Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 51

622 66 9
By Akiralei28

A/N: Pasensiya na po kayo kung natagalan po ang UD ko✌✌✌

Nasira po kasi ang cellphone na ginagamit ko, kaya hinintay ko pa po na maipagawa👍👍👍

So heto na po tayo sa nalalapit na pagtatapos ng Season 02👏👏👏👏

Maraming Salamat Po sa inyong lahat na nagbabasa at nag aabang sa pakikipag sapalaran ng ating mga bida at kontabida😂😂😂😂

Enjoy Reading lang po👍👍👍

**********oo**********

Matapos ang madramang tagpo ay naupo sila at nagkamustahan

"Kamusta kana po, Mahal na Hari? Ang mahal na Reyna?," tanong naman ni Lola Maria

"Mabuti naman po ako at ganoon din po si Mayumi," sagot nito,"Kayo naman po dito?,"

"Maayos din naman po kami," kuro nilang tatlo na nakangiti

"Kamusta po ang kaharian?," tanong ni Tatay Carlos

"Ngayong gabi ay nagsasagawa ng pagdiriwang sina Serafino at Apollo," sagot nito,"At sa pagkakaalam ko ay makikipagkasundo sila sa pitong Prinsipe ng Impyerno,"

"Diyos ko po!," napaantada sila ng krys dahil sa nalaman

"Delikado," ani ni Lola Maria,"Lalo lang po siya lalakas,"

Tumango lang si Kharry, kaya nag alala sila sa kalagayan ng kaharian ng mga ito lalo na sa buhay nila

"Kaya nila iyon ginagawa dahil gusto nilang sakupin ang buong kalupan at maging sa inyo," sabi ni Lola Maria sa kaharap

"Iyon din po ang ikinatatakot namin,"ani ni Kharry kaya nalungkot ito,"Kamusta na po pala ang anak namin?,"

"Wala po ditio ngayon si Khael," ani ni Tatay Catlos,"Nasa Baryo Argua siya para kunin ang mutya ng bulaklak,"

"Baka sa makalawa pa po sila makakauwi dito," ani ni Lola Maria

Napatango naman si Kharry bago napapikit,

Pinatulog na nila ang mga bata dahil lumalalim na ang gabi, habang sila ay nag uusap nalang at nagpa plano

**********

Sa kaharian nila Serafino

"Mahal na Prinsipe," ani ng Babaylan kay Apollo

"Ano iyon, Babaylan?," tanong nito

"Hindi mo na ba kukunin ang mutya ng bulaklak?," tanong nito

"Hindi na kailangan iyon, Babaylan," ani ni Serafino,"Mas magiging malakas siya dahil sa pitong Prinsipe,"

"Kailangan natin iyon para din sa kanya," giit ng Babaylan

"Hindi na, Babaylan!," sigaw ni Serafino, na dumagundong ang malakas na boses sa loob ng silid

Napayuko at napailing nalang ang Babaylan bago umalis at tumalikod sa mag ama

Na abalang nagbibihis para sa gaganaping piging ng gabing iyon

At sa pakikipag isa ng mga ito sa mga Prinsipe ng impyerno na magpapakita sa kanila ng eksaktong alas dose ng haying gabi kung saan ganap ng pula ang buwam at napakalaki na iyon

Nasa malawak na bulwagan ang sampung malalaking kulungan kung saan naroroon ang kanilang mga pagkain at ang alay sa mga Prinsipe ng Impyerno

Nakahanda na ang lahat dahil nasasabik na sila makita ang pag babagong anyo ni Apollo sa tulong ng mga iyon

Lalo na si Serafino, nasasabik na masakop ang mundo ng mga mortal at ang kanilang kinalakihan

Hindi din nagpahuli si Greg, nandoon din siya para makita ang mga pagbabago sa mag ama

Hindi na nito isinama ang pamilya para walang sagabal kung mag kakagulo ang mga aswang at bampira sa oras na magbagong anyo si Apollo

Nandoon siya para kunwari ay suportahan ang mag ama pero kukuha lang siya ng ideya para paghandaan ang paglusob at pagsakop ng mga ito sa kanilang kaharian at kalupaan

Maging sa mundo ng mga mortal, engkanto at sa lahat ng mga elementong nabubuhay ay gusto ng mga itong masakop

Iyon ang ikinababahala nilang lahat dahil alam nila kung gaano kalupit ang mag ama

Kaya kailangan nila iyong paghandaan, dahil alam nila na ang lahat na masasamang elemento ay agad na sasanib sa mag ama maliban sa mga mabubuti at puting elemento na kalaban ng mag ama

**********

Mabilis na naglalakad ang magkakaibigan papunta sa bukana ng Baryo Argua na ng mga sandaling iyon ay nagtitipon na ang lahat ng klase ng mga aswang

Nakapaikot sila sa isang malaking apoy kung saan nagliliyab iyon ng napakalaki na nagsisilbing ilawan ng mga aswang na nakapaikot doon at tila gumagawa ng ritwal

Napapaantada sila ng krus at ang ilan ay nagdarasal dahil sa takot na nararamdaman

"Napakarami nila," anas ni Kevin, nakadapa sila sa mga damuhan na nagtatago habang nakasilip sa mga bato na nasa unahan nila

"Ibat ibang uri ng mga aswang," ani ni Khael,"Halos nandito na ang lahat ng mga ito,"

"Dito na ba tayo mamamatay?," biglang tanong naman ni Aira na ng mga sandaling iyon ay nakaramdam ng takot

"Baka maging hapunan na tayo dito," napayakap naman si Trina kay Aira habang nakasilip sila sa mga aswang na nag iingay o nagdarasal

Tahimik lang na nakatingin at nakatitig si Yuri sa mga aswang na nagsasagawa ng ritwal

Nakabuo na siya ng plano kung paano nila sila makakaligtas sa sangkatutak na mga aswang

Kung paano nila makukuha ang mutya at kung paano nila malalabanan ang mga iyon

"Handa na ba kayo?," tanong niya,"May kalahating oras pa tayo para takbuhin ang puno," sabay turo sa puno na nasa di kalayuan sa mga aswang

Nagliliwanag iyon at nakikita nila ang puti at mabangong bulaklak nito na noon ay unti unti ng bumubuka

"Eksakting alas dose," ani niya,"Lalabas ang mutya at kailangang nandoon kana Khael," dagdag pa niya,"Saluin mo sapamamagitan ng iyong bibig ang mutya,"paalala niya

Nagkatinginan sila sa sinabi niya

"Kailangan sa bibig mo mismo iyon mahuhulog," sabi niya,"Ikaw lang ang nakakalapit sa puno, kami na ang bahala sa mga aswang, basta siguraduhin mo lang na makukuha mo iyon bago pa kami maging hapunan ng mga aswang," sabay tayo niya ay inihanda ang mga gamit

"Magdasal muna tayo," ani ni Sister Janelle, kaya naghawak kamay sila at pumikit ng sabay sabay habang nagdarasal para sa kanilang kaligatasan

"Handa na ba kayo?," tanong niya, niyakap nila ang isat isa na tila binibigyan ng lakas ng loob ang bawat isa sa mga kaibigan niya

Yumakap naman ang sila sa bawat isa na tila din humuhugot ng lakas ng loob at pag asa sa bawat isa sapamamagitan ng yakap nila

Matapos iyon ay pinunasan nila ang iilang luha na unti unti ng namumuo sa mga mata nila bago ngumiti at nagtawanan

Inihanda na nila ang bawat sandata nila dahil malapit ng maging ganap na pula ang malaking buwan at malapit ng bumuka ng tuluyan ang bulaklak

"Tara na!," tumakbo na sila pababa sa mataas na kinalalagyan nila, mabilis ang bawat kilos nila at walang pag aalinlangan na puntahan ang pakay nila doon

Tumakbo sila ng tumakbo papunta sa malaking puno na nagliliwanag dahil sa malapit ng bumuka ang bulaklak nito

"Mauna kana, Khael sa puno," ani niya ng makababa na sila sa kanilang pinanggalingan,"Kami na ang bahala sa mga aswang,"

"Pero paano kayo?," may pag aalalang tanong naman ni Khael

"Mas mahalaga na makuha mo ang mutya!," inis na galit niyang sabi at taboy doon,"Bilisan mo at matatapos na ang ritwal nila,"

"Kami na ang bahala dito,"sabi naman ni Kevin,"Susunod nalang kami,"

"Sige mag iingat kayo," bilin ni Khael bago pumunta sa puno na nasa di kalayuan sa kanilng pwesto, nililingon pa niya ang mga aswang na malapit ng matapos ang ritwal na ginagawa

Pasalamat sila dahil walang aswang na nakabantay sa puno at sa daan nila dahil abala ang mga iyon sa ritwal

Lumingon lingon sila sa kapaligiran habang naghahanda sila sa pakikipaglaban

Nang natapos na ang ritwal ay nakita nila ang mga aswang na nag uumpisa ng kumain ng kanilang mga alay

Ang mga dugo ng mga taong pinapatay ng mga iyon ay ipibapaligo nila sa kanilang mga katawan tanda para sa kanilang kalakasan at kapangyarihan

Umuungol.ang mga aswang na naliligo sa sariwang dugo ng mga taong kanilang pinatay, habang nagiging ganap na ang pagpula ng buwan, kaya napatingala din sila sa kalangitan

Kulay dugo na ang buwan ng mga sandaling iyon, kinabahan na sioa dahil nagbago na ang mga anyo ng aswang na naging mabagsik at naging mas malaki sa kanila

Kumakain ang mga iyon na tila gutom na gutom at hayok na hayok sa laman ng tao, halos maubos na nila ang lahat ng laman ng tao bago nilubayan ang mga iyon

Tanging buto nalang ang makikita sa harapan ng mga iyon, habang nilalasap pa sa bawat daliri ang dugo na naiwan doon

Nang matapos na ang ritwal at pagkain ng mga iyon ay napalingon ang mga aswang sa kanila ng mapansin sila at maamoy

Lalo na ang isang lalaking tumatakbo papunta sa puno ng Arguas, kaya sumasingasing na sa galit ang isang matandang Manggar na binigyan ng hudyat para sumugod sa mga taong lumapastangan sa kanilang Baryo

Kaya napahanda na silang magkakaibigan, habang si Khael ay nakatingala sa mismong tapat ng bulaklak na namukadkad na at unti unti ng iniluluwa nito ang mutya mula sa loob

Ang ilang mga aswang ay lumipad papunta sa puno kung nasaan si Khael, para patayin iyon at kainin nila para hindi makuha ang mutya

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Ayan na po mapapasabak na naman sila sa labanan👊👊👊👊

Kaya niyo yan, kakayanin ninyo alang alang kay Khael💪💪💪💪

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
1.9M 105K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
119K 5.3K 90
Pagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay...