Emotionless PRINCESS [Volume...

By DarkPhantooom

9.5K 101 80

UNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in th... More

KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 88
Emotionless PRINCESS

KABANATA 87

47 3 0
By DarkPhantooom

KABANATA 87

"Ate Shan!"

Napatigil sa pagwawalis si Angela at napatingin sa taong tumawag sa pangalan niya.

Halos matumba si Angela sa biglaang pagyakap ni Sheena. Bigla-bigla na lamang kasi itong nangyayakap, walang pasabi.

"Nanggugulat ka, Nana." Napailing ang dalaga nang makita ang pangngiti ni Sheena, may kasabay pa 'yong peace-sign. Binalingan niya na lamang ang iba. "Ang aga niyo."

"O? Anong maaga? Tanghali na ate Shan, baka nakakalimutan mo?"

"Tch!" Tanging nasabi ni Angela sa pagiging sarkastiko ng dalaga. Kinurot niya ang ilong ni Sheena na siyang ikinalukot ng mukha ng huli.

Napatingin sa mga kasama sina Sheena at Angela nang mapansin na tahimik lang ang mga ito.

"Ang tahimik niyo." Puna ni Angela.

Napangiwi ang barkada.

"Hindi lang kami makapaniwala na okay na kayo." Singit ni Harley na kakarating lang kasama si Jericho.

Nanlaki ang mata ng lahat nang makita ang pagfist-bomb nina Jericho at Angela, nakangiti pa ang binata habang ginagawa iyon.

"Woaah!" Hindi makapaniwala ang lahat.

"Akala ko nagpapanggap lang kayo kahapon, e. Tsk, pero totoo palang okay na kayo." Napailing-iling si Harley.

"Kami na."

Napatingin ang lahat kay Jericho dahil sa sinabi nito. Halos lumuwa na ang mga mata nila. Ang iba ay nakanganga.

"Agad-agad?!"

"Oo."

"Pa'no?!"

"Hindi niyo na kailangang malaman." Singit ni Angela bago pumasok sa loob.

"Shanny! Nasa iisang bahay lang tayo pero hindi mo manlang binanggit sa'kin 'yon!" Pagmamaktol ni Rhea.

"Tch! Hindi ka naman kasi nagtanong."

"Kasi hindi ko alam." Nakanguso parin si Rhea.

"Kaya nga hindi ko na pinaalam sa'yo. Alam kong magtatanong ka lang. Pagod ako kagabi kaya sana maintindihan mo, Ri."

Napangiti naman si Rhea sa pangalang sinabi. "Okay na. Hindi na kita kukulitin Shanny. Tawagin mo lang akong Ri---Ano ba babaing epal!"

"Ang ingay mo, e. Tulungan mo nalang kami rito." Binigyan siya ni Vanessa ng kutsilyo.

Masama ang tingin niya kay Vanessa nang kunin ang kutsilyo. Inirapan niya ang dalaga kalaunan.

Busy ang lahat sa paghahanda. Napag-isipan ng magbabarkada, kasama na roon sina Shayne, Sheena, Jericho at Harley na magpicnic sila kaya nagluluto na sila.

Kasalukuyang naghihiwa ng manok si Angela nang bigla na lamang tumabi sa kanya si Jericho.

Nilingon niya ang binata. "Bakit?"

"Nauuhaw ka?"

"Hindi naman."

"Uminom ka. Anong gusto mo?"

"Tubig nalang. Pakikikuha ako."

Kaagad na tumango si Jericho at nakangiting nagpunta sa may jar.

Napatingin si Angela sa mga kasama at nakitang palihim itong nagmamasid sa kanila. Napaayos ang mga ito nang tayo nang makitang nakatingin na siya. Napailing-iling na lamang ang dalaga.

Kasalukuyang nakangiti si Rhea habang nakatingin kina Jericho at Angela nang hindi niya sinasadyang mapatingin kay Alyson. Tumitingin-tingin ito sa iba't ibang bahagi ng kusina.

Kaagad na umusbong ang inis ni Rhea. Padabog niyang inilagay ang kutsilyo at hinila si Alyson.

"Sa'n kayo pupunta?"

"Sa labas!"

Nagkatinginan ang magbabarkada.

"Baka may pag-uusapan lang ang dalawang 'yon. Magpatuloy na kayo, ako nang bahala sa dalawang 'yon." Saad ni Aishia bago sinundan ang dalawa.

Samantala, nakakunot ang noo ni Alyson habang nakatingin sa nakatalikod na si Rhea. Hila-hila pa rin siya nito palabas ng bahay.

"Su---"

"'Wag mo 'kong tawagin sa pangalang 'yan! Rhea Go ang pangalan ko, Alyson!"

Napakurap-kurap si Alyson. "Okay, Rhea Go. Pero anong dahilan mo at nagsisisigaw-sigaw ka rito?"

"Anong sinisigaw-sigaw ko?! Tinatanong mo 'yan, Aly?! Tumitingin-tingin ka sa loob ng bahay na tinitirhan namin ni Shanny!" Napatingin si Rhea sa kawalan. Kalaunan ay seryosong tiningnan ang kaharap. "'Wag na 'wag mong idadamay si Shanny dito."

"Wala akong balak na idamay---"

"Pero nagmamatyag ka rito! Alyson! Pa'no pa ako magtitiwala sa'yo, sa inyo, kung noon pa man, peke lang pala ang pakikipagkaibigan niyo sa'min!"

"Rhea!"  Napasigaw si Alyson, tila hindi na alam ng dalaga kung paano ipapaliwanag ang lahat. "Wala kaming alam sa lahat, okay?! At ang pakikipagkaibigan namin sa inyo, hindi 'yon peke! Talagang tinuring namin kayong kaibigan!"

Napangisi si Rhea. "Sinong niloko mo?"

"Rhea."

Napatingin ang dalawa kay Aishia nang bigla itong magsalita.

Masamang tingin kaagad ang sumalubong kay Aishia.

"Kaibigan ka namin. Kaibigan namin kayo. Magkakaibigan tayong lahat."

Napangisi ng nakakaloko si Rhea. "Kaibigan? Talaga?" Humalakhak ang dalaga, may halong sarkastiko iyon.

"Wala kaming alam sa lahat---"

"Pati na ng nangyari sa atin noon sa abandoned building? Wala kayong alam roon?"

"Doon palang namin nalaman."

Nagulat si Rhea, pero hindi na gaano dahil inaasahan na niya iyon.

"Edi umamin din kayo."

"Alam na namin ng panahon na 'yon. Pero---"

"Pero wala kayong ginawa." Pagtatapos ni Rhea.

"Dahil wala kaming magagawa! Utusan lang kami, Rhea! Pa'no namin kokontrahin ang boss namin?" Sumeryoso ang dalaga. "Wala man kaming ginawa sa harap niyo, pero gumagawa kami ng paraan no'n para hindi kayo masyadong mapahamak."

"Rhea,"

Napalingon ang tatlo kay Angela na nasa may pinto.

Binalingan ng tingin ni Rhea ang dalawang kaharap, ganoon din ang mga ito. Binigyan ng dalaga ng masamang tingin ang dalawa bago lumapit sa matalik na kaibigan.

"Pumasok na rin kayo, Aly, Ayie."

Tumango ang dalawa. "Sige, susunod kami." Tugon ni Aishia.

*****

"Anong ginagawa niyo sa labas?" Usisa ni Vanessa pagkakita kay Rhea. Nakatanggap ng masamang tingin ang dalaga.

"May napag-usapan lang kami."

"Pfft," Napatawa ang dalaga. "Nagtatanong lang naman ako."

Lumapit si Luhence. "'Wag mo nalang siyang pansinin, Sasa. Baka meron siya ngayon." Ibinulong ni Luhence kay Vanessa ang huling sinabi pero narinig iyon ni Rhea kaya nakatanggap ng tadyak ang binata. "Aray!"

"Sinong nagsabing meron ako ngayon?!" Sigaw ni Rhea.

"Easy lang, binibiro lang kita."

Napatawa ulit si Luhence nang makita ang pag-irap ni Rhea sa kanya bago ito nagtuloy sa kasalukuyang ginagawa.

Sunod na dumating ay sina Angela, Alyson at Aishia. Muling hinawakan ni Alyson ang kutsilyo sa may mesa para ipagpatuloy ang ginagawa kanina nang magtama ang paningin nila ni Shawn. Walang emosyong nakatingin ito sa kanya, kaagad na napaiwas ng tingin ang dalaga.

Samantala, habang nakatingin sa ginagawa ng mga kasama, bigla na lamang nakatanggap ng text message si Sheena.

Tiningnan nito ang mga kasama. "Labas lang ako guys."

Napalingon ang lahat kay Sheena. Tumango ang magbabarkada.

"Sige, bumalik ka kaagad." Bilin ni Angela.

Paglabas ni Sheena sa bahay, nakita niya 'di kalayuan ang ina. Kaagad siyang lumapit dito. Masama ang tingin nito sa kanya.

"I-ina."

"Anong ginagawa mo rito, Sheena." Matigas ang pagkakasabi ng ginang.

Natigilan si Sheena, nagsisimula nang mangatog ang kamay niya. Takot siya sa ina kaya ganoon nalang ang reaksyon niya.

Pilit na ngumiti ang dalaga. "M-may kaunting salu-salo lang kami, i-ina."

Nag-iba ang uri ng paningin nito sa anak. "Salu-salo sa pagbabalik ni Shanice, ganoon ba?"

Hindi kaagad nakapagsalita ang dalaga. "I-ina---"

"Sheena." Singit ng ginang, naroon pa rin ang matigas na salita. "Sinabi ko na sa'yo, bumalik siya para agawin ang lahat ng---"

"Agawin ang lahat ng pagmamay-ari ko, ina?" Pagtatapos ni Sheena sa maaaring sabihin ng ina. "Ina," Napangiti si Sheena. "Sinabi na sa'kin ni ate Shan na wala siyang aagawin sa'kin. Alam kong hindi niya 'yon ugali, ina."

"At naniwala ka naman?" Nagsimula nang tumaas ang boses ng ginang. "Sheena Choi, 'yan ang makakapagpahina sa'yo, e. Kaagad kang maniniwala sa mga pinagsasabi nila!" Lumapit ang ginang, pero umaatras si Sheena, umiiling.

"Ina, naniniwala ako sa kanila dahil kilala ko sila!"

"At ako, hindi?!" Muling lumapit ang ginang, hinawakan sa balikat ang anak. "Sheena, anak, maniwala ka sa'kin. Kukunin lahat ni Shanice ang lahat ng meron sa'yo."

Umiling ang dalaga. "Hindi, ina." Umatras ang dalaga. "Hindi niya iyon magagawa sa'kin."

Maayos na tumayo ang ginang, taas-noo nitong tiningnan ang anak. "E, si Kirby. 'Di ba inagaw niya si Kirby mula sa'yo? Hindi pa ba sapat 'yon para maniwala kang---"

Kaagad na umiling si Sheena. "Hindi ina, mali ka." Muling umiling si Sheena, napayuko. "Ako ang nang-agaw." Napatingin sa ina ang dalaga, gulat na ito. "Inagaw ko si Kirby para masaktan si ate Shan noon. Tinakot ko si Kirby para magpanggap na boyfriend ko para masaktan siya pero hindi ako nagtagumpay ina. Dahil mahal pa ni Kirby si ate Shan. Ako ang nang-agaw. Sige ina, papasok na ako." Tumalikod ang dalaga. Ilang hakbang palang ang nagagawa ni Sheena nang magsalita si Sheila.

"Sheena, bumalik ka rito!"

Napatigil sa paglalakad ang dalaga, ngunit nanatili itong nakatalikod sa ina. Umiling ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Papatunayan kong tatraydurin ka ni Shanice, Sheena!"

Hindi na pinakinggan ni Sheena ang sinasabi ng ina. Pumasok na siya sa loob. Naguguluhan na siya kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Pagkarating sa loob, tumigil sa paglalakad si Sheena at napatingin sa magbabarkada na busy sa paghahanda. Tiningnan niya si Angela na nagluluto na. Kaagad na tumakbo ang dalaga at niyakap ang matalik na kaibigan mula sa likuran.

Napatigil sa kasalukuyang ginagawa si Angela nang maramdaman ang dalawang braso na nakapulupot sa kanya.

Kinuha ni Jericho ang sandok na hawak ni Angela para palitan ang dalaga sa pwesto at makapag-usap ang dalawa.

"Ako na."

Tumango si Angela at tiningnan si Sheena.

"Nana?"

Tumingala si Sheena. "Payakap lang sandali, ate Shan."

Napailing si Angela.

*****

Katatapos lang maghanda ng magbabarkada. Pasado alas dos y media na nang hapon, maya-maya lang ay ba-byahe sila papunta sa destinasyong napag-usapan.

Umupo si Jericho sa tabi ni Angela. Nasa may sala ang dalawa.

"Napagod ka ba?"

"Hindi naman." Tiningnan ni Angela ang binata. "Cookies, gusto mo?"

Umiling ang binata. "Sa'yo nalang 'yan."

"Ikaw ang bahala."

Nanood ng telebisyon ang dalawa. Nakapokos ang atensyon nila sa pinapanood.

Samantala, napangisi ang magbabarkada nang makita sina Angela at Jericho na nakaupo sa sofa, nanonood ng telebisyon.

Naabutan nilang nakaakbay si Jericho kay Angela, amg huli ay nakasandal sa binata.


"Woaahh! Ang bilis natin bro!" Panunudyo ni Harley sa kaibigan.

Napangisi lang si Jericho, baliwala lang naman kay Angela ang panunudyo ng barkada.

Nanood na rin ang iba ng palabas. Maya-maya lang ay ba-byahe sila sa destinasyon nila kaya magpapahinga na muna ang mga ito.

"Bella,"

Kaagad na napatingala ang dalaga sa kasintahan, kumikislap ang mga mata nito.

Jericho chuckled. "Bakit?"

"Gusto ko kapag tinatawag mo akong Bella."

Nakangiting tumango si Jericho. "Bella na ang itatawag ko sa'yo."

"Yung Eric, gusto mo ba?"

Napaisip si Jericho. "Ang totoo, gusto ko 'yon. Kadalasan kasi, Echo, Jericho, o 'di kaya ay Jeric ang tawag nila sa'kin." Napangiti ang binata. "Gusto kong Eric ang itawag mo sa'kin para unique. Ikaw lang ang tumatawag sa'kin no'n."

Tumango ang dalaga. "Ge." Matipid itong ngumiti, pero masaya ang ngiting iyon, hindi pilit.

"Date tayo bukas?"

"Tch, magkasama na tayo ngayon, ta's magde-date na naman tayo bukas?" Napangiwi ang dalaga.

"Iba naman yung bukas. Date natin 'yon, as a couple." Namula ang pisnge ng binata sa nabanggit. "Ngayon kasi, date natin 'tong magbabarkada, selebrasyon 'to."

"Tch, gumagawa lang ng paraan?"

Napangisi ang binata. "Medyo."

Napabuntong-hininga ang dalaga. "Ge, may ipapakita rin ako sa'yo bukas."

"Sige, susunduin kita."

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.8K 51
Part 1 : Ray's Adventure "Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known."
24.3K 2.1K 30
ဇာတ်လမ်း အကျဥ်းကတော့ ဝတ္ထုခေါင်းစဥ်အတိုင်းပါပဲ... လင်းမာန်ခက wormhole ကို ဖြတ်လာပြီး လွန်ခဲ့တဲ့ အနှစ် ၂၀ ကို ရောက်လာတယ် ။ သူ့အဖေက သူ ၂နှစ်သားထဲက ဆုံး...
22K 1.3K 47
A Tragedy that befell the Family. A tragedy that cause an Arcie Solomon to change, the only child and unique survivor of the tragedy. Arcie Solomon...
915 200 18
Isang babae na masaya sa Mundong Namulatan nya kasama ang inaakalang mga Magulang nya At may na tuklasan Siyang mga bagay na masyadong Mahirap paniw...