CHAPTER 22

2.4K 81 45
                                    

A/N: Hello!, It's been a while since I updated here. I'm so sorry for being inactive here❤️

I'm busy with my school works this past few days and until now pala HAHAHA. Tbh palagi naman pala akong busy sa school works ko.

P.S I'm so sorry for the typos!

***

DAPHNE'S POV
Yan din ang paulit-ulit kong tanong bakit nga ba kapag nagmahal tayo ay nasasaktan tayo?

Bakit hindi na lang tayo maging masaya kapag nagmahal tayo?

“You know, it can't be called love if you don't get hurt. Because love comes with pain. It's not always happiness; sometimes you have to feel the pain in order for you to grow..”, I've said.

Simula ng mahalin ko si Apollo ang dami kong na realize katulad na lamang ng minsan ay okay lang kung hindi masusuklian ang pagmamahal na ibinigay mo.

At kailangan mong tanggapin iyon. Dahil sa pagmamahal ay hindi naman palagi kailangan suklian. May iba na nakokontento na, na sila lang ang nagmamahal sa taong iyon.

May iba naman na hindi na umaamin na may gusto sila sa taong yun dahil sapat na sa kanila na mahalin ito sa malayo.

“Paano kung hindi mo na mahal ang isang tao pero may nag-uugnay sa inyo?”, she asked me.

“What do you mean?”, I asked.

“I mean pano kung wala ka ng nararamdaman sa taong yun pero may anak kayo na itinago mo sa kaniya at paano kung magkita kayong muli, sasabihin mo ba sa kaniya na may anak kayo?”, she asked me.

“Woah Q&A ba to?”, I jokingly asked.

“Just answer it Daphne”she said.

“Since parehas siya ng sitwasyon ko ngayon ay sasagutin ko yan”, I've said as I laughed.

“Para sakin oo dahil deserve niya din naman na malaman at may karapatan naman siya sa anak namin. At tsaka isa pa ay deserve din ng anak ko na makilala niya ang daddy niya kahit pa hindi na kami magkabalikan ay okay lang yun sakin ang mahalaga ay kilala siya ng anak namin.”, I've said.

“Pero siyempre bago ko sasabihin na may anak kami ay sisiguraduhin ko munang wala pa siyang pamilya dahil ayaw kong masaktan ang anak ko.”, I've said.

“Why are you asking ba?”, I asked.

“Care to share”, I said.

Hating gabi na ng matapos kami sa pagkukwentuhan ni Lyra kaya ng mahiga ako sa kama ay agad na rin akong nakatulog.

Kinabukasan ng magising ako ay hindi muna ako bumangon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang kinuwento ni Lyra.

All I can say is she's so strong and brave after all the hardship she been through. If I were her baka nagpakamatay na lang ako. Hindi ko kaya ang mga naranasan niya.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok. Dahan-dahan akong tumayo upang pagbuksan ang taong kumakatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Bumungad sakin si Lyra na may kagat-kagat na tinapay sa kaniyang bibig.

“Kakain na ng almusal”, she said.

Hiding The Billionaire's Daughter (Hiding Series #2) [completed]Where stories live. Discover now