- Magic Island ● Tomorrow X Together now playing...
─────
Kisha's POV
─────
Nacu-curious na ako kaya binuksan ko ang yung phone para tingnan
─𔘓────
● SI TYCO ANG TUNAY NA ANAK NI BARNEY
Cassidy: Siraulo ka Elixir nadamay si Tyco GAHAHA
Stacy: Why naman the name is so haba? its making me tawa
Cassidy: kingina stacy di ko gets 😭😭
Elixir: Ang umangal sa group name, pangalan niya ipapalit ko
Orio: walang umaangal lods
Harmonia: Tyco anak ni barney supremacy
Stacy: @Cassidy bakit you have to mura me?
Cassidy: You're mura kasi di ka mahal therefore di magiging kayo <33
Stacy: You're so tangina
Cassidy: yOu're👉😩 sO💔 taNgIna💃💃
Harmonia: Eltea HAHAHA
Orio: Kanina ko pa nakikitang nagamit ng phone si Elixir lol
Elixir: Kaya nga ayaw ko ng detention eh.. boring amp
• seen by Kisha, Orio, Harmonia, Cassidy, Stacy
Cassidy: Ayan na pala si Kisha
Harmonia: Kisha bestie omg welcome sa katangahan ni Elixir
Kisha
huh?
Harmonia: wala hehe jok lang eh
Void: What the heck is this?
Kisheonkambak: Its a GC dumbass
Cassidy: Neon?? is that you?
Kisheonkambak: Yes its me why?
Biglang uminit ang pisngi ko. Tumalikod ako para tingnan si Neon pero mukhang hindi pa niya napapansin yung username niya. Napansin ni Void yung username ni Neon at napansin rin niyang lumingon ako para tingnan kung napansin ba nito.
Void: I know, check your username before calling me a dumbass, dumbass
Kisheonkambak: Tangina, scarlet.
Harmonia: oop
Elixir: res7 sa single amp
Stacy: OMG baka Kisha is kilig right now
Cassidy: ^ potangina ano daw?
Orio: Shape:3
Elixir: SU4TH!
Neon changed his username
Neon: Ginamit ni @Scarlet yung acc ko..
Scarlet: Loe everyone
Scarlet replied to Neon: not my fault, di mo nirecheck yung acc mo before using
Neon: btch.
Napabuntong hininga nalang ako. Lagi ka namang ganyan Neon, sanay na ako. Umaasa akong babalik ka pa pero di na pala.
Biglang may nagpop-up na chat head bukod pa ito sa GC kung saan nagrarambulan sila
● ENCANTADIA HANGIN VER.
Cassidy: @Kisha where are you?
Kisha
Huh?
Kunwari wala tayong alam sa nangyayari. Alam ko kung anong ibigsabihin ng tanong ni Cassy.
Cassidy: About kay Neon..
Kisha
I'm fine dw
Cassidy: I know you're not
Stacy: Kisha are you alright?
Kisha
Yep I'm fine~
there is nothing to worry
about
Sinungaling. Hanggang kailan ka pa ba magsisinungaling Kisha, hanggang kailan mo pa ba kailangan takpan ng ngiti ang mga tinatago mong lungkot dahil hindi mo parin maintindihan self kung paano niya tinapos ang relasyon niyo ng ganon ganon lang
Cassidy: fine but if you're not, andito parin kami ni Stacy... para sandalan mo sa tuwing nahihirapan ka nang itago... kasi halatang halata eh...
Stacy: Halatang what? Halatang you're not gonna have jowa anymore Cassy?
Cassidy: Stacy.
Stacy: I'm just joking, I just wanna make Kisha masaya
Cassidy: Tch.. yes you really wanted to. Kahit ako napangiti eh but shut up magkakaroon rin ako ng jowa-,-
Stacy: Pag you're gurang na
Cassidy: ABA NASISIRAAN KA NA BA? ANONG GURANG KA DYAN? DI AKO TATANDANG DALAGA
Napatawa nalang ako ng mahina sabay tiningnan si Stacy at Cassidy who kept exchanging glances and chuckling. Walang araw na di nag asaran tong dalawa. Hays..
Napangiti ako pero natigilan ng maramdamang may nakatitig sakin. Tiningnan ko at nagtagpo ang aming mga mata. Ang pamilyar na matang iyon, ang matang lagi kong nakikitang puno ng pagmamahal... ngayon ay blanko pero parang may gusto itong sabihin... di ko maintindihan. Noon pa man ay hindi talaga madaling hulaan kung anong nararamdaman ni Neon... at hanggang ngayon di ko parin maintindihan kung ano ba ang mensaheng dala ng kanyang mga mata
"Ehem" napaiwas ng tingin si Neon dahil kay Void na pekeng umubo
Ako rin ay nagmadaling tumingin sa ibang lugar. Binalik ko ang aking atensyon sa phone ko na pinatay ko at binalik sa bag. Patuloy akong nakatitig sa bintana na kaninang medyo maliwanag ay dumilim na ng unti.
6:00pm
Ang nakalagay sa wrist watch ko. Tapos na ang detention.
"Maari na kayong umuwi. Let this be a lesson to all of you" Sabi ng guro na tumayo at naghahandang lumabas ng silid
Pagkatapos kong mag impake ng mga gamit ko ay lumabas na ako at nagmadaling umuwi. Medyo madilim na rin at nagulat ako ng may marinig ako
"Psst"
"Pssst"
Patuloy akong naglakad ng biglang may humila sakin
"Hoy kanina pa kita tinatawag bat ba kasi ambilis mo maglakad? Ang sakit na ng paa ko noh. Hays.. " Sabi ni Elixir sabay tingin sakin na parang nairita
"Huh? Ay sorry. Bakit mo nga pala ako tinatawag?" Tanong ko
"May naririnig ka rin bang taong nakanta?" Tanong nito sakin pabalik kaya bigla akong nagtaka
"Anong.. ibig mong sabihin?" Medyo nagulat ako at kinikilabutan sa tanong niya
"May nakanta.. boses ng babae eh kala ko nga ikaw yung nakanta eh. Medyo creepy den yung kanta niya" sabi nito
Bigla itong lumingon sa paligid at pati ako ay napalingon. Tumingin ako at nakitang wala na ang iba. Biglang tumahimik ang paligid
"Joke lang HAHA" sabi ni Elixir at di ko namalayang pinipigalan ko pala ang aking paghinga. Sira ulo talaga toh.
"Ah.. tinakot mo naman ako HAHA" Pasalamat siya may pasensya pa ako ket bad mood ako. Sasapakin ko talaga toh
"Mauna na ako. Ingat ka pag uwi" sabi ko tsaka umalis. Nagugutom na ako eh, punta muna akong convenience store bago umuwi. Hays... grabe kala ko meron talagang taong kumakanta.
─────
Elixir's POV
─────
Natakot ako na baka di siya maniwala at sabihin na baliw na ata ako kaya di ko nalang tinuloy ang dapat kong sabihin sa kanya pero hindi ako nagkakamali at totoo ang sinabi ko na may babaeng nakanta....
TO BE CONTINUED..
─𔘓────
A/N: Oop 👁👄👁
Anyway stay safe ebribady!
🖋: [08. 13. 20]