When Fate Played

Від DonaQuixote

258 37 0

Dilara Series One - [ONGOING] Darren Camille was peacefully walking at the street when a man named Silver Sag... Більше

Declaimer
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 21

2 1 0
Від DonaQuixote

"Naka-jacket na naman." napairap ako nang salubongin ako ni Aaron sa labas ng bahay.

"Basta gwapo ako, okay na 'yon." saad niya na inilingan ko na lang. Branded ang suot niyang damit pero pinatongan niya 'to ng maong na jacket. Maganda naman tignan kaso.. ako ang naiinitan para sa kaniya.

"Oo na lang." sabi ko na lang at umirap. Kahit naman suwayin ko siya at pagsabihan na lagi kong ginagawa kapag naka-jackey siya hindi pa rin siya nakikinig sa akin.

"Oh!" usal niya at may inabot sa aking tatlong piraso ng malalaking sunflower. Ang wala sa wisyong itsura ko kanina ay napalitan nang magandang ngiti.

"But you already give me flowers, yesterday."

"Mag-thank you ka na lang kaya?" ngusong tanong niya.

"Nagtanong lang naman."

"Fake kasi 'yong binigay ko kahapon, 'yan hindi." simpleng sagot niya, "ayan! Nasagot ko na. Mag-thank you ka na."

Inamoy ko ang bulaklak at napangiti, "thank you, Aaron. Happy valentine's day." sabi ko. Dinipa ko ang kamay ko and Aaron know the drill, he hugged me.

"Masanay ka na. Walang anuman." sabi niya at ramdam ko ang mahinang pagtapik niya sa likod ko.

"I'm always grateful that I have you." I, sincerely uttered.

"Me too. So much than you do." sabi niya.

Napangiti ako. We're always like this and I'm used to hear a wonderful words coming from him that make my heart melt. But this time it's kinda... nostalgic.

"Anyways, may date kayo ngayon ni Silver hindi ba?" wala sa hulog na tanong niya nang kumalas na kami nang yakap.

"Date? Ngayon?" takang tanong ko, "hindi ah! Mamayang gabi pa 'yon." sabi ko nang maalala.

"Date ang gagawin niyo ngayon!" sabi niya at inambangan niya ako ng batok. Napapikit lang ako kahit alam ko naman na hindi niya gagawin 'yon.

"Date ba 'yon?" tawang sabi ko. Hindi naman date 'yon sa pagkaka-alam ko. Date ba 'yon? Date ba ang tawag sa ginawa kong pag-aya sa lalaki na makasama ko ngayong araw para makapaglibot at makapagpamasyal sa booths? I.. didn't know but it's kinda excite me more!

Pero kung date nga 'yon.. ano namang koneksyon no'n sa suot ko? Hindi ba? Wala naman e..

"Oo. Anong sa tingin mo?! Huh?" parang naghahamon na aniya.

"Oh tapos? Sabihin na nga nating date. Oh bakit?" tanong ko sa naghahamon din na tono. Napaatras naman siya. Tinignan niya ang kabuuan ko at umiling.

"Magpalit ka kaya?"

Wala sa sariling napatingin ako sa damit ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Pangit ba suot ko?" tanong ko.

Umiling naman siya. "too simple. I'm sure you will look like stupid when you were beside him."

"Mean." usal ko na lang.

"I'm telling the truth. Silver is such a good in fashion. I'm sure that he will wear a clothes that make you adore him more."

"Exaggerated."

"Magpalit ka lang."

"Sa school lang naman e." sabi ko. Tinignan ko ang kabuuan ko at maganda na ako sa tingin ko.

Maayos pa naman ako sa paningin ko pero dahil si Aaron na ang humusga e.. wala tayong magagawa riyan. Aaron knows best.

"Makikipag-date ka pa rin naman." sabi niya.

"Oo nga, sabi ko nga, kaya nga magpapalit na e." sabi ko at tinalikuran na siya at pumasok uli sa bahay. "hintayin mo ako!" sigaw ko.

"Okay!" sigaw niya pabalik.

Naghanap ako ng simple pero may dating na damit ko. I end up wearing a off shoulder floral dress. Hanggang taas ng tuhod ko ang haba at wavy ito. Tenernohan ko 'to ng two inches color nude sandals.

"Ganda mo." puri ni Aaron nang lumabas na ako sa bahay.

"Gwapo mo." papuri ko rin.

Nang makarating na kami ng school ay nagpaiwan ako sa harap ng gate. 'Yon kasi ang usapan namin ni Silver.

"I'll gonna give my gifts to you later, after your date, okay?" sabi niya at tumango lang ako.

"Mine too." sabi ko at tumango rin siya.

Napangiti na lang ako nang ayusin niya ang buhok sa likod ko. "why don't you put a lipstick on your lip?" sabi niya bigla at doon ko rin napagtanto na nakatingin na siya sa labi ko.

"Pangit ba kapag wala?" I asked and touch my lips.

Ngumiti siya at umiling.

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko at tinignan muli ang kabuuan ko.

Kumunot ang noo ko nang lumabi siya. "pinagpalit mo na talaga ako sa Silver na 'yan." pagdra-drama ni Aaron sa akin.

"Don't worry, sayo pa rin naman ako uuwi." pagsasakay ko sa kadramahan niya. Tinapik ko pa ang balikat niya.

"Sana maging masaya ka. Punta ka na lang sa akin kapag sasaktan ka niya, okay?" napaawang ang labi ko nang seryoso niya 'yong sinabi. Bumukas ang bibig ko para magsalita pero walang lumabas na kung ano. Iniwan niya ako nang nasa ganoong sitwasyon.

Kasama ba 'yon sa kabaliwan namin? Joke ba 'yon?

Natigil ako sa pag iisip at itikom ang aking bibig nang makita ko ang lalaking aking iniibig. Char.

Nakikita ko na ngayon si Silver, naglalakad siya sa kompol ng mga tao. Halatang hindi pa niya ako nakikita dahil palinga linga siya sa paligid, mukang hinahanap ako. Napakagat labi ako dahil muka siyang si Romeo na hinahanap ang kaniyang Juliet. And I'm his Juliet.

Malaya kong pinagmasdan si Silver. Bahagyang nakaawang ang mapula niyang labi at kung saan saan nababaling ang kaniyang tingin. Nakasuot siya ng blue sleeve at bahagyang nakatupi ang dulo no'n sa siko niya. He look clean and expensive.

Simangot na napatingin ako sa suot ko. Siya ay mukang naghanda.. samantalang ako kanina ay ang simple lang ang suot. Kung hindi ako sinabihan ni Aaron kanina na magbihis at mag-effort man lang ay walang wala ako kung magtabi ako.

Yumuko at tinignan ang kabuuan ko.

"Darren."

Napasinghap ako sa gulat nang biglang nasa harapan ko na si Silver. Para akong kinapos ng hininga. Umayos agad ako ng tayo at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko.

"I'm sorry, did I make you wait?" he asked. "kanina ka pa ba?" alanganin pang tanong niya.

Umiling ako, "hindi. Kararating lang din namin." I said and smile.

"Namin?" tanong niya, hindi pa man ako nakakasagot nang magsalita uli siya, "Si Aaron. Oh! I forgot that you're always with him. Where is he, anyway?" tanong niya at inilibot ang paningin sa paligid.

"Bakit mo siya hinanap?"

"You said you're with him." he simply said.

"Duh? Hahayaan ko bang guluhin tayo ng Aaron na 'yon? Hindi kita inaya para makasama ka kasama siya. Sosolohin kita. Akin ka ngayon," agad na napatakip ako sa aking labi dahil sa huling sinabi ko.

Tinalikuran ko siya sa sobrang kahihiyan. Alam ko naman na sinusundan niya ako dahil rinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Darren, wait." rinig kong sabi niya pero masyado akong nahihiya kaya hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nagulat ako nang nasa harapan ko na siya bigla. Nanglaki ang mga mata ko at bahagyang napa-atras nang bigla siyang yumuko upang magpantay ang muka namin. Ngumiti siya ng matamis tapos bumulong.

"I'm all yours."

Umayos siya nang tayo. Tumitig lang ako sa kaniya. "okay." wala sa sariling ani ko lang saka siya nilagpasan at nauna nang naglakad. Hindi naman na ako nagtaka nang humabol siya at sumabay na siya sa akin.

"Anyway.. you look pretty perfect on your dress." puri

niya habang naglalakad kami. Tumingin ako sa kaniya ngunit nasa daan ang mga mata niya.

Napangiti akong pinagmasdan siya, "thank you." I uttered. "you too.. you look like a picture perfect guy." tumingin siya sa akin nang sabihin ko 'yon at nangiti kaming dalawa.

Napatingin ako kay Silver na bumibili na ng kakainin namin.

Napangiti ako nang humarap siya sa akin at ngumiti. Pinanood ko ang galaw niya at hindi ko talaga maiwasan na purihin siya kahit na ang simple lang ng galaw niya. Ang lakas ng dating niya.

I can't believe that.. he's with me.

"Here." sabi niya sabay abot sa akin ng fries at soft drinks.

"Salamat." sabi ko at nakangiting tinanggap 'yon.

Nagpigil pa ako sa paghinga nang naupo siya sa tabi ko. Nasa isang bench kami ngayon sa gilid ng field.

"Salamat din."

"Salamat saan?" takang tanong ko at nagsimula ng lantakan ang fries. Pinilit na hindi pansinin ang mga mata niyang tutok sa akin.

"Sa pag-aaya sa akin na maging date mo." usal niya. Nakapagat labi ako at tumingin lang sa mga ibang estudyante na naglalakad sa harapan namin. "don't be shy, you been look cuter even more." mas lalo akong nahiya at napayuko pa dahil sa sinabi niya. He's so.. straight forward. Uh. I can't.

Tumawa siya kapagkuwan ay tumahimik din at kumain. Nang matapos ay nagsimula na kaming pumunta sa mga booths.

"Tara sa wedding booth." aya niya nang makita niya ang wedding booth ng section nila Prince.

"H-Huh?" bakit naman kami pupunta roon?

"Pakasal tayo." sabi niya at humarap sa akin.

"H-Huh?" mas lalo akong na-blangko sa sinabi niya. Nakangiti siya sa harap ko at nang makita ang reaksyon ko ay ngumuso siya na mas lalong nakapagpawindang sa akin.

"Ayaw mo?"

"H-Hindi ah.. oo ay hindi.. a-ano-"

"Cute." he commented and with that I purse my lips that to stop myself to smile widely.

Huminga ako ng malalim upang kumalma dahil nawawalan na ako ng angas sa pagkataranta kanina.

"Will you marry me?"

"Tara. Pakasal na tayo." at ako na mismo ang humatak sa kaniya sa wedding booth. Sino ba naman ako para tumanggi? Hindi ba?

Kinuha nila ang pangalan namin at sinulat 'yon sa pekeng registration for marriage. Napangiti ako habang pinapanood si Silver na seryosong pumipirma sa ilang detalyi sa papel.

"Siya ba?" mabilis na napalingon ako nang may nagsalita sa likod ko at nang nilingon ko 'to, nakita kong si Prince. Lumapit siya sa akin at tumabi.

"Siya ba ang alin?" tanong ko.

Ngumisi siya, "I like the way you asked something that supposed to be known by you but it's not. 'Yon ang gusto ko sayo." sabi niya, hindi sinagot ang tanong ko.

"Siya ba ang alin?" tanong ko na lang uli. Alam ko na nasaktan ko siya kaya hindi ako komportable na kausap siya dahil hindi ko pa rin makakalimutan ang sakit sa mga mata niya nang araw na tinanggihan ko siya. I hurt him and I can't stand any longer in front of him with feeling guilty. Alam ko naman na hindi ko dapat 'to maramdaman kasi normal lang naman ang ginawa kong pagtanggi kasi una, hindi ako nag-bo-boyfriemd o nag-i-entertain ng isang kaibigan, pangalawa, hindi ko siya gusto. Pero hindi maalis sa akin. Kaibigan ko rin kasi siya e.

"Siya ang dahilan kung bakit ayaw mo sa akin." he simple stated.

"Alam mo naman na-"

"Hindi ka nag-bo-boyfriend ng kaibigan. I know. Kaya nga hindi ka maligawan ni Aaron e."

"Anong ibig mong sabihin?"

"E di sana kayo na noon pa." sabi niya at hindi na naman pinansin ang tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?" madiing tanong ko dahil sa irita.

May nabubuong kung ano sa isip ko na ayaw kong tanggapin. Kung tama man ang iniisip kong tinutukoy niya.

Ngumisi lang siya sa akin at tinignan ang kinaroroonan ni Silver kaya ganoon din ang ginawa ko. Papalapit na ang lalaki sa gawi namin. Nagpaalam na si Prince sa akin bago pa makalapit si Silver.

"Sino 'yon?" tanong nito nang makalapit.

"Si Prince, kaibigan ko." sagot ko.

"Hmm? Why you seems so uncomfortable with him?" mapanuring tanong niya.

"I rejected him." pagsasabi ko ng totoo.

"I'm glad."

"Glad to what?"

"That you rejected him." sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita nang iniwanan niya na ako at nauna nang lumapit sa mga estudyante na mag-aaasikaso sa amin.

Sinuotan nila ako ng belo samantalang sinabitan nila ng bulaklak sa may dibdib ang sleeve ni Silver. May mga nanood at magiging saksi sa kasal namin. Iba iba ang mga komento nila pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin at tanging sa mata lang ni Silver nakatingin.

Nakangiti siya at sinuot ang pekeng singsing sa akin, ganoon din ako.

"You may now, kiss your bride." anunsiyo ng pare na gumanap kasunod no'n ang tilian ng mga nanonood.

"Itigil ang kasal!" sigaw ng kung sino at inis na napabuga ako ng hangin nang nakitang kong si Aaron 'yon na papalapit na sa amin pero bago pa siya makalapit, hinawakan ni Silver ang magkabilang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ang tungki nang ilong ko.

Inalis niya ang belo sa ulo ko, maging ang bulaklak sa dibdib niya, sinauli namin ang singsing na proof nila saka niya ako hinila at sabay kaming tumakbo papalayo sa papalapit na dilubyo.

"Humanda kayo sa akin!" sigaw ni Aaron habang hinahabol kami.

Продовжити читання

Вам також сподобається

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...