakatapak sa loob ng palasyo

Kaagad ma sinunggaban ng mga iyon ang mga bampira na hindi nakahanda, may ilang naman na nakapagpalit ng kaanyuan at nilabanan ng lakas at buong tapang ang mga Asbo

Nasa hanay naman ng mga papasugod sa tarangkahan ng palasyo ang mga Bulik at Mambukay

Ang mga baboy na aswang na nakalabas ang mga ngipin naman ang siyang bumabalya sa malaking pintuan ng palasyo papasok sa loob

Halos isang daan ang mga iyon na pumupwersa sa napakalaking tarangkahan, umaangil at galit na galit na ang mga iyon

Nasa loob naman nakaabang sina Greg at Mayumi, kasama ang halos tatlong daang kawal nila

Nakaporma na sila ng panlaban, dahil anumang oras ay bibigay na ang kanilang malaking tarangkahan

Kahit na alam nila na matibay iyon, pero dahil sa mga aswang na sabay sabay na bumabalya doon, malamang ay baka masira na iyon

Napatingin sila sa itaas ng may bumagsak na isang kalahi nila, na mismong nakabantay sa kadena ng tarangkahan, nakita nilang sampung aswang ang humihila sa kadena na nakakabit sa malaking tarangkahan

Kaagad na tumalon ng mataas si Mayumi na nasa anying bampira, kaagad niyang pinatay ang mga iyon, pero nahuli na siya dahil habang kinakalaban niya ang limang aswang, may lima naman na nagbukas ng tarangkahan

Kaya sabay sabay na pumasok papasugod ang mga baboy na aswang, mga Bulik at mga Mambukay

Sumugod naman sila para salubungin ang mga iyon habang nasa anyong bampira, lakas sa lakas, ngipin sa ngipin at lahi sa lahi

Nasa dulo naman ng malaking tarangkahan si Haring Serafino, sumenyas na sugirin ang lahat at patayin, kaagad na bumababa sa kanyang sinasakyang aswang ang Hari at nilapitan si Greg

"Dito na magtatapos ang inyong lahi, aking kaibigan," sabay halakhak

"Nagkakamali ka, aking kapatid," ani ng isang boses na nagmumula sa likuran nito

"K-Karry?!," gulat na sambit nito ng harapin niya ang nagsalit, dahil tamang tama naman ang dating nila Gudo sa tarangkahan

"Kami nga," ani ni Mayumi sabay lapit sa kabiyak nito,"Kasama ang aming anak na siyang tagapagmana,"

"Paanong..?!,"

"Itinakas ko sila mula sa libingan," sagot ni Greg,"Dahil pinagsisihan ko ang pagtatraydor ko sa aking kapatid,"nakangising paliwanag nito

"Nasaan si Apollo?," takang tanong ni Karry, na ikinahalakhak lang ng Hari

"Pinapatay ang mga mababang uri na nilalang," sabay palit ng anyo niti at sinugod si Karry

Kaagad naman nakalayo ang mag ina kasama si Gudo na lumalaban sa mga aswanf

Nakapagpalit na din ng kaanyuan si Karry para malabanan ng sabayan ang kanyang nakatatandang kapatid

Lakas sa lakas

Bilis sa bilis

Dugo sa dugo

Halos ayaw magpatalo ni Serafino sa kanyang nakababatang kapatid

Gusto niya itong mapatay sa mismong mga kamay niya

"Kakainin ko ang iyong puso," banta ni Serafino,"Isusunod ko ang kabiyak at ang tagapagmana mo,"

"Hinding hindi ko iyon mapapayagan!," sigaw nito kay Serafino, umungol at umalulong pa si Karry bago sumugod sa kaparid niya, hindi alam nito na iyon na ang hudyat para sa paglusob ng mga kakampi nila

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

So ayan bitinin muna natin ang mga labanan😂😂😂😂

Sumakit ulo ko sa tindi eh😂😂😂

Kaya niyo yan Haring Karry at Prinsipe Khael💪💪💪

Lumaban kayo para sa nakararami at ng inyong lahi👊👊👊👊

Continuă lectura

O să-ți placă și

212K 13.2K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
66.7K 1.2K 40
Ang pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa...
9.8K 426 25
A story about the adventure of a mermaid in the world of humans.😉💖
119K 5.3K 90
Pagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay...