Falling for the Billionairess...

By elisestrella

3.1M 82.2K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... More

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 15

47.5K 1.4K 230
By elisestrella

MAAGA AKO sa opisina kinabukasan. May gusto sana akong itanong kay Meredith eh. Buong gabi ko kasing naisip na mag-offer akong sunduin na rin siya sa umaga kaya lang hindi ko alam kung okay lang ba 'yun. Baka kasi hindi okay sa kanya na makita siya ng mga kaopisina namin na kasabay pumasok ang assistant niya. Ako, walang pakialam kung ano'ng iisipin nila tungkol sa 'kin pero kung tungkol kay Meredith...

Anyway, nauna akong dumating sa kanya, armado ng Starbucks Caffè Latte with non-fat milk. Kalalagay ko pa lang n'un sa office desk niya nang dumating siya. Short black skirt, white blouse and a short, fitted black jacket that molded to her form. And God, 'yung napaka-sexy na sapatos na mataas ang mga takong na nagpa-isip sa 'kin ng magiging itsura niya kung suot niya 'yun habang naka-lacy lingerie lang.

"Ash?"

"Ha?"

Tumawa si Meredith. "Ikaw talaga! Lagi kang natutulala."

I grinned sheepishly. "Kasalanan ko ba eh kung nakakatulala ka."

"Ay sus!" tawa niya kahit pa nag-blush siya. Lumapit siya sa mesa niya at tumabi ako para maka-upo siya. Tiningnan niya 'yung Starbucks cup bago ako tiningala. "Ano na naman 'yan?" tanong niya, napapangiti.

"Starbucks Caffè Latte with non-fat milk."

"Oh," sabi niya at medyo nagulat ako kasi parang na-disappoint siya.

"Ahm, di ba 'yan ang gusto mo?" tanong ko, naguguluhan.

She smiled up at me. "Yeah. Pero nasanay yata akong surprise coffee ang iniinom ko araw-araw."

Natawa ako. O di ba? Mas gusto na niya ngayon na sinusurpresa ko siya ng kape? "Sige, bukas, ibang kape na naman ang dadalhin ko para sa 'yo."

Tumawa rin siya at binuhay ang computer.

"Anyway, your first meeting is at 10:30 A.M.," sabi ko at nilingon niya ako. "And I need the Arellano contract before 2. I'm going to send you the final draft. Paki-check na lang so I can send the files to Legal before we have them signed."

Tumango siya, pinapanood pa rin ako. "Okay. Thanks, Ash."

"You're welcome."

I started to walk away papunta sa pinto. Huminto ako roon bago ako makalabas ng opisina niya at nilingon siya. She was sitting there, watching me, at kung di ako nagkamali, may disappointment na naman sa mga mata niya.

And that was when I pulled the door shut and locked it before I slowly walked back to her.

Pinanood kong bumuka ang mga labi ni Meredith habang pinapanood niya ako. Nagpunta ako sa likod ng mesa niya, sa tabi ng swivel chair niya at tumungo. Hinawakan ko ang armrests ng upuan niya at mabagal siyang hinarap sa 'kin.

"Did you think I wasn't going to kiss you good morning?" I said softly.

Namimilog ang mga mata ni Meredith. She swallowed and I watched her lick her lips. I groaned, bent lower and captured her lips with mine.

Ewan ko ba kung bakit kailan ko lang siya unang hinalikan. Dapat n'ung unang beses na nakita ko siya sa lobby ng building namin, hinabol ko na siya at hinalikan para hindi sayang ang oras.

'Yun nga lang, malamang na-taser ako ng security, but whatever. Bawi na lang ako.

Ngayon.

I heard her moan and I smiled, nibbling at her lower lip before I ran my tongue across it. Ang sarap niya.

"Ash," she gasped my name before her hand slid up to the nape of my neck to hold me closer.

Lintik, erogenous zone ko yata talaga ang batok ko. Nagising ang katawang-lupa ko eh. I gathered her into my arms, holding her close while my mouth feasted on hers. 

Naghiwalay lang kami nang marinig kong nag-ri-ring ang telepono ko sa labas. Pareho na kaming humihingal na para bang sumali kami sa marathon.

Mahinag tumawa si Meredith habang magkadikit ang mga noo namin and I cupped her face, kissing her again.

"Buti na lang wala kang lipstick," bulong ko. Kasi kung meron, nasa nguso ko na lahat 'yun.

She blushed. "Hindi talaga muna ako nag-lipstick," amin niya. "Baka kasi kumalat sa mukha mo eh."

Tumawa ako. Tingnan mo nga naman. Naghintay ng kiss si Miss Balajadia. Tumungo ako ulit pero muling nagsimulang mag-ring ang phone sa mesa ko sa labas.

"I think I better get to work," sabi ko.

Tumango siya pero nakayakap pa rin sa 'kin.

"Sabay tayong mag-lunch?"

Tumango siya ulit.

"Okay." I kissed her again bago ako tuluyang tumuwid. "Good morning, Miss Balajadia," I grinned, teasing her.

Masayang ngumiti si Meredith. "Good morning, Mr. Montesines."

Lumabas ako ng office niya at bumalik sa mesa ko para sagutin ang kung sino mang istorbong tawag nang tawag. But know what? Hindi naman ako masyadong galit kahit naistorbo kami. Lagi naman kasing worth it kapag si Meredith ang kapalit.

NASA meeting pa si Meredith at nasa telepono na naman ako nang marinig kong magbukas ang pinto ng executive suites. Sumilip ako sa hallway at muntik nang malaglag sa upuan ko nang makita ko kung sino ang lalaking papalapit: si Mr. Luis Emmanuel Balajadia, future father-in-law.

"Hello?" sabi ng kausap ko sa kabilang linya kasi nakanganga na lang ako kay Sir.

"Ah, yes," sabi ko, binabalikan siya. "I apologize. Ah, Sir, I have to go. But rest assured that I've already blocked Thursday afternoon for you so you don't have to worry that you won't have enough time."

"All right," sabi ng lalaki. "Thank you, Ash."

"You're welcome, Sir. Enjoy the rest of your day."

"You too."

Tumayo na ako bago ko pa man maibaba ang handset ng desk phone ko. "Sir!" bati ko kay Mr. Balajadia. "Good morning po."

"Good morning, hijo," bati niya sa 'kin. Nakangiti naman siya kaya hindi ako kinabahan. Masyado. Diyos ko, Lord, wala namang bakas ng lip gloss ni Meredith sa mukha ko di ba? "Si Meredith?"

"Nasa meeting, Sir, but I'll call her."

"Naku, don't!" iling ni Sir. "Hayaan mo na muna siya. Actually, ikaw ang gusto kong maka-usap."

Na-mini stroke yata ako.

"Ako, Sir?" Sana hindi ako namumutla.

"O, kagabi lang si Tito ako. Ngayon si Sir na naman?" biro niya.

"Ah, nasa opisina po kasi tayo, Sir. Kahit si ma'am, ma'am ang tawag ko sa kanya kapag nandito," paliwanag ko.

Mabagal na tumango si Sir. "Sabagay. Kaya lang wala naman tayong kasama. I would really prefer tito to sir."

"Ah, sige po, Sir. Tito." Bumaling-baling ako mula sa hallway hanggang sa corridor papuntang pantry namin. "Would you like to have coffee?"

"Yes, please."

Tumango ako at pinangunahan siya sa pantry namin. Naupo si Sir sa isang mesa habang naghanda ako ng kape sa coffeemaker. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nakakahiya naman kung nanginginig akong mag-serve ng kape sa kanya di ba? O na tagaktak ang pawis ko habang kinakausap niya.

Ba't kaya niya ako gustong kausapin? Anak ng tinapa. Pakana siguro 'to ni Craig.

Dinala ko sa kanya ang kape nang matapos iyong ma-brew at hinayaang siya ang magdagdag ng asukal at cream. "Hindi ka magkakape, hijo?"

"Ah, hindi po." Nerbyoso na po ako masyado. "Water na lang po ako." Kumuha ako ng bottled water sa ref namin bago bumalik sa mesa at naupo sa tapat niya.

Ang simple lang ng porma ni Sir. Mas maporma pa nga ako kasi naka-kurbata pa ako at long-sleeves. Naka-polo siya at khaki pants. Kung sa porma lang, parang messenger lang si Sir. Pero halata namang mamahalin ang mga suot niya.

Nanatili akong tahimik habang hinahalo niya ang kape niya. Muntik na akong mapalundag sa gulat nang itaktak niya 'yung kutsara sa tasa.

Tiningnan niya ako. Hindi naman siya mukhang galit. Wala naman siyang pangil. Pero kumabog pa rin ang dibdib ko nang magsalita siya.

"Boyfriend ka na ba ni Meredith?"

Buti na lang hindi pa ako umiinom kasi baka nadagdag pa sa mga pagkakasala ko ang pagbuga ng tubig sa mukha ng CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko.

"Sir?"

"Boyfriend ka na ba ni Meredith?" ulit niya.

Lumunok ako. "Hindi po, Sir."

"You mean hindi pa?"

Tumikhim ako. Ba't ba parang may nakabara sa lalamunan ko? "Depende po 'yun kay Meredith."

"Ah," sabi niya, mabagal na tumango. "So nanliligaw ka sa kanya?" Inabot niya ang tasa at uminom siya ng kape na hindi inaalis sa 'kin ang paningin.

Ano ba? Magsisinungaling ba ako? Sasabihin ko ba hindi po, friends lang kami?

Pero bakit? Ano ba'ng masama kung manligaw ako sa anak niya? So I straightened my spine, grew some balls, and was looking straight into his eyes when I said, "Opo, nanliligaw po ako."

Tumango muli si Mr. Balajadia. "Gusto ko lang marinig galing sa 'yo," sabi niya. "At gusto sana kitang maka-usap na ikaw lang, na wala si Craig."

Bumuga ako ng hangin, halatang frustrated. Okay. Naunahan na ako ni Craig. Naisiwalat na niya lahat ng baho ko, tarantado na 'yun. So ang choice ko lang ngayon, fight or flight. Para kay Meredith? Aba, eh fight ito!

"Sir, I think alam ko po kung ano ang mga ikinuwento sa inyo ni Craig," simula ko. "At hindi po ako magsisinungaling sa inyo. Totoo po ang karamihan sa mga sinabi niya. Yes, inabot po ako ng pitong taon sa college. And yes, binayaran po sila ng daddy ko para tanggapin ako. Totoo rin po na ilang beses po ako napa-away sa bar. Most of them is because may nambastos po sa mga kasama ko. At totoo rin po na na-aksidente ako nito lang kasi nag-drive po ako nang lasing.

"Alam ko rin pong hindi kayo maniniwala kapag sinabi kong nagbago na po ako. No one can change that fast. Pero sinusubukan ko po. I haven't been to a bar since my accident. Ganoon katagal na rin po akong hindi umiinom. I've never worked a day in my life before this but since I got here, I haven't stopped working, and I haven't worked as hard as I have mula po nang maging assistant ako ni ma'am Meredith.

"What I'm asking is that you give me a chance to prove that I can be a better person. Someone who's worthy of your daughter. Naiintindihan ko po kung nag-aalangan kayo kasi kung ako rin may anak na babae, hindi ko rin po magugustuhan na katulad ko ang manliligaw sa kanya. All I'm asking for, Sir, is that I be given a chance to prove myself despite everything that I've done wrong in the past."

Kumurap si Mr. Balajadia sa 'kin habang sigurado kong namumutla ako sa harapan niya matapos ang speech ko.

"Do you do drugs?"

"Po?" bulalas ko, nawala ang drama sa katawan. Nawala talaga. Napalitan ng galit. Mapait akong tumawa. Gago talaga 'yung Craig na 'yun. "Ang drugs lang po na tine-take ko ay Biogesic kapag may lagnat ako. Kung sinabi po 'yun ni Craig—"

Umiling si Mr. Balajadia na may maliit na ngiti sa mga labi. "Alam mo, hijo. Alam ko naman na lahat ng mga sinabi mo."

"Po?"

"Hindi ka makakapasok ng Balajadia nang walang background check," sabi niya sa 'kin. "I'm not going to lie to you. I've had my concerns pero kinausap ako ni Ernest and he told me that despite your... problems, you're a good kid. Which is why we gave you a chance. Ang hindi ko lang talaga nakita ay itong manliligaw ka kay Meredith."

Nagbukas ako ng bibig para i-assure siya na... hindi ko alam kung ano, basta gusto ko siyang i-assure pero hindi niya ako pinagsalita. Nagtaas siya ng isang kamay para patahimikin ako.

"My daughters can think for themselves, Ash," patuloy niya. "Hindi ako nakikialam sa mga desisyon nila at lalo na sa mga love life nila. Iyon lang, itong bunso ko, hindi pa nagkakaroon ng love life ito. And as much as possible, ayoko siyang masaktan. Maiintindihan mo rin 'to, kapag may anak ka na."

Nako, ser. Malayo pa 'yun pero ngayon pa lang naiintidihan ko na po. Ayoko rin pong masaktan si Meredith.

Tiningnan niya ako. "Sana rin maintindihan mo ang concern ko dahil alam mo naman pala ang mga pagkakamali mo noon. And I admire you for wanting to move past your past. Ngayon, choice na ni Meredith ito. Hindi ako makikialam kung gusto ka rin niya. Personally, I like you. I can see what Ernest meant when he told me that you're a good kid."

Pumalakpak ang tenga ko!

"At kung piliin ka ni Meredith, I'm going to trust her judgement and I'm going to trust you. But you take good care of her because I may not be the type of person to judge someone because of his or her past, I am the type of father who would kill to protect his children."

For some reason, hindi ako natakot sa sinabi niyang iyon. Tumango ako. "And I expect nothing less from you, Sir," seryoso kong sagot sa kanya. At dahil nagha-heart-to-heart talk naman na kami, nag-decide na akong ilabas na lahat. "Alam ko masyado pang maaga, Sir. Two weeks pa lang kami magkakilala but I'm in love with your daughter," I told him sincerely. Wala nang hiya-hiya ito. "I love her. Hindi ko pa sinasabi 'yun tungkol sa ibang babae. 'Yun siguro ang dahilan kaya alam kong mahal ko siya. If she chooses to be with me, I promise you, I'd cut out my own heart first before I hurt her."

Tigas ng mukha ko di ba? Dinaig ko pa si Daniel Padilla o si Enrique Gil sa eksenang ito. Ngayon lang ako nagseryoso nang ganito. Ngayon kasi mahalaga ang sandaling ito.

Sa wakas, tumango si Mr. Balajadia at ngumiti sa 'kin. He actually smiled. Pero hindi pa rin ako nakahinga nang maluwag.

"Alam mo ba kung gaano katagal kaming magkakilala ng mommy ni Meredith bago naging kami?" tanong niya at naguguluhan akong umiling. "Eight days," sagot niya. "Eight days lang, kami na. We were married six months later and we've been together for twenty-eight years."

Maingat akong nagpakawala ng hangin nang ma-realize na all-clear na. "Ang g'wapo naman niyo, Sir," biro ko.

Ngumiti siya. "O, Sir pa rin? Di ba Tito na?"

Ngumisi na rin ako. "Eh paano kung dad na po?"

"Ah, eh masyado ka namang ambisyoso, hijo. 'Yung realistic muna."

"Sabi ko nga po," nakangisi pa ring napakamot ng batok. "Tinitingnan ko lang kung makakalusot."

He offered his hand and I took it, shaking hands with him. Tinapik niya ako sa balikat at natapos ang moment namin. Pero pagkatapos n'un, pakiramdam ko nagkaroon ako ng pangalawang tatay. Hindi, hindi ambisyon pero talagang 'yun ang pakiramdam ko. Feeling close lang siguro kaya kailangan ko pa ring mag-maintain ng distansya pero masarap sa pakiramdam. Hindi kasi ako nakaramdam ng ganito galing sa sarili kong tatay eh kaya talagang mahalaga sa 'kin 'tong moment na 'to.

"Kumusta naman ang trabaho?" tanong niya nang muli niyang balikan ang kape niya.

Nag-usap kami tungkol sa trabaho hanggang sa mahanap kami ni Meredith sa pantry pagkatapos ng meeting niya. Nagulat siya pero halata namang masaya siya na nandoon ang daddy niya.

Lumabas kaming tatlo para mag-lunch. Nahiya man ako, si Sir ang nagbayad ng lunch namin. Nilambing kasi siya ni Meredith na ilibre kami. Then inihatid kami ng driver niya sa building namin pagkakain.

"Oo nga pala," sabi niya bago bumalik sa kotse. "Sa Saturday, may ground-breaking ceremony sa Nuvali. 'Yung properties namin ng Kuya mo. I'd like for the two of you, kayo ni Meredith, to be there."

Nagkatinginan kami kasi 'yun 'yung balak sana naming matuloy na sa Laguna. Tsk, mukhang mauudlot na naman. Pero tumango ako kay Meredith at binalingan niya ang daddy niya.

"Sure, dad. Pupunta kami."

"Great." He kissed Meredith's cheek. "I'll see you at home." Then shook my hand. "Thank you, hijo."

"No, Sir," sabi ko, mula talaga sa puso. "Thank you po."

Tumango siya, ngumiti at bumalik sa kotse. Kumaway siya sa 'min bago tuluyang pinaandar ng driver nito ang sasakyan.

Bumuga ako ng hangin.

"What was that about?" tanong ni Meredith habang naglalakad kami papasok ng building.

I smiled down at her. "I think I got your dad's blessing."

"Blessing? Saan?"

"Na manligaw sa 'yo."

Namilog ang mga mata ni Meredith. "Kinausap ka niya tungkol sa 'kin?"

Tumango ako, nakangisi. "I think alam na niyang boyfriend mo na ako."

Tumawa siya. "Hoy! Hindi pa kita sinasagot, remember?"

Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Hindi pa formally pero everytime you kiss me, nararamdaman ko ang sagot mo."

She laughed, blushing again.

Tahimik naming hinintay na magbukas ang elevator. Nang magbukas iyon, sumakay kami at hinintay kong magsara ang mga pinto bago ko kinuha ang kamay niya. Napatingin siya sa 'kin sa salamin sa harapan namin. Ngumiti ako at kumindat sa kanya. Tumirik ang mga mata niya pero ngumiti na rin siya. Her fingers closed over mine.

Sa kiss lang ba? I think, sa tuwing hahawakan din niya ang kamay ko, nararamdaman ko na ang sagot niya.

Alam mo na kung ano 'yun.

Continue Reading

You'll Also Like

707K 25.3K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8M 7.3K 5
Duke Xyrus Dela Marcel Dela Marcel Series: Duke's Possession by Diyosangwriter Book Cover: CookieMallows (Current) Book Cover: Krunchey (old one)
3.5M 89.3K 52
Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahan...
465K 13.4K 53
Christian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa...