Scarper House

By scitusnim

45.3K 2.8K 573

⚠️TW: Violence, Sexual Harassment Just the opposite of its meaning, the Scarper House won't let us run away. More

Scarper House 1: Escape Room
1•1 - Dragged to Death
1•2 - Start
1•3 - Not Just a Game
1•4 - Calculus
1•5 - The Seven Deadly Sins
1•6 - Safe in Hell
1•7 - Congratulations
1•8 - The Last Supper
1•9 - What do you know?
1•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 2: The Reunion
2•1 - Called to Death
2•2 - Start
2•3 - Not Just a Reunion
2•4 - Freezer
2•5 - Scarper Maze
2•6 - The Ten Commandments
2•8 - Honey
2•9 - Like Daughter, Like Mother
2•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 3: Detention
3•1 - Taken to Death
3•2 - Start
3•3 - Not Just a House
3•4 - Our Father
3•5 - She Comes Home
3•6 - In the Treetop
3•7 - Child's Play
3•8 - The Asylum
3•9 - All Conjured
3•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 4: Carnival
4•1 - Drawn to Death
4•2 - Start
4•3 Not Just a Show
4•4 - The Magical Parade
4•5 - Bumped
4•6 - Balls of Blood
4•7 Back Home
4•8 - Popcorn
4•9 - The Drop
4•10 - Goodbye
You can never run away

2•7 - Midnight Snacks

736 61 8
By scitusnim

7 - Midnight Snacks



"Hoy, tangina n'yo, maawa naman kayo kay Tate! Siya na nga lang ang gumagawa ng research paper natin, kayo pa 'tong umuubos ng mga pagkain!"



"Tate, gusto mo ba ng pancit canton?"



"Tate, coffee?"



"Parang gusto ko ng fries."



"Kumain ng naaayon sa ambag, Trina."



"Magda-drivethru ako, may iba pa ba kayong gusto?"



"Pucha, iba talaga 'pag boyfriend na. Vito, gusto ko ng ice cream."



"Bumili ka."



"Trina, gusto mo rin ng ice cream, 'di ba?"



"Gusto naman niyan lahat."



"Gusto raw ni Tate ng Jolliwater."



"Gago, Tate, kinakana ka ni Niall oh. Tanggalin mo nga ang pangalan diyan."



"Huy gago, 'wag! Ikukuha na kita ng tubig, Tate. I-permanent marker mo pangalan ko diyan ah!"



"Tanga, eh ipi-print 'yon."



"You shall not bear false witness against your neighbor."



There were ten seconds of silence after the voice said the eighth commandment. It was the longest ten seconds of my life. I kept my eyes on Brix, not knowing what's gonna happen next.



And, God, did I breathe the deepest sigh of relief when the voice yelled another "boo!"



So, we're done, right?



"That's pretty anti-climactic." The voice sounded disappointed again. After they killed Samuel? What, do they consider his death boring? Unsatisfying? Not enough?



We heard nothing more from the voice. Wala pa ni isa sa'min ang gumagalaw nang biglang yumanig ulit ang sahig. Nagkatinginan kami.



Sa paglingon ko sa direksyon ni Sync, napansin kong para bang lumiliit ang distansiya sa pagitan niya at ng timer na hindi na umiilaw. Tinignan ko ang inaapakan niya at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong gumagalaw nga ang pader at maitutulak kaming lahat. "Sync!"



It was like he read everything from my terrified face, Sync quickly turned around. He was surprised to see that the wall that used to be about two meters away from where he stood is now less than a meter near him. He stepped back, until he started running towards us.



"Brix!" I called. He was also running towards us. Kahit na halata pa rin ang pagkainis sa mukha niya, tinulungan niya akong itayo si Dahlia. Sakto rin na nakarating si Sync kung nasaan kami. Pare-pareho kaming tumakbo palabas ng pinto na hindi na namin naisara nang lumapat doon ang pader na mula sa kabilang dulo ng silid.



Napakurap-kurap ako. Lahat ba sa Scarper House gumagalaw? Lahat ba ng parte ng bahay na 'to, idinisensyo para patayin kami?



"What now?" Hinihingal pa si Brix nang magtanong siya. Napalingon kami ni Sync sa kaniya at sa isa't isa. Hindi rin namin alam ang sagot. Hindi namin alam kung ano na ba ang dapat gawin, kung ano na ba ang mangyayari.



Nilingon ko ang paligid at mabilis na napakunot ang noo ko. "T-This isn't where we came in before, right?" tanong ko habang pilit na tinatanaw ang dulo ng hallway na kinatatayuan namin. Para bang walang katapusan. Pati sa kabila, mahabang hallway lang ang nakikita ko. Hindi ang lobby ng bahay kung saan kami pumasok kanina.



"Why are we in a hallway..." Sync unconsciously uttered the question in his mind while also looking around the hallway. "Sa lobby tayo pumasok kanina, 'di ba—"



"The walls are moving," mahinang sabi naman ni Brix. "This house is changing."



Wala pa ulit nakakapagsalita sa'min nang umalingawngaw ulit ang nakakabinging tunog. Hinila ko si Dahlia papalapit sa'kin.



"Hello again, guests. Time check, it's 12:00 AM!" My eyes slightly widened when I heard the time. Hatinggabi na pala. "You guys must be hungry."



"Wow, we're getting poisoned now." Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Dahlia dahil sa sinabi ni Brix.



"I feel so judged, Brix," the voice chuckled. "I swear to the history of Scarper House, no one will get poisoned this time."



Hindi ko naiwasang mapahugot ng malalim na hininga. Ibig niya bang sabihin, may nilason na talaga dati ang bahay na 'to? And what's with the history? Are we not the first group to be played and killed in this house?



"Bon appétit!" the voice said and that served as a cue for the wall on our left to move upwards. Hindi ko alam kung nasanay ba ako kaagad, pero hindi na ako nagulat sa paggalaw ng pader.



Mouth watering foods placed on a long table greeted us. May donuts, bread, cakes, fries, fried chicken, nuggets, noodles—those we usually eat late at night. And maybe because it's really time for late night snacks, I suddenly felt hungry.



"Brix!" Nabawi ko lang ang tingin mula sa mga nakakatakam na pagkain nang marinig kong tinawag ni Sync si Brix na papalapit na sa lamesa. "They might have poison!"



"Gutom na ako, Sync. 'Di ko na kaya," nakasimangot na sagot ni Brix at dumiretso lang sa paglalakad. Napabitaw ako kay Dahlia para tulungan si Sync na awatin siya.



"Brix naman!" pagmamakaawa ko. "Aapat na lang tayo oh. Mag-ingat naman tayo, please!"



"Euna, gutom na nga ak—"



"Brixter!" Pare-pareho kaming natigilan nang marinig ang sigaw ni Dahlia. Alam naming galit siya dahil wala naman talagang kahit isa sa'min na tinatawag niya sa buong pangalan. "Puwede bang mag-isip ka naman?! Sa tingin mo ba talaga, kakain ka lang?! Eh, putangina akala nga nating lahat reunion lang 'to, pero tignan mo! Tignan mo, aapat na lang tayo! Mag-ingat ka naman kahit kaunti lang! Anim na ang nawala satin! 'Wag nang pati ikaw! 'Wag nang kahit sino! Tama na!"



Kung normal na pagkakataon, alam kong sasagot si Brix. Pero hindi niya 'yon ginawa dahil umiiyak si Dahlia habang sinisigawan siya. Higit sa galit, halatang nagmamakaawa siya—nasasaktan. Hindi rin kami nakapag-react ni Sync. Para bang sa lahat ng sinabi ni Dahlia, nag-sink in bigla sa'min ang lahat ng nangyari sa mga nakaraang oras.



Alasdose na ng gabi. Alasdose pa lang. Alasdose pa lang pero anim na sa mga kasama ko ang nawala. Bakit parang normal? Bakit parang hindi ganoon katindi ang pangungulila ko sa kanila?



Dahil ba kakapangyari pa lang?



O dahil ba pamilyar naman ang lahat? Dahil ba kakaunti lang naman 'to kumpara sa mga nawala limang taon na ang nakakalipas?



"Tama na please." Hikbi ni Dahlia ang gumising sa'kin mula sa malalim na pag-iisip.



Napahakbang ako nang itaas ni Brix ang kamay niya, pero napatigil din nang ipatong niya lang 'yon sa ibabaw ng ulo ni Dahlia. "Sorry," sabi niya.



"Gusto ko nang umuwi," bulong pa ni Dahlia na nakapagpabuntong hininga sa'ming tatlo. Kung alam lang namin kung paano...



The loud noise blared again and instead of covering my ears, I continued walking towards Dahlia and covered hers. She looked at me but I just gave her the sincerest smile I could. Uuwi ka Dahlia. Matatapos din 'to.



"Guys, I told you to eat, not scream at each other." Alam kong peke ang nag-aalalang tono ng boses pero kinabahan ako. "You woke up my hani."



"Hani?" hindi ko napigilang sabihin.



"Honey?" kibit-bakikat na sabi naman ni Brix.



"Now he wants some midnight snack." Lalong napakunot ang noo ko nang marinig na bumuntong-hininga ang boses. "I bet the lambs won't be silent tonight."



I froze.



Naramdaman kong lumingon sa'kin si Sync kaya sinalubong ko ang mga mata niya. Mukhang pareho kami ng nasa isip.



"W-Why?" tanong ni Brix habang nagpapabalik-balik ang tingin sa'min.



"D-Do you guys know something?" Nakatingin din sa'min si Dahlia. "Because your expressions are making me nervous."



"There's a 1991 thriller movie about Clarice Starling, an FBI agent who asked for help from a psychopathic serialkiller in order to catch another serialkiller," kuwento ni Sync. "It was called The Silence of the Lambs because Clarice thinks that her nightmares of screaming lambs, brought by her childhood trauma, will stop if she could save the victim."



"The killer in that movie is Buffalo Bill," I said. I looked at the three of them and had to take a deep breath before adding, "but the psychopathic serialkiller is Hannibal Lecter."



"Hanni...bal?" Almost no voice came out of Brix's lips when we all turned to one end of the long hallway.



We heard footsteps.



;

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 883 27
Isang sumpa na nabuo nang dahil sa pag-ibig. Isang pangakong ibinaon at binitiwan ilang daang taon nang lumipas ang patuloy na nanatili't hindi kumup...
11.8K 1K 43
Do you want to witness a murder? Jiwon is back and is working on an undercover operation, looking for ways to infiltrate the secret society that alle...
6.8K 586 46
Limang minuto. Limang minuto niya lang nakausap ang binatang iyon na biglang naglaho na parang bula. Ngunit sa limang minutong iyon ay doon nagsimula...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.