When Fate Played

By DonaQuixote

259 37 0

Dilara Series One - [ONGOING] Darren Camille was peacefully walking at the street when a man named Silver Sag... More

Declaimer
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 20

0 1 0
By DonaQuixote

"You are really.. asked me to be your date?" tanong nito sa dahan dahang tono. Hindi rin siya makapaniwalang nakatingin sa akin at nakaturo pa ang hintuturo niya sa muka ko.

"Ayaw mo?" tanong ko. Binitiwan ko ang kamay niya at tumawa. "okay lang naman! Ano.. Kasi.. gusto ko lang naman subukan, nagbasakali lang naman ako." umiwas ako ng tingin sa kaniya at kinamot ang batok. Tumayo ako at hindi na makatingin sa kaniya dahil sa hiya. "alam mo. Kalimutan mo na 'yon—"

"Are you pranking me?" tanong niya dahilan para matigil ako sa pagsasalita.

Umiling agad ako. "hindi."

"Then look at me." sabi niya na ginawa ko naman. "ask me.. again."

"Eh?!" gulantang ko. "hindi.. ano.. ayaw mo hindi ba? Kaya bakit ko pa tatanongin." sabi ko. Gusto kong umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang malalim kung makatingin pero hindi ko naman magawang alisin ang titig ko sa kaniya gaya niya. Parang may magnet 'to at hinihila lang ako.

Tumawa naman siya at kinamot ang makapal na kilay niya. "I didn't say that I don't. I was shocked so I can't uttered any words." paliwanag niya at natawa. Para naman akong sira na sinabayan ang pagtawa. Tumigil siya kapag kuwan kaya ganoon din ako. "come on! Ask me again." enganiyo niya.

"Hindi mo ako.. i-re-reject?" paninigurado ko.

Ngumiti siya at tumango. "you're too adorable to be rejected, Darren."

Hindi ko mapigilang mapangiti nang malapad dahil sa sinabi niya. The man I like just complimented me! Again!

Tumikhim ako. "pwede ba kitang maging date sa darating na JS prom bukas ng gabi?" I, again asked him and this time he smile and nod.

"Of course. It will be a pleasure to be with you at valentine's day and JS prom night."

Habang naglalakad pauwi ay masayang i-kwenento ko kay Aaron ang ginawa ko at ang naging resulta noon! Hindi ko na sana sasabihin pero masyado akong masaya at gusto ko 'tong i-share sa kaniya. Pero mukang hindi siya nahawa sa kasiyahan ko dahil tumigil siya sa paglalakad kaya ganoon din ako at nang hinarap ko siya ay halatang dismayado siya.

"Akala ko ba ako?" tanong ni Aaron.

"Akala ko ba ako? Ang alin?"

Tumawa siya at nagsimula uling maglakad. Nauna siyang naglalakad at nakasunod naman ako sa kaniya

"Naalala ko... noong unang araw ng pumasok tayo sa school, grade seven tayo noon e, plano natin, pinag-usapan natin na tayo ang magkakasama sa js prom... na ako ang date mo sa araw na 'yon. Na bukas sana." ang boses niya ay mahina, sapat na para marinig ko, sapat na para iparamdam sa akin na dismayado siya.

Hindi ako nakapagsalita. Kagat labi akong yumuko at huminto sa paglalakad.

Bakit.. hindi ko naalala 'yon...

Nakita ko ang mga paa niyang huminto at humarap sa gawi ko. Narinig ko ang pagtawa niya bago humakbang papalapit sa akin kaya naman inangat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Nakalimutan mo?" tanong niya.

Tumango ako at yumuko matapos no'n. Ayaw ko naman na magsinungaling sa kaniya. Totoo.. na nakalimutan ko ang usapin namin noon. Hindi ko naalala ang naging usapan namin. Wala man lang sumulpot sa isip ko, wala man lang akong mahagilap sa ala ala ko na may napag-usapan kaming ganoon habang plinaplano ko ang pag-aaya kay Silver.

Hindi ko alam na may plano na pala kami ni Aaron noon pa at tanging nasa isip ko lang ay ang ayain si Silver.

"I'm sorry.." para akong maiiyak sa sariling kong katangahan.

"Hoy! Umiiyak ka?"

Umiling ako. Hindi ako umiiyak. Natatangahan lang ako sa sarili ko. Nabwebwesit lang ako dahil sa dami ng nakalimutan ko 'yon pang plano namin noon pa.

Hinawakan ni Aaron ang magkabilang pisngi ko at ini-angat ang muka ko kaya nagsalubong ang aming mga mata. Doon nakita ko na nakangiti na siya at halos matatawa na sa itsura ko.

Pinagtatawanan na niya ako matapos niyang malaman na nakalimutan ko ang usapan namin? Pinagtatawanan niya ako pero 'yong mga mata niya iba naman ang emosyon sa reaksyon niya.

"Sorry talaga... hindi ko naalala.. hindi ko maalala... sorry Aaron..." inalis ko ang mga kamay niya sa pisngi ko at yumuko uli. Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang tignan ang mga mata niya.

Natatawang inakbayan ako ni Aaron, isiniksik ko ang muka sa dibdib niya at sinabay na sa paglalakad niya.

"Aaron sorry..." bulong ako ng bulong habang naglalakad kami.

Alam ko na para kaming tanga sa pwesto namin habang naglalakad pero matagal ko ng kaibigan si Aaron, matagal na akong gumagawa ng mga kahiya hiyang bagay na masaya naman kasi kasama ko siya.

Huminto kami at umupo. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalis sa pagkakasobsob sa dibdib niya.

"Ito! Okay lang naman. 'Wag ka nang sorry nang sorry diyan." pang-aalo nito sa akin.

Napayuko ako, "kasi... sorry talaga Aaron.. wala talaga akong ibang iniisip no'n kundi ang ayain si Silver bilang date ko at mapapayag.. nawala sa isip ko na may usapan pala tayo at noon pa 'yon.. nakalimutan ko..." pagpapaliwanag ko.

"Masaya ka ba?"

"Na nakalimutan ko?! Hindi ah! Hindi ko naman—"

"Sira. Hindi 'yon." putol niya sa sasabihin ko pa. "ang ibig kong sabihin ay kung masaya ka ba na naaya at napapayag mo si Silver? Masaya ka ba na... siya ang makakasama mo bukas?" paglilinaw niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango. "syempre... pero pwede ko namang bawiin na lang ang sinabi ko kay Silver. Sasabihin ko na lang prank 'yon." sabi ko.

Sasabihin kong prank lang 'yon gaya nang akala niya noong una ko siyang tinanong kaya hindi niya ako pinaniwalaan kaya pinatanong pa uli niya. At gaya nang nauna niyang reaksyon.. magiging dismayado siya kapag binawi ko ang sinabi ko, gaya rin ni Aaron pero.. ayaw kong biguhin si Aaron pero maging si Silver din naman.

Pero kung pipili kasi ako... Si Aaron ang pipiliin ko. Siya at siya lang.

"You're happy, Darren." he uttered and take a deep breath and smiled, "you're happy that you'll be with him tomorrow night and that's the matter to me. It's fine to me as long as you're happy." sabi niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa hita ko.

"Hindi e... sayo kasi ako nangako." sabi ko at pinisil ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Pero siya ang gusto mong ka-date?" tanong nito at tumango naman ako bilang sagot. Naramdaman ko rin ang bahagyang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko.

"Hindi ko naman aayain si Silver kung hindi." tawang sabi ko.

"Darn. You're so brutally honest." bulong niya na hindi ko naman narinig.

"Huh?"

"Huh?" he mocked me.

"Sorry talaga Aaron. Babawi ako." nakalabing ani ako at hinawakan ang dalawang kamay niya na para bang nagmamaka-awa.

"Kailan? Wala nang next year." natatawang aniya at inalis ang kamay ko sa kaniya.

"Graduation ball. Next next year pa 'yon pero mabilis lang naman ang panahon e. Ikaw ang date ko sa graduation ball natin. Ako rin mismo ang mag-aaya sayo na maging date ko."

"Okay." sabi niya lang.

"Promise."

"Nope. Don't make a promise, Darren, just let it happen."

"I'll make sure.. I'll gonna make this, this time. Next year at graduation ball. I'll go with you. Walang iba."

Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko at ginawa namin ang fist bump namin.

"Hindi ako mangangako pero siguraduhin kong gagawin ko." sabi ko at huminga ng malalim.

"Okay."

Nagkasundo na kami. Naupo pa kami roon nang ilang oras. Bumili ng makakain, kumain ng tahimik hanggang sa napagdesisyonan naming umuwi na.

"Ano.. e sinong aayain mong date bukas?" tanong ko upang mabasag ang katahimikan na nakabalot sa amin habang naglalakad.

"Wala. Kung hindi ikaw ang date ko, mas mabuting wala na lang."

"Ayain mo si Richa," suhisyon ko.

"Yuck!" nandidiring usal nito at umakto pang-nasusuka.

Natatawang inilingan ko naman siya dahil sa naging reaksyon niya. Kay Richa lang siya ganoon. Ayaw na ayaw niya talaga sa babaeng 'yon.

"Hiramin na lang kita bukas sa date mo. Kung ayos lang. Ayos lang ba?" tanong nito.

"Oo naman." pagpayag ko. Okay lang naman para makabawi naman ako sa kaniya dahil nakalimutan ko ang usapan namin at isa pa.. kaibigan ko naman siya. Siguro sa kanilang dalawa ko lang ipapahawak ang beywang ko. Sa kanilang dalawa lang ako magkikipagsayaw.

"Sandali." sabi ni Aaron sabay harang ng kamay niya sa akin dahilan para mahinto ako sa paglalakad. "hintayin mo ako rito ah?" sabi niya at hindi pa man ako kakakapgsalita ay iniwanan na niya ako tumakbo papalapit sa matandang nagbe-benta ng pekeng sunflower.

Nakangiting pinanood ko siya. And while watching him talking happily with the old woman, I realized that Aaron is such a good person.. the purest man I met.

He buyed all the flowers and went through me. Inilahad niya ang mga bulaklak na 'yon sa harap ko.

"Palitan ko 'yong gumamela na bigay ko sayo kaninang umaga." sabi niya. Tinanggap ko naman 'yon at inamoy.

"Salamat. Ito na rin ang ibibigay ko kay Mama para bukas." sabi ko pero sinimangutan niya ako.

"Huwag! Sayo 'yan e! At isa pa.. dapat magandang bulaklak ang ibigay mo kay Tita kasi deserve niya." sabi niya.

"Joke lang naman e. Sa akin ang bulaklak na 'to, iba 'yong kay Mama.." pagsisinungaling ko.

Sa oras kasi na binili ni Aaron ang bulaklak alam ko nang para sa akin 'yon at nakaplano na agad ako na 'yon na ang ibibigay kay Mama. Pero tama siya, my Mama deserves a beautiful flowers.

Actually wala talaga akong kaplano-plano na bigyan ng magandang regalo o bulaklak si Mama. Ni isang beses hindi pumasok 'yon sa isip ko. Kapag may mga okasyon na kahit ano.. kahit pa kaarawan niya wala akong kaplano-plano na bigyan siya ng kahit ank pero dahil kay Aaron ay binibigyan ko siya. Siguro kung wala si Aaron walang regalo na natatanggap ang Mama ko galing sa akin. Taon taon 'yon. Lagi niyang sinasabi na deserve ng isang ina ng magandang regalo sa magandang okasyon gaya ngayon, araw ng mga puso.

"Mag o-order ako ng bulaklak para kay Mama." imporma nito.

"Sabay na ako."

Pumunta kami sa isang flower shop at nagpa-arrange ng magandang bulaklak. Ibinigay namin ang address namin at sinabing i-delivere na lang bukas .

"I'm sure, Mama will like it!" saad ni Aaron pagkalabas namin.

"Oo naman." pasang ayon ko.

Nahiga ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko at nag-online. Gumuhit agad ang ngiti sa labi ko nang makita kong may mga message na si Silver sa akin.

Silver :

Good evening.

Will meet tomorrow morning at your school. At the gate to be exact. Gonna talk about our plan to our date tomorrow night.

I'm going to sleep now. You too, I know you have a long day. Rest and sleep now after you'll read this.

Goodnight. Sleep tight.

Anyways, I'm excited.

I smiled after I read his message. Gwapo siya sa personal tapos gwapo rin siya sa chat. Ang gwapo ng typings niya.

I bit my lower lip to calm my nerves.

"Kalma. Magpla-plano kayo para sa date, hindi para sa kasal..." pagpapakalma ko sa sistema ko dahil para akong tanga na excited para bukas ng umaga.

February 14, at 8 in the morning, Mama received the boquet of beautiful flowers.

"Maraming salamat, anak," nakangiting pasasalamat sa akin ni Mama.

Ngumiti ako, "happy valentine's day, ma," bati ko.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Mama at napagsalamat.

Noon ayaw na ayaw kong magbigay ng kung ano anong bagay kay Mama tuwing may okasyon at pinagsabihan ako no'n ni Aaron, ang tanga ko nga raw e. Nang araw na 'yon bumili siya ng regalo para sa ina niya at bumili rin siya ng para kay Mama. Sabi niya ibigay ko raw kaya ginawa ko. Labag sa loob ko 'yon. Parang ang corny kasi pero nang makita ko ang masayang reaksyon ni Mama, ang sarap sa pakiramdam.

Masaya pala ang mapasaya ang magulang kahit na sa simpleng bagay lang. So... Don't hesitate to give a gifts to your parents.

Mararamdaman niyo ang tunay na saya kapag nakita niyo na masaya sila.

Sabado ngayon at may magandang event sa school. I wear a simple white plane shirt, tinernohan ko 'to ng maong na palda at sapatos na bigay sa akin ni Aaron pang ibaba. Inayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin at hinayaan ko lang itong nakalugay. At parang tanga lang na nakangiti ako ng malawak.

Naglagay ako ng lip gloss sa labi at polbo sa muka ko. Umalis na ako sa harap ng salamin ng nakuntento.

Napangiti ako. Wala pa man ay masaya na agad ako kasi alam ko na makakasama ko si Silver ngayon at makakadate pa mamayang gabi.

Well, this is my happiest valentine's day ever.. I guess?..

Hindi lalapit ang palay sa manok, ika nga nila. Ako 'yong manok, si Silver 'yong palay.. ako na lumapit e.

Nakakatawa pero, wala akong mapapala kung hindi ako kikilos. Alam ko na hindi naman dapat ako 'yong nag-aaya ng date kasi ako 'yong babae pero 'yon lang ang tanging paraan para makasama at makadate ko sa js prom sa lalaking gusto ko.

Muka akong desperada, oo, pero maganda naman ang naging resulta. Pumayag siya. Sobrang saya ko, pakiramdam ko ay may nakuha akong bagay na matagal ko nang inaasam. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Siguro ay ganito ang nararamdaman ng mga lalaki kapag napapapayag nila ang inaaya nila sa date.

Continue Reading

You'll Also Like

19.9M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...