Wife Of A Ruthless Mafia Boss...

By bitchymee06

16M 522K 244K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA UNDER PSICOM PUBLISHING INC. #COMPLETED How much can you put up for your rut... More

WOARMB
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
FINAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR'S POV

CHAPTER 43

225K 8.3K 2.8K
By bitchymee06

Sa dinami-rami ng go-see na pinagdaanan ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kaba. Namamawis ang mga palad ko at halos hindi kumalma ang tibok ng puso ko.

"Welcome back, Ms. Zamora," nakangiting pagbati ng isa sa mga hairstylist na nasa loob ng dressing room.

Agad na napunta sa 'kin ang atensyon ng ibang modelo na kasama ko sa silid. Naroon ang panunuri ng kanilang mga mata sa presensya ko. Hindi na ako nagtataka dahil sa paglipas ng maraming taon ay nagawa kong patahimikin ang pangalan ko, o mas dapat ko bang sabihin—ng dati kong asawa. Kung may mga nakakatanda man sa akin ay iyon ang mga taong dati kong nakasama o nakasalamuha.

Tipid akong ngumiti sa hairstylist. "Salamat," nahihiyang sambit ko.

Kung noon ay mataas ang kumpyansa ko sa sarili ngayon ay hindi ko maiwasan na mabahala. Isa sa mga dahilan kung bakit nagdalawang-isip ako sa pagbalik ay dahil na rin ng katawan ko. Nagkaroon na ako ng anak, hindi ko alam kung gano'n pa rin ba kaganda ang katawan ko para sa iba. Maaaring palagi kong ipinagmamalaki kay Ken ang itsura ko, dahil sa gano'ng paraan ko rin maipaparamdam ang pagmamahal ko sa 'king sarili—ang tingnan ang sarili ko bilang magandang babae ano pa man ang totoo. Naniniwala kasi ako na hindi ka man kagandahan sa paningin ng iba, ikaw ang magiging pinakamaganda sa sarili mong mga mata basta maniniwala ka. Gano'n pa man, sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko maiwasan na manguwestyon.

"Ang tagal mong nawala, Ma'am," muling pakikipagkwentuhan ng hair dresser.

"Oo nga, eh," iyon na lang ang naisagot ko dahil iniiwasan ko na mabuklat ang mga nangyari sa akin noon.

"Jazzie?" tawag ng pamilyar na boses ni Azy, kasunod niyon ay ang kanyang pagpasok sa silid.

Isang matamis na ngiti pa ang kanyang pinakawalan nang mapadaanan ng tingin ang kabuuan ko. Isang simpleng bodycon dress lang ang suot ko na may mataas na slit sa 'king kaliwang hita. Seeing my manager's delighted eyes calmed me somehow.

"Ready ka na?" usisa niya nang nakalapit sa 'kin. "Magsisimula na ang event within five minutes," dugtong na imporma niya.

Tipid akong tumango at palihim na huminga nang malalim. Sandali ko pang tinitigan ang sarili ko sa vanity mirror na nasa harapan ko.

You can do this, Jazzie.

Pagpapalakas-loob ko sa 'king sarili at ngumiti sa repleksyon.

Oras na para bumalik ka sa normal mong buhay.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyong ginagawa ko. Pero sa mga nangyari sa buhay ko at mga katotohanang nalaman ko, napag-isip-isip ko na maikli lang ang buhay para problemahin ang mga problemang hindi pa naman dumadating. In order to move forward, I need to be comfortable and be happy with my life; with my career, with my child.

Tulad nang sinabi ni Azy, nagsimula nang ipatawag ang mga model sa mini stage kung saan kami susuriin. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang nadatnan sa mga upuan si Erom habang katabi si Chaos. Sabay silang kumaway sa akin habang may ngiti sa labi.

"Anak mo?"

Napalingon ako sa katabi kong modelo nang tanungin niya ako. I gave her a small smile and nodded as response.

"Infairness, maganda pa rin ang katawan mo kahit na may anak ka na," naroon ang pagkamangha sa kanyang tono kaya naman tinanggap ko iyon bilang compliment.

"Salamat," alanganin kong wika saka pasimple siyang sinuri. "You're hot and sexy too," I commented.

"Hmm. Resulta nang pagpipigil kumain." Sinundan niya pa iyon nang pagtawa pero hindi nakatakas sa 'kin ang pait sa kanyang boses.

Kahit papaano nakaramdam ako ng kaunting awa. Agad ko naman iyong itinago nang ngumiti siya sa akin at namaalam para sumunod sa pila ng mga lalabas.

Wala sa sarili akong napatingin sa iba ko pang kasamahan. Doon ay naisip ko na hindi katulad ko, ang iba sa mga modelong nakakasalamuha ko ay strikto sa kanilang mga pagkain at iba pa. May mga nakasama ako noon na pilit pinasusuka ang sarili pagkatapos kumain ng mga gusto nilang pagkain. Mayroon din namang umiiyak dahil tumaas ng isang kilo ang kanilang timbang. Para sa iba na wala sa larangan ng trabaho namin, isa lang iyong maliit na bagay. Pero para sa mga modelong nakakasama ko, isa iyong dagok para sa kanila.

Swerte pa rin ako kahit papaano.

"Ma'am, sunod na po kayo," pagtawag ng isang staff na nasa backstage.

Nagmadali naman akong kumilos at inihanda ang sarili ko nang nakarating doon. Iwinaksi ko lahat nang iniisip ko at huminga nang malalim habang naghihintay.

Nang narinig ko ang pangalan ko ay nagsimula akong lumabas. Dala ang paniniwala at pagtitiwala ko sa 'king sarili, elegante akong humakbang sa carpet. Ngunit mabilis iyong naglaho nang nakita ko ang isang hindi inaasahang tao sa hilera ng mga judge.

Valjerome...

Muntik pa akong matapilok, mabuti na lang at naitawid ko ang aking pagkakabigla. Ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin na pilit kong iniiwasan. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa panahon kung saan unang salang ko pa lang sa isang go-see. Nakakamanhid sa kaba at halos matinding pagpipigil ang ginawa ko huwag lamang mangatal ang aking mga tuhod.

"Go, Mommy!" Erom cheered when I am finally done with my walk.

Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi nang lingunin siya ni Valjerome. Mula sa pwesto ko ay kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata habang nakatingin sa anak ko. Si Erom naman ay tila gulat na makita si Valjerome, alanganin siyang yumuko at base pa lang sa galaw ng katawan niya ay alam kong pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri. Mabilis na dumikit si Chaos sa kanya at bumulong, marahil ay pinagagaan ang loob ng anak ko.

Tumagal ng ilang minuto ang go-see bago nilabas ng mga judge ang resulta. Mula sa sampong modelo ay tatlo ang kinuha bilang model ng produktong ilalabas nila, luckily kasama ako roon. Muli kaming bumalik ng mga modelo sa dressing room, may ilang nag-congratulate sa akin at mayroon din namang palihim na tumitingin nang masama. Hindi na iyon bago sa akin, sanay na ako noon pa man na hindi lahat matutuwa sa tagumpay ko.

"Jazzie!" galak na hiyaw ni Azy habang may bitbit na kumpol ng puting rosas.

Nilapag niya iyon sa harapan ko at saka hinawakan ang magkabila kong kamay. "Sinasabi ko na nga ba, may asim ka pa!" aniya.

Napailing na lang ako. Gusto kong tampalin ang aking mukha sa kahihiyan pero dahil nga hawak niya iyon ay hindi ko magawa.

"Aaack! Ang galing talaga ng little Thumbelina ko!" muli niyang puri.

Napangiwi ako at hindi na napigilan pang mapatawa sa huli dahil sa kung anu-anong tawag niya. But I admit, I appreciate his praises.

"Mommy!" tumatakbong pagtawag ni Erom sa 'kin.

Mabilis akong yumuko para salubungin siya. I hugged him tight and kissed his forehead.

"I didn't expect you to be here, my prince," ani ko. "Anyway, thank you for cheering, Mommy." I smiled genuinely.

"Sabi po kasi ni Papa babalik ka sa work mo noon kaya po nagpasama ako papunta rito. You're so good, mom," puri niya.

Hindi ko maiwasan na mapaluha sa mga salita ng anak ko. Nakakatawang isipin na ang simpleng puri ni Erom ay makakatumbas ng libong paghanga mula sa iba. Gano'n nga siguro talaga kapag anak na ang gumawa ng bagay na hinihiling mong gawin sa 'yo ng ibang tao.

"Thank you," muli kong pasasalamat sa anak ko saka tumingin kay Chaos nang may iabot siyang bulaklak.

My forehead knotted. Napatingin ako sa kumpol ng puting rosas na dinala ni Azy kanina.

"Hindi ba sa 'yo galing ito? Bakit dala-dalawa pa ang binili mo?" natatawang usisa ko.

"Ay, 'te. Sa asawa este dati mong asawa galing 'yan," singit ni Azy sabay turo sa rosas.

Dalawang beses akong napakurap. Tipid na ngumiti sa 'kin si Chaos at tumango bilang kumpirmasyon. Sandali pa siyang nagkamot ng batok at nahihiyang tumingin sa 'kin.

"Pasensya ka na, malaki 'yong sa kanya. Mukhang talo na naman ako," aniya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "A-anong talo? Wala namang laban na nagaganap dito," paglilinaw ko.

Saglit kong pinasadahan ng tingin ang puting mga rosas, nakuha ang atensyon ko ng isang papel na nakasingit doon. Kinuha ko naman iyon at tahimik na binasa ang nakasulat.

You did a great job, gorgeous.
-V

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko ng ilang segundo, marahil sa dami namin sa silid kaya hindi ko maramdaman 'yong lamig ng aircon.

Tama, mahina ang aircon.

"Tara na, umuwi na tayo," pagyaya ko kay Chaos at Erom habang isinusukbit ang dala kong bag.

"Ayaw mong mag-celebrate?" tanong ng manager ko.

I forced a smile. "Next time na lang siguro," tugon ko.

Tumango naman siya bilang pag-intindi.

"Itong bulaklak, hindi mo daldalhin?" muli niyang pang-uusisa.

Natigilan ako at palihim na tumingin kay Chaos. I don't want to offend him in any ways. Kahit pa mukhang walang kaso sa kanya kung dalhin ko iyon, ayaw ko pa rin na lubusin ang pagkakataon.

"Hindi na, malalanta lang din 'yan. Sa iyo na lang kung gusto mo," sabi ko.

"Ay, bet. Walang bawian, ah," ani Azy.

I rolled my eyes. Imbes na kausapin pa siya ay tinanguan ko na lang si Erom at Chaos para lumabas.

"Damn. I think I dropped my keys," usal ni Chaos nang nakasakay na kami sa elevator at paibaba na ng ground floor.

"Alam mo ba kung saan mo nahulog?" tanong ko at saka tumingin sa palagid, nagbabakasakali na naroon ang susi.

"Tingin ko sa dressing room nagpatak, balikan ko lang muna. Mauna na kayo sa baba, hintayin niyo na lang ako sa sasakyan," aniya.

"Okay, doon ka na lang namin hihintayin ni Erom," saad ko.

Tumango naman si Chaos at saka kami tuluyang iniwan sa nagsasarang elevator.

"Mommy..." pagtawag ni Erom sa 'kin.

"Yes, my prince?" nakangiti kong tugon at marahan na hinaplos ang kanyang buhok.

"You already allowed Daddy, right?" he murmured.

Natigilan ako at hindi agad nakaimik nang buksan ni Erom ang topic tungkol sa kanyang tunay na ama.

"About what, anak?" mahinahon kong tanong.

"Na lapitan po ako," sagot niya.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Nakaramdam ako ng konsensya sa umaasang tono ng anak ko.

"I-I already allowed him, anak. But..." I breathe deeply. "Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya. I'm sorry," sinsero kong wika.

Yes, I will allow him to see or hold my child. Para sa anak ko, gagawin ko ang lahat nang magpapasaya sa kanya.

"When mo po sasabihin?" tanong niya.

I bit my lower lip. "Bukas, anak. I will text him tomorrow,  just give Mommy some time," namamaos kong sagot.

"Thank you, Mommy." With my son's tiny arms, he embraced me tightly.

Pilit akong napangiti at banayad na hinaplos ang likod niya. "Para sa 'yo, anak. Lahat gagawin ni Mommy."

Marahan na humiwalay sa 'kin si Erom nang narinig ang pagtunog ng elevator. Senyales na magbubukas na ang pinto. Nakahanda na kami sa paglabas nang pareho kaming natigilan sa dami ng reporters na sumalubong sa amin.

"Ms. Zamora, totoo ba na nabuntis ka kaya umalis ka sa pagmomodelo six years ago?"

"Ms. Zamora, sino ang ama nang anak mo?"

"Ms. Zamora, siya ba ang batang ipinagbuntis mo?"

Dahil sa hindi napaghandaang sitwasyon, nagsimula akong matakot para sa anak ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Erom sa dami ng reporters na nakakalat, sinubukan ko pang lumusot kasama ang anak ko pero naging maling kilos lang iyon.

"Erom!" puno ng pangambang sigaw ko nang napabitaw siya sa 'kin.

Kitang-kita ko kung paano siya muntik na matumba at maipit sa alon ng mga tao, mabuti na lang at mabilis siyang nayakap ng kung sinuman. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kung kaninong katawan iyon.

"Get out of the way!" Valjerome shouted as he protected my son from the possible danger.

Mabilis na pumalibot ang mga tauhan niya para hawiin ang mga reporter. Nang nakakuha ng tamang espasyo ay binuhat niya si Erom at isiniksik sa dibdib niya.

"I will fvcking sue you all if something bad happened to both of them!" muli niyang sigaw dahilan para matigil ang kumusyon.

Parang napaso ang mga reporter at kusang lumayo sa amin. Kinuha ko iyong pagkakataon para lapitan ang anak ko.

"Erom, are you okay?" nangangatal kong tanong.

Hindi naman ako sinagot o nilingon man lang ng anak ko. Nanatili siyang nakayakap at nakasubsob kay Valjerome  dahilan para mas lalong tumindi ang takot ko.

"Get in the car," saad ni Valjerome at nauna sa paglalakad.

Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod. Sinubukan ko pa rin kausapin si Erom pero tulad kanina ay nanatili siya sa kanyang posisyon.

"N-Na-trauma ba siya?" garalgal kong pagkausap kay Valjerome. "N-nasaktan? Umiiyak ba siya? B-bakit ayaw niyang magsalita?" sunud-sunod kong sambit.

Parang may nagbabara sa lalamunan ko at walang awat ang patak ng luha ko sa pag-aalala. Natigil lang ako nang naramdaman ko ang mainit na kamay na humawak sa pisngi ko.

Slowly, I lifted my eyes at him.

"Calm down, everything will be okay. He's not hurt, don't worry. I made sure of that," he assured and gave me a small smile. "I will not let anyone hurt our son."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 75 18
A compilation of one shot stories of different genres. This compilation may include humor, romance, horror, fantasy, fiction and non-fiction short st...
927 36 1
"Don't call me kid! Don't call me baby! Look at this idiotic fool you made me, Amora. You made me crazy!" Chapter: ------ *This story is written in...
101K 2.7K 38
What if you find someone you like? Yung tipong una mo palang syang nakita may gusto kana agad sakanya? And you dreamed that one day he will be with y...
930 113 43
Back to the place she once live in yet she had forgotten, Nieva has no choice but bear with the guy who claimed to be her husband that she abandoned...