Chapter 09

5 1 0
                                    

Kahit sabihin mong kaya mo mag isa at alam mo naman sa sarili mong kaya mo ay kakailanganin mo pa rin ng isang tao na masasandalan. Isang tao na handa kang damayan, isang tao na handa kang pakinggan, isang taong kaya kang maintindihan.

And I’m glad that Aaron is here.

May mga taong handa kang tabihan sa oras na malungkot ka. Meron at merong taong handa kang damayan sa oras na pagod ka na. May taong nadiyan para pakinggan at intindihin ka. Hindi mo kailangan solohin lahat dahil mahirap. Masakit. Mabigat. Meron at meron isang tao na handa kang damayan, at impossibling wala.

Aaron was hugging me while whispering words that completely comforting me.

“Iiyak mo lang ’yan. Hindi mo naman kailangan magpanggap na okay ka lang e.”

Mas lalo akong humagolhol sa balikat niya.

“Just cry. Hmm?”

Tumango tango ako habang lumuluha.

Ilang taon na ba? Matagal na ring wala na si Tatay pero ’yon sakit narito pa rin. Hindi ko maiwasan na mainggit sa mga nakikita kong kompleto ang pamilya at masaya habang namamasyal ng sama sama.

Bakit ba kasi kailangan sa akin pa mangyari ’to? Bakit ba kasi sa dinami dami ng pamilya ay kami pa ang nasira? Alam ko na masama ang iniisip kong ’to pero bakit ba kasi sa akin at hindi na lang sa iba? Ano bang kasalanan ko? Mabait naman akong bata, masunurin ako at magalang. Wala naman akong ginawa para makasakit ng kapwa. Bakit nangyari sa akin, sa pamilya ko ’yon?

Nang kumalma at nasigurado ni Aaron na maayos na ang pakiramdam ko ay nagpaalam siya sa akin na bibili lang siya ng tubig.

Naiwan akong mag isa sa harap ng puntod ni Tatay. Umupo ako sa tabi niya at kinausap ko siya na parang buhay pa siya at sinabi lahat ng sama ng loob ko sa kaniya na laging kong ginagawa.

Dumating si Aaron at may dala dala na siyang tubig at mga pagkain.

“Inom ka tubig.” inabot niya sa akin ’yong bottle of water. “Punasan mo na luha mo,” tapos ay inabot niya sa akin ang tissue. Tinulungan pa niya akong punasan ang muka ko.

“Thank you...”

“Naku wala ’yon! Ikaw pa ba?” masigla ng usal niya. Napangiti ako.

“Siguro matagal na akong nabaliw kung wala ka.” natatawang usal ko. Ilang beses na akong naging emosyonal na lang bigla bigla at ilang beses na rin niya akong sinamahan at pinakinggan.

“Nasa mental ka na siguro!” tapos ay malakas na tumawa siya.

“Ingay mo! Mamaya bumangon si Tatay,” biro ko at napailing na lang nang mabilis na huminto si Aaron sa pagtawa.

Ako naman ang napabulalas ng tawa dahil tumawa siya ng pabulong lang.

Nagpaalam na kami kay Tatay na uuwi na kami.

“Huwag niyo po kaming susundan Tito a?”

“Sira ulo!” tapos ay sinipa ko si Aaron sa paa.

Habang naglalakad ay napapabuntong hininga si Aaron kaya nilingon ko siya.

“Boring dito sa Natividad, ’no?” sabi niya.

“Mahilig ka lang sa mamasyal!” singhal ko.

“Okay ka na?” tanong niya kapagkuwan. Tumango naman ako.

Ibang iba ang Tayug sa Natividad. Sa Tayug maraming buildings na nagkalat pero hindi matatayog, sibilisado at maraming nagkalat na tao while in Natividad was peaceful, walang masyadong nagkalat na tao, iilan lang ang makikita mong facilities, walang mall na pwedeng pasyalan gano’n kaya nasabi ni Aaron na boring dito but for me mas better naman dito. Both better for better.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now