The Way We Were

By imthatstarlight

17.9K 624 85

What if you fall in love to your boyfriend's best friend? More

The Way We Were
Prolouge ❤️
Must Known ❤️
Chapter 1 ❤️
Chapter 2 ❤️
Chapter 3 ❤️
Chapter 4 ❤️
Chapter 5 ❤
Chapter 6 ❤
Chapter 7 ❤️
Chapter 8 ❤️
Chapter 9 ❤️
Chapter 10 ❤
Chapter 11 ❤
Chapter 12 ❤️
Chapter 13 ❤️
Chapter 14 ❤️
Chapter 15 ❤️
Chapter 16 ❤️
Chapter 17 ❤️
Chapter 18 ❤️
Chapter 20 ❤️
Chapter 21 ❤️
Chapter 22 ❤️
Chapter 23 ❤️
Chapter 24 ❤️
Chapter 25 ❤️
Chapter 26 ❤️
Chapter 27 ❤️
Chapter 28 ❤️
Chapter 29 ❤️
Chapter 30 ❤️
Chapter 31 ❤️
Chapter 32 ❤️
Chapter 33 ❤️
Chapter 34 ❤️
Chapter 35 ❤️
Chapter 36 ❤️
Chapter 37 ❤️
Chapter 38 ❤️
Chapter 39 ❤️
Chapter 40 ❤️
Chapter 41 ❤️
Chapter 42 ❤️
Chapter 43 ❤️
Chapter 44 ❤️
Chapter 45 ❤️
Chapter 46 ❤️
Chapter 47 ❤️
Chapter 48 ❤️
Chapter 49 ❤️
Chapter 50 ❤️
Special Chapter ❤️
Epilouge ❤️
MUST READ!!!!
Special Video
Special Video
To my readers...
EXO'rDIUM in Manila Ticket Giveaway!!

Chapter 19 ❤️

310 12 0
By imthatstarlight

Baka maging mahaba po ang chapter na ito dahil.....

*BED SCEEN DAW???

*Mag kaka aminan na ng tunay na nararamdam ang Sestal

*Mag aaway ang HunHan

*Final Competition sa MAIS..

*May Birthday Celebration si BRYAN (XIUMIN)

*At ang huling kita nila kay Ashely?????????????????

==================================================================

It's Saturday....

At syempre dahil saturday, alam niyo na kung anong meron. Pero bago pa man ako makatulog kagabi ay tumawag na ako kay Ms. Abby para sabihing hindi ako makaalis ngayong bahay dahil madami akong kaylangang tapusin kahit wala naman. Buti nalang at pumayag siya dahil madami din daw siyang tatrabahuhin sa hotel.

Naligo na ako ng pagkagising. Maaga akong nagising kaya naabutan ko si Kuya Clyde bago umalis kanina. Tumawag daw si Daddy sa kanya kagabi para magreport at mag visit sa hotel ngayong araw. Kasama niya dawsi Zoe. Baka daw after lunch na siya makauwi dahil sa dadaanan pa daw siya sa bahay na pinapagawa ni Daddy. Pasalamat nalang talaga ako at hindi matanong si Kuya Clyde.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng breakfast dahil kanina pang ungot ng ungot si Kyle dahil gutom na siya.

"May bisita ka" sabe nito kaya napalingon ako at nakita ko si Dale. Kaya naman hindi ko namalayan ang niluluto ko. Sa pagkabigla ko sa pagdating niya, nagsala ang hawak ko sa pan. "Aray!!"

Kaagad akong nilapitan ni Dale at kinuha ang kamay ko. Tinignan niya ito bago kumuha ng ice cube sa ref. Kumuha siya ng towel para ibalot sa yelo. Kinuha niya ulit ang kamay ko at nilagay iyon sa may paso.

Kinuha ko yun sa kanya at binawi ang kamay ko. "Ako na" mataray kong sabe. "Bakit ka ba nandito? Wala tayong pupuntahan ngayon. Tumawag na ako kay Ms. Abby"

Lumapit siya sa lutuan at siya na ang nagpatuloy ng niluluto ko. "Kaya nga nandito ako"

Sinubukan kong agawin sa kanya ang laddle. "Ako na dyan.."

"Hindi na" he insisted. "Ayusin mo nalang yung dining area"

Inis akong umalis sa tabi niya at inayos nalang ang dining. Di nagtagal ay natapos na siyang magluto. Nilagay na niya ang lutong pagkain sa dining. Tinawag ko naman si Kyle na busy sa pag gigitara para makapag simula na kaming kumain. At dahil ako ang nagluto si Kyle ang naglinis ng lahat.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Dale ng sundan niya ako sa labas ng bahay.

Nilingon ko siya at tinignan ng masama. "Ikaw ang sumagot sa tanong mo." nag cross arm ako. "Bakit ka ba talaga nandito?"

"Hindi mo ba alam?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Birthday ni Bryan ngayon. Hindi ka ba pupunta?

Tumakbo ako papunta kusina para tanungin si Kyle. "Oo. Hindi mo alam? Hindi ka ba pupunta?" pabalik na tanong ni Kyle ng tanungin ko siya. "Tulog ka na kasi kagabi kaya hindi ka na naman nasabihan. But you're supposed to know that already. Wag mong sabihin sakeng hindi moalam e halos ilang taong na tayo-tayong nagkakasama"

"Nagtanong lang ako ang dami mona agad nasabe. Sorry ha?" tinalukuran ko na sila at dumiretso sa kwarto.

Doon nalang ako nagstay at nanood ng TV hanggang hapon. Naka ilang movies ako kaya hindi ko napansin na nasa malapit na palang mag 6 ng gabi. Hindi na din kasi ako nakaramdam ng gutom dahil siguro kumakain din ako ng junk foods.

At dahil hindi ko na i-lock ang pinto, biglang pumasok si Yanni kasama si Yoona at Zoe. At mukhang ready na silang pumarty. Samantalang ako nakapambahay lang.

Umupo sila sa tabi ko. "Hindi ka ba sasama samen?" tanong ni Yoona. "Maghapon ka na pala dito..."

"Kung ano man yung nangyari this past few days, kalimutan na naten yun" sabe ni Zoe. "Birthday ni Bryan ngayon.. kaya kaylangan kumpleto tayo though wala si Ivan."

Nagsalita naman itong si Yanni. "E ano pa.. Andyan naman si Dale" kahit kelan sala din magsalita itong si Yanni kaya naman tinignan siya nina Yoona.

Tumayo nako. "Tama na yan. Magbibihis lang ako"

Tamad na tamad akong pumasok sa walk in closet ko. Habang pumipili ako ng damit na isusuot napatingin ako sa gawing kinatatayuan ni Dale noong nagtago siya dito ng biglang dumating si Ivan. Napangiti nalang ako.

Nang makakita ako ng maisusuot ay nagpalit na ako. Panigurado kasing hihintayin ako ng mga ito hanggang sa makalabas ng kwarto. Paglabas ko ng pinto ay kaagad akong hinila nina Zoe sa vanity table ko. Wala na akong nagawa ng sila na ang nag ayos ng mukha. Alam na namannila kung paano ako mag ayos. Simple lang.

Pagbaba namen, doon ko lang nalaman na nandoon na pala lahat except kay Zander at Zinnia. Dito pala ang meeting place at hindi ko alam.

"Sina Zander ba?" tanong ni James.

"Hindi yun sasabay" sagot naman ni Luke. "Baka doon nalang daw sila dumiretso"

"Sa daw ba ang party?" pabulong na tanong ko kay Yanni.

"As usual.... Ayaw ni Bryan magparty sa pad niya kasi mahihirapan daw siyang maglinis"

Lumabas na ang ilan para sumakay sa kotse. Hindi ko alam kung bakit si Dale ay mistulang nasa likod ko kahit hinihintay ko lang naman si Kyle na naglock ng pinto.

Nang makalabas kami ng gate. Biglang nagsalita si Kyle. "Sa kotse ka na ni Dale sumakay"

Napatigil ako sa paglalakad. "Ano?! E san ka? At bakit?"

"Sa kotse ni Kuya. Wag na daw dalhin yung isang kotse" paliwanag niya. "Sa kotse sasakay si Lance at Stephen. Kasama mo naman sina Luke at James"

"Kyle!!!!!!"

Hinila ako ni Dale papunta sa kotse. Binuksan niya ang pinto. "Sakay na"

At ano pa ba ang magagawa ko kung hindi ang sumakay. For sure, lalapitan na naman ako ng mga kaibigan kong babae dahil dito.

"Mag seat belt ka" paalala ni James na ginawa ko naman.

Tumingkayad naman si Luke para buksan ang player ng kotse ni Dale at nagpatugtog ng malakas. Gusto ko sanang magsalita kaso naalala kong nakikisakay lang ako.

Gabi na ng makarating kame sa bar kung saan gaganapin ang party ni Bryan. Hinihintay pala kami ni Zander sa labas. Nag manly hug silang lahat ng magkita kita. Akala mo hindi nagkita kahapon.

"Let's go guys" pagyaya ni Zander. "Kanina pa kayong hinihintay sa loob"

"Halata nga e" sagot naman ni Kuya Clyde at magkaakbay sila. "Amoy alak ka na."

Nagtawanan ang ilan. Pumasok na kami sa loob. Kasamay ko si James at nasa likod naman namen si Kyle, Luke at Dale.

Maaga palang madami ng tao. Palibhasa, saturday kaya maraming kabataang tulad namen. Umakyat kami sa second floor ng lugar.

"hindi exclusive yung bar for us dahil hindi pumayag yung may ari pero yung second floor, exclusive lang para saten at sa mga dadating na friends and families ni Bryan" pasigaw na pagpapaliwanag ni Zander.

Pagdating namen sinalubong kami ni Callie at Bryan samantalang kita ko si Kloeh na nakaupo sa may couch. Kanya kanyang bati at yakap kami kay Bryan. Nagbigay din sila ng regalo sa kanya. Nakakahiya dahil wala akong naibigay. Ang tanga ko kasi. Sa dami kong iniisip nakalimutan kong may magbibirthday pala sameng magkakaibigan.

Niyaya na kami ni Callie umupo. Bali nakabilog ang couch at nasa gitna ang table para daw lahat ay magkakatabi at magkakaharap.

"Thank You Guys" sabe ni Bryan. "Almost 12 years ko na kayong kasama sa birthday ko. Kaya thank you talaga. "Sayang lang at hindi tayo kumpleto ngayon. For today ang for our friendship.. Cheers guys"

Tinaas namen ang kanya kanyang bote na hawak namen at nagsigawan ng cheers. Sumasabay na ang mood ko ngayon dahil na din siguro sa tugtog at sa pagiging maingay nina Yanni. Katabi ko Yanni sa sa right side at katabi ko naman si James sa left side.

Sa pagtakbo ng oras hindi ko namalayang naka ilang bot na pala ako, panay kasi ang kwentuhan namen nina Yanni. Nagkaroon ng konting games na hilig gawin ng magkakaibigan hanggang sa natapos at ang iba'y gumawa ng kanilang usapan. Ang ilan naman tulad ni Zander at Zinnia, kasama sina Lance at Luke ay nasa dance floor at nagsasayaw. Hindi lang naman kami ang mga bisita ni Bryan dahil meron din iba tulad ng mga pinsan niya.

Maya-maya pa ay niyaya ako ni Yoona para pumunta sa rest room. At pagbalik namen, napansin kong may nakaupo na ulit si Dale sa couch at may katabing babae. Katabi din nito si Kyle at Luke. Paupo namen ni Yoona doon ko lang napansin na nandoon din pala si Zoe at may kausap na nakilala ko naman kaagad.

"Ashely" pagtawag ni Zoe sa attention ko. "I hope you remember Vanessa.. and her friend Bora"

Tumango ako. "Of course.." nakangiti kong sabe.

"Magpapatulong sana sila sayo" sabe ni Zoe.

"Ano yun?" tanong ko.

Humarap saken si Vanessa "Nagkaproblema kasi kami ni Bora for the competition.. gusto sana nameng humingin ng tulong sayo. Nalaman kasi namen songwriter at composer ka at the same time. Gusto sana naming kumuha ng kanta from you, we'll pay for it."

Nasamid naman ako sa ininom kong cocktail. "No need to pay for it. I'll help you with that. Sa inyo ko nalang ibibigay yung kakantahin ko for speacial performance"

Tinapik naman ako ni Yoona sa balikat. "E anong kakantahim mo sa friday?"

"I'll just make another one. Don't worry about me" tinignan ko si Vanessa. "Maybe we'll see each other on monday. Sa bahay nalang tayo para ma practice niyo ng ilang beses at maituro ko din yung tempo."

"No problem. We'll wait you outside your school on monday"

Pagkatapos nameng mag usap tungkol doon ay silang dalawa na ni Zoe ang nag usap. At kami na ulit ni Yoona ang magkausap tungkol sa nalalapit ng final competition this upcoming friday. Tinanong niya din ako tungkol sa nangyaring pagrerecord namen nina Zinnia ng kanta. Wala si Gio, siguro ay nasa dance floor kasama ang mag boyfriend na sina Yanni at Nathan.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa gawi nina Dale dahil mukhang enjoy na enjoy sila sa pakikipag usap kay Bora lalo na si Dale. At habang nagtatawanan silang dalawa, naiinis lang ako. Niyaya ko si Yoona sa bar counter para kumuha ng ibang drinks pero hindi na kami nakabalik sa taas ng hilahin ni Gio si Yoona sa dance floor.

Umupo ako sa stool bar at uminom mag isa. May mga pagkakataon na hinihigit ako nina Yoona sa dance floor pero hindi ko pa mafeel. Umiinom at tumatawa lang ako habang tinitignan silang nagwawala sa gitna. Kung nandito lang sana si Ivan, mas mag eenjoy ako.

Maya-maya pa'y nakita ko na din sa dance floor sina Bryan at Callie, Si Kuya Clyde at Zoe. Nandoon din si Lance na nakikipagsayaw sa hindi ko kilalang babae. Si Stephen naman nasa tabi ng DJ at doon nagpaparty. Si James? Nasaan kaya si James?

Inikot ko ang mga mata ko sa buong lugar. Nag baka sakaling makita ko siya kahit madaming tao. Kanina po kasi siya hindi nakikita. Baka mamaya nakidnap na yun. Mukha pa naman yung bata. At nakita ko ng si James na nasa kabilang bar counter at may kausap.. Hindi ko matanaw kung sino ang kausap niya dahil nahaharangan ito ng tao pero mukha namang nag eenjoy si James.

"Bunso!!"

Nagulat nalang ako ng biglang dumating si Kyle at mukhang malaki na ang sapak nito sa utak. Inakbayan niya ako at hinila pababa sa kinauupuan ko. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. hanggang sa hindi na ako makahinga. Buti nalang bigla siyang hinila ni Dale palayo at siya naman ang kinulit ni Kyle.

Pumunta sla sa dance floor sa kinatatayuan nina Gio. Akala ko ay makiki jamming din si Dale, hindi ko inaasahang babalik siya sa kinatatayuan ko. He ordered brandy sa bartender.

"Kanina pa kitang hinahanap, akala ko umuwi ka na" sabe niya

I smled and look at him. "You're too busy talking to Bora" I smirked. "Nasaan ba siya?"

Bahagyang natawa si Dale. "You're acting that you're jealous"

"What the..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang naitulak ako ng lalaking nasa tabi ko. Naalalayan agad ako ni Dale dahil muntikan na akong matumba.

"Sorry" sabi nung babae na nakaalalay naman dun sa lalaki "He's drunk already" nginitian ko lang yung babae at umalis na sila.

"Ok ka lang?" tanong ni Dale pero siya na naman ang sumagot sa tanong niya. "Syempre, ok ka.. Kasama mo yata ang pinakagwapong lalaki dito sa bar"

"HAHA" pilit kong tawa. "As you wish"

At dahil naalala ko yung itsura ni Dale habang katabi at kausap si Bora patuloy ko lang siyang tinarayan at siya naman at patuloy na nang aasar pero habang tumatagal ay nagiging ok naman ang pag uusap namen.

Kumpleto ulit kami ng magkayayaan sa taas. Lahat kami ay umupo sa inupuan namen kanina. Umorder pa si Bryan ng food and drinks. Medyo nakakaramdam na din ako ng hilo. Halatang ang ilan din sa kanila ay madami ng nainom tulad ni Zander na kinukulit si Zinnia. Si Yoona nakahilig na sa balikat ni Gio. Si Stephen at Lance halatang madami na ding nainom dahil panay ang tawanan nilang dalawa. At ang lasing na talaga ay si Kyle, panay ang pangungulit niya kay James na hindi naman siya pinapansin.

"Walang uuwi ng hindi lasing ahhh"

Sigaw ni Bryan na halatang kayang kaya pang uminom. Kayang kaya pa siyang sabayan ni Gio, Luke at Dale. Tinatanong niyo kung nasaan na si Nathan at Yanni. Heto sila sa tabi ko at sila ang pinakamaingay sa lahat. At sa pagkakataong ito, katabi ko din si Dale.

"Why don't we play a game?" pagtatanong ni Yanni. "Let's Play 007 Bang pero syempre iba yung punishment.."

Nagsalita naman si Nathan. "Kung sino yung matatalo, iinom"

Biglang tumunghay si Yoona. "E paano naman kaming hindi sanay sa larong yan"

"E di matuto ka ng hindi mapainom" pabirong sagot sa kanya ni Nathan.

Sa totoo niyang, alam ko ang larong to dahil malimit tong laruin nina Kuya noon. Marunong naman akong maglaro pero kalimitan, natatalo ako. Pero this time gagalingan ko na dahil ayoko ng uminom. Baka di ko na kayanin.

Nagsimula ang game. Lahat kami ay kasali. At dahil si Kyle ang expert sa laro na ito kahit lasing na siya ay alam pa din niya ang gagawin niya. Halos matagal kaming nalaro at talagang nakakaenjoy kahit nakaka sampung beses na akong talo. Kaya sa huli, hindi ko na talaga kinaya.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko nalang na umalalay saken sa pagtayo. Namukhaan kong si Dale yun at ang dami niyang sinasabi na hindi ko naiintidihan. Panay din ang ngiti niya saken at pansin kong nkikipagtawanan pa siya sa kausap niya sa likod.

Ramdam ko ang pagbaba namen sa hagdan hanggang sa makalabas kami ng bar at maisakay niya ako sa kotse. Pakiwari ko'y kasama na naman namen si Luke sa loob ng kotse dahil nagpatugtog naman siya ng malakas. Narinig ko ang boses ni Kyle na nakikiasabay kay Luke sa pagkanta.

Medyo malabo na ang paningin ko pero kilala ko pa din kung sino ang mga nakikita ko. Sumakay si Dale sa kotse. Kita kong dahan dahan lumalapit ang mukha ni Dale sa mukha ko. Umiwas ako dahil akala ko hahalikan niya ako pero ang totoo, aayusin lang pala niya ang seatbelt. Kitang kong tumawa pa siya bago tuluyang pinaandar ang kotse.

Wala na akong naala sa mga sumunod pang nangyari. Napansin ko nalang na naglalakad kame at pumasok sa isang pinto. Naririnig ko pa ang boses ni Luke na talagang nagwawala sa pagkanta at dahil alam ko yung kinakanta niya hindi ko na napigilan sumabay.

"Ihahatid na kita sa kwarto" boses yun ni Dale at klaro pa saken ang sinsabe niya. "Matulog ka na"

Pakiramdam kong anytime ay tutumba ako. Inalalayan niya ako paakyat sa hagdan. Nakaalalay ang kanang kamay niya sa kamay ko at ang isang kamay niya ay nasa waist ko. Pumasok kami sa isang kwarto. Wala akong masyadong makita at tanging ilaw lamang mula sa labas ang nagbibigay ng konting liwanag.

Dahil pagewang gewang akong maglakad, napatid ako at muntikan na namang matumba. Napakapit ako sa balikat ni Dale at siya naman ay umalalay sa likod ko. Tumama sa mukha niya ang liwanag na nagmumula sa labas. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang itsura ngayon ni Dale. He's looking at me differently.

I'm in love with Dale. Ramdam ko yun sa sarili ko lalo na sa mga oras na ito. Nagtitigan kami ni Dale at sa pangatlong pagkakataon ay hinalikan na naman ako ni Dale. Dahan dahan niya akong itinayo nang hindi naghihiwalay ang mga labi namen. Unang gumalaw ang mga labi ni Dale at dahil hindi ko na kayang pigilan ang nararamdan ko, sinagot ang bawat galaw ng labi niya. Hinapit niya ang katawan ko palapit sa kanya at ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Unti-unti ng nanghina ang tuhod ko......

**

Narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tinakluban ko ang tenga ko ng unan dahil inaantok pa ako at wala pa akong ganang tumayo. Pero nakakailang ring na ang cellphone ko kaya kahit nakapikit inabot ko ang cellphone ko sa side table. Sa kakaabot ko, nalaglag na ako sa kama. napatama ang noo ko sa sahig. Kaya naman napilitan na akong magmulat ng mata at bumangon.

Teka?! Nasan ako? Hindi ko kwarto to ahhh. Inilibot ko ang mata ko sa paligid para siguraduhin. Hindi ko talaga kwarto to dahil puro black and white lang ang nakikita ko. Napatingin ako sa itsura ko at doon ko lang narealize na nakabalot lang ako ngcomforter at walang suot na damit. Hindi kaya????? OH MY GOD! Napahawak ako ng maigting sa comforter. Pero bakit nakasuot naman ako ng undrgarment? Nag isip ako... Ano bang nangyari kagabi?

Napatigil ako sa pag iisip ng muling tumunog ang cellphone ko. Gumapang ako at pinapakinggang kung saan nanggagaling yung tunog hanggang sa nakita ko ang bag ko sa may paanan ng kama. Kinuha ko ang cellphone at nagbaka sakaling tumatawag si Ivan pero hindi pala, pagtingin ko sa cellphone ay nag aalarm lang pala ito.

Muntikan ko ng mabitawan ang comforter ng pumasok si Dale sa kwarto. Teka si DALE?!!!

"Bakit ang sama ng tingin mo saken?" tanong niya.

"Ikaw ahhhh. Anong ginawa mo saken?" galit na galit na tanong mo. "At bakit nandito na naman ako sa bahay mo?!"

Tumawa si Dale at dahan dahang lumapit. Bawat hakbang niya palapit ay pag urong ko naman. "Wag mo sabihin sakeng wala kang naala sa nangyari?" Mas lalo tuloy akong na curious at nag isip ng masama dahil sa tono ng pananalita ni Dale. "Imposibleng hindi mo matandaan na hinalikan mo ako kagabi.." he's smiling like a devil.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang huli ko lang naalala ay yung bumalik kami sa couch at dahil gusto kong malaman kung totoo ba ang sinabi niya, pilit kong inalala ang lahat ng nangyari kagabi simula sa couch. Sunod-sunod na pumasok ang mga pangyayari sa utak ko. Naglaro, uminom, inakay ako ni Dale, sumakay sa kotse, naririnig ko ang boses ni Luke, pumasok kame sa pinto at sa huli naalala ko na ang sinsabi niya.

"Naala mo na?" tanong niya ulit. Napalunok nalang at napakagat ng labi. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Ito na yung damit mo.." doon ko lang napansin na dala pala niya ang damit kong nakatupi. Kinuha ko yun. "Malinis na yan."

Gusto ko ng iuntog ang pagmumukha ko sa pader sa sobrang kahihiyan. Ibig sabihin nakita na niya ang buong katawan ko? Nakakahiya talaga -___-

Tinalikuran na niya ako bago naglakad papunta sa pinto pero bago pa man niya yun nabuksan, hindi ko napigilang magtanong. "Dale may nangyari ba saten?" gusto ko lang kasing makasigurado.

Nilingon niya muli ako. At tinignan ako saglit. "We're almost there pero naalala kong, girlfriend ka nia Ivan." umiwas ako ng tingin sa kanya. "Don't worry, nothing happened last night at sa kabilang kwarto ako natulog kagabi. Magbihis ka na kasi kakain na tayo"

Tuluyan na siyang nakalabas ng kwartong yun. At nakhahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang walang nangyari samen dahil kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko. Pero hindi ko pa din maiaalis sa sarili ko ang mahiya dahil tulad nga ng sinabi niya we're almost there, ibig sabihin, muntikan na at syempre nakita na niya ang katawan ko.

Bakit kasi natutunan ko pang mahalin si Dale? Pumunta ako sa may dressing room at doon nagbihis. Pumunta din ako sa bathroom para maghilamos ng mukha. Nagsuklay na din ako.

Inayos ko din ang kama na tinulugan ko. Sa palagay ko'y kay Dale itong kwarto dahil mas malaki ito sa kwartong tinulugan ko the last time. Natawa nalang ako ng makita ang dalawang stuff toys sa may kama niya. Such a kid! Nakita ko din sa kwartong yun ang mga pictures nameng lahat 2 years ago. May family picture din siya doon pero bata pa siya. Meron din sila ng kuya niya at mukhang kelan lang tio kinuhanan. Nakita ko din ang picture nilang dalawa ni Ivan.

Hindi ko na tinitigan pa yun. Gutom na ko at kakain na daw kaya kaagad akong lumabas. Paglabas ko ng pinto ay naabutan kong naglalaro si Luke at Kyle??? Si Kyle dito natulog?

"Dito ka natulog?" tanong ko ng makalapit sa kanila.

"Wag kang maingay. Naglalaro kame" mukha ngang busy sila ni Luke sa paglalaro hawak-hawak ang controller.

"Kakain na" sigaw ni Dale.

Biglang tumayo, take note.. Sabay na tumayo si Luke at Kyle para pumunta sa dining area. Napailing nalang ako at sumunod na din sa kanila.

Umupo ako sa tabi ni Dale. Kukuha na sana ako ng pagkain pero nauna na si Dale na lagyan ako sa plato. Gusto ko sana siyang sawayin dahil nandito si Luke sa harapan namen. Aanhin ko si Kyle, alam ko namang tuwang tuwa pa yan. Pero si Luke? May posibilidad kasi na sabihin niya ito kay Ivan dahil malimit din silang mag usap.

"Nasaan yung iba?" tanong ko habang kumakain dahil mukhang walang balak magsalita sa kanila.

Si Kyle din ang sumagot. "Si Kuya umuwi sa bahay kagabi syempre kasama si Zoe. Sa bahay din yata natulog si Lance at Stephen. Si James dun natulog sa bahay ni Gio syempre kasama nun si Yoona, yun pa ba" nagtinginan sila nina Dale at nagtawanan. Hindi man nila sabihin.. Alam ko kung anong iniisip nila. "Alam ko kasama din nila sina Yanni at Nathan." Umuwi si Zander at Kloeh. Ganun din si Callie at Bryan. Hindi ko nga alam kung paano tayo napunta dito"

Natawa naman si Luke bago nagsalita. "Alam kong pupunta tayo sa bahay ni Dale pero kanina pag gising ko nagulat talaga ako kasi hindi naman yun yung kwartong tinutulugan naten dati sa bahay ni Dale. Akala ko tuloy, nakidnap na kami ng mga girls yun pala ito yung penthouse na sinasabi niya noon."

Sa palagay ko'y unang beses palang nilang dalawa na nakakapunta dito. Natatandaan kong nasabi nga pala saken ni Dale noon na ako palang ang unang taong nadala niya dito.

"Hindi mo talaga matatandaan dahil ikaw ang pinakalasing kagabi" imik naman ni Dale kay Kyle. "Akala ko nga balak mo pang iuwi yung kasama mong babae"

"May kasama kang babae kagabi?" mataray na tanong ko kay Kyle.

Nginitian nalang ako ni Kyle. Hindi na siya sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Matapos kumain, tinulungan ko si Dale na maglinis sa dining area. Kahit kelan kasi hindi mo maasahan si Kyle maglinis lalo na't nag eenjoy siya sa paglalaro ng Xbox. Nagsama pa sila ni Luke na may katamaran din.

Before lunch ng magyaya si Kyle umuwi. Napasarap kasi sila sa paglalaro nina at ako naman ay nanonood lang sa ginagawa nila. Hinatid kami ni Dale dahil wala kaming dalang kotse. Hinatid muna namen si Luke sa bahay niya bago kami dumiretso samen.

Niyaya pa siya ni Kyle na mag lunch sa bahay pero tumanggi na si Dale.

"Hindi na. Hindi pa kasi ako nakakatulog ng ayos" nakatingin siya saken habang sinasabi yun at nailang naman ako. "Thank You nalang. Bukas nalang sa school."

**

"Nasaan si Ivan?"

Kaagad na tanong samen ni Ms. Alloria.

Nagkaroon kasi ng urgent meeting ang lahat ng magpeperform sa sa final comoetition this friday. Ako ang napilitang sumagot dahil saken nakatingin si Ms. Alloria.

"Absent po" tanging sagot ko nalang.

"Nagpatawag ako ng meeting because I have a bad and good news for you guys... Anong gusto niyong unang malaman?"

"Bad news Mam" sigaw ni Luke.

"The competition will be moved on Saturday"

"Bakit daw po?" tanong naman ni James.

Nagkibit balikat si Mam at si Lance naman ang sunod na nagsalita. "So what's the ggod news Mam?"

"The good news is...... The last year winner of the Boy Group Category wants to collaborate with our boy group. Your team!" nagsimula ng mag ingay ang mga tao dito sa loob ng studio lalo na sina Luke. "Nagpunta dito kanina ang head student ng organizer ng event from MAIS to tell this. Even me, I was surprised.. lalo na nung sinabe na it was them who choses your group"

Nagsalita si Stephen. "Ibig sabihin mam, yung mismong last year winner yung pumili samen?"

Tumango si Ms. Alloria. "Last week, nanood sila ng competition and they really like you"

"Correct me if I'm wrong Mam, pero diba sila yung nag schowcase sa TV last 3 months ago?"

"Yes... they're from the National University of Arts at alam ko meron na silang manager. You'll meet them on wednesday for the practice. Usually kasi, the previous winners don't have a performance.. basta pinapakilala lang sila"

Nagsalita naman si Nathan. "Mam paano yun? Dalawang performance namen?" Napaisip din nga ako sa tanong niya.

"No. Bali ang sabe saken nung student na taga MAIS, they will not really perfrom a song. Lalabas lang sila at the end of your performance using their song"

"Mam paano yung chereography?" tanong naman ni Gio.

"They will use their latest song and I think its title is Lucifer. I trust you and Dale for the choreography about that.. Ashely?"

Tumingin ako kay Mam. "Yes po?"

"Ok na ba yung special performance mo?" Tumango nalang ako. "Zoe... are you aslso done with yours?"

"Yes Mam" Sagot nito.

"All of the

Pagkatapos magsalita ni Ms. Alloria ay nagpaalam na siya.

Wala na din kaming klase dahil oras na ng uwian. Nauna na akong umuwi dahil may usapan kami ngayon ni Vanessa na magkikita dahil sa kantang hiningi niya saken. Mag papractice daw muna sila ng ilang beses bago umuwi. Last week pa nila nabuo ito bago pa umalis si Ivan last tuesday kaya naman hindi sila nag aalala na hindi nakakasama ng practice si Ivan. He's a good performer at alam naman yun ng lahat. And it's been a week, at wala pa din kaming contact ni Ivan sa isa't-isa.

"Nabago ko na yung beat... Feeling ko kasi mas maganda kung ira-rap mo yung part na yun" sabe ko kay Bora.

Bagay na bagay sa boses nila yung kanta, lalo na kay Vanessa. Madali naman nilang natutunan dahil mukhang sanay na sanay na talaga silang kumanta. Yun nga lang, nag edit ako ng konti dahil feel ko mas maganda kung ira-rap ni i Bora yung part niya.

Napag kasunduan din namen na i-record ito ng studio version dahil kumpleto naman ang equipments dito ni Kyle. Nagpaalam ako sa kanya kahapon na gagamitin ko ito for today, hindi naman siya nagdalawang isip ng malamang sina Bora ang tutulungan ko. Besides, makakatulong din ito kayna Vanessa dahil hindi ko na sila pwedeng turuan pa. Pakinggan nalang nila sa record. Ang title ng kanta ay "Ma Boy"

"You're really good in writing. Don't worry I'll recommend you to others" ngiting ngiti na sabe ni Vanessa.

"No need" sagot ko naman. "Mahirap din kasi..." inabot ko sa kanya yung CD at Flash Drive. "Here's the song.. Hope you'll make it. Kayo na ang bahala sa kanta ko"

Hinawakan naman ako ni Bora sa balikat "Don't worry Ashely. We'll do our best para mapanalo ang kanta mo"

Hinatid ko sila hanggang sa gate. Nagpatawag na ako ng taxi kanina at naghihintay na yun sa kanila. Paglabas namen ay sakto namang dating nina Kuya kasama si Dale. Pumunta ba siya dito dahil nalaman niyang nandito si Bora.

"Hi" bati nina Vanessa sa kanila.

"Pauwi na kayo?" tanong ni Kyle.

"Dito na kayo mag dinner" alok naman ni Kuya Clyde.

Pasalamat nalang ako at tumanggi si Vanessa. "No need.. Kaylangan ng umuwi ni Bora e"

Hindi naman ako galit kay Bora. Wala lang. Siguro nagseselos lang ako dahil dati siyang gusto ni Dale.

Sumakay na sila sa txi at pumasok na ko sa bahay. Kasunod ko lang din silang pumasok.

Habang nagluluto si Kuya Clyde at tinutulungan naman siya ni Kyle, nandito ako ngayon sa labas ng bahay malapit sa pool para umpisahan ang kantang ipeperform ko sa special performance.

"Busy?" napatingin ako sa likod. Lumapit si Dale at umupo sa tabi ko.

Sumagot ako ng hindi tumitingin sa kanya "Gumagawa kasi ako ng bagong kanta para sa friday"

"Last last week mo pa ginagawa yan ahhh.. di ka pa din tapos?"

"Ang totoo niyan, tapos na talaga ako..." tinignan ko siya. "Yun nga lang, ibinigay ko kayna Vanessa.."

"Turuan mo nga akong tumugtog"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tuluyan ng humarap sa kanya. "Nito?" turo ko sa gitara at tumango siya.

Walang pag aalinlangang ibinigay ko sa kanya ang gitara. Lumipat ako sa right side niya. At sinimulan siyang turuan. Pero kahit anong gawin kong turo hindi niya magets... Natatawa na nga lang ako sa paulit-ulit na turo ko.

Maya-maya pa'y tinawagan na kami ni Kuya para mag dinner. Tulad noong nakaraan tinulungan ako ni Dale na maglinis bago siya tuluyang umalis.

**

Walang klase dahil nagkaroon ng urgent meeting ang schools' teachers...

At dahil walang magawa nagkayayaan kaming kumanta at tumugtog sa music room. Though meron drums at guitars dito sa studio ni Lance... wala naman piano unlike sa music room na kumpleto talaga. At dahil mukhang umiiwas pa saken si Zinnia, naiwan sila ni Zander sa studio ni Lance kasama si Luke na mas gusto pa yatang matulog.

Ako, si James at Yanni ang kakanta. Si Kyle ang drummer. SI Nathan naman ang pianist. Kaming dalawa ni Lay ang guitarist.

"So what now?" tanong ni Nathan. "What should we play? Yung alam dapat namen ha?"

"Goodbye Summer?" tanong ni Yanni. "It's been a while since we play that song"

Nag count ng one to three si Lance... At nagsimula na kaming kumanta. Sinabihan ko si Dale na manood kay Lance kung gusto niyang matuto mag gitara pero sa halip na doon siya nakatingin ay saken siya nakatitig. Nakangiti naman ako sa kanya habang kumakanta.

Hindi ko na inaalala pa yung gabing nangyari after Bryan's birthday party.. Basta ang alam ko ay mahal ko si Dale.

Matapos naming tumambay sa loob ng music room.... bumalik na ang iba sa studio ni Lance. Nagkayayaan kasi kami nina Kyle na tumambay sa labas ng student center dahil malamig ang simoy ng hangin doon. Naiwan kami ni Dale doon samantalang si Lance, Gio, Yoona at Kyle ay bumili naman ng pagkain.

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Dale pero lahat ng ngiti namen ay nawala ng dumating ang hindi namen inaasahang tao.

"Ashely!!"

Napalingon ako at kaagad akong tumayo ng makita si Ivan na naglalakad papunta sa kinatatayuan namen. Galit siya at halata yun sa mukha niya. Naka uniform siya at hindi ko alam na nakauwi na siya at papasok siya ngayon.

Kaagad ko siyang nilapitan bago pa man siya makalapit kay Dale.

"Bakit ka nandito?!" tanong niya tapos tumingin kay Dale. "At bakit kasama mo siya?" Tinignan ko si Dale. Hindi ko alam ang isasagot dahil natatakot ako na baka magkagulo.

Muling nagsalita si Ivan. "Ilang araw lang akong nawala.. At bakit sa tuwing bumabalik ako ganito nalang ang nakikita ko? Sabihin mo nga saken Ash, ano na bang relasyon niyo ni Dale?"

Pinagtitinginan na kami ng ibang tao... Naramdaman ko naman ang paglapit ni Dale at bigla itong nagsalita. "Mabuti pang sa studio nalang tayo ni Lance mag usap"

Ivan just smirked at nagulat nalang ako ng biglang suntukin ni Ivan si Dale. Napahiga si Dale sa lupa. Hindi pa nakuntento si Ivan at nilapitan niyang muli si Dale. Kinuwelyuhan niya ito at sinuntok muli si Dale. Lalapit sana ako para pigilan silang dalawa pero napigilan ako ni Yoona. Nakita ko pa nang inaawat ni Kyle at Gio sina Ivan bago ko tuluyang yakapin si Yanni at dahil sa takot na nararamdaman ko, hindi ko napigilan ang hindi umiyak.

At dahil sa nangyaring away na yun, nag end up kami sa presidents' office.... Ang office ng Daddy ni Lance.

"Mag aaway na nga lang kayo sa campus pa.." galit na sabe ng Daddy ni Lance kay Ivan at Dale na nakatayo mismo sa harapan niya. Kami naman ay nakatayo sa isang tabi "If there's something wrong between the two of you, just leave it behind when your inside the school." Tumayo ang Daddy ni Lance. "Diba magkaibigan kayong dalawa?"

Pero mukhang walak balang sumagot yung dalawa.. Nakatingin lang ako kay Dale na putok ang labi at may pasa sa pisngi. Kitang kitang kita pa naman yun dahil maputi siya.

Tumingin ang Daddy ni Lance sa kanya "Ikaw Lance? Pati ikaw makikisali?! Pati kayong magkapatid kasama?" tinutukoy niya kaming dalawa ni Kyle. "Ikaw Kyle, Top Student ka pa naman sa buong middle high, hindi mo ba alam na pwedeng maapektuhan yun dahil dito? At diba, may competition kayo na dapat mas pinaghahandaan hindi yung ang inaatupag niyo ay ang walang kwentang bagay na to."

"Dad, umawat lang kami" maikling paliwanag ni Lance.

"Kaibigan kayo ni Lance but there are rules and regulations in school and a punishments when you disobey it... Kayong lima, bumalik na kayo sa room niyo. At kayong dalawa" muling tumingin ang Daddy ni Lance kayna Dale. "You'll stay in Detention room until the school hours ends. You may go"

"Mauna na kayo ni Yoona sa studio ni Lance..." utos ni Gio sameng dalawa pagkalabas na pagkalabas ng office. "Sasamahan lang namen tong dalawa hanggang sa makapunta ng Detention Room"

Gusto ko pa sanang kausapin si Ivan pero hindi ko na nagawa dahil hinila na ako kaagad ni Yoona palayo sa kanila.

Habang naglalakad pabalik sa stuio ni Lance, pinagtitinginan kami ni Yoona at pinagbubulungan. Halatang alam na ng karamihan. Ang bilis talaga kumalat ng balita. At panigurado akong alam na din ng iba pa nameng kasama.

"Wag mo na silang pansinin Ashely. Wag ka na din umiyak" sabe saken ni Yoona. "Hihintayin naten sila Gio dito..."

Hinintay namen sina Gio sa hagdan hanggang sa makabalik sila. Nagtaka naman si Gio kung hinihintay pa namen sila pero sabe naman ni Lance mas mabuti nalang daw na sabay sabay kaming bumalik sa studio niya.

"Kamusta sila?" tanong ko kaagd kay Kyle.

"Sa tingin ko hindi sila ok...."

Nagsalita naman si Gio. "Galit na galit si Ivan.. Ashely, bakit hindi mo alam na dadating ngayon si Ivan? Alam mo namang ayaw niyang makikita na magkausap kayo ni Dale"

"Diba nga, sinabihan nga siya ni Ivan na wag siyang tatawagan o itetext.. kaya paano malalaman ni Ashely?" naiinis na sabe sagot ni Yoona.

Nagsalita ako. "Tama na yan.. Baka pati kayo mag away pa.."

"Ang mabuti pa bumalik na tayo sa studio dahil sa tingin ko, inaantay na nila tayo"

Nanunang maglakad ang nagsalitang si Lance at sumunod na din kami sa kanya.

Pagpasok namen ng studio, kaagad na lumapit saken si Kuya at mukhang nag aalala.

"Ok ka lang ba?" kaagad na tanong nito saken. "Ano bang nangyare Kyle?!" galit na tanong ni Kuya sa kanya. "Bakit nagsuntukan yung dalawa?"

Nagpakawala ng hangin si Kyle at umupo sa sofa. "Hindi ko alam..."

"Hindi mo alam?! E kayo-kayo ang magkakasama?"

"Pumunta kami sa canteen.. Naiwan sila ni Dale na magkasama.. Tapos pagbalik namen ayun na." paliwanag ni Gio.

"Kamusta yung dalawa?" tanong ni Zander.

Si Lance naman ang sumagot. "They'll stay on Detention room until 4 PM. Kung nangyari ito ng wala si Dad, mapapakiusapan ko pa ang guidance kaso hindi e, diretso agad kami sa office ni Dad kanina... Wala namang sugat si Ivan pero si Dale, may pasa sa pisngi tapos may sugat din sa labi."

"Ashely sinabihan na kita diba?" si Zoe naman ang nagsalita. Tinignan ko siya. "Alam mo namang ayaw ni Ivan na makitang nag uusap kayo ni Dale..."

Alam ko na ang sasabihin at sawang sawa na ko. "Don't act like you're my sister... Sa tingin niyo ba ginusto ko to? Wala kayo sa posisyon ko that's you don't know how I feel.."

"Ashely!! Tumigil ka na!"

Dahil hindi ko lubos maisip na sisigawan ako ni Kuya Clyde, patakbo akong lumabas sa studio ni Lance habang umiiyak. Narinig ko pa ang pagtawag ni James sa pangalan ko. Pumunta ako sa isang rest room. Nagkulong ako sa isang cubicle at doon nag iiyak.

Totoo naman ang sinabe ko, wala silang alam sa lahat... Hindi ko naman ginusto na mangyare ang lahat ng ito pero parang ako yung lumalabas na masama. Hindi ko din matanggap na pati si Kuya Clyde na inaasahan kong iintindi saken ay siya pang magagalit dahil nakapag salita lang ako ng masama kay Zoe.

Kinuha ko ang gamit ko sa classroom. Wala pa doon sina Yoona. Siguro ay nasa studio pa din ni Lance. Habang nag aayos ako ng gamit, nilapitan ako ni Zinnia.

She smirked. "Nakita mo na yung gulong ginawa mo?" mahinang tanong niya. "Sinisira mo talaga ang pagiging magkaibigan ng dalawa."

"Kung wala kang magandang sasabihin.. Pwede bang tumahimik ka nalang" pagtataray ko.

"Pinag uusapan kayo sa buong campus... " hindi ko siya pinapansin. "Narinig ko ang pinag usapan niyo nina Yoona last week sa labas ng student center...."

Napatigil ako at tumingin sa kanya. "You love Dale right? But how about Ivan? Layuan mo na si Dale dahil pati siya nadadamay. Kung hindi mo siya lalayuan, malalaman ng buong campus na you and Dale are on Fix Marriage"

Binigyan ko lang ng masamang tingin si Zinnia bago ako tuluyang lumabas ng classroom. Alam kong kayang kaya niya yung sabihin sa buong campus.

Papunta ako ngayon sa detention room para hintayin si Ivan at kausapin. Magpapaliwanag ako at aaminin ko na ang lahat-lahat, makikipag hiwalay na ako kay Ivan. I'm being unfair on him... Mahal niya ako at mahal ko din siya pero iba na ngayon. Hindi ko na kayang ibalik sa kanya ang pagmamahal na binibigay niya saken dahil sa mga oras na ito, alam kong si Dale na ang gusto ko..

Nandito na ako sa labas ng detetion room. Sumilip ako sa salamin ng pinto at kitang kita ko kung gaano sila kalayo sa isa't isa.. Silang dalawa lang ang student na nandoon kasama ang isang Guidance Facilitator. Ilang minuto nalang ay lalabas na sila.

Habang nag hihintay ako ay nagtext si Yanni at tinatanong kung nasaan ako. May practice daw sila Kuya at hinahanap din daw ako. Nagreply ako dahil baka isipin nilang umalis na naman ako... Ayaw ko namang magkagulo pa sila para lang sa paghahanap saken. Sinabi kong nasa multimedia room ako at hind na ko sasabay sa pag uwi.

Maya maya pa'y nagbukas na ang pinto. Lumabas ng pinto si Ivan. Sandali niya lang akong tinignan na parang hindi niya ako kilala. Hindi pa ako nakakapag salita ay naglakad na siya palayo.

Tinawagan ko siya. "Ivan.." at patakbong sinundan.

Mabilis ang bawat lakad ni Ivan.

"Ivan. Mag usap naman tayo"

Patuloy lang siya sa paglalakad. Sa bawat pagsunod ko sa kanya ay bawat pagtawag ko sa pangalan niya at sinasabing mag usap kami pero parang wala siyang naririnig. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan pa kami ng tao. Pero napagod din akong pilitin siya na mag usap kami. Hindi ko na siya sinundan ng makalabas na kami sa building na pinagmulan namen, hinayaan ko nalang siya ng hindi man lang nagbibitaw ng kahit isang salita.

Hingal ako nakatayo lang at tinatanawan si Ivan habang palayo. Biglang may humawak sa braso ko at paglingon ko, nakita ko si Dale. Hinila niya ko papunta sa school park kung saan kokonti nalang ang tao dahil 5 na ng hapon.

Nang tumigil siya sa paglalakd ay binitawan na niya ako. Makaharap kami ngayon. Nakatingala ako sa kanya habang nakatingin sa pasa niya sa mukha. Ay sugat din siya sa labi pero parang baliwala lang yun sa kanya. Gusto ko sanang hawakan ang pisngi pero tila may pumipigil sakeng gawin yun.

Si Dale na ang unang nagsalita . "Ok ka lang ba?" tanong niya.

Tumango ako at tinanong din siya. "Ikaw, ok ka lang ba?"

"Ok lang ako.. Sorry sa nangyari kanina" magsasalita sana ako ng ok lang pero bigla ulit siyang nagsalita. "May kaylangan akong sabihin sayo..."

"Ano yun?"

"Kaylangan na nating umiwas sa isa't isa Ashely" bigla siyang umiwas ng tingin. "Masyado ng nasasaktan si Ivan, madami na ding nadadamay.. Kakausapin ko ulit si Kuya Drew tungkol sa kasal pati si Tito si Steven kung kinakailangan. Tapusin na naten ito"

Habang sinasabi niya ang mga salitang yun ay parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Tumalikod siya at akmang aalis na. "Pero Dale...." nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba dapat pero hindi ko yata kayang umiwas saken si Dale kaya naglakas loob akong sabihn ang totoo kong nararamdamn, "Gusto kita Dale.. Hindi ko alam kung papaano nangyari. Pero alam kong ang nararamdaman ko. Mahal kita"

Matagal bago nakasagot si Dale. Akala ko ay magbabago ang isip niya dahil sa sinabi pero mas nasaktan ako sa mga huling salita niya bago siya tuluyang lumayo saken. "Mas lalong dapat nating umiwas sa isa't-isa."

Umalis na si Dale at naiwan akong mag isa tulala sa kawalan. Ramdam ko ang pagtulo ng bawat luha ko sa pisngi ko. Nang maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko kaya panandalian akong humanap ng mauupuan.

Iniisip ko palang ay parang hindi ko na kayang hindi kami mag uusap ni Dale. Gusto ko siya kausapin pero paano kung siya na mismo ang gustong umiwas saken. Mali bang sinabi ko ang totoo? O nag assume lang talaga ako ng gusto ako ni Dale?

Tulad ng sinabi ko kay Yanni, umuwi na ko mag isa... Tila mabigat ang pakiramdam siguro ay dahil sa kakaiyak.... Pag uwi ko sa bahay kaagad akong pumasok at nagkulong sa kwarto. Padapa akong humiga sa kama at doon pinagpatuloy ang pag iyak. At sa kakaiyak ko, hindi ko na napansin ang pagtakbo ng bawat oras.

Kinabukasan.... Walang ganang bumango ako para maligo. Sobrang sakit ng ulo siguro ay dahil kakaiyak magdamag, hindi na din kasi ako nakakain pa. Hindi ko na din namalayang umuwi sina Kuya.

Pagkatapos kong mag ayos, kinuha ko na ang gamit ko at bumaba dahil tinawag na ko ni Kyle para kumain.

Tahimik lang akong umupo at kumuha ng pagkain. Ayoko na sanang magsalita pa dahil ayaw ko na ng maraming tanong. Wala akong ganang makipag usap at magsalita sa mga oras na ito. Pero si Kyle biglang nagsalita.

"Ashely... Wag mo ng isipin yun. Wag ka ng mag alala sa kanila dahil ok na naman kahapon... Nakapag practice naman kami ng maayos"

Tinapunan ko lang ng tingin si Kyle. Maguumpisa na sana akong kumain pero ang iniiwasan kong tao ay nagsalita. "Hindi ko gusto ang nangyari kahapon lalo na sa studio ni Lance... Sa susunod, wag ka nang magsasalita ng ganun kay Zoe"

Walang bakas ng galit sa boses ni Kuya Clyde pero tila parang nawalan na ko ng gana kumain. Zoe na naman? Lagi nalang si Zoe... kapatid ko siya pero ni minsan hindi ko naramdamang may pakialam siya saken. Hindi man lang niya ako tinatanong kung gusto ko ba talaga itong nangyayari sa buhay ko at kung kaya ko pa.

Binaba ko ang kutsarang hawak ko. Tumayo, kinuha ko ang gamit ko at walang pag aalinlangang umalis. Ni hindi din ako nagsalita.... Narinig ko pa ang pagtawag ni Kyle pero hindi ko na yun pinasin. Nagsisimula ng mangilid ang luha ko buti nalang ay may taxi kaagad na dumaan kaya nakasakay ako at nagsimula na naman akong umiyak.

Pagdating ko sa school.... sa Multimedia Room kaagad ako dumiretso. Wala akong balak pumunta sa studio ni Lanc at wala din akong balak pumasok ngayon. Gusto ko lang munang mapag-isa.

"Ashely.."

Napatingin ako kay Sandra na pumasok sa pinto. Lumapit siya saken at may inabot na pagkain. "Pinapabigay ng kapatid mong si Kyle. Kumain ka daw.."

"Si Kyle?" tanong ko a tumango naman siya. Kinuha ko ang pagkain at nagpasalamat. Umalis din naman kaagad si Sandra.

Hapon na ng lumabas ako sa Multimedia Room para kumain mag isa sa canteen. Kahit papaano naman ay nakakaramdam pa din ako ng gutom kahit problemado ako sa mga oras na ito. Doon ko lang nalaman sa mga babaeng nag uusap sa likod ko na nag may practice pala maghapon sina Dale at ngayon ko lang din naalala na pupunta nga pala ang last year winner for practice.

Pabalik na sana ako sa building kung nasaan ang multimedia room pero malayo palang nakikita ko na si Dale na naglalakad kasama si Gio. At mukhang nagtatawanan sila. Nang makita ako ni Dale, biglang nawala ang ngiti niya at tanging si Gio lang ang ngumiti saken. Mukhang pati si Gio ay umiiwas saken dahil nilagpasan lang nila ako.

Napatigil ako sa paglalakad at sinundan lang sila ng tingin hanggang sa makapasok sila canteen.

"Ashely, pwede ba tayong mag-usap?"

Napalingon sa lalaking nasa likudan ko. It was Zander. Mukhang may gusto siyang sabihin at halata yun sa itsura niya ngayon. Besides, ito ang unang pagkakataon na mag uusap kami ni Zander ng kami lang dalawa. Hindi naman ako nagdalawang isip.

Humanap kami ng mauupuan.

"Importante ba ito?" kaagad na tanong ko.

"Alam ko ang nangyari sa pagitan niyo ni Kloeh... Wala sana akong balak kausapin ka pero dahil sa nangyari kahapon mas minabuti ko nalang na kausain ka ng tayo lang dalawa."

"Papagalitan mo din ba ko tulad ni Kuya Clyde dahil inaway ko ang girlfriend mo?" mataray na tanong ko.

"For once makinig ka sana...." pakiusap ni Zander. "Sinabi saken ni Kloeh ang dahilan kung bakit nag away kayo... Hindi talaga mahirap magustuhan si Dale, at may dahilan din naman kung bakit unti-unting nawala ang pagmamahal mo kay Ivan.Alam kong labag sa loob mo ang sinabe ni Zinnia dahil in the first place ikaw yung taong gagawin ang gusto.. Pero tama lang na sabihinniya yun dahil dahil ayaw niyang matulad ang pagkakaibigan nina Dale at Ivan sa kanilang dalawa ni Jessica...

... pero hindi mo ba pansin na hindi lang sina Ivan at Dale ang nagkakalayo ng loob? Pati kame... hindi na nakikipag usap samen si Luhan except kay Bryan at maging si Dale na laging si Gio, Kyle at Luke lang ang kasama... Pati kayo nina Zoe at kayo ng Kuya mo.."

Seryoso akong nakinig sa lahat ng sinabi niya.

Lutang akong bumalik sa multimedia room at pabagsak na umupo.. Pakiramdam ko ay ako na yata ang may pinakamaraming problema sa mundo at hindi ko na alam ang uunahin ko.

Maraming sinabi saken si Zander dahilan para mag isip-isip ako.. Gusto kong umiyak dahil doon pero parang wala na yata akong i-iiyak pa. Tama si Zander... Hindi lang sila Ivan at Dale ang nagkakaproblema kung hindi lahat kami. Walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ako... kung pinanindigan ko lang sana noon ang desisyon kong hindi magpakasal, wala sanang nangyayaring gulo ngayon.

Sinubukan kong kausapin si Ivan. Tinext ko siya pero ang tanging reply niya lang saken ay Busy siya at wala daw siyang panahong makipag usap saken. Mas lalo lang tuloy akong nawalan ng ganang magpakita sa kanila sa Gym.

Pinuntahan ako ni Yanni sa Multimedia Arts ng walang kasama... Sino ba naman ang sasama sa kanya? Alam ko namang si Yanni lang ang nakaka intindi saken.

"Hindi naman galit sayo si Zoe.... Kaya sumama ka na saken." pagpupumilit niya. "Wag mong sabihin saken na maghapon ka nalang nag aral. Aba Ashely, baka maperfect mo ang exam"

"Umiiwas saken si Dale, ayaw akong makita ni Ivan.... Sige nga sabihin mo saken kung ano pang pwedeng dahilan para pumunta ako?"

"Sige na nga... hindi na kita pipilitin" pagsuko ni Yanni. Siguro ay naintindihan na niya ako. "Pero alam mo bang kahit kinakabahan ako kanina habang nagpapractice sila kasama yung taga NUA"

"Bakit naman? Mukhang nag eenjoy naman silang lahat."

"Enjoy ba yun?? Hindi mo ba alam na binago ang posisyon nila sa stage dahil sa advise ng handler ng NUA? Kaya ayun kung hindimagkatabi si Dale at Ivan sa stage, makatapat... Kesyo pareho daw gwapo. Nalaman kasi na dalawa silang grupo. Pero si Gio pa din yung nasa unahan, alam mo naman, lead dancer yun.."

Halata sa pagkukwento ni Yanni na hinihikayat niya akong sumama pero hindi nagbabago ang isip ko. Sa halip na sumama ay umuwi nalang ulit ako pagkaalis ni Yanni... Ilang araw nalang, Final Competition na pero hanggang ngayon first stanza palang ang natatapos ko. Mas makakapag focus siguro ako sa pagsusulat kung sa bahay na lamang ako.. Nagtext na ko kay Kyle para magpaalam.

Kaagad akong dumiretso sa studio ni Kyle at doon ko nalang itinuoon ang lahat ng atensyon ko.... Pero kahit ganun, hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga sinabe ni Zander.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

**

Sa nagdaang 3 araw bago ang competition sa MAIS.... Walang nagbago.

Sa tatlong araw na yun, sa multimedia room lang ako nagpupunta... Halos hindi na ko nagpapakita sa kanila. Para saan pa? Hindi din ako sumama sa final rehearsal sa MAIS ng lahat ng competitors from different schools. Nasabi lang saken ni Kyle na may designated hours daw ang bawat school at hindi daw pinapakita sa mga taga ibang school ang practice. Hinanap din daw ako ni Vanessa sa kanya.

Ako lang ang hindi kasama sa team.... nagpaalam naman ako kay Ms. Alloria may mas kailangan akong gawin sa school. Buti nalang at pumayag siya. Muntikan pa kaming mag away ni Kyle dahil doon pero inintindi niya nalang ako. Hanggang ngayon, hindi pa din kasi kami nagkakausap ni Kuya Clyde after that morning...

Pero kahapon ng umaga... sumama ako kay Kyle ng dumiretso siya sa studio ni Lance.. After 3 days, nagkita-kita muli kame. Pagpasok ko, ang iingay nila pero ng makita nila ako bigla silang natahimik.. Kung hindi pa lumapit saken si Yanni at Yoona, magiging awkward ang lahat dahil nandoon di sina Ivan at Dale. Hindi naman ako pumunta doon para tumambay... Pumunta ako doon para kausapin si Zoe at humingin ng sorry.... Napag isip-isip ko kasing mali din talaga ang ginawa ko.

Kahapon, nakailang practice din kami nina Kyle at Lance para sa kanta ko... Kami lang tatlo ang tao sa music room. Pinakiusapan ko si Lance na maging lead guitarist sa performance ko, wala namang pag aalinlangang pumayag ito. Si Kyle pinakiusapan kong maging drummer, samantalang ako naman sa piano. Nilambing ko siya ng ilang beses hanggang sa pumayag siya. Gusto pa sana nina Yanni manood pero sabe ko, wag na at abangan nalang nila sa performance.

At ngayon, final competition na sa MAIS. Dito ko lang nalaman na isa pala si Zinnia at Jace na unang magpeperform...

Nandito kaming lahat sa harap ng stage para manood... Nagbago kasi ang policy ng MAIS regarding sa backstage at sa seats. Kung sino lang ang dalawang magkasunod na magpeperform ay siya lamang pupunta sa backstage. Wala din sina Yanni sa tabi namen dahil doon sila nakaupo sa audience seats. This is a final competition kaya gusto daw ng lahat makapanood.

Sila pa din ang host. At ganun pa din ang flow ng program. Nagsalita muna ang School's President tapos ipinakilala ang mga bagong judges na puro represenative ng bawat talent agencies in the country... at nagsimula agad ang event.

"Ang bilis talaga ng araw right?" imik nung host... "Parang last week lang first day of competition pero ngayon, final competition na at sa tingin ko talagang pinaghandaan ng mga competitors ang araw na ito"

"Tama ka dyan... At kaylangan talagang abangan ng bawat student here ang paglabas ng mga winners on last year competition"

"So what are we waiting for.... Let's start this"

Nagsigawan ang mga tao at may kanya kanya cheer ang bawat school..

Pang lima sina Zinnia nang mag perform at paglabas palang niya talagang pinagsigawan ito ng mga tao dahil sadyang kilala na siya ng mga taga ibang schools lalo na ng mga boys. May mga kasama silang back up dancers.

Ngayon ko lang nalaman kay Yanni na si Zinnia daw ang huling nagrehearse last thursday as per request dahil ayaw daw nitong may makakita sa performance nila. Wala akong balita sa choreography dahil kanta ko lang naman ang kaylangan nila.

Una ay nag doxology style sila... pero hindi namen inaasahan at ng lahat ng tao dito na magkakaroon ng kissing scene sa pagitan nilang dalawa ni Jace. Kaagad akong tumingin kay Dale dahil siya ang unang pumasok sa isip ko. Rinig kong inaasar siya ng mga kasama niya.

"Alam mo ba yan pare?" natatawang tanong ni Luke. "Kung hindi siguro kayo naghiwalay... ikaw siguro ang nasa posisyon nun"

Binatukan naman ni Kyle si Luke. "Baliw.... sawa na dyan si Dale" tapos nagtawanan sila.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang awra ng mukha ni Dale. Galit ba siya o hindi na lang talaga ako sanay na makita ulit siyang seryoso. Seryoso siyang nanonood sa performance ni Zinnia. At hindi lang kissing scene ang nagpagulat sa lahat dahil, nagiging hot ang stage because of their sensual moves.

"That was really a hot performance from the student of MAIS" sabe nung host pagkatapos na pagkatapos ng performance.

Hindi na nagtagal pa ang pagsasalita ng dalawang host... Nagsimula na ang main event of this day. Tulad nood, soloist muna ang mauuna, sunod ang duos at huli ang group...

"You and I" ang title ng kinanta ni Zoe tatlo lang silang naglaban sa solo category for girls. Sa bawat category ay 3-hanggang 4 lamang ang naglalaban-laban kaya mabilis ang lahat...

"And for our final perfomance for this final category we have these students from MAIS"

Pagkarinig na pagkarinig palang ng acronym ng school namen ay nagwawala na naman ang babae dahil alam naman ng lahat na ito ang pinaka hihintay nila. Kanina pa nga lang sa entrance ang dami ng napapapicture sa kanila.

Unlike my friends, ngayon ko lang mapapanood ito dahil ni minsan, hindi ako nanood ng mga practice nila ni isang beses. Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng kanta, si Stephen kasi at Nathan ang umaasikaso sa mga bagay na yun.

May division sila sa performance in terms of custome. Iba ang kulay ng costume ng grupo nina Dale kesa kayna Ivan... At totoo nga ang sinabi ni Yanni na malimit, magkatabi si Dale at Ivan sa performance. Lalo na sa mga part na sila lang main dancers ang gumagalaw. Ngayon ko lang din napansin na nagpakulay na naman si Dale ng buhok and it's kind a light lavender. Hindi lang isang kanta ang pinerform nila kung hindi tatlo kasama yung auditioned song nina Luke noon sa school na ang sumayaw ay si Zander, Luke, Gio, Nathan, Dale at Bryan.

Bakit kahit anong isuot ni Dale, bagay sa kanya? Ang galing niya din talagang sumayaw.... Nabaling naman ang tingin ko kay Ivan na naka black leather jacket kasama sina Kuya Clyde, Lance, Kyle, Stephen at James. Nag iba ang tugtog at mukhang ito yung debut song ng last year winner na taga NUA...

Iba talaga ang charisma ni Ivan kapag nasa stage, nakakainlove ang boses pati ang pagsayaw. Bawat galaw niya at tinitigan ko... Bawat galaw nila ay tinignan ko at out of nowhere, napangiti ako... Nangilid ang luha ko.. Balang araw, ma mimiss ko din ito.

Mas lalong lumakas ang sigaw ng tao ng lumabas ang last year winner na taga NUA....

"That was really a surprise right Mr. Castillo.. Who would know na lalabas ang last year winner ng boy group in School of Performing arts' performance?"

"Yes." sagot naman ni Mr. Castillo. "As everyone knows, the last year winner had their debut last 3 months ago with this song LUCIFER"

Habang nagsasalita ang dalawang host ay tumayo na ako para pumunta sa backstage.... Special performance na kasi ang susunod at pang 4 ako sa 6 na magpeperform..

Naabutan ko pa silang lahat sa backstage at sa tingin ko ay kakatapos lang silang kausapin ni Ms. Alloria..

"Si Ash ohhh" lumapit saken si Nathan... Tumingin ako kay Dale na halatang hindi na komportable ng makita ako. Si Ivan naman ay seryoso lang na nakatingin saken.

Ngumiti ako ng pilit. "Congrats..." Sabe ko.

"Ikaw na ang susunod.... Galingan mo ahhhh." pagchi-cheer naman ni James.

"Syempre... Ako ang drummer e" pagmamayabang naman ni Kyle at inakbayan ako.

"Mukhang maganda yata ang ipeperform mo?" Stephen

Lumapit saken si Kuya Clyde. "Galinga niyo ahhh." tinap niya ako sa balikat. "Lets Go Guys."

Inaasahan kong magbibigay si Ivan ng lakas loob saken pero nagkamali ako... Tila parang hangin lang siya na dumaan sa tabi ko. Tanging si Kyle at Lance lang ang naiwan na kasama ko.

Siguro ay naramdaman ni Kyle ang ang pagbabago ng mood ko kaya naman tinapik tapik nalang niya ang likod ko. At binigyan ako na ngiting hanggang batok.

Habang tumatakbo ang oras at papalapit ng papalapit ang performance ko ay nakakaramdam na ako ng kaba.... at lungkot... Sa nagdaang araw, wala akong ibang inisip kung hindi ang mga mgagandang nangyari sa pagitan naming lahat.

"You're next...." paalala samen ng isang organizer.

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa stage... Dumiretso ako sa piano, si Kyle naman ay sa Drum at si Lance sa guitar.. Sinenyasan ko silang dalawa bago kami magsimula.

Habang nagpeperform ako wala akong inisip kung hindi ang lahat ng mga masasayang nangyari sa aming magkakaibigan... Sa school, sa mga Malls at sa iba't ibang bahay. Samen ni Ivan..... kung paano niya ako inalaagan at mga panahong nilalambing ko siya... Inaalala ko din ang mga masasayang bonding namen nina Zoe, ang mga night outs. Maging ang pag aasaran namen ni Kyle ay inalala ko. At hindi ko din makakalimutan ang mga panahon at oras na magkasama kami ni Dale, na kahit hindi maganda ang simula namen maging ang huli naming pag uusap...

Sinubukan kong tumingin sa audience at seryoso lang silang nanonood.. Nakita ko si Ivan sa kinauupaun niya kanina na nakatingin saken.. Sinubukan kong hanapin si Dale pero wala siya doon...

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko sa pagkanta...... Pinunasan ko kaagad ito pagkatapos na pagkatapos.

"Aww... that was really a nice song" lumabas ang host mula sa backstage. "The three of you.. Come here"

Lumapit kami sa dalawang host. "You're from School of Performing Arts right?" tanong nung host. "Yeah.. I guess, because you're with these two men." tinutukoy niya sina Kyle At Lance. at pinuri ang mga ito "You're very talented.." nagsigawan ang mga tao.

"What's your name, pretty lady?" tanong nung isang host.

"Ashely... Ashely Cordova"

Nagtanong muli yung isang host "Don't get me wrong... Magkapatid ba kayo? Hindi kasi nagkakalayo ang mukha niyo sa isa't-isa" tinutukoy niya kaming dalawa ni Kyle na magkatabi.

Tumango ako.. "We're twins"

"Wow.... I see" mukhang mezmerized na mezmerized ang host. "I heard you wrote this song?"

"Yes... I wrote and composed this by myself and actually I wrote the song that performed in the opening by my schoolmates and he's the one who composed it" tinuro ko naman si Kyle.

"Maybe your parents and school must be proud for you..." ngumiti nalang ako. "Thank You and now, let's go to our next performance."

Pagbalik namen sa backstage... kinongratulate kami ng ilang tao na nandoon. Niyakap naman ako ni Kyle... kaagad din siyang nagyaya na bumalik sa kinauupaun namen kanina sa labas para mapanood ang natitirang special performance at isang performance from MAIS.

Hindi ako sumama sa kanila ni Lance... Sinabi kong susunod nalang ako at dadaan muna ako sa rest room... hindi na naman nagtanong pa si Kyle at niremind niya nalang ako na bilisan ko nalang.

Habang naglalakad papunta sa rest room, ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.. Pagkapasok na pagkapasok ko ay kaagad kong isinara ang pinto at dahan dahan na umupo sa sahig.. Inilabas ko ang kanina pang pinipigilan kong pag iyak...

Nang makita ko silang magkakasama kahapon sa school, doon ko lang narealize na halos labing dalawang taon na din simula ng mabuo ang samahan nilang magkakaibigan. At hindi ako papayag na ako ang maging dahilan ng pagkasira ng masayang samahan nila.

I made my final decision and I deserve what the consequences are... Mas magiging masaya ako kung makikita kong babalik na sa lahat ang dati at makikita ang ngiti sa pagitan ni Dale at Ivan.. I already made my final goodbye to them..... I know myself, I made the right decision.

=====================================================================

A/N: I ALMOST CIED :'(

srsly, ang bigat ng puso ko habang tinatype ang mga huling part... feel na feel ko ang kadramahan ko... Alam kong may idea na kayo sa mangyayari...

Did you had your final goodbyes to Ashely?Is this goodbye for Sestal or for Hanstal? Or maybe both? Find out more by reading the next chapters...

For KriSica Shippers, just wait dahil malapit na malapit ng bumalik si Jessica :)

Yung kinanta ni Ashely ay "All of a Sudden" by no one else Krystal Jung. OST po ito sa My lovely girl na naging drama niya sa SBS with her partner Rain. Sa mga hindi nakakaalam ng kanta, I-Play nyo nalang above the story or at side of this story ----->>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

** Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng nakaka lokang kwento na ito at sana patuloy niyo paring subaybayan,,,,

Next:; POV ni IVAN. DALE at CLYDE xx

VOTE.COMMENT.SHARE.LIKE

KAMSA~

Continue Reading

You'll Also Like

677K 24.3K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.3M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!