Emotionless PRINCESS [Volume...

By DarkPhantooom

9.5K 101 80

UNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in th... More

KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
Emotionless PRINCESS

KABANATA 84

41 4 0
By DarkPhantooom

KABANATA 84

Kumakain ang magkakaibigan sa canteen. Nag-uusap tungkol sa naging ganap ng bawat isa no'ng valentine's day.

"Kumusta ang date niyo, Vanessang epal? Yieee!" Panunukso ni Rhea.

Napangiti naman si Vanessa. "Okay lang naman." Napatingin ito kay Harley. "Masaya."

Kinilig naman si Rhea, pati narin ang mga kasama nitong nakangiti lang.

"Sino ang hindi niyaya?" Panunudyo ni Alyson.

Kaagad na nakatanggap ng masamang tingin si Alyson. Tinawanan lamang ito ng dalaga.

Binalingan ni Rhea si Luhence. "Ipaliwanag mo." Pagtataray ng dalaga.

Napatawa naman si Luhence. "Actually guys, kaya hindi ko siya niyaya ay dahil ginawa kong surprise ang date naming dalawa."

"Woaah!" Namangha ang mga kasama.

"Kaya naman pala good mood ngayon, e." Komento ni Vanessa, may halong panunudyo na iyon.

Napairap na lamang si Rhea.

Natahimik ang mga estudyante nang marinig ang pagtunog ng campus speaker.

"Good morning students!" Patiuna ng dean.

"Kyaaahhh!"

"Tungkol na ba 'to sa prom?"

Usap-usapan ng mga estudyante.

"Today, I just want to announce that this coming friday, we will be celebrating The Night Promenade!"

"Kyaaaahhh!" Tilian ng mga estudyante.

Napangiti naman ang magbabarkada.

"So be ready. Show up your hidden beauty and be with your prom date. That's all. Thank you for listening."

"Kyaaaaahhhh!" Tilian ng mga estudyante matapos magsalita ng dean.

"Lu, sinong e-de-date mo?" Nakangising tanong ni Vanessa.

Napangisi naman si Luhence. "Si binibini---O, bakit?" Napatigil sa pagsasalita si Luhence nang makatanggap ng masamang tingin galing kay Rhea.

"Sinong ka-date ko kung si Shanny ang yayayain mo?" Pagtataray ni Rhea.

Palihim namang napatawa si Luhence, pinisil ang ilong ni Rhea kalaunan. "Sinong may sabing siya ang yayayain ko?"

Napairap si Rhea, umiwas ng tingin. "Kasasabi mo lang na si Shanny ang e-de-date mo."

"Hindi pa kasi ako tapos magsalita." Paliwanag ng binata, kalaunan ay tiningnan ang mga kasama. Papasalita na ang binata nang marinig muli ang pagtunog ng speaker.

"Miss Del Mundo, please come to the office. Thank you."

Napatingin ang magkakaibigan kay Angela. Ganoon din naman ang dalaga, kalaunan ay tumayo.

"Punta lang ako do'n."

Pagkaalis ni Angela, kaagad na binalingan ng magkakaibigan si Jericho. Para namang gustong umatras ng binata.

"Echo, magkwento ka naman sa naging ganapng valentine's date niyo ni Angela." Pamimilit ni Vanessa.

"Oo nga. Nakalimutan kong tanungin si Shanny tungkol diyan, e."

Napatingin si Vanessa sa dalaga. "E, pa'no, busy ka sa pag-iisip sa naging ganap no'ng date niyo ni Lu!"

Napangisi si Luhence, pero nakatanggap ito ng malakas na kurot mula sa dalaga.

"Aray!"

"Hahaha! Ayan! Magtiis ka Lu, alam mong sadista ang girlfriend mo---Aray!"

Nakatanggap rin ng batok ang dalaga.

"Sadista rin ang kaibigan mo." Nakangising saad ni Luhence.

"O," Baling ni Rhea kay Jericho. "Magkwento ka na, Jericho."

Nag-atubili ang binata. "Ayokong magkwento."

"Bakit?!"

Halos mapatakip sa tainga si Jericho sa lakas ng boses ni Rhea.

Nagsalubong ang kilay ng binata. "Hinaan mo nga 'yang boses mo." May inis sa boses ni Jericho.

Pinandilatan ng mata ni Rhea si Jericho.

"Pa'no ko hihinaan ang boses ko kung talagang malakas na ang boses ko?!"

"Edi 'wag kang sumigaw!"

"Bro." Awat ni Luhence sa binata.

Napatingin si Jericho sa binata, kalaunan ay napasandal sa upuan.

"Ayokong magkwento. Baka ayaw niyang i-kwento ko sa inyo ang nangyari no'ng sabado."

Kaagad namang naintriga ang magkakaibigan. Napadukwang sila ng kaunti sa mesa para lang mapalapit ng kaunti kay Jericho.

"Bakit, ano bang nangyari?"

d-.-b

"Kasasabi ko lang na ayaw kong e-kwento."

Napaismid na lamang ang magbabarkada, umayos na sa pagkakaupo.

Napataas ang kilay ni Rhea, nag-iisip ng posibleng nangyari sa dalawa.

Nanlaki ang mata ng dalaga nang may pumasok na ideya sa utak nito.

"Siguro may nangyari na sa inyo noh?"

Kaagad na nanlaki ang mata ni Jericho. "Hoy Rhea Go! Kababae mong tao ganyan na ang nasa isip mo!"

"E, pa'no ba naman kasi, ayaw mong magkwento!" Pagtataray ng dalaga.

Samantala, kakarating lang ni Angela sa opisina. Pinihit na ng dalaga ang pintuan, ngunit, kaagad na natigilan ang dalaga nang makitang may tao rin palang bumukas niyon mula sa loob ng opisina.

Bakas din ang gulat sa babaeng pumihit niyon pabukas.

Nagkatitigan ang dalawa. Bakas ang gulat sa isa't isa.

Nang matauhan, kaagad na yumukod ang babae.

"Paumanhin."

Napakunot-noo naman si Angela. Papasalita na ang dalaga nang maunahan siya ng dean.

"O, miss Del Mundo, nandiyan ka na pala." Nakangiti ito. Tumingin sa babaeng nasa tabi nito. "Miss Ai,"

Kaagad na napatingin si Angela sa babae.

'She must be the original secretary.'

"Ang totoong secretary ko."

Tumango lang si Angela. Pero nagtataka na ang dalaga kung bakit kailangan pang ipakilala sa kanya ang babae.

"Miss Ai," Baling nito sa orihinal na sekretarya. "This is Angela Shanice Del Mundo, ang babaeng tumulong sa'kin noon."

Kaagad namang napatingin ang babae kay Angela. Nakakunot ang noo nito. Papasalita na ang babae nang may biglang sumigaw.

"Miss Aiiiiii!" Tili ni Sheena, tumatakbo at kaagad na pumasok sa opisina. Hindi alintana ang presensiya ni Angela sa may pintuan. "Masaya akong bumalik ka na! Alam mo bang ang sama-sama sa'kin ni Miss Aira? Pangit na nga, masama pa ang ugali!"

Napatawa ang babae. "Baka may ginawa kang mali, Miss Choi."

Napanguso si Sheena. "Wala kaya."

Napatikhim si Angela. "Dean, meron po ba kayong i-u-utos sa'kin?"

Napabaling ang tingin nila sa dalaga. "Wala naman, Miss Del Mundo." Nakangiti na naman ito. "Gusto lang kitang ipakikilala sa totoong sekretarya ko. Sige na, pwede ka nang bumalik sa canteen, Miss Del Mundo."

Tumango ang dalaga. "Sige po, dean, Miss Ai."

Bumalik na sa canteen ang dalaga, nadatnan na nag-uusap-usap ang magkakaibigan.

"

O, nandiyan na pala si Angela." Saad ni Vanessa nang makita ang pagpasok ng dalaga sa entrance.

"Shanny, pwede bang pumunta tayo sa boutique mamayang hapon?" Naka-puppy eyes si Rhea para lang pumayag ang kaibigan.

d-.-b

"Masyado pang maaga para pumili ng maisusuot, Rhea."

Napanguso ang dalaga, nag-iisip ng magandang dahilan. "Anong maaga, Shanny?! Lunes na ngayon, ta's biyernes na ang prom! Sa'n doon ang maaga? Kung maaga pa 'yon para sa'yo, edi sige, maaga pa." Ngumisi ang dalaga. "Maganda kung maaga tayong pumili ng maisusuot para ready na tayo sa darating na prom!"

Napatawa naman ang mga kaibigan nang marinig ang sinabi ni Rhea. Naghahanap talaga ng magandang paliwanag ang dalaga para lamang makapunta na ng boutique.

"Tch!" Tanging nasabi ni Angela bago umupo.

"Sige na, Shanny---"

"Oo na."

"Talaga?!"

"Hin---"

"Waaah! Mahal mo talaga ako, Shanny!"

Napailing-iling na lamang ang dalaga.

The bell is ringing. Kaagad na tumayo ang mga estudyante para pumunta na sa kanya-kanyang rooms.

"Vanessang epal, tayo ba ang pipili ng magiging date natin, o bubunot na naman ang mga lalaki?" Napangiwi si Rhea sa huling ideya.

Napangiti naman si Vanessa, umiling. "Tayo ang pipili. Well, pipili tayo ng ka-date if ever marami ang aalok sa'tin niyon. Pero kung isa lang naman, wala nang dahilan para mamili." Ngumisi ng nakaloloko ang dalaga.

Kaagad na nakatanggap ng masamang tingin si Vanessa.

"Dami pang sinasabi, pipili ka lang naman ng sagot sa dalawang sinabi ko sa'yo." Pagtataray ng dalaga.

"Pfft!"

Pagkapasok sa room, kaagad silang nagsi-upo sa upuan nila.

*klak*

Kaagad na nagsi-ayos ng upo ang mga estudyante nang dumating na si Miss Kyla.

Kapapasok pa lamang ng lecturer, nakataas na kaagad ang kilay nito kay Angela.

Palihim na napangisi ang dalaga.

'Ang gandang bungad ah?'

Palihim na nakatanggap ng irap si Angela mula sa lecturer. Napailing-iling ang dalaga, pero nagtaka ito nang mapansing wala manlang itong sinabing nakakainsulto sa kanya. Noon naman, kapapasok pa lamang, dadada na ito, at si Angela ang puntirya nito. Pero ngayon, irap na lamang ang ginawa nito.

*****

Bumabyahe na ang magkakaibigan papunta sa SBS Fashion Boutique. Habang nasa iisang van, nagtanong si Vanessa.

"Angela, magkwento ka naman ng ganap niyo sa valentine's date niyo ni Jericho. Ayaw niyang magkwento, e. Baka raw ayaw mong i-kwento niya sa'min."

Napatingin si Angela sa katabing si Jericho. Napaiwas naman kaagad ng tingin si Jericho. Palihim na napangiti si Angela.

"Pumunta kami ng amusement park at sumakay doon."

Napatanga naman ang magkakaibigan habang nakatingin sa dalaga.

"'Yon lang?"

Nagtaka ang dalaga.

"Oo."

"'Yon lang?!"

d-.-b

"Oo nga."

"Pfft!"

Napatingin ang magkakaibigan kay Rhea nang bigla itong humagikhik.

"Bakit? Sinaniban ka na?" Panunudyo ni Vanessa.

Napairap si Rhea. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo na walang kwenta magkwento si Shanny."

Nagsiupo na lamang ang magbabarkada. Tila sumuko na sa pagpupumilit sa dalawa na e-kwento ang nangyari nito sa valentine's day.

Kaagad na nagsibaba ang magkakaibigan nang dumating na sa SBS fashion boutique.

"Tara."

Kaagad na pumasok ang magkakaibigan sa loob.

"Carla!" Tawag kaagad ni Vanessa sa kakilalang bakla kapapasok pa lamang nila ng boutique.

Bumukas ang pinto ng opisina at lumabas doon si Carla.

Nanlaki ang mata nito. "Miss Wangggg!"

Kumalas sa yakap ang bakla. "O, may kailangan na naman kayo?"

Napatango si Vanessa. "Prom na namin sa biyernes. Sana naman ay may magandang maisuot diyan no?"

"Naku, magaganda lahat ng damit dito, Miss Wang. Alam mo na 'yan."

Napatawa si Vanessa. "Alam ko na 'yan. Binibiro lang kita."

Binalingan nito si Luhence na nasa may dulo. "O my gollygosh! Fafa Luhence! Bumalik ka!"

Papatakbo na ang bakla papunta kay Luhence nang pigilan ito ni Vanessa.

"Nandiyan ang girlfriend. Paalala, sadista ang girlfriend niya, maingay pa."

Nakatanggap nang masamang tingin si Vanessa, pero hindi iyon napansin ng dalaga dahil nakatalikod ito mula kay Rhea.

Napatingin naman ang bakla kay Rhea na noon pa man ay napagkamalan ng girlfriend ni Luhence. Napataas ang kilay ng bakla.

Napataas din ang kilay ni Rhea sa ginawang pagtingin ng bakla sa kanya. Nginisihan niya ito bago ipinakita ang middle finger.

Napamaang ang magkakaibigan. Hindi nila inaasahan na gagawin iyon ni Rhea.

Napaismid lang ang bakla bago sila iginiya sa mga damit.

"Choose whatever you like. Choose what you know you are comfortable with. Libre na ang susuotin niyo,"

"Woaah!" Kantyawan ng magkakaibigan.

"Maliban sa babaeng 'yan." Sabay turo kay Rhea.

Napanganga si Rhea, kalaunan ay napangiti. "Walang problema sa'kin 'yan." Saad ng dalaga.

"Times 3 ang presyo." Nakataas ang mukha ng bakla.

"Ano?!"

"Times 3." Ulit ng bakla.

"Times 3?! E kung patayin kita ngayon, ita-times 3 ko rin 'yang katawan mo! Gusto mo?!"

Napamaang si Carla, napalunok pa.

"Hahahaha!" Tawanan ng barkada.

"Told 'ya, Ricardo. Sadista ang babaeng 'yan. Kung kaya niyang manakit, kaya rin niyang pumatay."

Inirapan lang ni Carla si Rhea. "O siya, mamili na kayo riyan at may gagawin pa ako. Ikaw na munang bahala sa kanila, Miss Wang." Pinandilatan lang nito ng mata si Rhea bago umalis.

"Pumili na kayo guys." Saad ni Vanessa matapos makaalis ni Carla.

Papalakad na si Angela nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Love calling...

d-.-b

"Sagutin ko lang 'to." Paalam ng dalaga sa mga kasama.

"Sino 'yan Shanny?"

"Love." Simpleng sabi ni Angela bago lumabas.

Naintriga naman ang magkakaibigan.

"Pumili na tayo." Saad ni Rhea bago humarap sa mga damit.

Hindi naman nakinig ang mga kaibigan, sumunod ito kay Angela para pakinggan ang pag-uusap nito kay Love.

"Van---Nasa'n na ang mga 'yon?" Nagtaka si Rhea nang paglingon niya ay wala na siyang kasama.

Samantala, sinagot na ni Angela ang tawag matapos makalabas ng boutique.

"Hello?"

["Love, na-miss kita!"]

d-.-b

"Anong pakay mo?"

["Hindi manlang nangumusta.]

"Tch! Busy ako."

["Pwede akong pumunta riyan?"]

Napakunot-noo ang dalaga. "Hindi. Hindi ka rin naman makakapunta rito dahil alam kong busy ka."

["..."]

d-.-b

Napabuntong-hininga ang dalaga. Kapag natatahimik na ang kakilala, alam na niya kung bakit.

"Love,"

Napataas ang kilay ng magbabarkada nang marinig ang salitang love. Nagkatinginan ang mga ito.

"Na-miss kita."

Kaagad na nanlaki ang mata ng magkakaibigan. Ang iba ay napanganga. Ang iba ay napa-woah. Ang iba ay napatakip sa bibig.

Napataas naman ang kilay ni Rhea nang makita ang barkada sa may pinto. Nakasilip ang mga ito sa kaunting awang na ginawa sa may pinto.

"Anong ginagawa niyo?"

"Ay kabayo ka!" Napasigaw ang magbabarkada.

Paglingon ng magbabarkada kay Angela, kaagad na nanlaki ang mata nila nang makitang papalingon na si Angela sa kanila. Kaagad silang nagsitago. Nagkakauntugan pa. Ang iba ay nadapa.


Napabalik sa unang ayos si Angela. "Sige na, may gagawin pa ako."

Pinatay na ng dalaga ang linya.

Kaagad namang naalarma ang magkakaibigan nang makitang papasok na si Angela. Nagsitakbo sila at nagkukunwaring may ginagawa sa kung saang sulok.

Hindi pa man nakapasok ang dalaga ay may tumawag na rito.

"Love!"

Napatigil sa pagbukas ng pinto si Angela at napatingin sa taong tumawag ng endearment na iyon.

"Love?" Napakunot-noo ang dalaga.

Napangisi naman ang kaharap. "Sinong may sabing hindi ako makakapunta rito?" Taas ang noo nito.

"Tch! Anong ginagawa mo rito?"

"Binibisita ka." Simpleng sagot nito. "Nasa'n si Riri?"

"Nasa loob."

Tumango ang kaharap at kaagad na pumasok ng boutique.

"Ri?"

Kaagad na napatingin si Rhea sa tumawag sa kanya. Nanlaki ang mata ng dalaga.

"O my gosh, Lavido! Nakapunta ka!" Ginawaran ni Rhea ng halik sa pisnge ang kaharap. "Ayusin mo ang boses mo, nahahalata ka, e." Bulong nito sa kaharap.

Nakatanggap ng kurot sa tigiliran ang dalaga. Napatawa lang si Rhea sa ginawang iyon ng kaharap.

Lingid sa kaalaman ng dalaga, nakatingin na ng seryoso si Luhence sa kanila.

"Guys, this is Lucas Vince Del Mundo---"

"Asawa mo Angela?"

d-.-b

Natigilan naman si Vanessa nang may napagtanto. "O my gosh!" Napatakip sa bibig si Vanessa. "LV? LV, the leading designer in the fashion world?"

Taas-noong tumango ang lalaki. "Ako nga."

"Waahhhh!" Kaagad na lumapit si Vanessa. "Pwedeng pa-picture?"

"Sure." Saad ng lalaki.

"Teka," Singit ni Harley, nakakunot ang noo. "Fashion designer ka?"

Napatingin ang lalaki kay Harley. "Oo. At ako ang tagapangalaga riyan." Sabay turo kay Angela. "Bakit, anong meron do'n?"

Napangiwi si Harley. "E, 'di ba pambakla---"

"Walang pinipiling kasarian ang fashion industry, Mr. Hernandez. At isa pa, sinong may sabing lalaki ako?" Lumambot na ang boses nito.

Napamaang ang magkakaibigan maliban kay Angela at Rhea na alam na ang totoong kulay nito.

"What the hell!" Kaagad na napamura si Harley, napaatras ng kaunti.

"Bwahahaha!" Malakas na tawa ni Rhea.

Napangiwi naman ang magkakaibigan.

Napatawa naman si Vanessa. "Kaya nga nagtaka ako kanina, e. Dahil alam kong bakla si LV, hindi lalaki."

"Well, kinausap lang naman ako ng alaga kong si Ri na magpanggap akong lalaki."

"Uh-oh!" Napaiwas ng tingin si Rhea.

"O siya, pumipili ba kamo kayo ng maisusuot para sa prom niyo?"

"Yes!" Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.

Napangiti naman ang bakla. "Well, matutulungan ko kayo. Tara." Nagpatiuna na ang bakla sa paglalakad.

Naglilibot-libot pa sila para tingnan ang lahat ng klase ng mga damit. Nakasunod lang sila kay LV.

Napatigil sa paglalakad si Rhea nang makatanggap ng text message.

"Lumabas ka." Mahinang basa ng dalaga sa mensahe. Napakunot-noo si Rhea nang makitang unknown ang nag-message niyon. Tiningnan niya ang mga kasama. "Labas lang ako."

Nagpatuloy lang sa pagtingin-tingin ang iba.

Napatingin si Angela sa may likurang bahagi at nakita ang ginawang tahimik na paglabas nina Alyson, Adam at Aishia.

"Labas lang ako." Paalam ng dalaga sa mga kasama. Kaagad niyang sinundan ang tatlo.

Lumabas ng boutique si Angela, mahinang naglakad papunta sa isang sulok upang silipin ang mga kasama sa likurang bahagi ng boutique.

Pagsilip ng dalaga, nakita niya roon sina Alyson, Adam, Aishia, Sheila Choi, at Rhea.

Napakunot-noo si Angela.

'Anong ginagawa ni Rhea diyan?'

*klak*

Napatingin sa may pinto si Angela nang bumukas iyon. Kaagad na naglakad ang dalaga palapit kay Luhence na siyang nagbukas ng pinto kanina para hindi mahalata ang ginagawa niya kani-kanina lang.

"Payat."

"Nakita mo si Rhea?"

"Hindi. Baka may tinawagan lang." Pumasok ang dalaga. "Hindi ka pa papasok?"

Napalingon si Luhence sa paligid, kalaunan ay napatingin na sa dalaga. Pumasok na rin sa loob.

"Tara."

Continue Reading

You'll Also Like

54.4K 7.2K 77
"Se refiere a la belleza de corta duración de la flor de cerezo" ╰──➢ Advertencias ✧ ⁞ ❏. Omegaverse < SLOW BURN ⁞ ❏. Todoroki Bottom! ⁞ ❏. Smu...
22.5K 1.3K 47
A Tragedy that befell the Family. A tragedy that cause an Arcie Solomon to change, the only child and unique survivor of the tragedy. Arcie Solomon...
6.6K 361 31
Suddenly became the daughter of a wealthy family? Worst, she needs to enroll in the school owned by her biological father. Why worst? Because it's a...
19.2K 474 6
Love is in the air in Konoha, so brace yourself for a couple of oneshots! <3 Generations vary (e.g Naruto, Naruto Shippuden, Boruto, The Last) Cover...