Emotionless PRINCESS [Volume...

By DarkPhantooom

9.5K 101 80

UNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in th... More

KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
Emotionless PRINCESS

KABANATA 88

114 3 0
By DarkPhantooom

KABANATA 88


"Good morning."

Napatingin si Angela kay Jericho na nakatayo na sa harapan niya.

d-.-b

"Masyado kang maaga para sa oras na napag-usapan natin. Alas nuwebe pa lang, 2 p.m ang usapan natin."

Napangiti si Jericho, napakamot sa batok nito. "Pasensiya na, napansin ko kasi kanina na walang trabaho sina Mom at Dad. Kaya napagdesisyunan kong ipakilala ka. Minsan lang kami kompleto sa bahay. Naghahanda na sila ngayon doon."

Napangiwi si Angela, hindi rin maiwasan ng dalaga ang kabahan. Kung laban 'yon, hindi siya kakabahan. Pero iba na kapag pakilala na, pamilya na ang haharapin.

"Tsk!"

Napatawa si Jericho nang marinig ang mahina nitong sinabi.

"Minamadali mo ako, poker faced guy."

Napakunot ang noo ng binata. "Poker faced guy?"

"Minamadali mo ako kaya poker faced guy ang tawag ko sa'yo."

"Minumura mo na ako niyan?"

"Oo."

Napatawang muli ang binata. Nilapitan nito si Angela. "Hindi mo kailangang kabahan."

"Hindi ako kinakabahan."

"Hindi ko alam na sinungaling ka pala." Napangisi si Jericho.

"Tch! May problema lang." Tumalikod ang dalaga at pumasok sa loob ng bahay.

"Anong problema?"

"Yung mama mo."

"O-okay naman siya ah?"

"Tch, may kaunting problema kami no'ng huli naming pagkikita."

Napataas ang kilay ni Jericho. "Nagkita kayo?"

d-.-b

"Sa ospital. Nung ako ang naiwang magbantay sa'yo dahil nagkasundo pala ang mga maloloko kong kasama na iwan tayong dalawa sa loob."

Inaalala ni Jericho ang pangyayari. Napatawa ang binata kalaunan.

"Bakit kasi sinagot-sagot mo."

d-.-b

"Nagsalita ang hindi sumagot-sagot."

"Magbihis ka na. Aantayin kita rito."

"'Wag kang magugulat kapag nakasuntok ako ngayong araw."

Napanganga si Jericho, kalaunan ay napatawa. "Hindi ka makakasuntok, sigurado ako diyan."

Nakangiting napailing si Jericho habang nakatingin sa saradong pinto ng kuwarto ni Angela.

Umupo siya sa sofa at sumandal doon. Napag-isipan nitong pumikit.

*klak*

Kaagad na napamulat ng mata ang binata nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pagkatingin, si Rhea lang pala.

"O, ang aga mo Jericho." Pagtataray ng dalaga. "Anong ginagawa mo rito?" Napairap ito kalaunan. Umupo rin sa sofa.

Napaismid ang lalaki. "May date kami ni Bella."

Kaagad na napalingon si Rhea sa binata. "Ang aga-aga magde-date kayo? Aba, hoy Jericho! Baka akala mo hindi kita pahihirapan!"

"Ano naman ngayon?"

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea. "A-ano?! Anong ano naman ngayon? Bestfriend ako ni Shanny! Kaya dadaan ka pa muna sa kamay ko bago kita papayagang ilayo si Shanny sa'kin!"

Muling napasandal si Jericho, at parang walang ganang umiling. Tila pinapakita nito sa dalaga na walang kuwenta ang sinasabi nito na siyang nakapagdadagdag ng inis ng dalaga.

"Hoy---"

"Sorry."

Napataas ang kilay ng dalaga. "Anong sorry?"

"Sorry kung palagi kitang binabara at sinusungitan noon."

Napakurap-kurap ang dalaga, tila hindi makapaniwala sa narinig. Kalaunan ay malakas itong napatawa, napahawak sa tiyan.

"Hindi ko alam na magso-sorry ka sa'kin para lang masolo si Shanny!" Nakatawa parin ang dalaga.

Napaismid ang binata. "Kung 'di lang rin sa kanya, hindi ako magso-sorry sa'yo. Akala mo nakalimutan ko na yung pambabara at pagtataray mo sa'kin ah?"

Kaagad na pinandilatan ng mata ni Rhea si Jericho. Tumayo ang dalaga at nilapitan ang binata para hampasin ito.

"Walang'ya ka talaga Jericho!"

Itinaas ni Jericho ang mga braso para isangga sa mga hampas ni Rhea.

"T-teka, biro lang naman."

"Anong biro lang?! 'Wag kang magbiro kung ako ang kausap mo! Hindi ako natutuwa sa mga ganyan!"

"She's right."

Napalingon ang dalawa sa may pintuan.

Napatayo si Rhea, nakapamaywang. "Anong ginagawa mo rito? 'Di ba dapat nagluluto ka?"

Napalingon ang dalawa kay Jericho nang marinig itong tumawa.

"Pfft, under ka pala brad, e. Masyado bang sadista 'tong girlfriend mo?"

Napangisi si Luhence. "Nagsalita ang hindi under."

*poink*

*bogshhh*

Nakatanggap ng batok at suntok si Jericho.

"Okay lang na sadista, basta hindi basagulera!"

d-.-b

Kakalabas palang ni Angela, ang sagutan na kaagad nina Jericho at Rhea ang nadatnan.

Napaiwas nang tingin si Rhea nang makita ang kaibigan sa may pinto, narinig ang sinabi niya kanina.

"Okay lang na basagulera, mahal ko, e." Nakangiti si Jericho nang sabihin iyon.

Napataas ang kilay ni Rhea. Tiningnan niya saglit si Angela at nakita ang ginawang pag-iwas ng tingin ng kaibigan sa kanya. Napahagikhik ang dalaga.

Napatingin si Jericho sa tinitingnan ni Rhea. Nakita niya roon si Angela kaya tumayo na ang binata.

"Tara na?"

*klak*

Napatigil sa paglalakad si Jericho palapit kay Angela nang bumukas ang pinto. Nakita nila roon ang seryosong mga mukha nina Kaizo, Jero, Franko, Brando, at Renzo.

Intense na napalunok ang binata.

"O bata, nandiyan ka pala."

Ngumiti ng pilit si Jericho. "T-tito."

Babarahin na sana ng mga ito ang sinabi ng binata nang makita ang pagsenyas ng dalaga.

Palihim na napailing ang mga lalaki bago hinarap ang binata.

"Boyfriend mo na ba 'to binibini?" Birong tanong ni Brando.

Hmalukipkip si Angela. "Oo."

"Sabi ko na nga b---Ano?!" Sabay na sumigaw ang mga lalaki, maliban kay Kaizo na napakunot-noo.

"Siya si Engkoy, popz."

Napatingin ang lalaki kay Jericho. "Nahanap mo na pala siya?"

"Oo," Tumango ang dalaga. "Noon pa."

Napatingin ang lahat sa dalaga.

"Noon pa, Shanny?"

"Oo, nung panahon na naghinala silang ako si Bella."

Napatingin ulit ang lalaki kay Jericho. "Hindi ko siya nakilala."

"Dahil hindi mo pa siya nakikita." Singit ni Angela.

Naroon pa rin ang gulat sa mukha ni Jericho. "Alam mo na pala noon?"

Napatingin si Angela sa kasintahan. "Oo, hindi kita nakilala kaagad."

"Hindi rin naman kita nakilala."

"Pero naghihinala ka na. Nawawala nga lang 'yon dahil tinutukso kita."

Dumaan ang bahagyang pagngiwi ng binata nang maalala ang ginawa ni Angela noon.

"Mauna na kami, popz, tito." Paalam ng dalaga sa mga lalaki.

"Sa'n kayo pupunta?"

"Sa bahay namin, ipakikilala ko siya kina Mom at Dad." Si Jericho na ang sumagot.

"Sasama kami." Tumalikod kaagad ang mga lalaki.

Gulat na nagkatinginan ang dalawa. Kaagad nilang sinundan ang mga ito.

"Popz,"

Pagkalabas, nakasakay na sa kanya-kanya nilang motor ang mga lalaki.

d-.-b

"Isama nalang natin."

Kinakabahang napangiti si Jericho. "S-sige."

"Mauna na kami, Riri, payat." Paalam ni Angela sa mga kaibigan.

*****

"Noon mo pa pala ako nakikilala?" Pagbabalik ni Jericho sa paksang napag-usapan kanina.

Napalingon si Angela sa binata na nagd-drive. "Oo."

"Pero hindi ka nag-abalang magpakilala sa'kin."

Hindi kaagad sumagot ang dalaga. Sumandal ito sa backrest.

Napalingon si Jericho sa dalaga, kalaunan ay itinuon ang tingin sa daan.

"Dahil hindi pa pwede." Bumuntong-hininga si Angela.

"Bakit hindi pwede?"

Napalingon si Angela sa kasintahan.

'Dahil maaari kang mamatay, at ayoko no'n.'

"Komplekado pa ang sitwasyon."

"At ngayon, hindi na?"

"Mas naging komplekado."

Napansin ng binata ang pagiging seryoso ng dalaga.

"Pero nagpakilala ka."

Dumaan ang mapait na ngiti sa mukha ng dalaga. "Dahil naging tanga ako ng ilang buwan." Huminga ito ng malalim. "Dapat noon pa ako nagpakilala sa'yo. Sinayang ko lang yung oras na magkakasama tayo."

Napangiti si Jericho. "Okay lang kung ngayon ka palang nagpakilala, ang mahalaga, magkasama na tayo ngayon."

Tumango ang dalaga at may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone nito. Nagpokos nalang ang binata sa daan.

Type message
To: Popz

May nakasunod at nakamasid sa'tin.

-Message sent!

Napalingon si Kaizo sa paligid. Nang makita ang sinabi ng dalaga, kaagad nitong sininyasan ang mga kasama.

Napakunot-noo si Jericho nang mapansin ang bahagyang paglapit ng dalawang motor, sa magkabilang gilid ng kotse, kina Jero at Kaizo iyon. Ang iba ay nauna sa kanila.

"Anong nangyayari?"

"Wala. Magdrive ka lang---" Napatigil sa pagsasalita ang dalaga nang may napagtanto. Kaagad itong napatingin sa binata. "T-teka," Napalingon ang dalaga sa binata, nakangisi na ito. Tila inaasahan ang magiging reaksyon. "Nakakapagdrive ka na? May lisensiya ka na ba?"

"Aha." Tango ni Jericho.

"Kailan pa? Sa pagkakaalam ko, minor ka pa." Magsasalita na sana si Jericho nang may idinugtong pa ang dalaga. "Sana nagdala ka nalang ng driver. Pa'no kung nahuli tayo?"

Napangisi si Jericho, umiiling-iling. "Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita." Komento ni Jericho.

"Dahil masyadong matigas ang ulo mo---"

"At ikaw hindi?"

Natigilan ang dalaga.

Napailing-iling muli si Jericho. "May lisensiya na ako."

"Pa'no ka nga nagkaroon?" Medyo may inis sa boses ng dalaga nang sabihin iyon.

"Dahil hindi na ako minor. 18 na ako, at regalo 'to nila Mom at Dad sa'kin."

Gulat na mukha ni Angela ang sumalubong kay Jericho nang tingnan ito.

"O, bakit?"

"Kailan ka pa nag-birthday?"

"Ngayon lang."

Mas lalong natigilan ang dalaga, kalaunan ay umiwas ng tingin at tumingin na lamang sa daan.

"Hoy," Napatawa ang binata. "Nagtatampo ka na niyan?"

"Hindi."

"E, bakit hindi ka makatingin sa'kin."

Tumingala ng kaunti ang dalaga at tumingin sa rearview mirror. "Nakatingin ako."

Napataas ang kilay ng binata. Nang makita ang pagnguso ng dalaga, sinundan nito ang nais ituro.

"Tch!" Tanging nasabi ng binata nang makita na nakatingin nga ang kasintahan sa kanya, 'yon nga lang, sa rearview mirror. Muling napailing ang binata. "Wala manlang happy birthday sa'kin?"

"Happy birthday."

Napailing muli ang binata. Hindi na niya alam kung pang-ilan na iyon.

"Iba ka."

Napangisi ang dalaga. "Alam ko."

Napatingin si Jericho sa dalaga. "Proud ka pa niyan?"

"Syempre, gusto ko yung naiiba ako."

"Tch!"

Tumahimik sandali ang paligid.

"Pasensiya na."

Nilingon ni Jericho ang kasintahan. "Bakit?"

"Wala akong regalo." Papasalita na ang binata nang maunahan siya ni Angela. "Hindi mo kasi pinaalam sa'kin. Sana sinabihan mo ako."

Hindi makapaniwalang napatawa ang binata. "Sinisi pa ako?"

"Tch! Talagang kasalanan mo."

"Tch!" Napangisi si Jericho. Kinuha ng binata ang kamay ng dalaga. "Bella,"

"Bakit?" Hindi na nag-atubiling tumingin ang dalaga sa binata.

"Tumingin ka sa'kin."

Napilitang tumingin ng dalaga sa kasintahan. Napangiti naman si Jericho nang makitang lumingon na si Angela sa kanya.

"Gusto kong tandaan mo 'to," Patiuna ng binata. "Mahal kita, Bella."

Nanatiling nakatingin si Angela sa kasintahan. Tumango ito kalaunan.

"At sapat na sa'kin ang presensiya mo bilang regalo sa birthday kong ito. Masaya na ako ro'n."

Hindi maiwasan ni Angela ang mapangiti, kahit na anong pigil niya, labis na nananaig ang kasiyahan sa dibdib niya.

"Tch!" Napaiwas ng tingin ang dalaga, pero hindi nito binawi ang kamay mula sa lalaki. "'Wag mo 'kong masyadong pakiligin, baka masuntok kita."

Napanganga ang binata, kalaunan ay napangisi. May iling pa 'yong kasama. "Imba. Kapag kinikilig ka pala, nanununtok ka?"

"Pwede rin, hindi ko alam. Baka." Sunod-sunod nitong sagot.

Mas lalong napangisi si Jericho. "E nung nakipagsuntukan ka sa iba, kaya mo sila sinuntok ay dahil kinikilig ka sa kanila?"

Bahagyang nalukot ang mukha ng dalaga na siyang ikinatawa ng binata.

"Iba naman 'yon."

"Pa'nong iba?" Intriga niya sa dalaga.

d-.-b

Inis na napalingon ang dalaga rito. "E kung sutukin na kaya kita ngayon? Gusto mo?"

"Gusto ko sana," Saad ng binata, nakatingin parin sa daan. "Pero nandito na tayo." Ipinasok ng binata ang sasakyan sa isang gate at inihinto ang sasakyan sa may garahe. Pagkahinto, binalingan nito si Angela. "Hindi magiging magandang bungad 'yon sa mga magulang ko." Nakangisi nitong sabi bago bumaba ng sasakyan.

Napailing-iling lang si Angela, kalaunan ay napagdesisyunan nitong bumaba. Kakahawak palang nito sa may pinto, nagsalita na si Jericho.

"No, let me open it for you." Saad ng binata bago binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Salamat."

Nakangiting tumango si Jericho. Isinara nito ang kotse bago inakbayan ang dalaga.

"Tara."

Naglakad ang dalawa palapit sa front door.

Samantala, pagkarinig na pagkarinig ng ginang na may dumating na sasakyan, kaagad itong nag-ayos sa sarili.

Jericho's mom rushed to the door na siyang ikinatawa at ikina-iling ng asawa nito.

Nakita nito ang asawa na binuksan ang pinto, pero hindi ito lumabas para salubungin ang bisita. Nanatili lang itong nakatayo sa may pintuan.

Inakbayan niya ang asawa. "Hon, hanggang ngayon ba, nag-aatubili ka pa ring ipakita sa anak natin na mahal mo siya?"

Napaiwas ng tingin ang babae. Bumuntong-hininga ito kalaunan.

"Alam kong mahal mo siya. Kaya nga kahit may importante kang meeting ngayon, ipina-cancel mo 'yon para sa birthday niya."

Napangiti ang ginang. Tiningnan nito ang papalapit na anak, nakangiti ito. "Mahal ko siya."

"Hmm." Tumango ang lalaki. "Kaya ipakita mo sa kanya iyon, sigurado akong sasaya ang anak natin."

Napatingin ang ginang sa asawa. "Susubukan ko."


"Mom, Dad," Tawag kaagad ng binata pagkalapit sa mga magulang.

Tumango lang ang mga ito.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Angela ang bahagyang pagtingin ng ginang sa kanya.

"Pumasok na muna kayo." Saad ng ginang na siyang ikinagulat ni Jericho, ganoon din si Angela.

Habang papasok sa loob ng bahay, nagsalita ang binata.

"Nagulat akong hindi ka niya tinarayan."

"Ako nga rin, e." Sang-ayon ng dalaga. "Buti naman, hindi ako makakasuntok ngayon."

"Tch!" Pinitik ng binata ang tungki ng ilong ng dalaga. "'Yang bibig mo,"

"Anong yung bibig ko? Yung kamao ko dapat ang sawayin mo, ito yung sumusuntok."

d-.-b

Akmang pipitikin ng binata ang tungki ng ilong ni Angela, pero napatigil ito nang makita ang kamao na ipinakita ng dalaga. Tila nakalimutan ng dalawa na present ang presensiya ng mga magulang ni Jericho.

"Jeric,"

Napakurap-kurap si Jericho, kalaunan ay napaayos ng tayo.

"Sorry,"

Napalingon ang apat sa may labas nang makarinig ng tunog ng mga motor na huminto.

Nagkatinginan sina Angela at Jericho.

"Si popz,/Si tito,"

"May iba pa kayong kasama, Jeric?" Tanong ng lalaki.

"Yes, dad. Bella's popz and titos'."

Tumango ang lalaki, "Sige, papasukin niyo."

*****

Magkaharap na ngayon ang dalawang pamilya. Tahimik at nanatiling nakatingin sa isa't-isa. Tila pinapakiramdaman ang mga sarili.

d-.-b

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Jericho sa mga magulang, at sa mga tito at popz ng kasintahan.

"Ah," Pagputol ni Jericho sa nakakabinging katahimikan at komosyon ng paligid. "Mom, Dad, this is Bella's popz," Tiningnan ng binata si Kaizo, "Kaizo," Binalingan naman ng binata ang ibang lalaki. "This is tito Jero, tito Franko, tito Brando, at tito Renzo."

"Erica Guerrero," Pakilala ng ginang sabay baling sa asawa, "And this is Jeric Guerrero, my husband," Inilahad nito ang kamay. "Nice meeting you all."

Nakatingin lang ang lima sa kamay ng ginang na nakalahad sa mga ito.

d-.-b

Iyan ang naging reaksyon ni Angela.

Sininyasan ng dalaga ang mga kasama.

Agad namang nagsi-kilos ang mga ito. Dahil doon, nagsi-unahan ang mga ito sa pagtanggap sa nakalahad na kamay ng ginang, maliban kay Kaizo.

Kaagad na nagkatinginan ang apat.

d-_-b

"Pasensiya na," Hinging pasensiya ni Angela sa ginawang iyon ng mga kasama.

Ngumiti ang ginang na siyang ikinagulat nina Angela at Jericho.

"Okay lang hija,"

Napakurap-kurap si Jericho sa inastang iyon ng ina. Kalaunan ay napangiti nang tingnan siya nito at nginitian.

Binalingan ng tingin ng ginang si Angela. Nagulat ang dalaga nang makitang tinaasan siya ng kilay nito.

"Ikaw yung sumagot-sagot sa'kin no'n sa hospital, 'di ba?"

Gulat na napatingin ang mga lalaki sa ginang, pati na rin si Angela na nakatingin na sa ginang.

"Ikaw ba 'yon?" Tanong muli ng ginang.

"Pasensiya na ro'n---"

"Tama ang sinabi mo no'n,"

Nanatiling nakatingin sa ginang ang lahat.

Ngumiti ang ginang, binalingan nito ang anak. "Ampon si Jericho," Ngumiti ng mapait ang ginang. "Alam kong masakit na 'yon para sa kanya, pero mas dinagdagan ko 'yon."

Napayuko si Jericho.

Hinawakan ng ginang ang kamay ng anak. "Pasensiya na,"

Napatingin si Jericho sa ina.

"Anak."

Kaagad na napaluha ang binata.

"M-mom," Kumibot-kibot ang labi ng binata. Masyado siyang masaya sa nangyari, ngayon-ngayon lang.

Napangiti si Jeric Guerrero sa nakita sa anak at asawa. Tinapik nito ang balikat ng anak.

"Thanks mom, dad."

Tumango lang ang dalawa.

"Happy birthday."

Tumango ang binata.

Binalingan ng ginang si Angela. "Thanks to you, hija."

"Walang anuman."

*****

Kasalukuyang nakaupo sina Angela at Jericho sa bench sa isang park. Maraming tao, maraming batang naglalaro. Ang pinuntahan nilang park ay siya ring park na pinuntahan nila noon, kung saan sila unang nagkita.

Napangiti si Jericho nang maalala ang pangyayari noon. "Dito kita unang nakita," Nakangiti ang binata habang nakatingin sa bench na inuupuan nila.

"Yung inakala mong pipi ako?"

Napatawa si Jericho. "E, kasi hindi ka sumasagot sa mga tanong ko."

"Tch, naiinis nga ako sa'yo no'n, e. Pa'no, naaaliw ako sa mga batang naglalaro at sa panonood ng mga bituin sa langit pero tanong ka ng tanong sa gilid ko."

"Pasensiya naman. Pero sana naman kasi ay sinagot mo manlang ang mga tanong ko."

Hindi na nakinig si Angela sa huling sinabi ni Jericho nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng isang lalaki 'di kalayuan sa kinauupuan nila.

"Bella?"

Dumistansiya ng kaunti si Angela sa binata na siyang ikinagulat ng huli.

"Bel---" Napatingin ang binata sa tinitingnan nito. Sumeryoso ang mukha ni Jericho nang makita na nakatingin ito sa isang lalaki 'di kalayuan sa kanila. "Bella," Nang makitang hindi lumingon si Angela, bumuntong-hininga ang binata. "Kung mahal mo ako, hindi ka mahihiyang ipakita 'yon sa mundo."

Napalingon si Angela sa binata. "Tch, nagda-drama ka na naman."

"Seryoso ako."

Nakatingin lang si Angela sa binata, nang mapagtantong seryoso ito, umiwas ng tingin ang dalaga. Napabuntong-hininga.

"Hindi ako nahihiyang ipakita sa mundo na mahal kita." Tumayo si Angela at tumabing muli sa tabi ng binata. Tiningnan pa muna nito ang binata, ilang minuto rin iyon, bago nagsalitang muli ang dalaga. "Natatakot lang ako,"

"Kaya ko ang sarili ko,"

"Alam kong kaya mo ang sarili mo, Eric." Bumuntong-hininga ang dalaga. "Pero mauutak ang mga kalaban ko, kaya alam kong gagawa at gagawa sila ng paraan para mahanap ang kahinaan ko," Tiningnan nito si Jericho. "Sana,"

"Hindi ako magiging pabigat sa'yo."

Tumango si Angela. "Ikaw ang lakas ko, pero posibleng ikaw rin ang magiging kahinaan ko." Sumandal si Angela sa sandalan. "Tuturuan kita ng martial arts moves."

Napangiti si Jericho. "Sige."

Napalingon muli si Angela sa binata. Tinitigan niya ito ng ilang minuto. "Ti amo." Mahina nitong sabi.

Napangiti si Jericho.

Flashback

Kasalukuyang hinahanap ni Jericho si Rhea, may itatanong lang ang binata rito.


Nagpunta si Jericho sa library. Nabuhayan ng loob ang binata nang makita roon si Rhea.

"Rhea!"

"Shhhh!" Saway ng librarian.

Natahimik si Jericho, pero kalaunan ay naglakad palapit kay Rhea na nakatingin na sa kanya.

"Bakit?" Pagtataray ni Rhea.

Hindi pinansin ni Jericho ang pagtataray ng dalaga, kailangan niya 'yong pagtimpian dahil siya ang may kailangan dito.

"May itatanong lang ako."

Bumalik sa pagtingin-tingin si Rhea sa mga libro. "O, ano 'yon."

"Tutal marunong kang mag-Italian,"

"Ano nga 'yon! Dami pang sinasabi!"

"Miss Go!" Saway ng librarian na si Miss Katakot.

Natahimik si Rhea, pero tiningnan nito ng masama si Jericho na siyang ikinangiwi ng binata.

"Ikaw kasi!" Hininaan na ng dalaga ang boses nito.

"Anong ako? Ikaw kaya yung sumisigaw---"

*poink!*

"At ako pa talaga ang sinisi mo?!" Sigaw muli ni Rhea, tila nakalimutan ng dalaga na nasa library sila at ilang ulit na silang sinasaway ng librarian.

Nakangiwing napatingin si Rhea sa librarian nang mapagtanto ang nangyari.

"Miss Gooooo! Labaaaaas!"

*****

Masamang tingin ang bumungad kay Jericho pagkalabas ng dalawa sa library.

*bogshh*

"Oo na, kasalanan ko na!" Napilitang umamin si Jericho, kahit ang totoo ay si Rhea ang may kasalanan kung bakit napalabas sila sa library.

Napataas ang kilay ng dalaga. "O, ano na ang itatanong mo?"

"Anong italian ng salitang I love you?"

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea, napahawak pa sa bibig, sa dibdib na tila nagulat sa itinanong ng binata.

"Juskoo, Jericho!"

Napakunot-noo si Jericho. "Bakit?"

Napatawa ang dalaga. "Damoves ba 'yan ng isang Guerrero?"

d-.-b

"Naku, kung damoves 'yan, hindi mo ako madadala riyan." Umiiling-iling pa ang dalaga.

Mas lalong napakunot ang noo ng binata. "Tinatanong lang naman kita, pa'no tayo napunta sa damoves?"

Napataas ang kilay ng dalaga. "Damoves. Yung itatanong mo sa'kin kung ano ang tagalog ng I love you ta's sasagot ako ng mahal kita kaya sasabihan mo ako ng mahal din kita. O, pwede ring itatanong mo sa'kin kung ano ang italian ng I love you kagaya ng tinanong mo sa'kin ngayon ta's sasagot ako ng Ti amo kaya sasabihan mo rin ako ng ti amo. O, 'di ba? Naku, alam ko na 'yan." Umiiling-iling ang dalaga. "Hindi mo ako madadala riyan."

d-.-b

*poink*

Nabatukan ng binata si Rhea. "Kung sakali mang dumadamoves ako, sana si Angela nalang ang tinanong ko niyan." Pranka ng dalaga. "Tsaka hindi ikaw ang type ko, masyado kang maingay at sadista. Hindi ko maatim na makasama ka."

Napanganga ang dalaga. "H-hoy! Hoy Jericho! Akala mo naman ang guwapo-guwapo mo!" Napatadyak nalang ang dalaga sa lupa habang nakatanaw sa naglalakad nang si Jericho.

End of flashback

"Ti amo."

"Alam mo na ang ibig sabihin?"

Confident na tumango ang binata. "Oo. Nagtanong ako kay Rhea, nakipag-away at nakipagplastikan pa nga ako, e. Para lang malaman kung ano ang italian ng I love you, baka sakaling magtapat ka sa'kin, hindi ko na malaman."

"Tch!" Tumayo ang dalaga. "Tara, may ipapakita ako sa'yo."

*****

Nagpunta ang dalawa sa kagubatan. 'Yon ang kagubatan na siyang pinuntahan ng dalaga noon, yung sinundan niya sina Luhence at Shawn na hindi niya alam ay sinundan din pala siya nina Jericho at Harley.

Nang malapit na sa masukal na bahagi ng gubat, napakunot-noo si Jericho.

"Teka, parang pamilyar sa'kin ang lugar na 'to ah?"

Napatingin si Angela sa binata, kalaunan ay napangiti. "Nakapunta ka na rito."

Kasabay ng pagsabi niyon ng dalaga ay ang pagbabalik ng alaala ng binata sa pagpunta nito sa lugar na iyon.

Napatingin si Jericho sa dalaga. "Y-yung sa," Hindi alam ng binata kung itatanong ba sa kasintahan ang kakaiba ngunit nakakamanghang nakita noon nang hawakan niya ito sa kamay.

"Yung sa kamay ko?"

Ilang na napatingin ang binata sa dalaga. "Oo."

"Tumingin ka riyan."

Tumingin ang binata sa masukal na gubat, pero hindi na masukal ang nakikita nito. Kundi gubat na maraming mga tanim, iba't ibang magagandang kulay ng bulaklak, may mga puno rin. Sa gitna ay may daan, paakyat ngunit kaunti lamang, kadalasan ay plain na daan lang.

Napakurap-kurap si Jericho.

"Tara."

Sumunod si Jericho sa dalaga. Sa bawat paghakbang niya sa lupa ay labis niya 'yong hinahangaan. Sa ilang minuto nilang paglalakbay, 'di kalayuan sa kinatatayuan nila ay ang isang napakalaking gate. Magara ang isang 'yon.

"Iyan ang tahanan ko. 'Yan ang totoong pinanggalingan ko. Welcome to Smith Kingdom."

Continue Reading

You'll Also Like

118K 12.3K 32
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...
105K 3.5K 40
Y/N was a teenage introvert who enjoyed having her own space and being alone. She loved listening to music in her room, which was a great escape for...
22K 1.3K 47
A Tragedy that befell the Family. A tragedy that cause an Arcie Solomon to change, the only child and unique survivor of the tragedy. Arcie Solomon...
67.6K 1.6K 10
مافيا - حب - قسوه - غيره renad231_5 مرت سنه والقلب ذابحهه الهجر ومرت سنه والهجر عيا يستحي الروايه موجوده في انستا : renad2315