Chapter 13

1 1 0
                                    

Natawa ako nang kalabitin ako ni Aaron. Kanina pa kasi niya ako inaayang bumaba para makabili ng pagkain ang kaso ayaw ko namang maglakad.

"Tinatamad nga ako..." sabi ko.

"Darren naman e." reklamo niya pero tinawanan ko na lang siya. May mga ganitong araw talaga na ayaw kong bumaba ng classroom para lang bumili ng pagkain tuwing break time.

Natatawang kinapa ko ang phone ko nang mag-vibrate 'yon. Naka-open kasi ang data ko, you know, I'm waiting for someone's reply kaya ganoon. Napangiti ako nang makita ko kung sino 'yong nag-chat.

Silver :

Nasa gate 2 ako ngayon.

Punta ka.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Bakit naroon siya? Anong ginagawa niya
roon?

Darren :

Binibiro mo ba ako?

Sabihin mo na kasi naniniwala ako. Mamaya puntahan kita riyan tapos wala ka..

Napakagat labi ko upang pigilan ang pagtawa ko dahil sa sinagot.

Silver :

I'm here. I'll wait for you here.

Tumayo ako matapos kong mabasa 'yon.

"Tara sa baba, Aaron!" aya ko na sa lalaking kanina pa pala nakatingin sa akin. Seryoso na ang muka niya.

"Sino 'yong kachat mo?" tanong nito.

Napangiti ako at pinakita sa kaniya 'yong screen ng phone ko, "Si Silver, pinapapunta niya ako sa gate 2, may ibibigay daw."

"Ikaw na lang." sabi niya na ginagulat ko.

"H-Huh? Hindi ba gutom ka? Bibili rin tayo pagkatapos."

"Akala mo ikaw lang tinatamad 'no? Ako rin tinatamad na. Bahala ka sa buhay mo!" tapos ay tinalikuran ako. Napasinghap ako sa inakto niya.

"Baba na ako ah? Sunod ka na lang kung magbago ang isip mo." taas balikat na sabi ko bago tinapik ang balikat niya.

Ngingiti-ngiting naglakad ako pababa. Biglang nawala 'yong katamaran sa katawan ko.

Mabilis na nakarating ako sa gate 2. Nagmadali talaga ako. Pero nagsalubong ang kilay ko nang makita ko na may kinakausap siyang babae. Nasa labas lang siya samantalang ang babaeng kausap niya ay nasa loob.

Pero nakita ko naman na parang napipilitan lang siyang kausapin 'to at nagpipilit na ngumiti.

Nadako ang tingin niya sa akin nang lumapit ako.

"Excuse me? Don't you see that we're talking? Where's your manner?" mataray na sabi ng babae sa akin. Nasa sa akin na kasi ang atensyon ng lalaking kausap niya

Magsasalita pa lang sana ako nang unahan ako ni Silver. "siya ang ipinunta ko rito, Ashish, hindi ikaw."

Kagat labing yumuko naman ako upang itago ang pagpipigil ko ng tawa dahil napahiya ang babae sa sinabi ni Silver, sa harap ko at ng mga guard na ngingiti-ngiting umiwas din ng tingin.

Narinig ko ang impit na tili ng babae dahil sa inis bago umalis. Binalingan ko naman ng tingin si Silver.

"Ang sama mo.." natatawang sabi ko.

"Sinabi ko lang naman ang totoo." taas balikat na sagot niya.

"Bakit kasi nakikipag-usap ka sa iba e ako naman ipinunta mo."

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now