Hiding The Billionaire's Daug...

By pretty_unknown17

109K 2.7K 833

Apollo & Daphne Arrange Marriage uso pa ba yan sa panahon ngayon? Find my wife now sigaw niya sa mga tauhan... More

Authors Note:
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 1

6.4K 121 19
By pretty_unknown17

A/N: Hi! Here's the first chapter!
Enjoy reading!

***

DAPHNE POV
I know that I should be happy because today is my wedding day. Pero paano ako magiging masaya kung yung mapapang-asawa ko ay ang sama ng tingin sakin.

When I was a kid I dream of being married to a man who loves me, who will look at me like I was his world while walking to the aisle.

A man who can be proud of having me as his wife. Who will show me off like I was a new trophy. Pero bakit ganito ang binigay sakin, Lord mabait naman ako eh. Wala naman akong ginawang masama, bakit ito yung binigay mo sakin na mapapangasawa ko.

Unfair Lord bakit sa mga kaibigan ko ay mahal na mahal sila ng mga asawa nila. Pano naman sakin kulang na lang patayin niya ko. Kung nakamamatay lang ang tingin malamang kanina pa ko nakabulagta rito.

Oo nga ito yung gusto kong kasal. Suot ko yung dream wedding gown ko pero di naman ako mahal ng mapapangasawa ko.

Lord ansama niyang tumingin sakin pasalamat siya mahal ko siya.

"Smile princess", bulong ni daddy sakin. Paano ako ngingiti kung ang sama talaga ng tingin ng mapapangasawa ko sakin.

Ngumiti na lamang ako ng pilit para matigil na si mommy sa kakakurot sa tagiliran ko.

Sino ba kase ang nagpauso ng arrange marriage na yan. Okay na ko na tanawin siya sa malayo eh. Ayus na sakin na makita at mahalin siya ng patago.

Pagnakilala ko lang talaga ang nagpauso ng arrange marriage, I swear siya ipapakasal ko sa lalaking nakatayo sa may harapan ng altar.

Ang daya kaninang nasa malayo pa kami ang sama ng tingin niya sakin. Ngayon na kasama ko na ang magulang ko at malapit na kami sa kaniya ay nakangiti na siya halata naman na pilit lang.

Eto naman na mommy ko kilig na kilig. Sila na lang kaya ang ipakasal ko eh no.

Mayamaya pa ay narinig ko na ang sinabi ni Father

"You may now kiss the bride"

Kapag nasa malayo ay aakalain mong hinalikan niya ko pero hindi talaga.

"I'll make sure that you'll regret marrying me", bulong niya sakin.

Pagdating sa reception ay ginawa namin ang mga ginagawa pagkatapos ng kasal. Actually kanina niya pa gustong umalis at pumunta sa mga kaibigan niya.

Hanggang sa time na magmemessage na yung mga kaibigan niya.

May we call on Mr. Oliver Davies for his message.

Umakyat naman sa mini stage yung tinawag ng emcee na Oliver daw. Kaibigan siya ni Apollo.

"Yow! pare tali ka na hahaha. Anyway alam naman natin sating tatlo ay ikaw yung ayaw pang magsettle down. Pero nauna ka pa sakin na ikasal samantalang ako yung may lovelife sating dalawa", sabay tingin niya sa babaeng katabi niya kanina bago siya pumunta sa harapan. Natawa naman yung mga bisita namin.

"Fuck you", sabi ni Apollo sa kaibigan niya pero tinawanan lamang siya nito.

"Anyway best wishes sa inyo". Yun lang tas binigay niya na yung mic sa emcee.

The way he look at that girl like she's his world. There's a love in their eyes while looking at each other. How I wish ganiyan din si Apollo sakin kaso hindi.

And now may we call on Mr. Chronos Smith for his message.

"Ahm ano ba san ba ko magsisimula sabi ni Chronos kaya natawa kaming lahat. First of all pre congrats sainyo. Hindi ko akalain na ikakasal ka pa pala cause the last time I check you said you don't want to be married. And to you Daphne sana matagalan mo tong kaibigan ko. Pero pag di mo na kaya pwede mo na siyang iwan just call me then I'll help you to get away from him."

Ngumisi lamang si Apollo. Ako naman ay tumango lang.

Mayamaya pa ay umakyat naman ang pinsan ko si kuya Elvin.

"Good evening everyone honestly ayoko talaga sa planong ito na ipakasal ang nag-iisang babae sa aming magpipinsan. But I have no choice it's her decision so I'll just support her. Apollo don't hurt my cousin, cause she's precious to us. Kapag nalaman ko na sinaktan mo siya hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo at ilayo. And for you Daphne my princess kapag sinaktan ka niya huwag kang magdalawang isip na sabihin sakin. Dahil kukunin at ilalayo kita sa kaniya. Hindi mo deserve ang masaktan. You've been through a lot. You deserve to be happy, you deserve to be loved. Best wishes sa inyong dalawa."

Marami pa ang nagmessage na hindi ko na naalala kung sino-sino ang mga iyon.

Pagkatapos ng reception ay agad akong umakyat sa kwarto para magpahinga na. Hindi ko na hinintay si Apollo dahil andoon pa siya sa mga kaibigan niya. Nagiinuman sila sa may garden. Hindi niya naman ako pinapansin kaya might as well hindi ko na lang din siya papansinin.

Ayoko na kase makita sa mga mata niya ang pagka-disgusto niya sakin. Kase honestly pagod na pagod na ako na ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya.

Hindi ko naman kasalanan na pumayag siyang pakasalan ako. Hindi ko siya pinilit pero bakit parang pinapakita niya sakin ngayon na parang nagmakaawa ako sa kaniya na pakasalan niya ko.

Tahimik na lamang akong lumuha habang iniisip kung hanggang saan ang kaya kong tiisin para sa kaniya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip.

Gumising ako ng maaga dahil alam kong ngayon ang alis namin patungo sa aming bahay na regalo ng mga magulang namin.

Tulog na tulog pa si Apollo ng tignan ko siya sa aking tabi. Paniguradong may hangover siya pagkagising.

Tinitigan ko muna siya ng ilang minuto bago ko naisipan na bumangon na at lutuan siya ng umagahan.

I just want to fullfil my wifely duties. Kahit naman na mayaman kami ay tinuruan pa rin ako ni mommy at daddy ng mga gawain sa bahay lalo na ang pagluluto.

Saktong pagpunta ko sa kusina ay naghahanda pa lang naman ang mga kasambahay nila ng lulutuin.

"Pwede po bang ako na jan", I asked them.

"Hala mam gising na po pala kayo, maupo po muna kayo jan hindi pa kami nakakapagluto", sabi ng isang kasambahay nila Apollo.

"Let me help you na lang po", I said to them. "Pero mam baka po kase mapagalitan kami", ate Lala said isa siya sa mga kasambahay na kaclose ko dito.

Napatingin kami sa may pintuan ng kusina ng magsalita si Apollo mula doon.

"Let her cook then, leave us here first", he said.

Isa-isang nagalisan ang mga katulong sa kusina kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.

Naupo siya sa may kitchen island counter. Kinuha ko na rin ang mga ingredients na gagamitin ko para sa lulutuin ko.

I'll cook fried rice with egg, bacon, pancakes and hotdog.

Habang nagluluto ako ay ramdam ko ang tingin niya sakin.

Mayamaya pa ay natapos na rin akong magluto, sakto naman na nagising na ang mga magulang ni Apollo.

Agad silang naupo sa dining table, habang tumulong naman ako sa mga katulong nila na ihain sa lamesa ang mga pagkain na niluto ko.

Naiilang ako sa mga tingin nila sakin kaya pilit akong umiiwas. Pagkatapos kong tumulong sa mga katulong nila ay naupo na rin ako sa katabing upuan ni Apollo.

"Who cooked this?", Apollo's dad asked.

Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Apollo.

"My wife", he said sabay yakap niya sakin at hinalikan ako sa may noo ko na ikinalaki ng mata ko.

Kita ko naman mula sa peripheral vision ko ang pag-ngiti ng mommy ni Apollo.

"See, I told you hon", I heard Apollo's mom said.

Agad ko namang nilagyan ng pagkain ang plato ni Apollo. Pinagtimpla ko na rin siya ng kape kanina.

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay naligo na ako dahil kailangan na din naming umalis. Pupuntahan namin ngayon ang bahay na regalo samin ng mga magulang namin.

Nakatapos na siyang maligo hindi parin ako tapos sa pag-aayos.

I'll wait for you downstairs he said, kaya agad akong tumango.

I'm wearing an oversized polo , white tank top, mom jeans partner with my white sneakers and for my bag is the tote bag.

After kong matapos ay agad na rin akong bumaba para maka-alis na kami. Habang pababa ako sa hagdan ay nakita kong mag-kausap sila ng mommy niya.

His wearing a white tee and denim jeans partner with white sneakers.

Nang makita niya ako ay agad na siyang tumayo at nagpaalam na sa kaniyang ina.

"Tita we will go now", pagpapaalam ko. Agad naman siyang tumango sa akin. "Call me mom, para ka namang others", she said na ikinatawa naming dalawa.

Mayamaya pa ay sumunod na rin ako kay Apollo na nasa labas na. Nang makita niya ako ay binuksan niya na ang pintuan sa may passenger seat kaya agad na akong sumakay. Mabilis naman siyang pumunta sa may driver seat.

Agad siyang nagdrive paalis sa bahay ng mga magulang niya. Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan kaya mas pinili ko na lamang na tumingin sa labas ng bintana.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Tumatawag ang personal assistant ko.

"Hi Mrs. Halston I'm sorry to disturb you on your honeymoon but you have a commercial shoot later", she said.

"Stop calling me that Lyka", I said to her. I heard her laugh in the other line.

Agad akong napasandal sa kinauupuan ko sa sobrang inis. Ang alam ko kase ay next month pa ako magsisimula ulit dahil one month ang hiningi ko sa kanila dahil gusto ko munang magpahinga.

For the past months I got busy with my shoots. Kaliwat kanan ang photo shoots ko. Sa kung ano-anong brands. Minsan nga ay hindi na ako nakakatulog. Ilang bansa na rin ang napuntahan ko dahil lamang sa pagiging model ko.

"Fine I'll go there", I said to her, "okay", she said.

After how many hours ay nakarating na rin kami sa bahay na sinasabi ng parents namin na regalo nila.

Agad akong bumaba at lumabas ng sasakyan, sumunod naman sakin si Apollo.

Wow I said while looking at the small but modern house infront of me. The walls are painted white and brown. I could see the stairs through the glass wall. May swimming pool at small garden din. May garage din sa may left side.

Agad naman na binuksan ni Apollo ang gate para makapasok na kami.

He turn on the lights so I could see the interiors of the house. It was literally a modern house just like my type.

The house already had pieces of furniture but still look empty. Maraming pang kulang. I went up the stairs to look for the rooms. May limang kwarto sa taas at merong dalawa sa baba. The house looks small outside but spacious naman siya sa loob.

Binuksan ko isa-isa ang mga kwarto at lahat naman ito ay may mga bathroom na. I will asked Apollo kung pwede kong gawing library yung isang kwarto sa baba. I love reading books, kaya everytime na pumupunta ako sa mall ay dumadaan ako sa national book stores.

"Maybe tomorrow we can go to the mall", I said to him, while he was busy looking around the house.

"What for?", he asked.

"To buy groceries at ng mga kulang pa dito", I said to him.

"Okay, daan na lang tayo sa mall bukas bago tayo dumiretso dito", he said without looking at me.

"Sure", I said to him.

Mayamaya pa ay tumunog ang phone niya na nasa lamesa.

It was his secretary who's calling.

Inaantay ko munang matapos silang mag-usap para masabihan ko na rin siya na kung pwede ay ihatid niya ako sa photoshoot ko ngayon.

Pagkatapos niyang ibaba ang tawag at agad siyang humarap sa akin.

"I need to go to the company", he said, agad naman akong tumango.

"Uhm I have a photoshoot today. Can you take me there before you go to the company or pwede namang magtaxi na lang ako", sabi ko sa kaniya.

"No, ihahatid na kita", he said.
--------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Vote and comment about your thoughts about this chapter❤️

Continue Reading

You'll Also Like

12.6K 346 27
Date Started: March 07, 2021 Date Finished: April 11, 2021
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.7K 578 60
Francine Miracle, a beautiful name that suits to her face. An angelic and innocent Face, but she didn't know she had two face! Mataray din sya at the...
15.5K 187 43
My Professor is a Vampire is revised version of My Vampire's Professor Meet Genevieve Schuyler Clementine ang pasaway na Studyante ng Crescent Unive...