So Wrong Yet Feels So Right

Por Gobreezexx

10.1K 244 4

Amanda Setchel Vicencio x Jeremiah Amoroso From the very beginning, it was trouble. As the time flies, it jus... Más

ALL RIGHTS RESERVED
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 36

149 4 0
Por Gobreezexx

Chapter 36

Bahagyang natigilan si Mr. Guttierez dahil sa sinabi ko.

Mukha nga atang sa hindi magandang dahilan niya narinig ang pangalan ko.

"Ah... I'm not sure if it is a bad reason for you but for me, I don't really think so. I think I've heard your name the first time in an event organized by the Russos? We were invited that night, too."

Sinasabi ko na nga ba. Malamang nga na dahil sa pangyayaring iyon lang ako posibleng matandaan. Kahit ata gustuhin kong kalimutan na lang na nangyari ang mga iyon ay hindi na talaga ito mabubura pa.

Naagapan man ang pagkalat noon sa mga tabloids and social media, nasaksihan pa din iyon ng lahat ng bisita noong gabing iyon. At kasama din pala noon si Mr. Guttierez.

Marahan na lang akong tumango. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, e.

I have long moved on from that point of my life. Ang totoo ay hindi naman ako nasaktan noon dahil napahiya ako. Nasaktan ako dahil lalo lang lumayo ang loob sa akin ng mga magulang ko.

"H-Hey... I'm sorry. Did I made you upset? Sorry, di ko na dapat sinabi pa," alo ni Mr. Guttierez.

Tumingin naman ako sa kaniya at nakita ko kung paano magpabalik-balik sa akin at sa daan ang tingin niya.

Ngumiti naman ako ng bahagya.

"Hindi. I already know that I can be remembered because of that. I was then very childish and unfiltered. I always let my emotions ruled me," ani ko.

Totoo naman. Noon, kapag galit ako ay mabilis kong naipapakita na galit ako. Ganoon din kapag malungkot o masaya ako. Unlike now, may mga emosyong natutunan ko na lang kimkimin hanggat kaya pa.

"Well, I think we all have been in that pace. Isip-bata. But, the thing is, that doesn't mean that we cannot change that. Each one of us has the capability to change. We grow, we mature, we learn..."

Tumingin siya sa akin. Mas napangiti ako ng mga sinabi niya.

Kahit na hindi ko naman siya lubusang kakilala ay nakakagaan ng loob ang mga sinabi niya.

"Tama ka, Mr. Guttierez. Tama ang mga sinabi mo..." halos wala sa sarili kong utas.

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ay pinagmasdan ang isa-isang pagbagsak ng marahang ambon hanggang sa mas dumami na ito.

"Is it too much if I say that I prefer you call me by my first name? I noticed you're addressing me too formal."

Binalik ko ang tingin sa kaniya.

"Ayos lang naman. Kung iyon ang mas gusto mo," sagot ko naman sa kaniya.

"Thanks, then Amanda," aniya.

May ilang segundo kaming natahimik lang. May sampung minuto pa siguro bago kami makarating sa venue.

"Your family owns hotel too, right?"

I know that he is being careful in selecting topics. Ayoko namang isipin niya na napakarami ko namang isyu sa buhay na ayokong pag-usapan kaya sumagot na lang din ako ng maayos.

"Uh, yes. It's just a small business. Mas tutok ang parents ko sa politics," I said.

He nodded. "Ah, sabagay. It's hard to focus on both. Kaya nga si Dad ako ang pinapahawak sa ilang mga business niya. Palibhasa ako ang bunso, lahat ng ayaw ng mga kapatid ko sa akin ang bagsak," natatawa niyang kuwento.

"You said your family's involved in politics too, right?"

Ako naman ang nagtanong para naman mabaling sa kaniya ang topic. Baka kasi mas lumalim pa ang mga tanong niya sa akin at mahirapan na akong sumagot.

"Yup, well my father, he is a senator," aniya.

Oh! Anak pala siya ng senador. Hindi ko alam. Hindi na din naman kasi ako updated sa mga nakaupo sa senado.

"By the looks of you it's obvious that you didn't know him," sabi mi Mr. Guttierez... Paulo?

"Ah, sorry, I didn't know. Matagal-tagal din kasi akong nawala, kakabalik ko lang. Hindi pa ako masyadong aware sa mga nasa gobyerno," paliwanag ko.

"Oh, you lived abroad?"

"Oo, sa France ako nagstay for three years."

"Ah, kaya pala hindi kita nakikita. I mean, kapag umaattend ako sa mga event madalas ay nakikita ko ang parents mo."

"Malapit na tayo," I commented. Sinadya kong ibahin na lang ang usapan.

"You're right. Almost there," aniya. Mukhang hindi naman niya napansin na sinadya kong ibahin ang topic.

We arrived a bit late.

Madami ang mga nakahilerang reporters sa labas ng venue. Panay ang pag-click nila sa mga dala nilang camera at pagtatanong sa mga dumadating.

Normal lang sa akin ang ganitong mga eksena noon sa tuwing nakakasama ako kila mommy at daddy sa mga ganitong pagtitipon. Naninibago lang ako ngayon dahil hindi sila ang kasama ko at ilang taon din akong hindi naka-attend ng party. Kahit sa France ay sinasadya kong hindi na lang umattend sa mga ganitong event para sa mas matahimik na buhay.

"Let's get inside?"

Tumango ako kay Mr. Guttierez. He offered his arms at tinanggap ko naman iyon. Bigla bigla ay nagkaroon ako ngayon ng kasama.

Maingay at nakakasilaw ang liwanag ng nga flash ng camera ng kami naman ang sunod na papasok. Mabibilis din at iba-iba ang mga tanong ng nila halos hindi ko na masundan ang iba.

"Mr. Guttierez, who is she. Is she your new girlfriend?" tanong ng isang reporter.

Ha?

Oo nga pala, hindi imposible na may mag-isip ng ganoon kapag nakita kaming magkasama ni Mr. Guttierez, bakit ba hindi ko naisip iyon.

"Ah, no. She's a friend of mine."

Mabuti na lang at straight to the point naman si Mr. Guttierez.

"Teka, diba ikaw si Amanda Vicencio? Anak ni Governor Vicencio?" tanong ng isa pa at inilapit sa akin ang dala niyang microphone.

"Ah, oo nga. Miss Vicencio, we haven't seen you for a while where have you been?" tanong noong isang babaeng reporter na maiksi ang buhok.

"Nag-aral ka ba abroad?" tanong naman ng isa pa.

"May boyfriend ka ba ngayon?"

"Anong relasyon mo kay Mr. Paulo Guttierez?"

"Miss Vicencio, who are you wearing?" Tanong ng sa tingin ko ay fashion magazine reporter based on the label of her microphone. She's asking about my dress.

Iyon lang ata ang kaya kong sagutin sa mga tanong nila. Nang makilala ako noong isang reporter ay puro tanong na sa akin ang ibinato nila, wala ng nagtanong pa kay Mr. Guttierez.

Sasagutin ko sa iyong sa fashion magazine pero naunahan na akong magsalita ni Mr. Guttierez.

"I'm sorry. We won't answer personal questions, please. And we already need to go inside, pasensya na," mabilis niyang sabi at iginiya na ako papasok sa venue.

Napabitiw na ako sa kaniya kanina at hindi na ako nakahawak pabalik. Siya na ang humawak sa akin at naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

"Sorry, about that," aniya bago kami makapasok.

I smiled to assure him it's okay. Wala naman siyang kasalanan.

"It's okay. Nanibago lang ako sa mga tanong nila. Usually kasi tungkol lang sa politics at si daddy ang laging sumasagot."

May dumaang waiter sa tapat namin na may dalang wine. Kumuha ng dalawa si Mr. Guttierez at binigay sa akin ang isa.

"Thanks."

Malaki talaga ang charity ball na ito. Puno ng mga bibigating bisita ang buong hall at maya't maya din ang mga pabalik-balik na mga waiter at waitress.

Paano ko kaya mahahanap ang mga katrabaho ko? Sigurado akong nandito na si Janna dahil excited na excited iyong umattend dito.

Ayos lang din naman na hindi ko sila makita. Wala naman kaming ibang kailangang gawin dito kung hindi ang umattend at makipag-socialize.

Nakikita ko sa malayo ang mga paintings na nandito para i-donate at ibenta. Hindi ko pa nga lang makita ang mga paintings na galing sa El Tempo. Siguro ay nasa mas bandang loob pa iyon.

Iginiya ako ni Mr. Guttierez sa isang grupo na halos ay puro kalalakihan.

"Pao," bati sa kaniya ng isang medyo maliit na lalaki.

"Man."

Sunod-sunod ang naging batian at man-hug nila. Ito siguro ang grupo ng mga kaibigan niya. Mukha silang close lahat, e.

May isang nakapansin sa akin at nagtanong kay Mr. Guttierez.

"Dude, baka naman gusto mo kaming ipakilala sa kasama mo?" banat ng unang bumati sa kaniya kanina.

"Oo nga naman."

Ibinalik ni Mr. Guttierez ang kamay niya sa likod ko para mas mapakilala ako ng maayos.

"Of course, of course!" ani Mr. Guttierez. "Amanda, these dorks are my friends-"

Agad na nagsipag-angalan ang mga kaibigan niya.

Natawa ako.

...

Seguir leyendo

También te gustarán

68.7K 1.5K 16
Captain Henry Donnager expected a quiet career babysitting a dusty relic in Area 51. But when a test unlocks a portal to a world of knights and magic...
313K 9.4K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...
15.3M 435K 73
"𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐞𝐥𝐥 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝐥𝐢𝐟𝐞?" "𝐍𝐨𝐭 𝐢𝐧 𝐡𝐞𝐚𝐯𝐞𝐧, 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐬𝐮𝐫𝐞." Nothing in life...
1.2M 29.2K 41
Bella Calynn Dela Rosa is a studious girl. She doesn't care about her lovelife not until she met the engineering student, Steven Harry Gonzales who w...