Chapter 15

1 1 0
                                    

"Hi!" he cheerfully greeted us. Nagkatinginan kami ni Aaron, siguro ay nagtataka rin siya gaya ko kung bakit narito ngayon si Silver.

"What's up?" Aaron asked.

"Uhm. Aayain ko sana si Darren na mag-simba ngayon pero mukang may pupuntahan kayo," he stated while staring at me.

Hindi ko naman napigilan ang ngiting kumawala sa labi ko dahil sa nalaman. Aayain niya lang naman akong magsimba! Tatanggi pa ba ako? Syempre oo, kasi si Aaron

ang naunang ayain ako at nakagawian na namin 'to. Gusto ko ang lalaking nang-aaya pero ayaw kong sirain ang nakasanayan namin ng kaibigan ko kada linggo.

Tumingin ako kay Aaron, siya ang magde-desisyon nito. Naka tingin din siya sa akin. Sinasabi ng mga mata niya na ayaw niyang narito ngayon ang lalaki at bumuga siya ng hangin dahil kabaliktaran kami ng iniisip. Binaling niya ang tingin kay Silver na pinagmamasdan kaming dalawa na nag-uusap gamit ang mata.

"You can come with us." sabi ni Aaron kay Silver na agad lumawak ang ngiti sa labi.

Palihim akong nagdiwang sa naging desisyon niya. Inaasahan ko na hindi ang sasabihin ni Aaron kasi ganoon siya sa mga kaibigan namin na gustong makisabay sa amin tuwing linggo. Hindi ko alam kung anong nakain niya ngayon at pumayag siya. Siguro dahil nakita niya na gusto ko? Hindi ko alam.

"Great!" Silver grinned.

Napatingin ako kay Aaron, hindi kasi siya nagsalita. Napabuntong hininga siya, "Let's go! I don't want to be late." saad niya.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Silver sa motor niya at lumapit sa akin. Akala ko naman kung ano ng gagawin niya pero dahan dahan ay sinuot niya sa akin 'yong helmet.

"Tara na." he said, then tap my head bago niya ako talikuran at sumakay uli sa motor niya.

"Hoy!"

Nagulantang ako nang sumigaw si Aaron sa tainga ko. Doon ko na-realize na natulala pala ako sa ginawa ni Silver na natutuwang nakatingin sa akin ngayon. Si Aaron naman ay tawang tawa kaya inirapan ko siya bago iniwas ang tingin at dahil doon nagtama naman ang mata namin ni Silver na nakangiti na habang nakatingin sa akin ngayon. Mukang aliw na aliw siya sa naging reaksyon ko. Nag init tuloy ang muka ko sa kahihiyan.

Nakakahiya! Nakita niya kung paano akong natulala sa ginawa niya!

Napasinghap ako nang may pumulupot sa tiyan ko at napangiti nang makita na mga braso 'yon ni Aaron at itinatali ang maong jacket niya sa akin. Nakasuot kasi ako ng dress. Inalalayan niya pa akong sumakay at pumwesto sa motor. Nabibiglang napahawak ako sa beywang ni Silver nang pinatunog na niya ang makina nang motor niya. Naramdaman ko rin ang pagsakay ni Aaron sa mula sa likod at pagkapit niya sa balikat ko.

"God, guide us." rinig kong bulong ni Aaron. Napangiti ako.

Inalalayan ako ni Aaron na bumaba sa motor ni Silver nang makarating kami sa simbahan. Siya rin ang nag-alis ng helmet na si Silver ang naglagay kanina. Inayos pa niya ang nagulo kong buhok at iniipit ang ilang hibla sa likod ng tainga ko. Inalis ko rin ang jacket na pinulupot niya sa akin at inayos ko 'yon bago isinuot sa kaniya. Inayos ko rin ang magulong buhok niya.

Pareho kaming napatingin ni Aaron kay Silver nang tumikhim siya.

"Bakit?" tanong ni Aaron. Umiling lang ang lalaki bago naunang naglakad papasok sa simbahan.

Nagtataka man sa inasta ng lalaki ay hindi na ako nagsalita at sumunod na sa kaniya.

Hindi na kami nag-usap pa nang pumasok kami sa tahanan ng Panginoon at pumwesto ng magkakatabi at tahimik lang na nakinig hanggang sa matapos ang mesa.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now