Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 56

636 68 11
By Akiralei28


**********oo**********


Kaagad naman nadala ng mabilis ni Khael ang walang malay na si Yuri sa bahay nina Lola Luciana

Dahil sa naging isa na ng katawan niya ang mutya at ang kapangyarihan nito ay nagkaroon siya ng kakayahan na makatakbo ng mabilis na parang hangin lang kung siya ay nawala

Naging mas matalas ang kanyang pang amoy at ang mga mata na kagaya sa paniki

Na kahit malayo ay nakikita na niya ang paparating at kung mbuti ba ito o masama para sa kanila

Halos sampung minuto lang sila na nawala sa harapan ng mga kaibigan nila ay nakarating kaagad sila sa bahay ni Lola Luciana

"Ipasok mo siya dali!," utos ng natatarantang matanda ng makita ang kalagayan at itsura ni Yuri,"Anong nangyari sa kanya?,"

"Gumamit po siya ng isang malakas na uri ng orasyon para po tulungan at protektahan kami," paliwanag ni Khael bago inilapag sa isang higaan si Yuri

"Dapat hindi niya sinubukang gamitin iyon," may pag aalalang sambit ni Lola Luciana,"Mga bihasa lang ang pwedeng makagamit ng ganoon, buti at hindi siya namatay ng tuluyan,"

"Dalawang beses niya na po iyan ginawa, Lola," sabi pa niya sa matanda,"Sa Baryo Dagit niya po unang ginamit iyong orasyon,"

Napapailing nalang si Lola Luciana habang nilalapatan ng paunang lunas ang kalagayan nito

"Hindi na niya pwede iyon gamitin sa ikatlong pag kakataon, dahil buhay na niya ang kapalit kapag ginamit pa niya ulet iyon," malungkot nitong saad,"Kaya hindi ko magamit gamit iyon dahil dalawang beses ko ng sinubukan iyon, ang tanging makakagamit lang ng ganoong kalakas na uri ng orasyon ay ang mga bihasa na at matagal ng tinanggap ang ganoong uri ng kapangyarihan,"

"Hayaan niyo po at sasabihin ko sa kanya na iwasan na iyon," sabi niya, napatango lang ang matanda

Pumikit na ito at umusal ng mga buhay na salita at dasal habang nakalapat sa tapat ng dibsib ni Yuri ang kanang palad nito

Lumabas naman ng silid si Khael para hindi maabala si Lola Luciana sa ginagawa nitong pag oorasyon

Doon na niya hihintayin ang mga kaibigan sa labas ng bahay ni Lola Luciana habang nag iisip ng plano kung paano makakabalik sa kanyang pinagmulan

**********

Hindi na namalayan ni Khael ang oras, kung ilang oras na siyang nakatulala doon sa labas ng bahay kung saan may upuan

Hindi na niya nakita na dumating na pala ang mga kaibigan niya at tanghaling tapat na ng mga sandaling iyon

Nagulat lamang siya at natauhan ng tumabi si Reema at kumapit sa braso nito

Napatikhim naman ng malakas si Bryan kaya nagtakang nakatingin siya sa braso niya na kinakapitan ni Reema ng mga braso

"Aba, walang hiyang aswang na ito," asik ni Aira,"Layuan mo nga si Khael, saka kasintahan na niya si Yuri, iyong binuhay niya kanina,"

"Lumayo ka nga sa kanya," mataray pa sa segunda ni Trina, nagkatinginan ang mga katabi nila at napapangiti,"Wag kang mang ahas ng nobyo ng may nobyo, ang alam ko aswang ka at hindi ahas kaya umayos ka," banta nito

Kikibo pa sana si Nena at dadagdagan pa ang mga sinabi ng dalawa ng takpan ni Sister Janelle ang bibig nito

"Tumigil na kayo," sista ni Sister Janelle,"Khael kamusta si Leigh?," may pag aalalang tanong nito sa pamangkin

"Ginagamot pa siya ni Lola Luciana," malungkot na saad nito,"Pakiusap wag niyo na siya hahayaan na magamit ulet ang ganoong uri ng orasyon, ikamamatay na niya iyon sa ikatlong pagkakataon na gagamitin niya,"

Nalungkot naman sila dahil sa nalaman nila

"Ginawa niya iyon ng dahil sayo, Khael," ani ni Aira,"Ganoon ka kamahal ni Yuri, handa siyang ialay ang buhay niya sa atin lalo na sayo, kaya sana maging tapat ka sa kanya," makahulugang sambit ni Aira sa kaibigan

"Aira!," saway ni Kevin,"Alam naman natin kung gaano kamahal ni Khael si Yuri, matagal siyang nag hintay para sa matamis makamit niya ang matamis na 'OO' ni Yuri," paliwanag pa nito sa kanila

"May tiwala kami sayo, Khael," ani ni Bryan sabay tapik sa balikat nito

"Kay Khael may tiwala kami," pasaring ni Nena,"Pero sa mga aswang ay wala," sabay talikod at pasok sa loob

Naikuyom naman ni Reema ang mga kamo nito dahil sa galit at pagkainis sa tatlong dalaga

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Sister Janelle kaya nag aalala siya para sa dalawang taong mahalaga sa kanila


**********

Gabi, nasa sala silang lahat

"Kamusta na po si Leigh, Lola?," tanong ni Nena sa matanda

"Maayos na ang katawan at ispiritwal niya, kailangan lang niya makatulog ng ilang araw para makabawi siya ng kanyang lakas,"

"Mabuti naman po at ayos na si Yuri," ani ni Aira na napangiti nalang,"Makakauwi na din tayo,"

"Sabi mo pa,"sang ayon ni Trina sabay tawa, kaya napangiti na din silang lahat

"Binabati kita, Kamahalan," ani ni Lola Luciana,"Ngayong nakuha muna ang mutya at ang kakayahan nito ay magiging mas malakas kana kaysa sa dati,"

Napatingin sila sa matanda na may pagtataka dahil sa sinabi nito

"Alam ko," ani pa nito,"Ikaw din ang tutang iyon," sabay tawa,"Kilala na kita at naamoy kita simula pa noong una, kaya sana pantilihin mo ang kabutihan at pagmamahal sa iyong puso, iyon ang magiging susi mo sa tagumpay, Kamahalan,"

"Salamat po Lola Luciana," ani ni Khael sa matanda

"Pagkaingatan mo ang kaputian at kalinisan ng iyong puso," sabay turo sa dibdib nito kung saan ang puso niya,"Ipagmamalaki kita at ang iyong buong angkan, lalo na ang mga nagpalaki sayo,"

Napatango nalang si Khael sa sinabi ni Lola Luciana, ipinagpatuloy nalang nila ang paghahapunan habang nagku kwentuhan

Tahimik lang sina Reema at ang dalawa nitong kasama habang sumasabay sa pagkain ng hapunan

Hindi na nagko komento ang mga iyon o sumasalo sa kanilang usapan lalo pa at tungkol iyon kay Yuri, nakikita nila na napapatiimbagang iyon

Napapailing nalang ang mga dalagang kasama nila, pati ang tatlong binata

"Sasama ako sa inyo," ani ni Manuel,"Kapag pabalik na kayo sa inyong Baryo,"

"Pero paano ang pamilya mo?," tanong naman ni Aira

"Mas gusto ko ang mga ginagawa ninyo kaysa sa tumambay dito," paliwanag nito,"Pakiusap isama ninyo ako, Kamahalan,"

Tinignan nila si Khael habang hinihintay ang pagkasagot nito sa sinasabi ni Manuel

"Saka," napakamot pa ito ng ulo bago tumingin kay Nena

Kaya tinukso nila ang dalagang napapayuko habang namumula ang mga pisngi

"Saka ano, Manuel?," mapanuksong tanong ni Kevin, napapangiti nalang din sina Khael at Sister Janelle

"Saka kasi," napapangiti ito,"Saka gusto mo makasama si Nena at maligawan ng pormal,"

Naghiyawan sila ng madinig ang sinabi ni Manuel, lalo naman napayuko si Nena at lalong nahiya at namula ang mga pisngi nito

"Totoo na ba yan, Manuel?," seryosong tanong ni Sister Janelle

"Opo, sister," diretsang sagot nito

"Kung gnoon," ani ni Sister Janelle,"Sa akin ka magpapaalam kung manliligaw ka sa kanya dahil ako ang kanyang bantay dito,"

"Pwede po ba, Sister Janelle?," tanong nito sabay hiyawan kaya natatawa nalang si Lola Luciana

"Oo naman," sabay tapik sa balikat nito, kaya lalo nilang inasar si Nena kaya napapailing nalang si Khael na napapangiti

Matapos nilang kumain ng hapunan ay kanya kanya na sila ng pasok sa silid na kanilang tutulugan, matapos mailigpit ang kanilang mga kalat

Sa isang silid tumuloy ang apat na binata, sa silid naman na tinutugan  ni Yuri ang apat na kaibigan nila

Samantala sina Reema ay sa kabilang silid kung saan malapit ang silid ng matanda

Nang gabing iyon ay nakatulog naman sila ng mahimbing dahil na din sa pagod na nararamdaman nila ng ilang gabi

At sa pakikipaglaban nila sa mga aswang pati sa kanilang paglalakbay

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Yan lang po muna sa ngayon, pramis po bukas mag a update po ako ulet

Aayusin ko lang po ang mga chapter kasi nagkaloko loko at di na po magkakasunod,✌✌👍👍👍

Nagha hang po kasi ang wattpad ko kaya pasensiya na po

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 58 10
The online manga version. Excerpt only. For full view, visit zenkomiks.com
211K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
15.6K 251 38
Mahal bayad ko sa kaniya! Kaya basahin mo ito!
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...