Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

Door Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... Meer

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 57

588 53 7
Door Akiralei28


**********oo**********

Sa kaharian nila Apollo

Naging abala naman ang buong kaharian dahil sa nalalapit na pag iisang dibdib nina Mhiya at ang pagpapakilala nito bilang isang tagapagmana at tunay na Prinsipe ng kanilang lahi

Napapangisi naman sa kasiyahan sina Apollo at Serafino, nasa silid naman ang nakababatang kapatid nito na si Fhino

Halos handa na ang malawak na bulwagan para sa gaganaping piging at pag iisang dibdib nina Mhiya at Apollo

Malalakas na tawanan ang pinakawalan ni Haring Serafino na tanda ng kanilang tagumpay

"Mapapasa atin na ang buong kalupaan ng mga aswang at bampira! Pati ang mundo ng mga mortal na magiging pagkain natin!," tumawa pa ito sabay akbay sa anak nito

"Tama ka, ama," sagot naman ni Apollo,"Matatalo na natin ang mga kalahi ni Khael," sabay ngisi,"Lalo na ang pinsan ko," humahalakhak na sigaw ni Apollo

Nagtawanan naman silang mag ama dahil sa pinaplano nilang pagpatay sa tunay na tagapagmana

"Paano si Greg, Ama?," tanong ni Apollo,"Hadlang siya sa ating plano?,"

"Papatayin na natin sila," sabi ni Serafino,"Kapag nakasal kana sa anak niya, kakailanganin natin muna ang anak niya,"

"Diyan ako bilib sayo, Ama," sabi ni Apollo,"Napakatalino mo talaga,"

Tumawa lang ng tumawa si Serafino sa sinabi ng anak nito

Matapos nilang makitang maayos na ang kanilang pagdarausan ng kasal ay umalis na silang mag ama para magpahinga

**********

Samantala,

"Ama," umiiyak na sambit ni Mhiya,"Maawa ka, ayaw kong makaisang dibdib si Apollo,"

Niyakap ni Greg ang anak na umiiyak, pati ang asawa nito ay umiiyak na sa isang sulok ng silid kasama ang dalawang anak na kambal na sina Yhukie at Yhannie, isang babae at lalake

Na nasa sampung taong gulang pa lamang ng mga sandaling iyon

"Ina,"ani ni Mhiya sa kanyang ina

"Anak,"ani ng aswa ni Greg na si Reyna Asha, na nilingon naman nito si Mayumi na nasa tabi ng bintana,"Mayumi, ano ang gagawin natin?,"

Nilingon naman ni Mayumi ang mag anak na tila namatayan ng mga sandaling iyon

"Sunduin mo si Baylana," utos ni Mayumi sa nakatatandang kapatid,"Para alam natin ang gagawin,"

Tumango lang si Greg bago umalis ng mabilis, nilapitan naman ni Mayumi ang pamangkin na nag iiyak ng mga sandaling iyon

Pinagmasdan niya itong mabuti, napakaganda nitong dalaga na halos sambahin ng mga kalahi nila na may mataas ding katungkulan sa ibang lugar

Hindi lang dahil sa mga kolorete o mga palamuti na nakasabit sa katawan nito at sa magarang damit, pero dahil sa mukha nitong mala anghel at ang kulay ng mata nito na berdeng makinang na katulad ng sa isang alahas

May labi na mapupula at natural na kulay nito, may matangos na ilong at mahabang buhok na hanggang sa bewang na pinaghalong itim at kulay mais

Matangkad at balingkinitan ang katawan nito, para itong gatas sa puti at malaporselana ang kutis nito sa sobrang kinis

Kaya halos hindi ito matanggihan ni Apollo ng sabihin ng ama nito na ipapakasal sa kanya

Dahil minsan na itong nakita ni Apollo, nagandahan siya dito at nahalina sa taglay na alindog, maliban kay Yuri ay ito ang ikalawang pagkakataon na humanga siya at namangha sa kakaibang ganda ng dalaga

**********

Halos hapon na ng makarating si Greg kasama ang Baylana ng mga sandaling iyon

"Kamusta kana, Mahal na Reyna?," bati nito kay Mayumi,"Ikaw din Reynang Asha?,"

"Mabuti naman kami, Baylana," kuro ng dalawang babae

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?,"takang tanong nito na tinapunan ang dalaga na nasa isang sulok, mga na ang mga mata ni sa kakaiyak

"Maaari mo ba kaming matulungan?," tanong ni Mayumi

"Ano iyon, Kamahalan?,"

"May magagawa pa po ba tayo para mailigtas siya sa pag iisang dibdib kay Apollo?," tanong ni Mayumi, hindi na nagsasalita ang amg asawa, yakap lang ni Greg ang dalagang anak

"Isa lang ang magagawa natin, Kamahalan," ani ng Baylana,"Ang maagang dumating ang Hari at ang Prinsipe, para mahadlangan ang kasalan na iyon, pero malabong mangyari iyon ngayon,"

"Paano po iyon?," takang tanong ni Greg sa kanila

"May tatlong araw nalang ang nalalabi para sa pag iisang dibdib nila, dahil sa ikaapat na araw pa sila makakarating, eksaktong tapos na ang pag iisang dibdib nila at ang araw na iyon ay ang pagpapakilala na sa kanya bilang isang Prinsipe ng lahi ninyo,"

Napayuko nalang ang mag asawa, pero si Mayumi ay napapabugtong hininga nalang sa nadinig

"Wala na po ba tayong magagawa?," tanong ni Asha sa Baylana,"Maawa naman po kayo sa aking anak,"

Napapailing nalang ang Baylana, habang nakatingin kay Mayumi at sa dalagang iyak ng iyak na tila namatayan na ng mga sandaling iyon o malapit ng ibitay

Bumugtong hininga nalang ang Baylana bago naupo sa isang tabi at pinagmasdan ang buong mag anak na matagal na niyang pinaglilingkuran

"Sige," ani nito,"Isa lang ang maaaring makatulong sa atin,"

"Sino po at paano?," tanong ni Mayumi, nagliwanag naman ang mukha ni Greg sa nadinig

"Pero ito ang magiging sanhi at dahilan ng away ninyo nina Haring Serafino at Apollo, magiging daan ito ng isang madugong digmaan,"pahayag nito sa kanila

Nagkatinginan naman silang lahat dahil sa sinabi nito

"Handa po akong makipag digma kina Serafino, para lang mailigtas ang aking anak,"sabi ni Greg

"Handa ka ba sa maaaring mamgyari? Sa mga kalahi mong mamamatay?,"tanong nito,"Maaaring mapahamak din ang iyong buong pamilya,"

Napatingin si Greg sa kanyang asawa at sa kambal nila

"Ama," ani ni Mhiya,"Kung mapapahamak lang po kayong lahat nila Ina, papayag nalang po akong maikasal kay Apollo,"

"Mhiya,"ani ng Baylana,"Mapapahamak ka lang din kapag natuloy ang pag iisang dibdib niyo ni Apollo," babala ng Baylana sa dalaga

"Ano ang maaari nating gawin, Baylana?,"tanong ni Mayumi,"At sino ang makakatulong sa atin?,"

"Si Gudo," ani ng Baylana,"Pwede natin siya utusan na dalhin si Mhiya sa mundo ng mga tao kung nasaan si Haring Kharry, kahit pansamantala lang hanggang sa makabalik sila dito,"

Nagkatinginan lang silang lahat dahil sa sinabi nito na tila pinag iisipan nilang mabuti kung susundin ba nila ito o hindi

"Kung papayag kayo, tatawagin mo na si Gudo ngayon din mismo," sabi pa ng Baylana ng makalipas ang ilang minuto na walang nakaimik sa kanila

Nagkatinginan muna sila, pero wala pa din ang sumang ayon sa kanilang lahat

"Huwag kayong mag alala," ani ng Baylana,"Mag uumpisa ang digmaang iyon pagkatapos makoronahan si Apollo, dahil wala pa siyang kapangyarihan na magsagawa ng digmaan hanggang sa maging ganap na siyang tagapagmana ng trono,"

"Payag na po ako," sagot ni Greg,"Mapaghahandaan ko pa ang digmaang iyan," ani pa nito

"Greg!!," kuro na saway nina Asha at Mayumi na nagulat

"Para lang sa kaligtasan ng aking anak," dagdag pa nito,"Saka ko na ililikas ang buong pamilya ko kapag nasigurado ko ng ligtas si Mhiya,"

"Sigurado kana, Mahal na Hari?," tanong ng Baylana

Tumango lang si Greg sabay yakap sa anak na nag iiyak na ng mga sandaling iyon

"Sige," ani nito, pumikit na ang Baylana habang umuusal ng dasal at orasyon para tawagin ang engkantong si Gudo na ng mga sandaling iyon ay nasa bahay pa nila Aling Alfie

**********

Napapikit naman si Gudo ng may madinig na tinig sa kanyang isipan, boses iyon ng Baylana at tinatawag siya nito

"Aalis po muna ako," paalam nito sa kanila,"Kamahalan, may pupuntahan po muna ako, pangako at babalik ako,"

"Sige, mag iingat ka, Gudo," ani ni Kharry sa kaibigan

"Hihintayin ka namin, kaibigan," ani ni Lola Maria sabay ngiti

"Hihintayin ka namin, Gudo," sabi naman ng mag asawa

Tumango na din si Gudo bago biglang nawala sa kanilang harapan ng mga sandaling iyon

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.9M 106K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
66.7K 1.2K 40
Ang pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa...
76.6K 6.2K 158
Heto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita k...
680 107 15
Ralna was once the prettiest and the most powerful fairy in the kingdom of Vadronia. Pero nagbago ang lahat ng tumapak sya sa lupa ng mga tao para ta...