**********oo**********
Kinaumagahan,
"Magandang umaga po sa inyo," kuro nilang lima ng magising ng umagang iyon
Nakita nila na nasa hapag na ang dalawa nilang kaibigan kasama ng mga ito si Manuel na naghaha hain ng almusal nilang lahat
"Magandang umaga din sa inyo,"tugon ng mga iyon sa bata nila habang nakangiti
"Maupo na kayo at kumain," yaya ni Aleng Gina sa kanila
"Mama," ani ni Lucy na anak ng mga ito,"Sasabay daw po si Lola Anang sa ating agahan,"
"Sige, anak dalhin mo dito," pag sang ayon naman ni Aleng Gina sa anak kaya napatango lang ito
Umupo na sila para makakain na sila ng sabay sabay, dumulog na din sa hapag kainan si Kapitan Hernan para sabay sabay na sila kumain ng agahan
Ilang sandali pa ang dumating na si Lucy kasama ang isang matanda na naka upo sa upuang de gulong o wheelchair
Nakita nila na halos puti na ang mga buhok ng Lola ni Lucy, kulubot ang maputi nitong balat na halata pa din ang kagandahan nito noong kabataan pa nito
Alam nila na maraming mga manliligaw ang Lola ni Lucy, dahil halata pa iyon kahit na may edad na ito sa ngayon
"Siya ang Lola Anang ko," pagpapakilala ni Lucy sa kanila,"Isang daang taon na siya at dati siyang manggagamot,"
Nagmano sila isa isa sa matanda habang nakangiti ito, pero panay naman ang titig nito kay Yuri lalo na sa tutang kalong niya
"Kamusta kayo mga apo?," tanong nito, nagulat sila dahil malinaw at malakas pa ang boses nito kahit na sa edad nito
"Ayos lang po kami, 'La," kuro nilang pito sa matanda
"Kumain na muna tayo at mag usap mamaya," ani ng matanda na ikinatango nalang nila iyon
Tahimik na sila habang nag uumpisa ng kumain ng masagana at masayang agahan
Madaldal naman si Lola Anang kahit na may edad na ito, malakas pa nga tumawa at makipag biruan sa kanila na parang kaedaran lang nila, kaya napapailing nalang ang mag asawa
Pero natutuwa sila dahil ngayon lang nila ulet nakita na ngumiti at naging masaya si Lola Anang
Kaya hinayaan nalang nila ang matanda para naman hindi na ito magmukmok sa silid nito at umiyak dahil sa pagka alala nito sa namatay na asawa
**********
Matapos nilang makapag agahan ay lumabas silang lahat habang tulak naman ni Lucy ang wheelchair ng Lola nito papunta sa kubo na nasa di kalayuan
Napapikit nalang ang matanda ng makasamyo ng malamig at preskong hangin ng makalabas ng bahay, nakangiti pa ito
"Doon tayo sa mga taniman natin ng gulay," ani ni Lola Anang sa apo
"Opo," sagot ni Lucy na sinenyasan ang mga kaibigan ng pinsan nitong si Manuel na napatango lang din
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa likurang bahagi ng bahay ng mga ito
Namangha sila sa nakita sa likuran ng bahay, may maliit na hardin doon na may mga iba't ibang tanim na bulaklak na kakausbong pa lang ng nakaraang araw
Sa bandang gilid naman ay may mga tanim na ibat ibang klase ng gulay na malapit na ding anihin
Kaya laking tuwa nila sa mga nakikita doon, talagang maganda sa likurang bahagi ng bahay nila Lola Anang
May mga kulungan ng manok at baboy na nasa di kalayuan ng taniman na nasa pagitan ng kulungan at taniman ay ang isang balon na may bakod
"Dito ako namamalagi noong malakas lakas pa ang mga paa at buto ko," sabay tawa nito,"Maupo kayo mga apo,"
Naupo naman sila sa dalawang mahabang upuan na yari sa kawayan na nandoon sa maliit na hardin ni Lola Anang
"Alam niyo ba na si Lola ang gumawa ng taniman ng mga bulaklak niya," nakangiting sambit ni Lucy,"Araw araw noon dito ko lagi siya nakikita na nagpapalipas ng oras hanggang sa dapithapon ay dito ang pasyalan niya,"
"Dito kasi kami nag aalmusal ng iyong Lola," sagot nitong nakangiti,"Dito kami kumakain ng tanghalian at meryenda bago papasok sa loob ng bahay kapag hapon na at malapit ng dumilim,"
Napapangiti sila dahil nakangit ang matanda na inaalala ang nakaraan ng mga ito noong nabubuhay pa ang asawa nito
Nakapikit iyon habang nakatingala, tapos magsasalita habang nakangiti na tila parang kahapon lang sila nagkahiwalay ng pinakamamahal nitong lalake
"Lola," ani niya ng tinitigan sila niti isa isa,"May itatanong lang po sana ako sayo,"
"Ano iyon, Yuri?," tanong nito
"Bakit po ba takot ang mga aswang sa buntot ng pagi?," tanong niya,"Di po ba manggagamot po kayo dati?,"
"Oo nga naman po, Lola," singit ni Manuel,"Matagal ko na din pong tinatanong sa Lola ko kung bakit sipa takot sa buntot ng pagi,"
"Hindi naman talaga ang mismong buntot ng pagi ang nakakatakot, kundi ang pinang galingan nito," paliwanag ni Lola Anang na ikinakunot noo nila,"Kahit na ang matutulis nitong tinik at maging ang paghataw nito sa mga aswang, kahit na gaano pa iyon kalakas,"
"Ha? Paano po iyon nangyari Lola?," takang tanong ni Aira
"Ang kinatatakutan nila sa buntot ng pagi ay ang mismong taglay nitong alat, na hindi natatanggal," sagot nito sa kanila,"Ang isang bagay na simula't simula pa lang ay pinagyaman na ng dagat na pinagkukuhaan ng asin," napabugtong hininga pa ito
Napatango naman sila sa paliwanag nito sa kanila
"Ang dagat ay ang pinagkukuhaan ng asin na isang mabisang panlaban sa mga aswang, kung ang isang butil ng asin na lumilikha na ng malaking perwisyo sa mga aswang," dagdag pa na paliwanag nito,"Paano pa kaya ang buntot ng pagi na may maliliit na tinik ang ihahataw sa kanila sa mismong laman nila? At higit sa lahat ay ang alat na taglay nito na siyang magkakaskas sa kanilang laman, isa iyon sa mga bangungot ng mga aswang,"
"Ah kaya po pala takot na sila kapag nakakita na sila ng buntot ng pagi?," tanong ni Manuel
"Oo," sagot ni Lola Anang,"Takot sila sa taglay ng buntot ng pagi, kasi kapag nahambalos sila nito ay para silang binubusan at ibinabad sa asin, matagal bago gumaling ang sugat na gawa ng buntot ng pagi, kahit na gamitin pa nila ang laway nila na pang gamot ay matagal iyon maghihilom, may iba na ikinamamatay iyon dahil sa nabubulok ang laman nila,"
"Kahit po ba ang mga pinakamatandang aswang ay wala pong magagawa kapag natamaan ng buntot ng pagi?," tanong naman ni Kevin sa matanda
"Wala apo," sagot nito,"Kahit na ubusin p nila ang laway nila ay hindi kaagad iyon maghihilom," sagot nito,"Aabutin ng ilang taon bago iyon maghilom, pero kahit na naghilom ang sugat sa labas, ang loob ay sariwang sariwa pa din, na sa haba ng panahon ay nabubulok sa loob ng katawan nila at iyon ang dahilan o sanhi ng kanilang kamatayan,"
"Salamat po Lola sa inyong sagot," ani ni Sister Janelle,"Ngayon alam na po namin ang tungkol sa buntot ng pagi at kung bakit takot ang mga aswang doon,"
"Basta mag iingat kayo mga apo," bilin nito sa kanila na ikinatango lang nila
May iba pang ikinuwento si Lola Anang sa kanila na dahilan ng kanilang pagkalibang at pagkagiliw sa madaldal, masiyahin at oMpalabirong matanda
Hindi sipa nabagot habang kaharap ito at kausap, bagkus ay masaya pa sila dahil kauspa nila ito, nakikinig sila sa kwento nito tungkol sa kanilang kabataan ng namayapang asawa
Ang mga paglalakabay nila sa kung saang Baryo na kailangan ang tulong nila
At higit sa lahat ay ang pakikipaglaban at pakikipagsagupaan nila sa mga kampon ng kadiliman
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!