CHAPTER 6

3K 84 5
                                    

DAPHNE'S POV
“Nagtampo ako para suyuin mo hindi yung ako ang susuyo sayo”, rinig kong bulong niya.

“May sinasabi ka?”, tanong ko sa kaniya.

“Wala”, sabi niya at nauna ng maglakad habang hila–hila ang kamay ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa may backseat at sumunod naman siyang pumasok sa akin.

Hindi niya na kailangan pang magdrive dahil may driver naman.

“Hey are you mad?”, he asked again, pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko pa rin makalimutan yung halikan nila ni Abigail kagabi. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

Mabuti na lamang ay tumigil na rin si Apollo sa kakatanong sa akin, kung galit pa ba ako sa kaniya.

Nang makarating kami sa bahay namin ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at nahiga sa kama. Naramdaman ko naman na sumunod sakin si Apollo at nahiga rin sa tabi ko.

Agad ko naman siyang nilingon habang naka-kunot ang noo ko.

“What are you doing here?”, I asked him.

“Why?”, he said.

“I just want to rest”, he said.

“Then why don't you go to your room”, I said to him.

“Ikaw nga yung pahinga ko kaya bakit ako pupunta sa kwarto ko kung wala ka naman dun”, he said.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at ang pagsiksik niya sa leeg ko.

Hinayaan ko na lamang siya at pinikit ang aking mga mata.

Napamulat ako ng mata ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ni Apollo. Agad niya naman itong kinuha at sinagot ang tawag.

Napairap na lamang ako nang makita ko kung sino ang tumawag. It was Abigail again.

Akmang lalayo ako sa tabi ni Apollo ng bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya.  Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa may leeg ko.

“What's up Abi”, I heard him say.

Hindi ko marinig kung ano ang pinag–uusapan nila dahil hindi naman naka–loudspeaker ang phone ni Apollo.

Napalingon ako sa kaniya ng bigla na lamang siyang tumayo sa kinahihigaan namin.

“What happened?”, rinig kong sabi niya at halata rin ang pagkataranta sa boses niya.

“Wait papunta na ako”, I heard him say. At nagmamadali ng lumabas ng kwarto ko.

“Just calm down”, huli kong narinig bago siya nakalabas ng kwarto.

Mukhang nakalimutan niya ata na may asawa na siya.  Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Apollo na nakabihis na.

His wearing a plain white t-shirt partner with his black short. Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

“Wife aalis muna ako, magpahinga ka muna”, he said.

Hiding The Billionaire's Daughter (Hiding Series #2) [completed]Where stories live. Discover now