#BL VERSION: "A CRACK IN FORE...

By ms_fujoshisan

7.6K 274 3

DISCLAIMER: This is a BL VERSION I made from one of the favorite story I read. ~•~ Date started: July 26, 202... More

DISCLAIMER
SINOPSIS
CRACK 2
CRACK 3
CRACK 4
CRACK 5
CRACK 6
CRACK 7
CRACK 8
CRACK 9
CRACK 10
CRACK 11
CRACK 12
CRACK 13
CRACK 14
CRACK 15
CRACK 16
CRACK 17
CRACK 18
CRACK ENDING
SPECIAL CHAPTER (The Last)

CRACK 1

1.5K 35 0
By ms_fujoshisan

✧✧✧

Sa buhay ko, 'magtrabaho ka para magkapera ka .. dahil kung wala kang pera, wala kang makakain, mamamatay ka.' Yan ang tumatak sa utak ko.

Simula pa nung nagkaroon ako ng sariling isip para magdesisyon para sa sarili ko, napagpasiyahan kong hanapin ang sarili kong kapalaran sa ibang lugar. Oo, naging independent ako. Lumayo ako mula sa mga magulang at kapatid ko. At mag-isang nilakbay ang daan na alam kong magtutungo sa akin sa landas na magbibigay ng kasiyahan at kalayaan .. hindi para sa aking sariling ikakayaman. Hindi ko naman kailangan ng malaking pera para maging masaya. May sapat lang na pera, ayos na.

Kaya ngayon na malaya na ako, gagawin ko kung ano ang gusto ko na hindi makakasira sa kung anong klaseng tao ako pinalaki ng magulang ko. Hindi sila nagkulang, mabuti silang mga ehemplo at mahal nila ako kaya hindi kailanman ako nagrebelde sa kanila.

Ang pagiging malaya ko ngayon ang nagtulak sa akin na gawin ang mga gusto ko na hindi ko noon magawa. Gawain na makakatulong rin sa akin para magpatuloy lang ako sa buhay.

Art is life for me. This is the only weapon that will take me to a life-long living, I think. Hindi ko kailanman inisip na gamitin ang mga natutunan ko sa kolehiyo para sa trabahong gusto ko pagka-graduate ko. Ito ang nagpapasaya sakin kaya ito ang gagawin ko.

Gumuguhit ako para mabuhay. Hindi man sobrang laki ang natatanggap kong sweldo rito pero nag-eenjoy ako at gusto ko ang ginagawa ko. Dito ako magaling eh.

Gumuguhit ako ng mga katawan sa papel na parang totoo kung tinitingnan mo, at yun ang talentong kinahahangaan nila sa akin. Ako minsan ay kinukuhang taga-guhit ng ilan sa mga advertisers para sa mga fashion illustrations nila pero paminsan minsan ay tinatawag rin nila ako para sa mga medical or professorial na uri ng mga makatotohanang ilustrasyon na kailangan nila para sa mga libro nila.

Natigilan ako sa pag-aayos ng mga gamit nang marinig kong may kumatok sa pinto ng tinutuluyan kong maliit at simpleng studio sa syudad.

Iniwan ko ang walis at feather duster na hawak ko at agad na binuksan ang pinto.

An extremely good looking, bold and wild guy appeared infront of me.

"Uhm .. M-Mr. Dixon?" tanong ko.

He smiled flashing his very white teeth dahilan para mapatigil ako. His smile looks nice and sweet. And it's fascinating me.

"Yeah, that's me. Pero wag mo na akong tawagin niyan. Masyado ka namang formal. Just call me Azrail [Heinus]." sagot niya na ngumiti ulit sa akin.

"I see. By the way, I'm Alex. Halika, pasok ka." aya ko na ikinangiti niya ulit.

Why'd he smiling too much?

Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa loob nang luwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Nakita kong nakasuot siya ng isang puting t-shirt na pinatungan niya ng navy blue na leather jacket. Isang ripped jeans na itim at itim ring sapatos ang i-t-in-erno niya.

"Akala ko, isa kang med student," sabi ko na hindi na naitago pa ang pagdududa dahil sa napansin kong tatlong silver hoops na bumutas sa kaliwang punong tainga niya nang pasadahan ko ng tingin ang makislap na itim na itim na buhok niya.

"I am." sagot niya na ngumiti sa akin na mas kakaiba sa kung paano siya ngumiti sa akin kanina. Kung ngumiti siya, feeling ko, matagal na kaming magkakilala.

Isinara ko ang pinto at tumungo sa lugar kung saan ako naglilinis kanina at iniligpit ang walis na nakakalat roon. Ramdam ko tuloy ang mga mata niyang nakatuon sa likod ko. Nanatili lang din siya sa kinatatayuan niya.

"Mhoansignour, the art history professor, siya ang nagrecruit ng model. Ako ang napili."

Tumalikod ako para harapin siya. Nagkibit balikat lang din siya.

"We'll be working over here." sabi ko sa kinatatayuan kong sulok ng silid ng studio apartment na ito kung saan ako gumuguhit. Mabuti na lang at nakapagtanggal ako ng alikabok kanina rito bago siya dumating. Hindi na rin kasi ako nakakapaglinis dahil matagal na rin nung huli akong gumuhit. Maliit na porsyon lang naman ng apartment to kaya madali lang linisin. I know that Azrail wouldn't mind it either.

Lumapit siya sa akin. "Maghuhubad na ba ako?" tanong niya.

Nagkatama ang mga mata namin. Katulad ng buhok niya ay masasabi kong itim na itim rin. Walang kahit anong bahid ng kulay lupa.

Sa mahigit dalawang taon na pagguguhit ko ng mga hubad na katawan, simula pa nung 21 ako, kay Azrail lang ako kinabahan sa lahat ng mga naging model ko. Hindi ko din alam. Isa pa, hindi naman talaga ako tumatanggap ng mga model rito mismo sa apartment ko, maliban na lang rito sa naka-atas sa aking proyekto ni Mhoansignour. Mostly kasi talaga sa mga inuupahan niyang mga modelo ay kinukuha niya sa isang med school. Pinapadala niya sa akin at ginuguhit ko ang iba't ibang parte ng katawan nila. Ang libro niya kasi ay more on academic related na mostly ay kinakailangan rin ng ilan sa mga mag-aaral sa mga unibersidad sa iba't ibang kurso kapag naipalimbag dahil pwedeng anatomy o human torso ang panggagamitan.

"Haven't you done this before?" tanong ko bigla sa kaniya.

"Ang alin, ang maghubad sa harap ng isang napakagandang lalaki?" isang ngisi ang gumuhit sa tila napakalambot na kulay rosas na bibig niya. Hindi ko din alam kung anong ibig niyang sabihin pero nagulat ako sa huling parte ng sinabi niya.

Sa lahat ng taong nakausap ko lang ng ilang araw, siya lang ang agad na nakapagsabi sa akin ng ganun. Napansin rin kasi ng iba kong mga barkada na parang babae ang katawan ko sa karaniwang lalaki pero inaabot pa ng ilang araw bago nila tuluyang nababanggit sa akin. In short, I'm an effeminate man. A man who possess a feminine figure of a woman. Pero siya, agad niya iyong napansin sa akin kahit na wala pang isang oras na nagkita kami.

"Actually, the more interesting question is, have you taken your clothes off for a man you don't consider beautiful."

His half-smile broadened into a full grin. "Can't say I have." pag aamin niya pero bago pa man ako makapag-puna ay agad niyang idinagdag, "All people are beautiful in a different way. And so are you."

Bago pa man ako mailihis at mabola dahil sa mga sinasabi niya ay pinilit kong hindi ngumiti at nagseryoso.

"Anyway, Mr. Dixon, the actual question I intended was, have you modeled for a drawing before?"

"I told you, my name is Azrail--"

"Alam ko."

"How about you? What's your name?"

"Alex."

"Alex .. ?"

"Just Alex.

"Full name, please?"

"I said, just Alex. Why don't you have a seat?"

"Is that what your boyfriend calls you?"

"That's none of your --" natigilan ako dahil sa pagngisi niya. Mocking and accusing. It made my mind stumble. "Take your clothes off." sabi ko. "Let's get started."

"Okay .. Mr. Alex." natatawang saad niya na binanggit yun. Tsk.

"There's a screen over there," turo ko malapit sa banyo ko rito, "you can get undressed behind it."

"Why? You're gonna see all of me anyway, aren't you?"

"Well, .. yes. Do what suits you. I just want you to be comfortable, that's all."

"Oh, I am." sabi niya na umupo sa stool at yumuko para tanggalin ang sapatos niya. Napansin kong wala rin siyang suot na mediyas.

Iniwan ko siya roon at nagtungo naman ako sa kusina, "Kape?" mahinang tawag ko.

"No, thanks."

"Softdrinks? Juice?"

"No, thanks." ulit niya.

"Anything?"

"Thanks, but no. I'm ready whenever you are."

Tumango ako at sinalinan ang kettle ng kalahating tubig mula sa gripo at isinalang sa burner sa katamtamang apoy. Napatitig ako sa kulay asul na apoy na nagmumula roon. Nagbago bigla ang isip ko at agad ring pinatay ang stove.

Bumalik ako sa kinaroroonan kanina ni Azrail ngunit wala siya roon. Hinanap ko siya sa buong silid at nakita ko nga siya na nakatayo habang nagpapalinga linga sa paligid ng apartment ko. Hubo't hubad siya, na nakatingala roon malapit sa malawak na pader na napuno ng iba't ibang larawan na ipinaskil ko simula pa nung nagsimula ako sa trabaho kong to.

"Sino sino sila?" tanong niya na tinuro ang isang larawan na nilagyan ko pa ng tape malapit sa banyo.

Naglakad ako palapit sa kaniya. "My kids."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "K-kids?"

"Yan yung grupo ng mga bata na sinamahan ko noong nakaraang bakasyon. Parte sila ng mga programang sinimulan ko last year lang." sagot ko. Makikita kasi sa litrato ang sampung mga kabataan na pininturahan ko noon sa mukha.

"Anong programa?"

"Face art session." Face art kung tatawagin dahil kilala ito sa mga party minsan. "Yung iba naman is mga outdoor activities kung saan, nagpipinta sila sa mga pader dito sa syudad, gilid ng kalsada o kaya naman mga art graffiti walls."

"Tinuturuan mo sila?"

Natawa ako. "Para ngang sila pa ang nagturo sa akin. Maraming mga magagaling na kabataang artist rito sa syudad. Kaso wala lang nakakaalam sa talento nilang yun kaya walang nakakapagsabi sa kanila."

"But you are."

"Hindi naman kailangan. You can see it for yourself."

Napatitig siya ulit sa isang larawan. Napangiti ako. "Yan naman yung 'living art' session namin. Sila ang nakapag isip ng ideyang yan. Nagsuot lang ako ng boxer brief at tinakpan nila ang buong katawan ko ng pinta gamit ang iba't ibang kulay. Naging kulay orange kaya ang buhok ko ng isang linggo." natatawang pagkukuwento ko.

Tila naakit naman siya sa litratong yun, dinama at pinaglandas niya ang daliri niya doon ng matagal. "What'd it feel like?" tanong niya.

"Hmm. It was a little bit cold, pero mostly ay nakakakiliti at makati sa balat dahil sa pintura. They got quite a kick out of it."

"Will you paint me?"

Tumingin siya sa akin na parang isang batang paslit. Halos mapugto ang hininga ko sa isang sandali, nagulat ako sa ipinakita niyang reaksyon.

"Uh, .. ang trabaho ko ay ang iguhit ka." sabi ko.

"Maybe next time?"

"Why don't you have a seat on the stool by the lights? Babalik ako agad." sabi ko na agad ring tumalikod patungo sa banyo. Pumasok ako roon at agad na nilock ang pinto. Shit! Anong ibig sabihin nito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Mukhang hindi na maganda to ah. At doon nakita ko sa salamin sa harapan ko ang mukha kong namumula na. Binuksan ko ang gripo at agad hinugasan ang kamay ko kasunod na rin ang pagbasa ko sa mukha ko dahil feeling ko ang init init na.

Paglabas ko ay nakita kong nakaupo na siya sa stool habang pinapaikot ikot yun na tila nalilibang sa ginagawa niya.

"Hi," nakangiting sabi niya nang makita ako, dragging a bare foot along the floor to stop the spinning. Humarap siya sa akin, "Sa iyo ba iyon o sa boyfriend mo?" turo niya sa mga miniature buildings at bahay na nakapatong sa loob ng hanging shelves ko na naka-attach sa pader.

Teka nga muna, bakit ba lagi niyang ino-open up ang tungkol dun? Masyado bang halata?

"That's mine." sagot ko. Yun yung mga finished projects ko nung college sa kurso kong Arkitektura. "But you aren't getting paid by the hour, so we might as well--"

"How about taking me into your future dream house?"

Sa ngayon, wala pa naman akong naiisip na itsura ng magiging dream house ko pero ang sinabi niya ang nagbigay alaala sa akin na nung bata ako ay nagkaroon rin ako ng pangarap na bahay. "I don't think so," sagot ko na umiling. "Anyway, for the drawings, we'll be focusing on your torso, back, and hip area, starting with the left side." paliwanag ko.

"Okay."

"Your muscles are being featured," dagdag ko pa na tumingin sa kaniya, sa katawan niya. Mukhang alam ko na kung bakit siya ang napili bilang model ko. Madali lang kasi siyang iguhit. Even relaxed, his muscles were defined, fluid, dynamic, shaped like the books said they should be.

"To answer your question, no," sabi niya.

"Excuse me?"

"I haven't modeled before. I just started med school--"

"And you're broke."

"Well, .. " nagkibit balikat siya. As I watched his lats, traps and pecs.

"All right," pagsabat ko, "just listen, don't talk, move only when I tell you," tumango siya. "I need to see your left side." dagdag ko pa na napatayo, "like this." Inikot ko ang stool. "Put your left hand on your left knee -- what's this?" napaatras ako.

"Is that a problem?"

"A tattoo?"

Yumuko siya para tingnan yun, nang bigla siyang magtaas ng tingin sa akin. Smiling sheepishly, proudly. "Living art." sabi niya na ikinatawa ko.

"Yeah."

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin nang titigan ko yun. Naiintriga tuloy ako. "Hindi naman problema to," sagot ko, "pero ano to? A magician?"

"It's a wizard."

Pareho kaming nakatitig doon. Hinawakan ko ang kaliwang braso niya sa siko at marahang binaluktot iyon pataas para makita ko ng maayos ang disenyo.

Kung pagmamasdan kasi ay isa iyong matandang lalaki na halos kulubot na ang balat. May puti na mahabang balbas, matangkad, may suot na mahaba ngunit matulis sa dulong sumbrero at mahabang roba na kulay lila na pinalamutian ng mga hugis bituin at gasuklay na buwan. Ang kanang kamay naman nito ay nakataas at makikitang ang mga mahahaba niyang kuko sa daliri ay tila tinasa at kasing tulis na ng punyal, hawak hawak pa nito ang isang bolang kristal.

Sinubukan kong hawakan gamit ang hintuturo ko ang mismong tattoo na nakabaon sa balat niya .. it was firm and smooth.

Nang magtaas ako ng tingin ay nakita kong nakatitig si Azrail sa akin at ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin na ramdam ko na rin ang bawat mainit niyang paghinga.

Dahil sa gulat ay agad akong napaatras.

"I-It's magnificent." komento ko na napaiwas ng tingin. "W-who's the tattoo artist?"

"Isang brown haired sa San Simon." sagot niya na nagbaba ng tingin sa wizard na hinipo iyon. Halata ang kalungkutan sa bawat daliring lumandas mula roon. "Isa siyang magaling na tattoo artist."

Kahit na marami akong gustong malaman tungkol doon ay hindi ko na lang ginawa. Kung babae o lalaki ang tinutukoy niya. Gusto ko pa sanang magtanong pero minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko, bagkus ay inutusan ko na lang siya para sa posisyon niya sa pag-upo.

"Put your hand here, bend your leg with your foot up on the rung of the stool .. Good. Like that." Pumunta ako sa upuan ko kaharap ang gamit kong easel nang nakatayo pa rin habang pinag aralang mabuti ang pwesto niya. "I need more of your back. Ikot ka pa ng kaunti sa kanan. There! Perfect." doon ay naupo na ako.

Marami na akong naiguhit na katawan ng lalaki, pero ang pinakapangunahing parte lang na ginuguhit ko ay ang kaliwang bisig o braso, sa dakong itaas na parte lang ng likod at ang kaliwang dibdib, lahat ay puro balangkas lang.

I proceeded to trace his body, angles, curves, concavities using my charcoal pencil, shading, enhancing, contouring and shaping for hours.

It may be that there is something inherently sexy about drawing nudes kasi nga naka-focus ka sa isang hubo't hubad na katawan, those intimate details. Pero para sa akin, ang pagguhit ay hindi ko kailanman ginawa para lang sa pansarili kong pakiramdam sa sekswal kong hangarin.

Gayunpaman, ang gabing ito ay kakaiba sa lahat. It was as if my pencil were running over Azrail, not in my paper. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang amoy ng balat niya, ang pakiramdam na parang nangatog siya bilang tugon sa magaang mga haplos ko. O di kaya naman ay ang katawan ko mismo ang nakaramdam, nag-uumapaw ang kakaibang kilabot na sensasyon  na nagpabatid sa pagtugon ko sa kaniyang walang ingat na pagbibigay sa hilig ng laman, sa mga kalugurang pangkatawan .. sa kaniyang kahalayan at kalibugan.

Shit! Nanginginig tuloy ang kamay kong nakahawak sa lapis. Anong nangyayari sa akin at yun ang pumapasok sa isip ko?

Bigla ay narinig ko ang paglagutok ng frontdoor pabukas pagkatapos kong maguhit ang nakaupong si Azrail ng dalawa't kalahating oras nang walang tigil at pahinga.

"Almonzo [Deirdre Mallory], hello." bulong ko na nagtaas ng tingin.

"Excuse me," sabi niya na nahihiyang lumingon sa akin, "Akala ko tapos ka na."

Napalingon ako kay Azrail, hindi gumalaw ang katawan niya kahit na naabala na kami. Tanging ang mukha lang niya at tila nakatawag ng pansin ang pagiging hubad niya dahil sa pangyayari.

"Uh .. oo." sabi ko na napatayo, parang nahihiya ng walang dahilan. "Azrail -- Mr. Azrail -- you can get dressed."

Hindi siya kumibo. "Sigurado ka bang tapos ka na?" tanong niya, "I can stay if you need me." tumingin siya sa akin ng diretso sa mata, walang kahit na anong tanda ng pagkapahiya.

"Salamat," sagot ko. "But no, that's enough. I'm done."

"I can leave .. " alok ni Almonzo.

"Hindi." pigil ko sa kaniya.

"May I see your sketches?' Azrail asked, ignoring his nakedness and pulling his body into a languid stretch before walking toward me. Nanatili lang din si Almonzo sa may pintuan habang nakabukas iyon.

"Hindi!" mahinang sigaw ko na inunahang hinablot ang sketch pad na nakapatong sa ginagamit kong easel. "I mean, I-I'd rather you not." I felt caught between these two men, pinned by their silence, waiting gazes. "Please, get dressed." sabi ko ulit sa kaniya.

Nakahinga lang ako ng maluwang nang magkibit balikat siya at inabot ang pantalon niya.

Paanong ang isang med student ay walang suot na medyas .. at wala ring suot na underwear. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mahirap lang siya kung kaya naman niyang mag-aral sa isang mamahaling medical school.

Naghintay kami ni Almonzo na makabihis si Azrail. Hindi na rin siya pumunta sa likod ng screen kaya hindi na din namin alam kung saan kami lilingon. Kaya naisip kong patayin na lang ang ilaw sa sulok nun. Ikinubli ng kulay abong anino na dulot ng dilim ang katawan niya. Sa sandaling yun ay naging tahimik ang paligid.

"Thanks, Mr. Alex." sabi niya nang lumitaw siya palapit sa amin.

"Salamat din, Mr. Dixon." ani ko. "You were great."

Ngumisi siya at kumindat sa akin. "Be seeing you." pahabol niya bago tuluyang lumabas.

Isinara ko ang pinto pero nanatili pa rin akong nakatayo.

"Mr. Alex?" tanong sakin ni Almonzo.

"Name of the day." sagot ko. Hindi ako umikot, hawak pa rin ang doorknob. Parang may hindi magandang pwersa na tumutulak sa akin para sundan si Azrail, sa lugar kung saan mang dilim napadpad ang med student na may suot na itim na sapatos ngunit walang medyas.

"Seems like a nice guy." rinig kong saad niya.

Napatitig ako sa mga maliliit na gisok at haspa ng kaharap kong pinto na gawa sa kahoy. "He's just a model."

"Sorry, nakaistorbo ako. Akala ko kasi .. "

Agad ko siyang hinarap. Nakatayo siya malapit sa dulo ng sofa bed na kulay pula. Halatang kupas na rin at gula-gulanit na't sira sira dahil sa katagalan. Kung titingnan, maliit lang siya at mukhang marupok na rin.

Nakaramdam tuloy ako ng awa na parang may tumarak na patalim sa dibdibko.

Nilapitan ko siya at agad na niyakap.

"How could you think you interrupted?" tanong ko. "You live here." dagdag ko pa na hinalikan siya sa labi.

He smiled. "I love you."

"I love you, too."

He held me for a moment bago siya tuluyang naglakad papunta sa banyo at isinara ang pinto.

Hinintay ko siya nang nakaupo sa armchair ng sofa habang nag-iisip.

Almonzo and I had been living together for two years. Two consecutive, solid, stead-fast years. Mabait siya, tapat, maaalalahanin, mapagmahal. In short, he's a good companion. He accepted me for who I am. Well, I'm not different to other people who fell in love with the person who had the same sex as me. Yes, I'm gay. Pero hindi lang halata dahil hindi naman ako gumagamit ng mga kolorete sa mukha o kaya naman, mga pambabaeng damit o sandals. Simple lang ako na hindi nagpapakita ng kahit anong tanda na parte ako ng grupong yun. Hindi sa ayokong ipakita at malaman ng iba. I just want a simple life .. living the way I want. Hindi na rin naman bago ito dahil alam na ng pamilya at mga kaibigan ko.

Pero ang masaklap, kahit naman na itago ko sa pamamagitan ng kilos, mapapansin at mapapansin pa rin nila dahil ang mukha at katawan ko ang nagbibigay ebidensiya. Ewan ko rin. Baka talagang itinadhana na ganito ako dahil sa katauhang meron ako.

Nararamdaman ko rin na nagkakaroroon na rin kami ng agwat o distansiya ni Almonzo dahil sa kanya kaniya naming mga trabaho. He was an engineer at busy siya sa mga natatanggao niyang mga proyekto. Inuubos ko naman ang oras ko rito sa pag-i-sketch ng mga katawan na katulad nina Azrail, minsan naman ay sa pag-inom ng Café au Lait na maraming gatas at nakikipagkuwentuhan sa mga hindi ko kakilala sa iba't ibang lugar na pinupuntahan ko sa mga art sessions ko. Kung si Almonzo kasi ang pag-uusapan, masasabing importante at mahalaga sa kaniya ang mga salitang 'discipline,' 'control,' and 'organization', habang ako ay 'ephemeral' at 'transient' na ang ibig sabihin ay panandalian o pansamantala lang .. nawawala at lumilipas din agad. Kaya alam kong kailangan ko siya.

Pagkalabas ni Almonzo mula sa banyo ay agadkong lumapit sa kaniya. "Let's make love." nakangiting sabi ko nang may makahulugang ngiti.

"I'm hungry."

"Then .. we can have oral sex."

Tumawa siya at agad na sinaluhan ako sa mainit na halik na kanina pa nakahain mula sa bibig ko.

His face was dark, thin and alluring, like his body. Madilim ang kinaroroonan namin malapit sa banyo pero kitang kita ko ang nakakasilaw na tinginniya na nagmumula sa liwanag sa kusina.

Hinalikan ko siya at ipinaramdam ang pagmamahal na parang ilang libong beses nang nangyari noon.

Idiniin niya ako sa malambot na carpet na nakalatag sa sahig sa sala. Ang mga galaw namin ay banayad lamang, halatang praktisado at tiyak na, na alam na namin pareho kung paano mapapaligaya ang bawat isa .. na mas mabilis pa sa alas-kuwatro.

Pagkarating ko sa sarili kong kasukdulan ay napayakap ako sa likod niya. Two bony shoulder blades under my grasping fingers, a white bearded purple wizard winking in my mind's eye.

~•~

"Hello?" sagot ko nang mabilis kong hablutin ang cellphone ko na kanina pa ring nang ring sa panaginip ko for what seems like hours.

"Mr. Alex?" isang lalaki ang nagtanong mula sa kabilang linya.

"Anong oras na?" naaaninag ko ang sinag ng araw na sumabog sa ilalim ng bitin na kurtinang tumatakip aa kaisa isang bintana ng apartment ko.

"Uh .. let's see," rinig kong sagot niya. "Pasensiya na, wala pala akong relo."

Napilitan tuloy akong magtaas ng tingin sa wall clock ko. 9:36 AM.

"Mr. Alex?" sabi niya ulit.

"Anong tinitinda mo?" tanong ko.

Nakarinig ako ng pagtawa, mapang-akit na tawa, nararamdaman ko. Ibababa ko na sana ang phone ko nang maalala kong 'Mr. Alex' ang ginamit kong professional name nung isang araw. Teka, was this the model? Bigla ay napabalikwas ako sa kama. "Is this Mr. Dixon?" tanong ko.

"Please, call me Azrail."

Siya nga.

"Uh .. may nakalimutan ka ba?"

"Wala. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Uhm .. like your first name."

Nag-alinlangan akong sumagot pero nagtuloy tuloy pa rin siya, "Or should I continue calling you Mr. Alex?" Tumigil ako sandali, "Mr. Alex?" ulit niya.

"Makinig ka," seryosong saad ko. "Hindi pa ako nakakapagkape--"

"Bibili ako. Meet me?"

Napabuntong hininga ako, kung isasaalang alang. Sobrang pananabik, isang masamang palatandaan. Isang med student na may tattoo, nakakapagdudang palatandaan. Pinakitunguhan niya ang trabaho ko ng may respeto, mabuting palatandaan. Di-pangkaraniwan, pambihira at katangi tanging hubog ng katawan -- mabuti, masama at nakakapagdudang palatandaan.

"Mr. Alex?" tawag nito ulit sa akin. "Tell me where to go. I'll be there."

"Zane. My name's Zane [Cayden Fidel]."

"Zane.. "

✧✧✧

Continue Reading

You'll Also Like

501K 18.7K 57
Zachary Gabriel Lee is a new office worker at J.A. company which is actually owned by John Alfons Cruz. Gabriel at first, thought, that he is free f...
3.8K 195 38
Naranasan mo bang ma-inlove? sa kaibigan mo? naranasan mo bang masaktan? yung tipong araw araw kang iiyak. mapapasabi ka na lang na "only love can h...
My Boss By CreammeOh

General Fiction

1M 30.9K 58
Isang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang bo...
69K 2.3K 48
●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang...