CHAPTER 28

2.4K 80 68
                                    

A/N: Hello everyone!, Here's my update for today dahil ginusto niyong mag-update ako pagbibigyan ko kayo HAHAHAHA

P.S. sorry for the typo!
HAPPY READING!

***

DAPHNE'S POV
Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Apollo. Ang sabi ng doctor sa akin ay comatose daw ito at hindi nila alam kung gigising pa ba si Apollo o hindi na.

Sa lumipas na mga araw ay lagi lamang akong nasa hospital para bantayan si Apollo. Dahil gusto ko kapag nagising siya ay ako agad ang makikita niya.

Halos hindi na rin ako makakain ng maayos dahil sa pagbabantay ko kay Apollo. I felt bad for our daughter, napapabayaan ko na siya.

Ilang beses na rin kaming nag-away ni daddy dahil gusto niyang umuwi muna ako ngunit hindi ako pumayag dahil gusto kong bantayan ang asawa ko.

Some of Apollo's business partner visited him already.

Napalingon ako kay Oliver na may dala-dalang paper bag galing sa mamahaling restaurant malapit dito sa hospital.

“You should eat”, Oliver said habang nakatingin sa akin.

“Wala akong gana”, I've said.

“No, you should eat Apollo will kill me kapag nalaman niyang pinapabayaan ka namin”, Oliver said.

“Pano ka naman papatayin niyan kung nakahilata yan at walang malay”, I've said sabay sulyap kay Apollo.

Rinig ko naman ang pagsinghap ni Oliver at ang malakas na halakhak ni Chronos.

“Burn”, Rinig kong sabi ni Chronos.

“The f*ck”, I heard Oliver said.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Dahan-dahan akong naupo sa may tabi ng kamang hinihigaan ni Apollo at hinawakan ang kamay niya.

“When will you wake up?, miss ka na ng anak natin”, pagka-usap ko kay Apollo.

“Ayy wehh anak niyo ba talaga naka miss o ikaw”, rinig kong sabi ni Oliver kaya agad akong lumingon sa gawi niya at sinamaan siya ng tingin.

“Will you shut up!”, I've said to him rinig ko naman ang tawag ni Chronos.

“Let's go outside”, rinig kong sabi ni Chronos kay Oliver.

Narinig ko na lamang ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Muli kong itinuon ang tingin kay Apollo at muli siyang kina-usap.

“Gumising ka na Apollo, miss na miss na kita.”, mahinang sabi ko.

“Namimiss ko na yung mga ngiti mo sakin tuwing umaga, yung pagbibigay mo sa akin ng mga bulaklak araw-araw. Namimiss ko na rin yung mga luto mo sa akin”, I've said as I rested my head on his hand.

“Gumising ka na mahal, miss na miss ka na namin ng anak natin”, I've said as a tear fell from my eyes.

“I didn't know you love me too, akala ko sa ating dalawa ako lang ang nagmamahal. Pasensya na kung hindi ko nakita yung pagmamahal mo sa akin”, basag ang boses na sabi ko.

“Gumising ka na Apollo paki-usap. Hindi na ako natutuwa, ilang araw ka nang nakahiga jan hindi pa ba nangangalay ang likod mo”, muli kong pagka-usap sa kaniya habang pinaglalaruan ang kaniyang kamay.

“Gumising ka lang talaga, pangako uuwi na kami sayo nang anak natin”, I've said as kissed his hand.

Akma na akong tatayo sa aking pagkaka-upo ng maramdaman ko ang paggalaw ng isang daliri ni Apollo kaya nanlaki ang mata ko.

Hiding The Billionaire's Daughter (Hiding Series #2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon