Love me until the moonlight c...

By Lyle_dreams

4.4K 2.9K 1K

Madali para sa isang Vhor hunter Moonchester ang makuha ang gusto niya, lahat kaya niyang gawin, lahat kaya n... More

TEASER
CHARACTER
CHAPTER 1 Paalam bulacan
CHAPTER 2 LA University
CHAPTER 3 Meet the Four Gods
CHAPTER 4 The war started
CHAPTER 5 Mission Possible
CHAPTER 6 The lion Vs The Cat
CHAPTER 7 Cupcake ni Amaris
CHAPTER 8 Magic Shop Caffè
CHAPTER 9 I said Girlfriend
CHAPTER 10 ROAR!
CHAPTER 11 Rivalry
CHAPTER 12 Code Black
CHAPTER 13 Transferee
CHAPTER 14 New Friend
CHAPTER 15 Superhero
CHAPTER 16 Gwapong Dishwasher
CHAPTER 17 Hawaii
CHAPTER 18 First kiss
CHAPTER 19 Accidentally
CHAPTER 20 Overnight
CHAPTER 21 Big problem
CHAPTER 22 Bad liar
CHAPTER 23 Anti-romantic
CHAPTER 24 Pasabog
CHAPTER 25 Under the Rain
CHAPTER 26 Boy best
CHAPTER 27 Arcade
CHAPTER 28 Disguise
CHAPTER 29 BABE
CHAPTER 30 T.A.N.G.A
CHAPTER 31 Crying lady
CHAPTER 32 Lion vs tigre
CHAPTER 33 Double Date
CHAPTER 34 Switzerland
CHAPTER 35 Snowdrop
CHAPTER 36 I Moon you
CHAPTER 37 Birthday kiss
CHAPTER 38 Tarintas
CHAPTER 39 Bad happened
CHAPTER 40 Vhor's Birthday
CHAPTER 41 Jacket
CHAPTER 42 Like x Love
CHAPTER 43 Strawberry
CHAPTER 44 Kilig
CHAPTER 45 Nahulog, Nasaktan, Bumangon
CHAPTER 46 Winter bear
CHAPTER 47 PALAWAN: Finally Mine
CHAPTER 48 PALAWAN: Indenial x Jealousy
CHAPTER 49 Shock, Cry, Smile
CHAPTER 50 Away-Bati
CHAPTER 51 Tree House
CHAPTER 52 Stop the wedding
CHAPTER 53 E correi diu
CHAPTER 54 What if...
CHAPTER 55 Hold me tight, my Moonlight
CHAPTER 56 Girlfriend Maid
CHAPTER 57 Heartbeat
CHAPTER 58 Gone
CHAPTER 59 She's back
CHAPTER 60 New neighbour
CHAPTER 61 The only one, you
CHAPTER 62 Friends
CHAPTER 63 Child
CHAPTER 64 Wedding
CHAPTER 65 12:51
CHAPTER 66 Hubby x Daddy
CHAPTER 67 ENDGAME
EPILOGUE

PROLOGUE

320 218 68
By Lyle_dreams


"Anak! halika muna rito. Ideliver mo itong mga damit kay Miss ching!" Narinig ko ang boses ni mama.

Agad kong sinarado ang diary ko at nilapag ang Magic pen katabi nito.

"Ayan na ma!" Sigaw ko.

Nakangiti akong bumaba sa hagdan. Nakita kosi mama na pawis na pawis kakaayos ng mga damit na ibebenta kay Miss ching.

Kumuha ako ng panyo at nilapitan si mama. Dinampi ko ito sakaniyang noo upang matanggal ang pawis.

"Ma, pawis na pawis na kayo oh. Matutuyuan kayo ng pawis niyan." Sabi ko.

"Ayos naman ako anak, sige na ideliver mona ito kay Miss ching."

Tumango ako, "Ako na d'yan ah, wait lang ma!"

Kinuha ko ang mga damit at lumakad na.

Napahinto ako ng marinig ko sa balita ang salitang 'BUWAN'

6 pm pala lilitaw ang pulang buwan rito.

"Anak, bilisan mo. Panonoodin natin ang pag dating ng buwan ah?"
Sabi ni mama.

Napangiti ako.

"Opo ma!" Sabi ko at tumakbo na sa labas.

Meron lang akong labing limang minuto para ideliver ito, dahil sabay kaming manonood ni mama ng buwan.

Ngayun nag lalakad ako dahil sira ang bike ko.

Limang minuto lang ang itinagal ng pag lalakad ko, nakarating na 'ko sa bar ni Miss ching.

"Si Miss ching po?" Tanong ko d'on sa guard.

"Oh, amaris! Teka tatawagin ko lang."

Ngumiti ako.

Buti nalang mabait ang guard dito.

Maya maya pa dumating nasi Miss ching.

"Amaris! ayan na ba 'yung mga damit?"

"Opo, Miss ching."

Kinuha niya ang damit.

"Saglit lang ah, kunin ko lang 'yung pang bayad." Tumango ako.

Nag hintay lang ako sa labas, parang may tumusok sa paa ko. Napatingin ako roon.

Nako po! NA SIRA ANG TSINELAS KO!

"Malas naman." Bulong ko.

Umupo muna ako sa gilid at tinignan ang tsinelas ko kung maaayos pa.

Mukang namayapa na siya.. Hindi na siya maaayos dahil bumigay na talaga siya, eto pa naman ang paborito kong tsinelas kaya hindi ko ito pinapalitan.

Ngayun sira na talaga siya, wala na 'tong pag-asa dahil ilang taon narin sakin ito eh.

Paano ako mag lalakad nito? mabato pa naman sa daan.

Hinubad ko ang tsinelas ko, okay lang naman sakin kahit makita ako ng mga taong nakayapak eh. Ano naman? eh sira nga ang tsinelas ko, kaya okay na ito kaysa naman manghiram ako sa iba ng tsinelas.

May babaeng tumabi sakin, tinignan ko siya. Ang ganda ng suot niya kaya lang napaka iksi, kita na ang bituka niya.

Napatingin siya sakin at inirapan ako, ay grabe naman itong si ate.

Nginitian ko nalang, kasi sabi ni mama kapag sinungitan ka ng iba ay dapat ngitian mo nalang.

Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay!

Bakit ang tagal ni Misa ching?

Biglang umingay sa paligid, ang mga babae ay nag titilian. Anong meron?

May isang pulang sasakyan ang pumarada sa kabilang gilid ng kalsada.

Napatayo ako, sino naman ang mga ito?

Artista, K-pop o si Yorme?

Apat na lalaki ang lumabas sa sasakyan, sino ang mga ito? Bakit ang labo ng mga mukha nila?

Ay tanga? Oo nga pala, kasi nasa kabilang kalsada sila kaya malabo ang itsura nila. Malayo sila eh!

Teka, bakit nakapila ang mga babae sa bawat gilid?

Lumakad ang isang lalaking naka yellow papunta sa kabilang kalsada kung saan nan doon ako.

Lahat ng kababaihan at mga bakla ay nag sisitilian, pero ako? waley. Tahimik lang habang pinagmamasdan ang lalaking ito.

Bumaling ang tingin ko sa gilid ko, ang dami palang babae. Bakit hindi sila sa gitna ng kalsada pumila?

Pag kabaling ko sa harap ko, isang malabong mukha agad ang nakita ko. Bakit ang labo e malapit na nga ito sakin?

HA!? BAKIT MALAPIT SAKIN? BAKIT NASA HARAPAN KO!?

Tanging labi lang niya ang nakikita ko? BAKIT LABI LANG ANG MALINAW SA LALAKING ITO?

At parang nakangisi pa siya?

Walang sabi-sabi ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko at... PWUDENG MAGING BAD PEOPLE NGAYUN LANG? DAHIL HINALIKAN NIYA ANG KAMAY KO!?

WHY?

AT DALAWANG BESES PA!

ABA'T HINDI PWUDE 'YAN! DAPAT DALAWANG HALIK DIN ANG GAWIN KO SAKANIYA.. ESTE DALAWANG SAMPAL MAG KABILANG PISNGI!

Hinila ko ang kamay ko at eto ang pinang sampal sakaniya. TAKE NOTE! MAG KABILANG PISNGI AH!

Napangisi lang siya, ngumisi pa? Eh ang pula nga ng pisngi niya.

AT DALAWA ANG KAMAY KO DIBA? BAKIT KALIWANG KAMAY PA ANG KINUHA NIYA UPANG HALIKAN ITO? EH ETO NGA ANG PINAG-HUHUGAS KO NG PUIT KO EH!

Sumama ang pakiramdam ko ah.

Akala ko wala ng susunod pero may isang lalaki ulit ang lumapit sakin, biglang tumibok ang puso ko. Malakas!

Sino naman ito? Hahalikan rin ba niya ang kaliwang kamay ko o baka naman ang paa kona?

Sa isang lalaki ay labi lang ang aking nakita, ngayun naman kilay lang nito ang malinaw.

Bakit?

Lumapit siya sakin, malapit na malapit.

Baka sa... LIPS NIYA AKO HAHALIKAN!? OMG!

WAG! HINDI PA AKO NAG TO-TOOTHBRUSH!

Pero wala siyang ginawa.
O baka naman may commercial muna?

Yumuko lang siya, at alam kong nakita niya ang walang sapin kong paa.

Akala ko ayos na pero hindi pala...

Bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at hinitak ako palayo.

"TEKA!? SAAN MO AKO DADALHIN AH?" OMG!

KIDNAPPER 'TO!

Hindi siya sumagot.

Bakit ang hilig nilang mang hawak ng kamay, at sa kaliwa pa ah? AT OO NGA PALA YUNG BAYAD NI MISS CHING!

Binuksan niya ang sasakyan niya at sapilitan akong pinasok doon. Aray ko ah!

NAUNTOG PA AKO!

Mabilis siyang nakasakay sa sasakyan at pinaharurot ito.

ANONG GAGAWIN KO? MGA MAGULANG KO KASI HINDI AKO TINURUANG MANAKIT NG TAO EH KAHIT KINI-KIDNAP KANA.

"K-kidnapper? san ba tayo?" Bakit ganito ang sinabi ko.

Nakita ko ang makapal niyang kilay sa salamin. Ang kapal, ang ganda talaga. Nako! bubunutin ko iyan!

Wala siyang imik.

Pero may nakita akong pangalan sa likod ng front seat ng sasakyan.

Parang letrang V ganon, ang labo talaga eh. Pero mahaba ang pangalang ito.

Tinignan kong mabuti, Ang apelido lang ang medyo maliwanag.

Mamon ata apelido niya? AY HINDI! MOMO? HINDI RIN, MAHABA EH.

AH!

MOONLIGHT ANG APELIDO NIYA?

TEKA... PARANG, MOON--

"AHHHHHHHHH!!! ANG LAMIG!!!!" Hiyaw ko, dahilan para mapabangon ako.

Hinabol ko ang hininga ko.

"HAHAHAHAHA! AYAN ANG BAGAY SAYO MASHANG! HAHAHAHA! GRABEEEE TAWANG TAWA AKO!!! HAHAHAHAHA!!!"

Galit ko siyang tinignan.

"KUYAAAAAAAA!!!! BAD KUYA!!!!!! ARGHHHHHH!!!" Sigaw ko.

Tawang tawa siya habang nakaduro sakin ang darili niya, tumayo ako at kinagat itong daliri niya.

"OUCH!! AHHH MASAKIT ANO BA MASHANG!!!"

Tinulak niya ako.

"AYAN ANG BAGAY SAYO!" Sabi ko.

Pulang pula ang darili niya at may bakat pa ng ngipin ko.

Tinignan niya ako ng masama, parang kakainin niya ako ng buhay ah.

Habang may panahon pa, gusto ko siyang ipakilala sainyo. Dahil mamaya sasabog na siya.

Ayan si kuya kong mapanakit pero lambing lang niya iyon. Tuwing umaga sa halip na Good morning ang sabihin niya ay "MASHANG BANGON NA TANGHALI NA!" Ayan lagi ang laman ng umaga ko, at kapag hindi pa ako nagising ay papasok siya sa kwarto ko at bubuhusan ako ng malamig na tubig. Pero ganon paman mabait pa ako sa lagay na 'yan, dahil baka kada umaga mabugahan ko siya ng apoy sa ginagawa niya sakin. Ang kuya ko ay maraming babae, babaero, womanizer, malandi at iba pa. Sa dami niyang naging babae ay isa lang ang sineryoso niya, feeling gwapo noh? Pero gwapo talaga siya. So ayun nanga, kaya lagi ko siyang binabatukan (lambing kolang iyon sakaniya) Dahil malandi siya. At malandi siya forever.

Ayan tapos na... HINTAYIN NIYO NA LANG, SABOG NA 'YAN.

ONE...

TWO...

THREE!!!

"MASHANG!!!!!"

Tumakbo agad ako sa banyo at ni lock ko ang pinto.

Grabe, nakakatakot talaga ang kuya ko kapag galit siya, ang laki ng muscles non eh.
At btw, bakit mashang ang tawag sakin ng kuya kong malandi? Ayaw kong sabihin.

Naligo nalang ako dahil wala akong choice, basang basa kaya ako! Buti nalang walang pasok ngayun kung 'di sasama ang mood ko.

Sumilip muna ako sa labas kung nandito pasi kuya, baka buhusan na naman ako ng tubig non e. Wala si kuya sa kwarto ko. Buti naman at umalis na siya dahil baka kagatin ko ang paa niya!

Masigla akong lumabas ng banyo. Sinigurado kong naka lock ang pinto para hindi makapasok si kuya rito.

Umupo agad ako sa upuan katapat ng lamesa. Nakangiti kong binuksan ang aking malaking diary, at isusulat ko rito ang nangyari sa panaginip ko.

Dear diary
Sa panaginip ko ay nasiraan ako ng tsinelas, akala ko 'yun lang ang malas nung gabing iyon pero hindi pala. May dumating na apat na lalaki, akala ko nga wala lang pero nagtilian ang mga kababaihan, tumayo ako para mas makita pa kung sino sila at bakit ganon sila ka sikat. Sa bawat pag pikit ng mata ko ay nakikita ko ang apat na lalaking malabo ang mukha pero matatangkad sila, mukhang gwapo talaga. So ayun nanga, isang lalaki ang palapit sa direksyon ko at bumaling ako sa katabi kong inirapan lang ako, ang sarap irapan pabalik pero syempre hindi ko ginawa 'yon dahil MABAIT AKO. So pag kaharap ko wala akong nakita kungdi ang maliit na labi ng lalaking lumapit saakin, tila nakangisi paito. Hindi kona sana papansinin pero kinuha niya ang kamay ko at dalawang beses itong hinagkan, o diba ang sarap sampalin? kaya sinampal ko kaagad dahil ayaw ko ng hinahalikan ako kahit gwapo. Pero hindi siya umimik at nginisian lang ako, ang yabang diba? Pero 'yun na nga diary, akala ko the end na eh pero may sumingit pang isa. Makapal na kilay, perpektong pag-kakagawa ni lord. Duon lang ako nakatingin hanggang sa hitakin niya ang kamay ko, gusto ko sana siyang itulak o manglaban pero hindi ko nagawa, sinabi ko nalang sa isip kona balang araw bubunutin ko isa isa ang kilay niya hanggang walang matira. Nag tanong ako pero hindi ako sinagot, o diba ANG BASTOS? Pero ganon paman pinasok niya ako sa loob ng kotse niya at ayun pinaandar palayo, parang nasa karera kami non eh. GUSTO ATA AKONG PATAYIN NITONG SI MR. KIDNAPPER. Higit sa lahat may nakita akong pangalan, siguro pangalan niya ang naka sulat rito. Pero diary malabo e, tanging MOON lang ang naaninag ko, siguro MOON GOD siya noh? kaya moon ang apelido niya? Pero wag shunga selp, syempre tao lang siya dahil iisa lang naman ang god sa buong universe. Pero diary, sino ba talaga ang mga iyon? Wala namang kilalaman sa buhay ko 'yon diba? Panaginip lang at hindi totoo, Pero malay mo mag-katotoo, at ang hiling ko ay sana huwag sa kaliwang kamay nila ako halikan at hitakin kasi ayun ang pinaka-derting part ng kamay.

Nakangiti akong isinarado ang diary ko. Ang haba pala ng naisulat ko, pero ayos lang sumaya naman kasi ang pakiramdam ko. Nawala ang stress ko kay kuya.

Itinago ko ang diary ko dahil baka pakialaman ni kuya pero syempre hindi niya mabubuksan iyon dahil desusi iyon noh!

Pag katapos kong itago, humarap ako sa salamin. Sinuklay ko ang buhok ko at isinuot ang salamin ko. Diba nakalimutan kopang mag suklay ng buhok at mas inuna kopang mag sulat sa diary ko.

Pero okay lang, pinatuyo ko muna kasi.

Ganito lang ako palagi--

"Palaging nakakatawa ang itsura," May sumabat.

Si demonyita!
Siya ang pinaka demonyitang nilalang na nakilala ko, mas masahol pa ang ugali niya kay autumn, yung sa His angel B1tch? Galing kasi siya sa hell kaya ganito ang ugali niya. Btw, sanay na naman ako sakaniya dahil bata palang ako kasama ko na siya. Pero ayun na nga, nakakainis parin siya. Sarap niyang ibalik kay satanas.

Hindi ko siya pinansin, nasa loob lang naman siya ng diary ko at nakikisabat sakin.

Pero ayun na nga, ganito lang ang outfit-an natin dahil--

"Dahil pangit siyang manamit." Sabat niya TAKE 2.

Hindi kita papansinin, bahala kasa buhay mo! Ang hilig mong mag read ng mind!

Okay, balik na tayo sa sinasabi ng isip ko.

--Dahil simple lang ako.

"Ang sabihin mo, pangit kana nga, pangit pang mag damit. Mashang ka talaga." Sabat niya TAKE 3.

Matimpiin akong tao kaya hindi ako maiinis sayo! I love you!

"I hate you too." Aniya.

Tignan mo 'to siya na nga itong sinabihang I love you pero anong isinukli sakin?

Ikaw? kapag sinabihan kang I love you, anong isusukli mo?

"Edi I love you too," Ibang boses, ibang sumabat.

Si Angelita, ang anghel na gustong gusto ko dahil napaka bait niya hindi gaya ni demonyita. Obvious na galing siya sa langit, kapanalig ni lord at kapanalig ko. Hilig niyang matulog at ngitian ako tuwing umaga. Sakanilang dalawa ni demonyita siya ang ayaw kong mawala sa buhay ko dahil hindi niya kayang mag sinungaling kahit makapanakit ng tao dahil ayun ang totoo.

"Buti naman gising kana angelita!" Lumapit ako sa diary ko at binuksan ito.

Mukha agad ni demonyita ang nakita ko kaya isinarado ko ang diary pero sumigaw siya.

"Huyy amarisss! ang sakit nung pag kakasarado mo!!"

Ayyy, binuksan ko ulit ang diary ko at sawakas hindi si demonyita ang nakita ko kung di ang kakambal niyang si angelita. Ang amo talaga ng mukha nito, hindi gaya ni demonyita na ang kapal ng make up at kulay itim pa.

AT YES! MAG KAKAMBAL SILA, MAG KAMUKHA PERO MAG KAIBA NG UGALI.

"Hi! Good morning amaris!" Bungad niya sakin.

Good morning too! angelita!
Sabi kosa isip ko dahil baka marinig nila kuya na nag sasalita akong mag isa dahil hindi nila alam na may imaginary friend ako.

"Kamusta ang tulog mo?"

"Maa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may sumabat.

Hulaan niyo kung sino.

"Binuhusan siya ng tubig ni kuya gwapo!! BWAHAHAHAHAHAHA!!!"

Nakangiti lang ako, ayaw kong magalit. Kahit nakakagalit.

"Demonyita, masamang sumabat sa usapan namin. Hindi magandang ugali iyon." Mababaw na tono ni angelita.

Tawang tawa parin si demonyita. Maubo ka sana.

"HAHAHAHAHAHAHA!!! EH NAKAKATAWA SIYA EH!!!! LAGI NALANG SIYANG BINUBUHUSAN NG KUYA NIYANG GWAPO NG TUBIG SA UMAGA, HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"

*Ubo* *Ubo*

Ayan, karma.

"Tignan mo, naubo kana kakatawa mo. Huwag mong pag tawanan si amaris dahil mali ang ginagawa ng kuya niya tuwing umaga." Ang bait talaga ni angelita.

Nginitian ko siya.

Sinilip kosi demonyita, nakalukot ang mukha niya.

"Demonyita, wag ka ng bad okay? friends tayo diba?" Sabi ko.

Binigyan niya ako ng masamang titig, nakakatakot. Agad kong isinangga si angelita. Baka bugahan ako ng apoy nito.

"Hindi tayo friends! enemy tayo cuz you are good girl! And I hate it!" Sabi niya at isinarado niya ang diary ko.

Nalungkot ako... Akala ko mag kaibigan kami pero hindi pala, sa tagal ng pag sasama namin hindi niya pala ako itinuring kaibigan.

Agad akong niyakap ni angelita sa braso ko, kahit maliit lang siyang parang duwende ay ramdam ko parin ang yakap niya sakin.

"Shhh amaris, huwag mong pakinggan ang sinabi ni demonyita, alam kong kaibigan ang turing niya sayo." Aniya.

"HINDI NGA SABI!!!" Sabat ni demonyita.

Lalo akong nalungkot.

"Hayaan mo, kakausapin ko iyon mamaya. Sangayun yayakapin muna kita."

Niyakap niya ako pero hindi ko siya mayakap pabalik kasi ang liit niya.

"Angelita? pwude bang lumaki ka ngayun?"

"Pwude pero alam mong tatlong beses lang kami pwudeng lumaki, at nangyari ang una naming pag laki ni demonyita noong bata pa tayo habang umiiyak ka, at hindi ko alam kung kaylan ulit ako lalaki."
Pati siya ay nalungkot rin.

Malungkot man ako ay tumango nalang ako.

"Kung ganon, sapakin mo nalang si demonyita para sakin."

Nanlaki ang mata niya.
"Ayy! bad iyan!"

Natawa ako sa reaksyon niya.

"Joke lang!" Syempre hindi naman ganon ang ugali ko.

Mahilig akong mag biro pero hindi ko tinu-totoo dahil ika nga ni angelita..

"BAD IYAN"

--

"Maganda kong anak! baba ka muna rito at ideliver mo 'tong mga damit kay Miss ching." Tawag sakin ni mama.

Agad akong bumaba, hindi ako gaya ng ibang bata na kapag inutusan ay naka-simangot. Lagi akong nakangiti kahit may problema.

"Eto na ma! Ma, wag niyo na akong tawaging maganda hindi naman kasi ako maganda.." Walang bitterness sa boses ko.

Dahil sabi ko nga, "Mas okay kapag simple"

Hinawakan ni mama ang mukha ko.

"Maganda ka anak, mana sakin! bulag lang ang mga hindi nakakakita non sayo!"

Siya ang mabait kong mama, lagi siyang nand'yan para samin nila kuya dahil mabuti siyang ina. Kahit maraming nang bubully sakin dahil nerdie raw ako, laging sinasabi ni mama na smile lang dahil balang araw matatalbugan kopa daw si Kathryn Bernardo pag dating sa kagandahan. (at alam kong impossible iyon) Isang guro ang mama ko, Araling panlipunan ang subject niya at grade nine ang tinuturuan niya sa Public. Kung ako ang tatanungin, siya ang pinaka magaling na guro sa buong mundo dahil hindi lang pag tuturo ang meron siya kung di isang mabuting puso. At ipinag-mamalaki ko ang mama ko dahil ganon ko siya kamahal.

"Ma naman, sige napo dadalhin kona ito."

Binitbit ko ang mga damit. Walang turo si mama ngayun dahil weekend kaya nag oonline selling siya ng damit galing sa ibang bansa.

"Anak, ang ganda mo." Sabi na naman ni mama, napangiti nalang ako at hinagkan siya sa pisngi.

Pag kalabas ko ng bahay ay saktong dumating si tatay.

"Tay! musta po ang resto natin?"

Malaki ang ngiti niya.
Mukang ayos 'to ah!

"Mabuti anak! Maraming kumakain sa resto natin, syempre paborito ata nila ang sisig ng tatay mo!"

Natawa ako.
"Naman! Masarap yatang mag luto ang tatay ko!"

Siya naman si tatay kong chef, Pag dating sa pag luluto ay lagi siyang sikat. Syempre pag dating naman sa pagiging ama lagi siyang panalo! Dahil kung masarap siyang mag luto, masarap rin siyang mag mahal! May isa siyang resto dito sa bulacan, ang pinaka sikat na kainan. Ang SISIG NI AMADO. Tatay ko ata siya! And I proud of it!

"Idedeliver mo iyan? ingat ka anak ah!"

Tumango ako.

Inilagay kosa basket ng bike ang mga damit at sumakay na rito.

Ang ganda ng panahon ngayun, kitang kita mo ang sikat ng araw.

Bawat nakakasalubong ko ay nginingitian ko.

"Good morning amaris!"

"Good morning rin po!" Sagot ko.

"Ganda ng araw natin ngayun ah?"

"Opo!"

Ang babait talaga ng tao dito sa bulacan.

Kasi pinoy...

Ilang minuto lang ay nakarating narin ako sa bahay ni Miss ching. Isa siyang Chinese pero dito siya nakatira sa pinas at ang galing niyang mag salita ng pinoy. Ang ganda ganda rin niya at wala pa siyang boyfriend kaya pinag kakaabalahan siya ni kuya. Hindi lang siya maganda at mabait rin.

Kaya crush siya ng bayan dito.

"Miss ching! eto napo yung mga damit!" Nag door bell ako.

Buti nalang agad siyang lumabas.

"Oh, amaris! nandito kana pala. Akala ko mamaya kapa eh,"

"Maaga pong pina-deliver ni mama eh." Tumango siya.

Inabot ko sakaniya ang mga damit.

"Ang gaganda nito ah, oh eto ang bayad." Inabot niya sakin ang pera.

"Sige po miss ching! alis napo ako!" Nakangiti kong sabi.

"Bye amaris! thanks!"

Sumakay ako sa bike ko at pinaandar ito. Nag iba ako ng daan para puntahan si mang epoy. Siya ang nag bebenta ng mga isaw rito at paborito ko ata ang isaw niya!

Naamoy ko agad ang isaw ni mang epoy. Ang bango!

"Mang epoy!"

"Oh amaris ikaw pala! eto oh, bagong lutong isaw. Libre kona sayo dahil ngayun lang ulit kita nakitang dumaan rito eh."

Inabot niya sakin ang apat na isaw.

"Nako mang epoy, babayaran koho ito. Eto po oh." Nag abot ako ng bente pesos.

Malapad siyang ngumiti.

"Wag na amaris, sige na kainin mona iyan." Aniya.

"Sige pero bibili ako ng maraming kwek kwek pasalubong ko kayla mama, para naman dagdag kita mo." Tumusok ako ng kwek kwek at nilagay ito sa plastic.

Binigay ko ang bayad kay mang epoy.

Kumain muna ako ng isaw.
Ang sarap talaga!

"Sharap! dabest ka talaga mang epoy! pano alis na ako ah?" Sabi ko.

"Ingat!"

Nilagay ko ang kwek kwek sa basket at umalis na.

Hindi kopa pala nauubos ang dalawang stick ng isaw, huminto muna ako sa gilid ng kalsada at pinapak ang isaw na may tae tae pa ng manok, pero masarap naman.

Ayy oo nga pala! hindi pa ako nag papakilala sainyo! Okay intro muna ako.

Ako nga pala si Zelenia amaris Montreal, pang mayaman ang apelido ko pero apelido kolang iyon hindi ako. Mahilig akong kumain ng maruruming pag kain, hindi naman maruming marumi like yung mga Street foods lang kasi masarap eh but unhealthy nga lang. Masaya ako kapag masaya ang mga taong nakapalibot saakin dahil nag s-shine ang mundo ko. Simpleng tao lang ako, walang arte sa katawan. Mayroon akong mabuting kalooban na kinagugusto ng lahat, lagi akong nakangiti kahit may problema dahil sabi ni mama "Palaging ngitian ang problema" Tumutulong ako sa pag oonline selling ni mama, ako ang tiga deliver niya at minsan kapag wala akong ginagawa ay tinutulungan korin si tatay na gumawa ng sisig sa kaniyang resto. Hindi man ako sing sarap ng luto ni tatay pero nilalagyan ko ito ng pag mamahal para mas lalong sumarap. Dahil kapag pinunoan mo ng pagmamahal ang isang bagay ay mas lalo itong gaganda.

At higit sa lahat isa akong babaeng mahilig sa buwan, dahil kapag nakikita ko ang buwan ay parang nakikita ko narin ang pangarap ko dahil ang pangarap ko ay makapunta sa buwan katulad ni Armstrong. Kaya wish ko, sana dumating ang panahon na makasama ko ang taong mahalaga sakin at sabay kaming tatapak sa buwan.

THE END OF INTRO!
HEHEHE.

Ayan tapos nakong mag intro dahil may humila sa kamay ko at kinuha ang wallet ko..

WALLET KO?! KINUHA!?

"AHHHH!!! MAG NANAKAW!!! BUMALIK KA RITO!!!!" Agad kong binitawan ang isaw ko at tumakbo para habulin si mamang mag nanakaw.

Pasensya na isaw, kahit masarap ka ay nagawa kitang isantabi dahil mas importante ang wallet ko!

"MAGNANAKAW!!! AKIN NA ANG WALLET KO!!!"

Nasaan na 'yon?

Ang alam ko ay naka sumbrero siya at nakajacket na itim at pantalon! Hindi ko nga lang nakita kung anong tatak ng sapatos niya..

"MAGNANAKAW!!!"
Ba't kasi ang daming pasikot sikot dito!?

Hingal na hingal ako habang hinahanap si magnanakaw.

Lagot na... nandoon pa naman ang pera ko at ang kinita kosa pag dedeliver...

Gusto kong umiyak pero hindi pwude dahil hindi ako susuko hanggat hindi ko nahahanap si magnanakaw!

Pumasok ako sa isa pang eskinita.

Nasaan kana ba--
AYUN! SIYA IYON!!!
Naka sumbrerong itim at itim rin ang jacket at pantalon niya, ang sapatos niya? Kulang itim. Parang pupunta sa lamay.

Ay basta! humanda siya!

Inayos ko ang tali ng buhok ko at mas lalo itong hinigpitan, inayos korin ang suot ko. Ready to fight na! Sana sumanib ka sakin ALICE!

"MAGNANAKAW!!! AKIN NA ANG WALLET KO!!!" Mabilis akong tumakbo papunta sakaniya at sumampa sa likod niya.

"Sh*t!! heyy!!!"
Sabi niya.

Akala mo ah!

"Akin na ang wallet ko kungdi ipakukulong kita!!" Lalo pa akong kumapit para hindi ako mahulog.

Parang ang bango ng mag nanakaw naito ah.

"Are you crazy!? ano ba bitawan mo ako! ang bigat mo!!"

Englishero ah?

Pauso mo utot ka!

"IBIGAY MO SAKI ANG WALLET KO!!!"

"What!? arghhh!!! bitaw!!!"

Ayaw mo talaga ah!

Kinagat ko ang tenga niya, madiin na madiin! Alam kong mali pero sorry god!

"AWWW!!! SH*T!!!"

Sumakit ang paa ko kaya napabitaw ako sa pagkapit sa likod niya.

Awww! tumama pa ang puit kosa bato!! sakit!!!

"My ear! ouch!!"

Kaya ko ito.

Tumayo ako at hinarap siya, kinuha ko ang bato at akmang ibabato sakaniya.

"IBALIK MO ANG WALLET KO KUNG HINDI BABATUHIN KITA!!!!"

*Ubo* *Ubo*

Ang sakit ng lalamunan ko dahil sa magnanakaw naito.

---
Lyle_dreams

Continue Reading

You'll Also Like

108K 2.5K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
1.7M 71.9K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
366K 11.3K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
384K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...