Wife Of A Ruthless Mafia Boss...

By bitchymee06

16M 522K 244K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA UNDER PSICOM PUBLISHING INC. #COMPLETED How much can you put up for your rut... More

WOARMB
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
FINAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR'S POV

CHAPTER 49

217K 7.3K 4K
By bitchymee06

Valjerome got his gun and attached the silencer. Sandali niya pa akong tiningnan at tipid na nginitian bago siya lumiban patungo sa harapan ng sasakyan.

"Drive normal," he commanded Jaime. "Don't let them know that we are aware of their presence," he continued, coldness dripping in his voice.

Kinakain man ng kaba ay pinilit kong kumalma. I moved closer to my son and embraced him tightly. Like what he said to his father, he never dared to open his eyes nor removed the headphones on his ears.

"Maneuver your wheels between us. Cover our car so Jaime could mislead them. Stall some time, at the next alley, we will attack," Valjerome stated on his phone, talking to his men.

Hindi naman nagtagal ay napansin ko ang pagsingit ng dalawang itim na kotse sa pagitan namin. Like what Valjerome commanded, they blocked us from the enemies' sight.

"Take me down to the next corner. Iuwi mo nang ligtas ang mag-ina ko," Valjerome uttered with an authoritative voice.

"What?!" agad kong pagsingit. "Nahihibang ka ba?" patuloy ko.

Nilingon niya naman ako at namumungay na tumitig sa akin. Wala pa man ay tila pinararating na niya na intindihin ko ang kanyang desisyon.

"Mas makabubuti kung nasa mansyon kayo. Ligtas kayo roon," aniya.

"Alam ko iyon, Valjerome, pero hindi ibig sabihin niyon ay hahayaan kitang magpaiwan dito!" giit ko.

"I can handle, Jazzie. I am not a mafia boss for nothing," pangangatwiran niya.

I gritted my teeth. "Iyon na nga, Valjerome. Mafia boss ka lang, 'di ka si Superman. Tao ka na kapag nabaril, mamamatay!" I yelled nervously.

His lips curled up. Mas lalo tuloy akong nainis dahil nasa ganito na nga kaming sitwasyon ay nagagawa niya pang ngumiti. Mahina siyang tumikhim, nagkukunwaring seryoso kahit pa kitang-kita sa kanyang mukha ang sinusupil niyang ngiti. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para matigil siya sa ginagawa niyang kalokohan.

"Damn," he cursed hoarsely. "What do you want me to do then?" he asked, defeated.

Hindi naman ako nakasagot. 'Yeah, what should we do now, Jazzie?'

"We only have 25seconds before we reach the next alley, give me the command, Jazzie." He looked at me sternly.

I bit my lip and lowered my gaze. "Just..." I trailed off and hugged my son. Slowly, I lifted my head and met his eyes. "Let us stay where you are. Let me... be with you."

I meant it. After knowing what he'd gone through all those years that he protected me from his enemy, I don't think I could bear to leave him alone this time. Not because of my unnamed feelings, but because... I am scared.

Paano kung... 'di ko na siya makita?

I knew, we didn't have a good marriage. Pero kahit gano'n, alam kong totoo ang naging pagkakaibigan namin noon.

Valjerome's eyes softened. It was as if my words were pleasing to hear. He gave me a small smile before looking back at Jaime.

"Hide the car when I get down. If things don't go well, take my family to the mansion as soon as possible," he stated coldly, back to his mafia self.

Jaime nodded like an obedient child. I didn't object anymore. Mas okay na ang plano niya ngayon kaysa kanina. May kaunti mang pag-aalangan ay hindi na ako nagpumilit pa dahil alam kong kaligtasan lang din namin ang iniisip niya.

Tanaw ko na ang kantong tinutukoy niya sa kanyang mga tauhan, pansin ko rin ang mas paggitgit ng mga kotse sa likod namin para lang maharangan kami. My heartbeat doubled when Valjerome gripped the door handle, waiting for the right time to get off.

'Take care, be safe.' I badly wanted to tell him those, but I didn't have the courage to utter it. Nakuntento na lang ako sa paninitig habang sinasabi iyon sa isip ko.

"Be ready. We are now going to attack," aniya at saka mabilis na bumaba ng sasakyan nang itigil ito saglit ni Jaime.

Everything happened in a snapped. Sa matulin na pagliko ni Jaime ng sasakyan para maitago kami ay nagsimulang magpalitan ng putok ang bawat partido. Valjerome fearlessly shooting fire to the opponents without any protection. Bakas ang galit at dahas sa kanyang mga mata, samantalang ako ay halos lamunin ng takot at pangamba habang nakamasid sa kanya.

I flinched when he dodge a bullet. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa frustrasyon. Sa ilang taon na nagsama kami bilang mag-asawa ay ngayon lang ako nakaranas ng harap-harapang pakikipagbuno. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang panahon na lumaban siya para lang masigurado ang kaligtasan ko, ang panahon kung saan muntik na siyang agawin ng mundo.

Hindi ko na napigilan pa na mapaluha lalo na nang nagsimula siyang maglakad palapit sa mga kalaban. Naka-silencer man silang lahat ay hindi pa rin maiiwasan ang mga ingay dulot ng pagtama ng bala kung saan-saan.

"V-Val," garalgal na pagtawag ko nang hindi ko na siya nakita mula sa pinagtataguan naming pwesto.

Gusto kong lumabas para masiguradong maayos siya pero alam kong kapahamakan lang ang dulot niyon sa akin, bukod doon ay hindi ko magagawang iwan ang anak ko ng mag-isa.

Oh, Diyos ko. Huwag niyo po siyang pababayaan. Ilayo mo po siya sa panganib.

Mahigpit na lang akong napayakap kay Erom, nagdadasal, humihiling. Tumagal pa ng halos dalawang minuto ang putukan bago iyon tumahimik. Halos pigil ang hininga ko habang nakatanaw sa labas ng bintana, naghihintay sa pagbalik ni Valjerome. Si Jaime naman ay nakahanda sa posisyon para paandarin ang sasakyan sakaling hindi maganda ang kinalabasan ng nangyaring gulo.

I swallowed hard when Valjerome didn't show up after few seconds. Nagsimula akong mangatal sa iba't ibang ideya na pumapasok sa isip ko.

No. I know, he can make it.

"I trust you," I whispered emotionally.

My tears welled up when I saw a familiar figure walking towards our car. Kung kanina ay naiiyak ako sa frustrasyon ngayon ay halos hindi na magpaawat ang luha ko sa saya. His forehead knotted when he glanced at me. Nagmadali siya sa paglalakad at agad na binuksan ang pinto.

"Why are you crying? Did someone hurt you? Did anything happen when I'm away?" he asked one after another.

Hindi naman ako nakasagot at umiling na lang bilang tugon, pakiramdam ko ay pipiyok ako sandaling ibuka ko ang aking bibig.

"Jaime, nasundan ba kayo rito?" usisa niya sa tauhan nang 'di nakuntento sa sagot ko, naroon ang pagbabanta sa kanyang boses na para bang handa niyang patayin si Jaime sakaling nasaktan nga ako ng mga kalaban.

His person slowly shook his head and glanced at the rear mirror. "It looks like Ma'am panicked when she didn't see you early, Senior," he explained.

Kumalma naman si Valjerome at banayad na ibinalik sa akin ang kanyang paningin. "I'm sorry. I ordered my men to take care of the corpses. I'm safe, calm down now." He gently wiped my tears.

"A-Are you hurt?" I checked out, stammering.

He gave me a warm smile and shook his head. "I'm okay," he answered.

Nang hindi pa rin ako kumbinsido ay nagpakawala siya nang hininga at saka marahan na inabot ang kamay ko. Dinala niya iyon sa kanyang dibdib kung saan naroon ang kanyang puso saka malamlam na tumitig sa akin.

"Can you feel it? It's still beating fine," he uttered.

Nakagat ko naman ang ibaba kong labi habang dinadama ang tibok ng puso niya. Hindi ko napigilan na mapanguso pagkatapos ng ilang saglit.

"It's not fine. Your heartbeat is too fast," ani ko.

He let out a soft chuckle and licked his lower lip. Napaiwas naman ako ng tingin sa epektong idinulot niyon sa akin.

"Okay then. Let's go home and I will undress in front of you," saad niya habang may mapaglarong ngiti sa labi.

My mouth parted. Ilang beses akong napakurap at mabilis na binawi ang kamay ko.

"A-Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" nauutal na tanong ko.

"You wanted to be sure right? Then check me out... naked," he said playfully.

I glared at him. "And why do you need to be naked?!"

"Well..." His lips curled up. "Baka lang na-mimiss mong makita."

I shut my eyes, controlling my annoyance. Dati pa man ay magaling na talaga siyang mang-asar.

"Umuwi na tayo!" iyon na lang ang tanging nasabi ko.

Mas lalong lumaki ang ngiti niya. "Why? You already wanted to see it?"

"Argh!" I pushed him away and glared at him. "Tigil-tigilan mo ko, Valjerome. Matatamaan ka na sa akin, ako mismo babaril sa 'yo. Tanggalin mo na 'yang headphone sa anak mo at baka mabingi pa 'yan!"

Mahina siyang humalaklak at saka lumabas ng sasakyan para umikot papunta sa kabilang pwesto ni Erom. Tulad nang sinabi ko ay marahan niya iyong tinanggal.

"The sound was ear-splitting, Daddy. I don't want it anymore," nakareklamong nguso ni Erom.

Pareho naman kaming napangiti ni Valjerome at hindi na nagsalita pa. Pinaandar na ring muli ni Jaime ang sasakyan. Habang tinatahak ang daan pauwi ay hindi ko naiwasan na mapatahimik at mapagtanto ang isang bagay.

Despite everything, I still have it...

Napalingon ako sa mag-ama nang magtawanan sila dahil sa kulitang ginagawa. I stared at Valjerome. Malaki ang kaibahan niya kumpara noon. Dati ay isang himala kapag narinig mo siyang tumawa o ngumiti man lang. Ngayon ay nagagawa niyang malungkot, umiyak, magmakaawa, lumuhod, humalaklak at iba pa. Being a mafia boss changed him a lot, or should I say... it made him wear a mask. Masaya ako na nakikita ko na ulit siyang magpakatotoo, nand'yan pa rin ang pagiging marahas at lamig sa mga mata niya pero hindi na iyon para sa akin.

Nakauwi kami sa bahay na puros siya lang ang umiikot sa isip ko, mga pinagdaanan namin at alaala. I'm still asking myself if I already forgive him. Wala pa man akong malinaw na sagot ay isang katotohanan ang napagtanto ko bago pa iyon.

We are walking inside the mansion when I stopped from moving. Isang mahinhin na babaeng buntis ang nadatnan ko sa salas. Nangangain siya ng cookies habang tila naghihintay sa kung sinuman.

"Valjerome."

Nahigit ko ang aking hininga nang nakangiti niyang tawagin ang pangalan ng dati kong asawa.

Did he... get her pregnant?

Continue Reading

You'll Also Like

2M 12.2K 9
Hiding Series #2: Billionaire's Twins (Completed) - Soon to be Published SYNOPSIS Fayre is a promdi girl who has a simple dream. And that dream is on...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...