Wife Of A Ruthless Mafia Boss...

By bitchymee06

16M 522K 244K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA UNDER PSICOM PUBLISHING INC. #COMPLETED How much can you put up for your rut... More

WOARMB
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
FINAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR'S POV

CHAPTER 45

218K 7.8K 1.5K
By bitchymee06

"Daddy!" munting irit ni Erom habang nakikipaghabulan kay Valjerome sa salas.

Tulad ng hiling ng anak ko ay hinayaan ko na manatili muna kami sa mansyon pansamantala. Aaminin kong mahirap para sa akin pero habang nakikita ko ang labis na tuwa sa mukha niya ay unti-unting gumaan ang loob ko.

"Erom, anak, baka madapa ka," paalala ko rito.

Hindi naman niya ako pinagkaabalahang sagutin o lingunin man lang. Napanguso ako at napatitig sa 'king cellphone nang tumunog iyon. Agad ko itong sinagot nang nakita ang pangalan ni Chaos sa screen.

"Where are you? Safe ba kayo? Si Erom?" magkakasunod niyang tanong.

"Daddy!" Erom shrieked when Valjerome caught him.

Napatikhim ako at bahagyang tinakpan ang telepono. Pagkatapos niyon ay mabagal akong tumayo para lumayo sa mag-amang nagkukulitan. Sandali pang nagtama ang paningin namin ni Valjerome na mabilis ko ring iniwasan.

"Ahmm, hello," muli kong imik sa cellphone nang nakalayo ako. "Pasensya ka na, Chaos. Ano kasi... naglalaro si Erom at saka si..." I trailed off and shut my eyes tight. "Valjerome."

"Daddy?" he uttered, referring to what he just heard a while ago.

Hindi ko man idetalye ay alam kong may ideya na siya sa nangyari. Wala pa man ay nakokonsensya na ako para kay Chaos. Hindi ko man intensyon o wala man akong balak gawin, sa sitwasyong kinahaharap namin ay nagmumukha akong paasa.

"Sorry," sinsero kong wika at saka tumingin sa kawalan. 

Nandito ako ngayon sa veranda, nakatanaw sa malawak na lupain ng dati kong asawa. 

"What for?" he asked.

I bit my lower lip and ran my fingers through the railings. "Dahil naiipit ka sa sitwasyon. I gave you a chance, yet here I am, staying with my ex-husband." 

"Jazzie," he started. "Hindi mo kailangang mag-sorry dahil naiintindihan kita. Wala ka pa mang rason na sinasabi sa akin ay lubos na kitang nauunawaan. You're a mother, of course you will do anything for your child. Kahit ang kapalit niyon ay ang sarili mong kaligayahan."

Mas lalo akong nakonsensya sa pag-intindi ni Chaos sa akin. Napahinga ako nang malalim at saka sumandal sa balustre. 

"Chaos..." I murmured. 

"Yes?" he answered quickly.

"Do you think it's worth it?"

"What do you mean?"

"You... doing this, all for me." I looked down on my feet. "I mean, ang daming babae riyan na ora mismo papayag maging karelasyon mo. Walang anak, walang gulo, may kasiguraduhan," saad ko.

"Why? Wala ba akong kasiguraduhan sa 'yo?"

I was caught off guard. Hindi agad ako nakasagot kahit pa gusto kong tutulan iyon.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chaos sa linya. "Jazzie, palagi mong tatandaan na anuman ang maging desisyon mo sa ating dalawa. Mananatili ako sa tabi niyo ni Erom. Hindi mo kailangang magdesisyon base sa awa o kunsensya. Gusto ko kung magiging akin ka man, iyon ay dahil mahal mo ako. Alam ko, iniiwasan mo na palabasing pinapaasa mo ako. Ayaw mong maramdaman ko iyon. Ngayon pa lang, Jazzie, I am telling you. You are not. I knew, the moment you decided to give me a chance, you are sincere towards me."

Muli ay hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Bawat salitang binitiwan niya ay puno ng pag-intindi, bagay na nagustuhan ko sa kanya. Hindi man higit sa pagiging kaibigan ay naa-appreciate ko siya bilang siya. 

"So, you'll stay there?" pagbabago ni Chaos sa usapin.

I hummed and nodded my head. "Erom wanted to be with his father," I explained.

"Are you okay with it?" he asked.

I sighed and lifted my head. Natigilan ako nang nakita si Valjerome sa may bungad ng pintuan. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko o guni-guni ko lang. Ang mga mata niya... nagpapasalamat. 

Marahan akong tumalikod at sandaling nag-isip. "Oras na rin siguro para pag-aralang tanggapin ang lahat," bulong na tugon ko kay Chaos.

"Just call me if you need anything. Darating agad ako," he assured.

Tipid naman akong napangiti. "Thank you, Chaos," sinsero kong saad.

"Sige na. Ibaba ko na ang tawag. Mag-iingat kayo riyan ni Erom. Ihalik mo na lang ako sa kanya."

"You too. Keep safe always."

"I will." Then the call ended.

Humigpit ang hawak ko sa telepono nang ibaba ko iyon. Ramdam ko pa rin ang presensya ni Valjerome kahit pa hindi siya malapit sa 'kin. Ilang segundo pa ang lumipas ay narinig ko ang yabag ng mga paa niya palapit sa direksyon ko. Naalarma man ay pilit kong pinakalma ang aking sarili.

He stood beside me, half meter away. Pareho kaming nakatanaw sa paligid, naghihintay sa unang babasag ng katahimikan.

"Thank you," he whispered, enough for me to hear.

Hindi ko naman siya nilingon bagamat nakatuon ang buo kong atensyon sa kanya.

"Hindi ko inaasahan na makikilala pa ako ni Erom bilang ama niya. Salamat," muli niyang imik.

"I didn't tell him," walang emosyon kong sambit.

I felt him looking at me.

"Siya ang kusang nakaalam base sa mga panahong nagkasama kayong dalawa. Maybe... he just felt your fatherly love," I continued.

Silence enveloped us for a minute. Tanging ang banayad na tunog ng hangin lamang ang pumapagitnang ingay sa aming dalawa.

"Are you still mad at me? At my family?" he murmured.

Napakuyom ako ng kamao. Isang malalim na hininga ang ginawa ko bago lumingon sa kanya. 

"Oo, galit pa rin ako," sagot ko. 

Agad na lumamlam ang mga mata niya. "I'm sorry," aniya.

"Pero alam mo 'yong nakakatawa?" I tried to smile. "Sa kabila ng galit ko sa 'yo, sa inyo ni Tito Civor, nagagawa ko pa ring intindihin ang rason niyo." I averted my eyes again and held tight on the railings. 

"Mabigat sa loob ko, magulang ko 'yon, eh. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong pagkakaiba ng buhay ko sakaling buhay pa sila. Ang dami kong what ifs." I forced a laugh. "Saksi ka kung paano ako nainggit sa mga kaklase natin noon na kumpleto ang pamilya, nakita mo kung paano ako umiyak sa tuwing nami-miss ko sila. You were there, Valjerome."

"Alam ko. Kaya naiintindihan kita, Jazzie. In behalf of my father, I'm sorry. Hayaan mo sanang makabawi ako sa pagkukulang ko sa inyo," puno ng emosyon niyang saad.

Sinubukan ko ulit ngumiti sa kawalan. "Sa ngayon, si Erom na lang muna ang pagtuunan mo ng pansin. Don't bother to give me roses or foods anymore. Hayaan mo akong tanggapin ang lahat ng wala kang ginagawa na anuman." Slowly, I glanced at him. 

"Sa anak natin ka bumawi. Hindi mo na ako asawa, Valjerome."

Continue Reading

You'll Also Like

930 113 43
Back to the place she once live in yet she had forgotten, Nieva has no choice but bear with the guy who claimed to be her husband that she abandoned...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
101K 2.7K 38
What if you find someone you like? Yung tipong una mo palang syang nakita may gusto kana agad sakanya? And you dreamed that one day he will be with y...