Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 58

578 57 3
By Akiralei28


**********oo**********

Kaagad naman umalis si Gudo para puntahan ang Baylana na tumatawag sa kanya

Alam nito na may kailangan ito sa kanya, kaya hindi na siya nagdalawang isip na kaagad na puntahan iyon

"Ano ang maipaglilingkod ko sayo, Baylana?," tanong ni Gudo ng ilang sandali pa ay nakarating na doon

"Kamusta, Gudo?," tanong ni Mayumi,"Ang aking asawa?,"

"Kamusta, Kamahalan?," tanong na ganti ni Gudo,"Maayos naman ang kamahalan at dalawang araw pa bago makauwi ang Mahal na Prinsipe kasama ang mga kaibigan niya," nakayukong sambit nito sa mga kaharap

"Gudo," ani ng Baylana,"Matutulungan mo ba kami?," tanong nito

"Ano iyon, Baylana?," tanong nito

"Maaari mo bang tulungan ang ating Prinsesa Mhiya?," tanong ng Baylana sa kanya

"Ano po ang maaari kong maitulong sa ating dilag?," nakangiting sambit nito

"Tulungan mo siya na maitakas sa pag iisang dibdib nila ni Apollo," sambit ni Mayumi,"Isama mo siya kung nasaa ang aking mag ama pansamantala lang naman,"

Nanlaki ang mga mata ni Gudo dahil sa nadinig nito, napaupo ito at napaihalamos ang dalawang kamay sa mukha nito

"Malaking gulo po iyan," sambit nito,"Isang malaking digmaan po ang mangyayari sa kagustuhan ninyo,"

"Alam ko," ani ni Greg,"Kaya handa na ako sa maaaring mangyari, kaya sana tulungan mo kami,"

Napabuga nalang ng hininga si Gudo bago tumayo at tinignan silang lahat na para bang sinisigurado nitong payag ba sila sa kagustuhan ng mga ito

"Ano payag kana ba, Gudo?," tanong ni Greg sa kanya

"Sige po," sagot niya na kahit labag sa kalooban ay pumayag na sila

"Magbihis kana," ani ni Asha sa anak nito,"Mag iingat ka doon,"

"Opo, Ina," sagot naman ni Mhiya,"Mag iingat din po kayo," sabay yakap sa mga iyon pati sa kambal nila

Niyakap din nito ang kanyang tiyahin na umiiyak na ng mga sandaling iyon

"Tara na po, Prinsesa," yaya ni Gudo,"Hindi na kita idadaan sa lagusan,"

Kaagad na niyakap ni Gudo ang Prinsesa bago naglaho sa harapan ng mga iyon

Nakahinga naman ng maayos ang mga naiwan sa silid na iyon ng mawala na ang dalawang sa kanilang harapan

Napaiyak nalang si Asha ng mawala na sa kanilang paningin ang anak at ang kaibigang engkanto ng Baylana

**********

Tatlong araw ang mabilis na lumipas bago nagkamalay si Yuri

Kaagad naman siyang bumangon dahil sa nakakaramdam na siya ng gutom, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya

"Mabuti at gising kana, Yuri," sambit ni Aira ng makita siyang nakaupo sa higaan nila,"Kamusta na ang pakiramdam mo?,"

"Ayos lang naman ako, Aira," sagot niya sabay sapo ng mukha,"Anong nangyari sa akin?,"

"Nawalan ka ng malay habang nakikipaglaban ka sa mga Manggar, gamit ang orasyon at dasal," paliwanag nito,"Tatlong araw kang walang malay tao, muntik ka ng mamatay, Yuri," sabay yakap nito sa kanya

"Ha?," takang tanong niya,"Kamusta naman ang mga nangyari?,"

"Ayos na ang lahat," sagot ni Aira habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata nito,"Natakot kami na baka mamatay kana,"

Nakangiti niyang niyakap ito habang hinahaplos ang likuran nito

"Aira-," hindi na natapos ang sasabihin ni Sister Janelle ng makita silang dalawa,"Leigh," sabay takbo at niyakap din nito siya

Natawa nalang siya ng mag iiyak na ito sa kanyang bisig, dahil sa ingay na nilikha ng dalawa

Kaya naman nadinig ng kanilang mga kaibigan ang ingay na ginawa nila sa silid na iyon

Kaya pumasok naman kaagad ang kanilang mga kaibigan, niyakap at nag iiyakan ang mga iyon ng makita siyang gising na

Nasa pintuan nan ang tatlong binata na nakangiti

Si Khael naman ay nakangiting nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip na nakatitig sa kanya

Nginitian nalang niya ito habang nakayakap sa kanya ang mga kaibigan na nag iiyakan na ng mga sandaling iyon

"Tama na ang drama," saway ni Kevin na pinunasan ang mga luha na nagbabadya ng tumulo,"Pakainin niyo muna si Yuri  bago kayo magdram diyan,"

"Tse!," sabay na sabi nina Trina at Aira,"Epal ka talaga!,"

"Tara na," yaya ni Bryan,"Dito kana muna Khael at ihahanda muna namin ang pagkain ni Yuri,"

Tumango lang si Khael bago sila iniwanan ng mga ito

Ilang sandali pa ang lumipas bago kumilos si Khael at lumapit kay Yuri, umiwas naman bigla ang dalaga at mabilis na pumasok sa loob ng banyo para makapag ayos ng sarili at makapaglinis

"Leigh naman eh," angal nito ng pagsarhan niya ng pintuan

"Mamaya na," sagot niya,Aglinis muna ako at tatlong araw na akong walang ligo,"

Natawa nalang siya ng madinig na bumubulong bulong lang ito

"Sila niyakap mo kahit wala ka ligo," angal nito,"Tapos ako iniiwasan mo? Kahit amoy ano kapa mamahalin pa din kita,"

Napangiti nalang siya sa kanyang nadinig habang naliligo,

"Umayos ka nga, Khael," saway niya,"Hindi bagay sayo ang maging madrama," sabay tawa

"Alam mo ba,"pag uumpisa nito habang nakasandal sa dungding ng banyo habang nakahalukipkip at nakapikit,"Natakot ako ng makitang wala ka ng malay at puro dugo ang buong mukha mo?,"

"Talaga?," tanong niya

"Oo," sagot nito sa kanya,"Takot na takot ako na baka mawala ka sa akin ng tuluyan,"

"Bakit ka natakot?," tanong niya na nakalabas na ng banyo, nasa tabi na siya ni Khael na nakapikit pa din ng mga sandaling iyon

Dumilat si Khael at nakita niya ang magandang mga mata nito na ngayon ay napakapungay na dahil sa kagagaling lang sa pagkakadilat

"Dahil mahal na mahal kita, Leigh," sabay yakap nito sa kanya ng mahigpit,"Mahal na mahal kita at takot na takot akong mawala ka sa buhay ko,"

Napapangiti nalang siya sabay gumanti ng mas mahigpit na yakap sa kanyang kasintahan

"Huwag na huwag muna iyong gagawin ha? Ayaw kong mawala ka sa akin, Leigh,"

"Ginawa ko lang iyon para magtagumpay ka at makuha ang kapangyarihan ng mutya," sagot niya dito

"Leigh," anas ni Khael ng maghiwalay na sila sa pagkakayakap, kaagad siyang hinalikan nito ng buong pagmamahal, pananabik at puno ng pag galang sa kanya

Iniyakap naman niya ang kanyang dalawang braso sa batok nito at idiniin pa niya ang sarili sa katawan ng kanyang kasintahan

Gumanti din siya ng halik sa binata, halik na punong puno ng pagmamahal sa binata

Nagtagal ng ilang sandali na ganoon sila habang hindi nila namamalayan ang mga nasa paligid nila

"Ahem!!," pekeng ubo naman ng mga kaibigan nila

"Iba na pala ang pagkain ni Yuri," ani ni Kevin,"Kailangan pa ba niya itong niluto natin?,"

"Ang bilis mo, bro!," kantiyaw naman ni Bryan,"Pakainin mo muna si Yuri bago kayo maglambingan, nilalanggam na kami oh," sabay tawa ng mga iyon

Kaya napahiwalay naman sila sa isat isa, at napakamot sa batok si Khael habang siya ay pinunasan ang buhok

"Tara na sa labas," yaya ni Kevin sabay hila kay Khael, kaya napatawa nalang sila sa ginawa ng dalawa kay Khael

Pinaupo naman siya ng apat at pinakain habang nag uusap ng kung anu ano at sa nangyari ng gabing nawalan siya ng malay

"May aswang pa tayong kasama," ani ni Aira na kita niya ang pagkainis nito sa mukha,"Mukhang aahasin pa niya si Khael sayo,"

"May kasama pa siyang dalawang aswang,"dagdag pa nito,"Mukhang kursunada niya si Khael,"

Napakunot noo lang siya habang tinignan sina Nena at Sister Janelle na may pagtatanong

"Si Reema," ani ni Sister Janelle,"Anak ng pinuno ng mga aswang na nakasagupa namin na si Mang Romy,"

"Nakipagkaisa na sila kay Khael,"sabi ni Nena," Kaya sumama siya sa atin,"

"Ahas at aswang," ani ni Aira,"Kaya hindi sila mapagkakatiwalaan, lalo na ang Reema na iyon, ayaw namin na mapunta sa kanya si Khael,"

Napatango lang siya sa mga ikinuwento sa kanya, kaya ipinagpatuloy nalang niya ang pagkain habang iniisip ang mga sinabi ng mga kaibigan

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

695K 48.3K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
3.6K 58 10
The online manga version. Excerpt only. For full view, visit zenkomiks.com
211K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
59.1K 2.2K 37
They once made eye contact. When their eyes met for the second time, will they recognize each other? Jessica Blane, a sixteen year old middle school...