Scarper House

Von scitusnim

45.9K 2.9K 577

⚠️TW: Violence, Sexual Harassment Just the opposite of its meaning, the Scarper House won't let us run away. Mehr

Scarper House 1: Escape Room
1•1 - Dragged to Death
1•2 - Start
1•3 - Not Just a Game
1•4 - Calculus
1•5 - The Seven Deadly Sins
1•6 - Safe in Hell
1•7 - Congratulations
1•8 - The Last Supper
1•9 - What do you know?
1•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 2: The Reunion
2•1 - Called to Death
2•2 - Start
2•3 - Not Just a Reunion
2•5 - Scarper Maze
2•6 - The Ten Commandments
2•7 - Midnight Snacks
2•8 - Honey
2•9 - Like Daughter, Like Mother
2•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 3: Detention
3•1 - Taken to Death
3•2 - Start
3•3 - Not Just a House
3•4 - Our Father
3•5 - She Comes Home
3•6 - In the Treetop
3•7 - Child's Play
3•8 - The Asylum
3•9 - All Conjured
3•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 4: Carnival
4•1 - Drawn to Death
4•2 - Start
4•3 Not Just a Show
4•4 - The Magical Parade
4•5 - Bumped
4•6 - Balls of Blood
4•7 Back Home
4•8 - Popcorn
4•9 - The Drop
4•10 - Goodbye
You can never run away

2•4 - Freezer

850 72 2
Von scitusnim

4 - Freezer



"Putek, malamig naman sa labas, patayin na natin 'yong aircon! Mamamatay na 'ko sa lamig eh!"



"Pinagpapawisan nga si Sync eh."



"Tanginang 'yan, sa snow kasi lumaki."



"People who grew up in cold climates tend to have less active sweat glands than people who grew up in warm climates."



"Sorry, Tate. Nagpi-freeze na rin ang utak ko. Wala akong na-gets sa mga pinagsasabi mo."



"Masarap nito may bulalo eh."



"Nanginginig ka na't lahat, Trina, pagkain pa rin ang nasa isip mo!"



"Bakit ba?!"



"Okay ka lang, Euna? May dalang kumot si Fleur."



"Bakit ka may baong kumot sa school?"



"Siyempre, girl scout yata 'to!"



Natuyo na ang puting pullover at jeans na suot ko, pero ang pisngi ko hindi pa rin.



We've all been crying for I don't know how long. All of us girls, even the guys. None of us could believe what just happened.



We were invited for a reunion. Five years after the day that that cruise ship sank. Five years after more than half of our class died. Five years after we all last saw each other.



We're together again after five years. And not even a day has passed, one of us dies? What the hell?



"W-Where are we?" tanong ni Fleur habang humihikbi pa rin. Tinapik tapik ni Dahlia ang likod niya dahil halatang nahihirapan na siya sa paghinga.



"Mrs. Lagdameo's house," sabi ni Niall.



"Scarper House," pagtatama ko. Napalingon sila sa'kin. "That guy called this Scarper House."



"The name doesn't matter. We still have to look for Tate," sabi naman ni Sync.



Sandaling bumaba ang bigat na nararamdaman ko. Parang nablangko ang utak ko. Oo nga. Nawawala si Tate. Sa sobrang pagkagimbal namin dahil sa bangkay ni Trina na basta na lang inanod palapit sa'min, nawala na sa isip kong may isa pang nawawala.



"I hope he's okay," I whispered with a sigh.



"Hindi naman siya babalik sa'tin ng... ng tulad ni Trina, 'di ba?" Napakurap-kurap ako dahil sa tanong ni Fleur. Tinignan ko ang iba pa naming mga kasama pero lahat sila, nakaiwas lang ng tingin.



Humugot ako ng isang malalim na hininga saka pinilit na ngumiti. "Let's find him."



I forced myself to stand up. Hindi pa ako nakakahakbang nang pare-pareho kaming napayuko. It felt like my ears would fall out because of the loud blaring noise.



"Good evening, Class 12-A."



Unti-unti kong natanggal ang mga kamay sa tainga ko. Napatingin ako sa mga kasama ko na halatang nalilito at kinakabahan din habang lumilingon sa paligid, hinahanap kung saan nanggagaling ang boses na naririnig namin.



"Kumusta?"



"What?" Vito was the first to react. He looked so annoyed by the speaker's joyful tone. "Who the fuck are you?"



"How does it feel?" the voice asked, not minding Vito's question. "How does it feel that after five years, you drowned again? Almost."



"You killed Trina!" sigaw ulit ni Vito. "Putang ina mo!"



"Masamang mambintang, Vito. But then again, you're right. I killed Trina Villamor." The voice laughed and it sent chills down my spine. "You see, I have a very interesting client right now. She doesn't wanna be kept anonymous. She even suggested to be the one to invite all of you, so you'd know that she's the one who brought you all to your death."



Nagkatinginan kami. Walang nagsasalita pero alam ko na pare-pareho ang nasa isip naming lahat.



"Mrs. Lagdameo wants you all to know that she's mad." Nakarinig ulit kami ng pagtawa. "And yeah, she wants you all dead. She doesn't have the money so she'll pay for everything with her life. And she's okay with it. Just to get revenge for what happened five years ago. I was moved, actually. A mother who lost her only child."



"None of us wanted what happened five years ago!" Nagulat ako nang sumigaw si Dahlia. Umiiyak siya. "None of us here is responsible for whatever happened that made that fucking cruise ship sink! We're just all lucky we're alive!" Napatakip siya ng kamay sa mukha niya. "I'm not even sure if we are."



"Blah blah," the voice sarcastically said. "Shut up, Dahlia. I wont listen, anyway. Move to the next room or Tate Dominguez will die."



Wala na kaming narinig pa matapos 'yon. Although terrified and unsure, it's a life at risk, so we had no choice but to follow what we were told to do. With heavy steps, we exited the room and entered the door next to it.



Brix and I were the last ones to enter the room, and we both almost jumped when the door suddenly closed shut behind us. Napatingin kami doon, at sa isa't isa. Siya na ang lumapit para subukan 'yong buksan. Walang nangyari.



"We're locked," he informed the others.



Lumingon din ako sa iba pa naming mga kasama at doon ko lang din napagmasdan ang kabuuan ng bagong room na pinasok namin. Walang laman. As in. Matataas ang bintana at hindi namin kayang silipin. Kasinglaki ng naunang room at dahil walang kahit na anong gamit, kitang-kita ang malawak na sahig.



"What are we gonna do here..." mahinang tanong ni Samuel habang humihinga nang malalim, para bang ihinahanda na ang sarili sa kung ano mang mangyayari.



As if to answer his question, the loud noise blared again. We all covered our ears as annoyance covered our faces.



"Just so you know, I don't care how long it takes," the voice echoed inside the room, leaving us all confused.



"What do you mean?" Sync dared to ask.



"The door won't open until someone dies inside that room. You decide when and how it will happen. Scarper House says good luck."



I never knew silence could be so deafening until now. I can't even hear my own breath. No one was speaking, no one was moving. There's just nothing.



Until Sync sighed. "We're not falling victim to this game or whatever this is." Tumayo siya sa harapan naming lahat. "We're staying—"



We all looked up when we heard sounds coming from the ceiling. We waited for a while, until it suddenly opened.



"What now?" tanong ni Niall habang hinihintay na bumukas nang tuluyan ang kisame.



It did. And we all looked down when cold air suddenly blew down on us.



"Shit!" kaniya-kaniyang mura ang mga lalaki. Hinila ko sina Dahlia at Fleur papunta sa gilid, sa mismong pader kung saan hindi direktang natatamaan ng hangin na nanggagaling sa taas.



"We're in a huge ass freezer," narinig kong sabi ni Dahlia habang nakatingin pa rin sa kisame. Pareho kaming naka-pullover pero niyayakap niya na rin ang sarili dahil sa lamig.



"I-It's too cold." Pareho rin kaming napatingin kay Fleur at doon lang namin na-realize kung gaano kanipis ang suot niyang blouse. Kahit pa natuyo na 'yon, malamang ay nilalamig pa rin ang katawan niya dahil sa tubig kanina.



Lumingon ako at si Samuel ang unang nahagip ng paningin ko. "Samuel! Si Fleur!"


Naintindihan niya kaagad ang ibig kong sabihin. Patakbo siyang lumapit habang hinuhubad ang jacket niya. Magkatulong kaming isinuot 'yon sa nanginginig nang si Fleur.



"It's not enough." Nagsimula na akong kabahan. Saglit pa lang mula nang bumukas ang kisame, namumutla na siya dahil sa lamig.



"Brix! Sync!" pagtawag ni Samuel sa dalawa pang naka-jacket. Hindi rin sila nagdalawang isip na ibigay kay Fleur ang mga jacket nila kahit pare-pareho naman kaming nilalamig.



Isang minuto pa ang lumipas, ramdam ko na rin ang lamig sa kalamnan ko. Napalunok ako. Namamanhid na ang mga kamay ko pero pilit kong pinagkiskis ang mga palad ko para makaramdam ng init. Hinawakan ko ang mga pisngi ni Fleur na nakasalampak na sa sahig. Awang-awa ako sa itsura niya.



"Euna." Halos walang boses na lumabas sa maputla at nanginginig niyang mga labi nang tawagin niya ako. "Y-You're going out of here soon."



I didn't understand her at first, but when I did, I immediately shook my head. "No. No, Fleur. We're all getting out of here, okay? Promise me, huh? We'll hang out more often. I'll respond to your messages. I won't cancel any plan."



"That sounds good." Parang naninigas na ang mga pisngi niya pero nakita ko sa mga mata niya ang pagngiti. "I like that," bulong niya pa.



Tumulo ang luha ko. Sa lahat ng tao, si Fleur na yata ang pinakawalang kasalanan sa mundo. Napakabait niya. Totoo siyang tao at ayaw na ayaw niyang makasakit ng iba. Bakit kailangan siyang parusahan para sa isang bagay na hindi niya naman ginawa? Kung talagang konektado ang lahat ng 'to sa nangyari five years ago, kasalanan niya ba talagang nabuhay siya?



"Fleur, I'm not going anywhere anymore." Saglit akong napapikit. "Just stay with us."



"Dahlia!"



Napalingon ako at mabilis na sinalakay ng kaba nang makitang tumatakbo na si Niall papalapit sa girlfriend niya. Hindi na rin nakayanan ni Dahlia ang lamig at napaupo na rin siya sa sahig.



"S-Si Fleur." Kahit pa sobrang higpit na ng yakap ni Niall sa kaniya dahil halatang nahihirapan na rin siya sa lamig, si Fleur din ang inaalala ni Dahlia. Pare-pareho kaming giniginaw, pero alam naming siya ang pinakamahina sa ganito.



I can't feel my hands too. Sinubukan ko ulit na hawakan si Fleur pero wala na akong maramdaman. I badly wanted to feel warm pero hindi ko magawang magreklamo lalo pa at nasa harapan ko siya—si Fleur na para bang naghihingalo na.



Tuluyan na akong napaiyak. Hinila ko si Fleur at niyakap nang mahigpit. Hindi ko siya binitawan.



"This feels warm," rinig kong bulong niya kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap.



"Euna, you okay?" Tumabi si Sync sa amin at sinilip ang mukha ko. Hindi ako sumagot pero para bang nakita niya sa mga mata ko na hindi. Hindi ako okay, pero hindi ko rin kayang sabihin.



Napapikit ako nang yakapin kami ni Sync. Ilang segundo lang, naramdaman ko ang mga braso ni Brix na pumulupot din sa'min.



"Pre, kaya pa?" Habang nakayakap pa rin kay Fleur, nakita kong nilapitan ni Samuel si Vito na tipid namang tumango.



"Kaya ko pa. Si Fleur—"



Napakurap ako hindi dahil napatigil si Vito sa pagsasalita, kung hindi dahil narinig ko rin ang dahilan kung bakit siya napatigil.



The door. It opened.



I slowly turned my head until I could see Niall and Dahlia from my peripheral vision—they're both looking at us. Brix's arms slowly broke from our hug as he also blinked for a few times, looking like he was searching for a word to say.



"Euna..." Sync called my name and it was like a confirmation to what was running inside my mind.



I cried again as I hugged Fleur tighter. I don't know how pero mabilis ding nawala ang lamig—o baka tumaas lang nang kaunti ang temperature at komportable na kami doon kumpara sa dinanas namin ilang segundo lang ang nakakalipas.



Umalingawngaw ulit ang nakakarinding tunog pero hindi ko na tinakpan ang mga tainga ko. Hinigpitan ko lang lalo ang yakap kay Fleur.



"Fleur Ruiz is eliminated. Congratulations for advancing to the next round!"



Gano'n pala talaga 'yon. Alam ko na pero mas masakit kapag may iba nang nagsabi sa'yo. Yeah, we just lost Fleur.



Our section's innocent baby died in my arms.



;

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
256K 19.1K 47
⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought fo...