**********oo**********
Namangha sila dahil sa biglaang pagkamatay ng punong Arguas ng magtagumpay si Khael na mapasa kanya ang kapangyarihan niyon
Kaagad na nilabanan naman ni Khael ang mga aswang na nasa harapan nila
Gulat na gulat sila dahil hindi na nakitang naging aswang si Khael, nasa anyong tao na ito pero nagtataglay pa din ito ng matatalas na kuko na kayang bumutas ng katawan ng mga aswang
"Khael, si Yuri!," sigaw ni Aira ng makitang natumba na ang kaibigan nila at wala na itong malay
"Kunin niyo na siya at dalhin dito," utos ni Khael kina Kevin at Bryan na kaagad nilapitan ang nakahigang dalaga na halos pumula na ang mukha nito dahil sa dugo na magmumula sa ilong at bibig nito
Agad naman na binuhat nina Kevin at Bryan ang dalaga habang dala naman nina Aira ang gamit ni Yuri
Pinuwesto nila itong paupo sa katawan ng puno, pinunasan naman ni Janelle at Nena ang buong mukha ng kaibigan na puro dugo at lupa
Samantala si Khael naman ay pinagpatuloy naman nito ang pagpatay sa mga aswang na papasugod sa kanila
Doon lang din siya pumuwesto malapit sa may puno kung nasaan nakapwesto ang mga kaibigan nila lalo na si Yuri na hanggang ngayon ay wala pa ding malay
"Kailangan na natin madala si Leigh kay Lola Luciana!," sigaw ni Sister Janelle,"Mahina ang ang pulso niya!,"
Nilingon ni Khael ang tiyahin na sumigaw habang patuloy na pinupunasan ang mga dugo sa ilong at tainga nito, wala na din dugo na nagmumula sa bibig nito
"Bantayan niyo siya maigi!," sigaw ni Khael,"Tatapusin ko na ang mga nasa harapan natin at aalis na tayo!," bilin nito
"Oo," tugon ng mga ito na tinulungan na siya sa paglaban sa mga aswang na papalapit na ng papalapit ng papalapit sa kanila
Wala na din ang isang Manggar na nagsasagawa ng orasyon, nakita nila na pinagtulungan ng ilang babaing Manggar na ilayo iyon doon dahil nanghihina na din ito
Kaya naman laking tuwa nila dahil puro aswang nalang ang kanilang kakalabanin at hindi na ang katulad nitong may kakayahan katulad ni Yuri
**********
Matapos matanggap ni Apollo ang kakayahan at kapangyarihan na ipinagkaloob ng pitong Prinsipe ng Impyerno ay naghasik na kaagad ito ng takot at lagim sa nasasakupan nilang kaharian maging sa mga karatig bayan ng mga nananahimik na aswang
Kahit sa kaharian nila Greg ay naghasik din ito ng takot sa mga bampira na solidong naniniwala pa din kina Kharry at Mayumi
Kahit na si Greg ang nagha Hari ng mga panahong iyon, wala sila nagawa kundi ang magtago at umiwas sa kalupitan ni Apollo
"Sana makabalik na kaagad sila," dalangin ni Mayumi habang nakatingin sa mga nasasakupan nila na nagtatago
"Napakalupit niya," ani ng dalagang anak ni Greg na siyang mapapangasawa ni Apollo na si Mhiya,"Ayaw ko sa kanya,"
"Hindi mangyayari na magiging kabiyak mo siya," ani ni Mayumi,"Gagawa kami ng paraan lalo na ang mag ama ko,"
"Ina, ayaw ko sa kanya," umiiling na umiiyak na sambit ni Mhiya
"Hinding hindi ka magiging kabiyak ng demonyong iyan, anak," naiiyak na sambit ng Inang Reyna nito
Napapailing nalang at naaawa si Mayumi sa dalagang nasa bisig ng ina nito, kaya dinadalangin niya na sana ay makabalik na kaagad ang kanyang mag ama bago ang araw ng pag iisang dibdib ng mga ito
Nasa labas naman ng palasyo nila si Greg para tulungan ang mga sugatang kalahi, ang mga kalahi niyang gusyong gusto ang pamumuno ng kanyang ama at nakababatang kapatid na si Mayumi
Kuyom ang mga kamao habang nakatingin kay Apollo na lumilipad at naghahasik ng lagim
May kakayahan na itong bumuga ng apoy at makalipad kahit na hindi nasa anyong aswang, pero kakaiba ang kaanyuan nito
Pulang pula ang katawan na tila kagaya ng sa litson na matagal na nakababad sa apoy, namumula ang malaking mata na tila nagbabaga ang mga iyon
May buntot din ito na katulad ng sa demonyo na halos kasing haba ng buntot ng pagi
May malalaking paa na kagaya ng sa isang malaking unggoy, ang mga kamay na may mahahabang kuko na kasing itim ng uling
May mga mahahabang pangil at mahabang dila na may hati sa gitna na laging nakalabas kapag natutuwa ito
May tainga na kahalintulad ng sa mga duwende na mahahaba na halos lumagpas sa ulo nito
At higit na nakakatakot sa kanyang kaanyuan ay ang dalawang malalaking sungay nito na tumubo nito sa ulo
Halos kalahati na ng nasasakupan nina Greg ay sunog na at halos marami na ding namatay na mga kalahi nila at maging mga aswang na doon na din tumira
Napaupo nalang si Greg at napahilamos ng sariling mukha dahil alam niya na hindi sila magtatagumpay kay Apollo lalo na ngayon at makapangyarihan na ito
Tanging ang mag ama nalang ang kanilang pag asa para matalo ang mag ama, nanlulumo siya sa kanyang nakikitang panaghoy ng mga bampira at aswang na nasusunog sa kung saan nalang
Ang mga nakakatakas naman ay pinapapasok nila sa loob ng kaharian para doon magtago at magpalipas ng kademunyuhan ni Apollo na sinubukan ang kakayahan nitong taglay
Agad naman inasikaso ng mga kasama nila sa loob ang mga sugatan, lalo na ang mga bata na iyak ng iyak
Pinakain nila iyon at binigyan ng masusuot para makapagpahinga na din dahil sa pagod at gutom na nararamdaman
Tinulungan naman ng Baylana na lagyan ng lunas ang mga sugatang kalahi maging ang mga aswang para makaligtas ang mga iyon sa tiyak na kamatayan
"Napakalupit niya!," umiiyak na sabi ng isang aswang
"Papatayin niya tayong lahat!," ani pa din ng isang bampira
"Wala na tayong pag asa para makaligtas sa kanila," tungayaw ng isa sa kanila sabay iyak habang yakap ang mga anak
"Namatay ang kabiyak ko," sabi ng isa pang aswang,"Sinunog niya ang bahay namin at kasama ang mga magulang ko!,"
Napapailing nalang si Greg sa mga nadidinig niya mula sa mga bampira at aswang
Nagkatinginan lang sila ng Baylana na para bang may pinag uusapan na sila lang ang nakakaalam
"Patulugin niyo po sila sa isang silid na malaki," ani ni Greg sa mga katiwala nilang bampira
Tumango lang ang mga ito bago inalalayan ang mga kalahi at kaibigan ng mga iyon
Napabugtong hininga nalang silang pareho ng Baylana ng mawala na sa kanilang harapan ang mga kawawang nilalang
"Kakayanin po ba ni Khael Moon si Apollo?," tanong ni Greg sa Baylana,"Napakalakas na nito,"
"Magtiwala lang tayo sa kakayahan ng ating tagapag mana,"sabi ng Baylana,"Lalo na ngayon at nakuha na niya ang mutya ng bulaklak," nakangiting saad nito
"Talaga?," may tuwang sabi niti na nakangiti pang tumango ang kausap nito
"Oo, Mahal na Hari," tugon nito,"May mga kasama din siya na may kakayahan na kagaya ko at mga kaibigan na makakatulong sa kanyang laban,"
"Mabuti naman," sambit nito na nagpasalamat sa kausap
"Lalo na po at sabayan natin ng panalangin at pananalig sa ating Lumikha, Kamahalan," yukong sambit nito
Niyakap lang ni Greg ang Baylana na matagal ng naglilingkod sa kanilang pamila simula pa sa kanilang kanuno nunuan
Matapos nilang makasiguradong ligtas na ang lahat ay ipinasarado na nito sa mga kawal ang tarangkahan ng kanilang kaharian para hindi makapasok si Apollo ng walang pahintulot nila
Kahit kasi makapangyarihan ito ay aswang pa din ito, hindi ito makakapasok sa mga bahay kung hindi ito iimbitahan na pumasok sa loob ng bahay
Lalo na sa kaharian nila, maraming pangontra na nakatanim sa kanilang hardin na panlaban sa mga kagaya nito
Maliban nalang kung sila ang magyayaya sa mga aswang kahit na mabubuti ang mga iyon
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!