The Mistress

By PrincessHimaya

191K 3.6K 518

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 6

4.1K 81 7
By PrincessHimaya

Alas-5 pa lang ng umaga ay tumunog na ang cellphone ko. I lazily checked it and saw a message. Galing sa kasamahan ni Mike. Hindi ko 'yon binasa at natulog ulit. Malapit na sana akong makatulog nang tumunog ulit ang cellphone ko.

This time, gising na gising na ang diwa ko.

Mike:

Good Morning :)

Shit! Simpleng bati lang ng magandang umaga at gising na gising na ako! Ni hindi ko pa nga nakikita maski anino niya. Pero ito, parang akong tanga'ng nangingiti habang nagre-reply.

Ako:

Good morning :D kakagising ko lang.

Ang sabihin mo, pinilit mong gisingin ang sarili mo, Lana.

Mike:

Kumain ka na?

Muntik na talaga akong mapatili sa reply niya. Sobrang simple ng tanong niya pero ganito na ako mag react! Paano kung makita ko na ang itsura niya. Ganito pa rin ba kaya ako?

Hindi naman sa masyado akong mapili sa etsura. If you're not my type, then, you really are not my type. Period.

Ako:

Oo maya-maya. Ikaw?

Napailing ako ng ma realized na parang tinatanong ko siya pabalik kung kumain na ba siya. In a low key way nga lang. Parang ang cheesy!  At mukhang interesado ako sa kanya dahil do'n. Kahit hindi naman.

Mike:

Kakain na. Kain ka na din :)

Wala na talagang paglagyan ang kilig ko! Kailan ba kasi balak magpakita sa akin ng lalaking 'to.

Nangingiti akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko si Tito na nakaharap sa phone niya. Kumunot ang noo niya ng makita ako sabay tingin niya sa pambisig na relo.

"Kakaiba na talaga ang nangyayari," komento niya at alam ko na ang ibig sabihin no'n.

"I had a good sleep, Tito," saad ko at nakatitig lang siya sa akin.

"Good sleep ba talaga?" tonog pagdududa iyon. Pero hindi ko na siya pinansin, sa halip ay nagpunta sa terrace.

Tinatanaw ko ang daan papunta sa tindahan ni Ate Daisy at nakita ko ang mga police na papunta sa tindahan. Ang iba, ay galing naman doon. Naka damit pang-bahay lang sila.

Hindi na rin pala masama ang pagpunta ko dito sa Leyte. Mukhang naaaliw ako sa nangyayari. Habang abala ako sa pag-iisip nang maalala kong hindi pala ako nakatawag kay Shelly kagabi. Kaya, tinawagan ko siya.

"Lana," aniya sa kabilang linya.

"Sorry nakatulog ako kagabi ng maaga. Hindi na ako nakatawag," pagsisinungaling ko. Ang totoo, ka text ko si Mike hanggang hating-gabi!

"It's fine, Lana. Ako din, na busy kaya hindi rin ako nakatawag. Ano nga pala ang chika mo?" aniya at napangiti ako roon.

Sinimulan ko kaagad e kwento sa kanya ang tungkol sa lalaking nakilala ko dito. Pero hindi ko na muna sinabi kung anong pangalan niya at anong trabaho niya. Kilala ko si Shelly, wala rin siyang tiwala sa mga police.

"Talaga? Bakit hindi pa siya nagpapakita sayo?" tanong niya.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa nagpapakita sa akin si Mike. Nahihiya akong sabihin na gusto ko siyang makita. I don't want him to assume that I'm interested in him.

"Ewan, baka nahihiya?" sabay tawa ko. Pwede naman hindi ba?

"Huwag kang masyadong kiligin diyan, baka ma bokya ang expectations mo," giit ni Shelly.

I'm actually expecting him to be... good looking, mature at medyo mas matanda sa akin ng kahit 5 years ay okay lang. Para sa akin mas maganda kasi 'yong mas matanda 'yong lalaki para sila 'yong magdadala ng relasyon.

Wait... what? relationship?! Scratch that. Textmates lang kayo Lana, umabot kana sa relasyon.

"Yeah, I know. Tatawag ako ulit mamaya para mag kwento. Bye!" sabi ko at nagpaalam na rin si Shelly bago pa pinatay ang tawag.

Matapos naming mag-agahan ni Tito Marky ay napansin kong wala pang tao sa chapel. I mean, sila Mike. Tuwing ganitong oras naman ay nagsisimula na ang klase nila.

Hindi na rin naman siya nag text. Baka busy lang. Of course, I'm not expecting his text.

Dahil sa sobrang bored na bored na ako , kaya naisipan kong lumabas kahit sa gate man lang. Nakilala ko roon ang babaeng nasa mid-30's na ang edad. Si Ate Joan.

Nagkwentuhan kami tungkol sa akin at tungkol sa kanya. Nasa tapat ng bahay namin ang bahay nila kaya mismong sa labas ng gate namin kami nag kwentuhan.

Nasa gitna kami ng pag-uusap ni Ate Joan nang tumunog ang cellphone ko at nakitang text iyon galing kay Mike.

Mike:

May klase kami ngayon. Kung sino man ang ngingiti at huling papasok sa chapel ay ako iyon.

I immediately gasped. Nataranta akong bigla. Alas 3 nang hapon, bakit pa sila magka klase? At hindi nagtagal ay nakita ko nga'ng isa-isang nagsulputan ang mga police papunta sa chapel.

Pareho kaming nakatanaw sa mga police ni Ate Joan at medyo kinakabahan ako. Medyo lang naman.
Tiningnan ko ang bawat isa sa mga police at napapangiti sila sa akin.

Sino siya diyan?

Halos lahat napapatingin sa akin at ngumingiti. Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang sinabi niyang ang huling papasok sa chapel...ay siya.

Nagsisimula na akong kabahan. Dito na talaga magtatapos ang lahat kung hindi ko man magustuhan ang makita ko. Kadalasan pa naman sa kanila ay medyo may edad na. Kukunti lang ang nakita kong parang ka edad nila Andi at Bernal.

"Ang ga-gwapo nila inday, no?" ani Ate Joan.

"Okay lang," sabi ko, dahil wala naman talaga akong nakitang masasabi kong gwapo.

Bumagsak ang balikat ko nang makitang nakapasok na halos lahat ang mga police sa chapel at wala na akong nakikitang paparating.

Pumasok na ba siya at hindi ko napansin? Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang wala naman siyang text at bumagsak ang balikat ko roon.

Mag-aangat na sana ako ng tingin nang biglang mag text si Mike.

Mike:

Andiyan na 'ko. Hehe

Agad-agad akong nag-angat ng tingin at nakita ang matangkad na lalaking naglalakad papalapit sa chapel.

Holy Shit!

Iyon ang una kong gustong sabihin pero hindi naisatinig dahil nakatitig lang ako sa kanya at gano'n din siya. Nakangiti siya sa akin.

Broad shoulders, toned arms and muscles in right places. Ang tangkad niya! Mukhang hanggang dibdib niya lang yata ako. Chinito siya at maputi, hindi mukhang dugyot kagaya ng iba niyang kasama. Matangos din ang kanyang ilong at manipis ang kanyang labi. At ang ngiti niya....damn.

Kinakagat ko na ang labi ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Lalo pa nang tumango siya sa akin at ngumiti bago pa pumasok sa loob ng chapel.

Kung kaibigan ko lang sana itong si Ate Joan ay kanina ko pa siya sinasapak sa sobrang kilig ko. Nagpaalam agad ako kay Ate na papasok na ako sa loob ng bahay dahil kailangan kong makainom ng tubig.

I'm nervous! Never in my life that I've felt something like this. This is crazy! Para akong tanga na hinahawakan ang dibdib ko habang exaggerated na huminga.

Para siyang nanggaling sa isang webtoon character na nag materialized in real life! May lahi ba siyang hapon or koreano? Bakit medyo singkit siya?

Nalaglag ang panga ko nang maalala ang lalaking singkit na pabaling-baling kahapon sa bahay namin. Chinito 'yon pero hindi ko lang masyadong nakita ang mukha niya. Ngayong nakita ko na si Mike, masasabi ko nga'ng siya iyon!

"Anong nangyari sayo? Ba't tulala ka?" tanong ni Tito Marky. Hindi ko napansin nasa gilid ko pala siya.

Huminga ako ng malalim upang makalma ang sarili. Pero ang hirap, kinikilig pa rin ako.

"Uh... inaantok ako, Tito," sagot ko nang hindi iniisip iyon.

"Sleepy? You don't look like it, Lana," aniya at nanliliit na naman ang mga mata.

I rolled my eyes and went to the refrigerator to get a pitcher of water. Kailangan ko munang makainom ng tubig at baka ano pa ang masabi ko kay Tito na nangbabasa ang mga mata.

Buti na lang at hindi naman siya nagtanong pa. Agad akong nagpunta sa kwarto at biglang nakaramdam ng hiya. Napatingin ako sa sarili ko, para akong...

Never akong nagka ganito. I'm confident to my self appearance...not until now. Bakit parang nahihiya akong bigla sa etsura ko.

Pinilig ko ang ulo ko at nahiga sa kama. Inisip ko ulit ang etsura niya. Damn, he's gorgeous. Kaya ba gano'n na lang ang excitement ko habang ka text siya dahil sa instinct ko na gwapo siya?

Napangiti ako. Girls instinct never fails.

Continue Reading

You'll Also Like

256K 6.8K 27
Para takasan ang obsess na ex-boyfriend sa manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera mai...
7.1K 197 19
WARNING: Mature Content | R18 This story is currently under revision. [Completed, 2023] Les Tendres Series #2 || Tender Love Series Jarell Norine R...
51.2K 1K 48
C y p h e r Lynch Scott is a wealthy man in town. Women are always chasing him, begging him to bed them. But he's not that kind of man. He is too foc...
82K 1.8K 36
Chryses Gil Fowler, A tourism Student and a Queen of pageants. She joined Binibining Pilipinas 2020 sponsored by her bestfriend, She refused it firs...