I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 17

121 4 0
By decemberbabyy

JEFFREY'S POV

 

"Oh babe, bakit parang kanina ka pa wala sa mood?"

 

 

 

"Wala lang."

Tinalikuran ko na yung kaklase ko na kanina pa nag be-babe sa 'kin.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may nag text at... Aish! Wala pa rin!

Isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Kara. Hindi naman talaga nagte-text yun eh pero wala lang, malay mo mag text.

Aiiish! 'Di naman ako ganito dati ah!

Dumaan ako sa classroom nila kahapon para sabay nalang sana kami umuwi pero sabi ni Queenie na umalis lang daw kasama si Kean para sa project nila.

Ano bang klaseng project yan at naging ganyan siya ka busy? Aiiish!

"Babe." sabay pulupot ng kaklase ko sa braso ko.

Tinanggal ko lang 'to at bumalik na ng classroom.

 

"Babe! Wait for me! Jeffrey!"

Nakakabadtrip!

 

KARA'S POV

 

 

"Mommy, daddy, I'm home!"

Nilapag ko muna ang bag ko sa sala at kiniss si mommy't daddy sa cheeks.

Naghapunan muna ako at umakyat na ng kwarto para makapagpahinga na. Nagpalit na ako ng PJs at tumalon na sa kama ko.

Haay! Nakakapagod 'tong week na 'to. Tinambakan lang naman kami ng mga quizzes, reports, at projects. Tapos next week, long exam namin sa Accounting. Saturday bukas kaya magsisimula na 'kong mag-aral. Kailangan kong matutunan lahat-lahat.

Kailangan kong makakuha ng mataas na marka para sa future ko! At para matigil na din 'tong deal namin ni Jeffrey, para wala na siyang pang blackmail sa 'kin. 'Di na din niya ako kukulitin!

Pero bakit parang may naramadaman akong 'di maganda sa dibdib ko? Bakit parang ayaw kong tumigil 'tong deal namin?

Aiiiish! Mag-isip ka nga, Kara! Ayaw mo nun? Wala ng gugulo sa tahimik mong buhay!

Tama. Tama.

I can do this. Tira-tira! Ginaya ko pa yung action ni Jasmine sa My girl.

♪♬ I was standing on the other side 

Watching you leaving 

I couldn't see you go♪♬

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito na nasa ilalim lang ng unan ko.

Jelly Ace Calling...

 

O_________o

*dug dug dug dug*

 

Kyaah! Antagal nitong hindi nagparamdam sa 'kin! Mabuti naman at naalala ako! O baka may kailangan na naman? Psh -_-

 

"Oh?" masungit kong tanong pagkasagot.

[Ang sungit. Antagal mo na ngang makasagot ng tawag.]

Waah! Na-miss ko rin yung boses ng masungit na Jeffrey.

"Whatever. Anong kailangan mo?"

 

"Sunduin kita bukas. Punta tayong---" Ang bossy talaga nito!

Pinutol ko yung sinabi niya.

"Hep. Time-out muna. Pwede bang free day ko tomorrow as your fake girlfriend? May exam kami next week sa accounting at kailangan magsimula na akong mag-aral bukas. Tsaka para matapos na 'tong deal natin, kailangan 'kong makakuha ng mataas na grade! Kaya 'di ako aalis bukas."

 

"But I miss you already." 

May binulong siya pero 'di ko narinig.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ako alis tayo."

"Di nga pwede eh! Kulit!"

 

"But---"

"No more buts. That's my decision and it's final."

Like a boss ba? Akala niya siya lang ang marunong ha? Hahaha!

'Di ko na hinintay kung ano ang susunod niya sasabihin at inend kaagad ang call.

Nilagay ko na ang cellphone ko sa ilalim ng unan at natulog na.

---

♪♬ 'Cause baby tonight, the DJ got us fallin' in love again ♪♬

 

Pinatay ko na ang alarm clock ko at bumangon na. Mabuti nalang at maaga akong natulog kagabi.

"Good morniiiiiiing!" bigla kong sigaw sabay nag-inat. Magandang pampasimula lang ng araw.

Bumaba na ako agad at nakita ko si Manang na nagprepare na ng breakfast.

"Good morning, manang! Si mommy't daddy po?"

 

"Good morning din, iha. Kaaalis lang."

 

Nag "aah" lang ako at umupo na para kumain. Dinamihan ko na rin ang kain ko para may energy ako mamaya dahil alam kong pipigain ng Accounting ang utak ko mamaya.

Kinuha ko ang mga notes ko sa kwarto at nag decide akong sa sala nalang ako mag-aaral.

Sinimulan ko ng pakliin yung notes ko.

"Teka, paano nga---"

 

"Kara, iha!"

 

Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napalingon kay manang na... nakangiti?

"Manang, bakit po?"

Ngumiti lang si manang at nag-thumbs up tapos umalis na.

Huh? Anyare naman daw kay manang? Si manang talaga. Napailing nalang ako sabay balik ng tingin sa notes.

Biglang may naglapag ng pagkain sa table kung saan ako nag-aaral. Isang paperbag ng Starbucks at isang maliit na supot ng Sweet Little things. Yuuuum! Red velvet cupcakes!!!

Napalingon ako kung sino ang naglapag.

O______________O

 

"J-Jeffrey? A-anong ginagawa mo dito?"

 

Biglang siyang tumabi sa 'kin at lumingon, "Sabi mo ayaw mong lumabas eh."

 

Eh?

"Ano ka ba, wala naman dito si Bianca kaya 'di na natin kailangang lumabas at magpanggap."

 

"Bakit, sino bang nagsabi sa'yo na niyaya kitang lumabas kagabi para magpanggap?" sabi niya na nakatingin lang sa 'kin pero wala namang emosyon yung mukha niya. 'Di ko mabasa kung anong iniisip niya!

*dug dug dug dug*

 

Hindi ako makahinga! I mean, yung puso ko!

Bigla siyang may kinuha sa bag niya at hinagis ito sa mesa.

"Ano 'to?" sabay pulot ko ng notebook, mga papel, at testpapers na hinagis niya.

"Notes para sa accounting. Hiniram ko lang 'yan. 'Di naman ako nagno-notes eh." sabay bukas niya ng paperbag ng Starbucks at kinuha niya yung frappe niya.

Ganon? Eh paano siya nakakakuha ng mataas na grade?

"Stock knowledge lang yung sa 'kin." biglang sabat niya at sip ulit sa frappe niya.

Yabaaang! Oh 'di siya na!

Nagsimula na akong mag scan dun sa mga notes na binigay niya habang siya, umiinom lang sa frappe niya habang naglalaro ng temple run. Naririnig ko pang nagcu-cuss siya 'pag natatalo sa game sabay sumisipa pa, eh minsan natatamaan ako!

"Aray!" sabay hampas ko sa paa niya. "Jeffrey! Dun ka nga!" sabay turo ko sa ibang sofa.

Sumunod naman siya kaya nagpatuloy uli ako sa pag-aaral.

Maya-maya, narinig kong binuksan niya ang tv at ang taas pa ng volume. Tsaka anong pinapanuod nito? Phineas and Ferb?! Feeling bata lang?!

"Jeffrey! Patayin mo nga 'yan! Dun ka nga sa kusina! Istorbo ka eh!"

Pinatay naman niya ang tv at pumunta na ngang kusina ng padabog.

Hay, salamat. Wala ng magulong Jeffrey pero grabe, sumasakit naman ang ulo ko dito sa pinag-aaralan ko! Ang hirap! Meron pa 'kong 'di maintindihan! Paano ba 'to?!

Bakit ba ang hirap nito?! Ba't 'di nalang, "Si Juan ay may bente pesos. Bumili siya ng 2 mansanas na naghahalagang 5 piso. Magkano ang sukli niya?"

Bakit 'di nalang ganon? Nakakayamot!

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

 

"Akin na nga yan." sabay kuha ni Jeffrey nung hinawakan kong notes.

 

"Oh? Bigla ka namang sumulpot diyan? Akin na nga!" sabay bawi ko ng notes pero hindi niya binigay.

Nakita kong inaanalyze niya ito habang nakakunot ang noo sabay sip ulit ng frappe niyang antagal naman maubos.

"Ah okay." sabi niya nung na gets na niya ang problem. Tumabi siya sa 'kin. "Lika, tuturuan kita."

"Marunong ka niyan?"

 

"Baka naman gusto mong tanungin sa 'kin kung ano yung grade ko dito?"

"Ang yabang." sabay irap ko. Tumawa lang siya.

"So ganito yun," habang nagsasalita siya, nakatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo niya talag---

"Kara, 'wag ako yung pag-aralan mo, eto." sabay turo sa notes. Hinampas ko lang siya sa braso niya. Pahiya ako dun ah -_- Narinig kong tumawa siya. A smirk, actually.

Natapos na din kaming mag-aral na halos piniga na ang utak ko at halos magkamigraine na ako, de joke lang, naintindihan ko naman kasi ang galing magturo ni Jeffrey. Ang talino pala nito!

Nasa may isang sofa lang si Jeffrey, nanonood ng tv.

*yawn*

 

Inaantok tuloy ako.

Sumandal muna ako sa sofa at pinikit ang mga mata ko.

"Sweet dreams." rinig ko sa panaginip ko.

Naramdaman ko nalang na may humalik sa noo ko.

Nananaginip ba 'ko?

_______________________

 

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 941 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
14.3K 497 17
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
10.6K 209 38
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...