**********oo**********
Habang nakahiga silang lima sa isang silid ay nagku kwentuhan pa sila pero gamit ang mahinang boses para hindi sila madinig ng mga kaibigan na nasa kabilang silid kasama ang tutang si Khael
"Leigh," ani ni Nena,"May itatanong sana ako o kami,"
Napakunot noo nila itong tinignan na ngumisi lang sa kanila
"Dinamay mo pa kami," ani ni Aira
"Alam ko gusto niyo din ito itanong kay Leigh diba?," tanong pa ulet ni Nena sabay bangon at naupo
"Ang alin ba iyon, Nena?," ani ni Sister Janelle
"Diba aswang si Khael?," tanong nito sa kanila at napatango lang sila,"Leigh, diba hinalikan kana ni Khael ng ilang beses?,"
"Oo," tugon niya na namula ang mga psingi
"Ah oo nga," napatango sila ng sabay sabay ng makuha na ang ibig sabihin ni Nena,
"Kasi diba kumakain siya ng puso ng aswang, at karamihan sa mga aswang mabaho ang hininga, kaya ang itatanong namin kung ano ang masasabi mo sa hininga at amoy ng bibig ni Khael?,"
Nagkatawanan silang apat dahil sa tanong ni Nena, namula naman siya dahil sa tanong na iyon
"Mabaho ba? Malansa at masangsang?," nakangiting tudyo ni Aira sa kanya,"Dali na sabihin muna, kaya nga namin doon pinatulog si Khael para maitanong namin ito sayo eh. Kakahiya kung madidinig niya pa," sabay hagikgik
Natatawa lang siyang napapailing sa mga kakulitan ng mga iyon, tinignan niya isa isa ang mga ito
Nakangiti at nakayakap sa mga unan na ginamit, mga kinikilig ang mga kasama niya kahit na si Sister Janelle at naghihintay ng sagot niya sa tanong ng mga iyon
"Hindi," sagot niyang namula ang pisngi dahil sa kahihiyan
"Anong hindi?," tanong ni Trina
"Leigh, linawin mo," ani ni Nena
"Hindi mabaho ang hininga niya at amoy ng bibig niya," sagot niya na napangiti ng madinig ang impit na tili ni Aira,"Mabango ang amoy ng bibig niya kahit na kumakain siya ng puso ng aswang, baka babaho lang iyon kapag laman at dugo na ng aswang ang kakainin niya,"
"Heto pa ang isang tanong," hirit ni Trina na kinikilig,"Magaling ba humalik si Khael? Malambot ba ang mga labi niya?,"
"Yan! Yan ang gusto namin malaman," kuro nilang tatlo sa tanong na iyon s kanya
"Uy iba na yan ah," saway niya na hindi mapigilan ang mapangiti
"Uy namumula si Leigh," tudyo ni Sister Janelle,"Aminin kinikilig ka din sa mga tanong nila,"
"Sige na, Yuri,"sabi pa ni Aira
"Sagutin muna, binibitin mo naman kami eh," nakasumangot na sabi ni Aira,"Ano magaling ba siya humalik? Masarap ba? Malambot ba ang mga labi niya?,"
"Oo," sagot niya,"Magaling siya humalik at malambot ang mapupula niyang labi at higit sa lahat ay masarap-," hindi na niya naituloy ang sasabihin ng magsipag tilian ang apat sabay takip ng unan sa mga mukha ng mga ito dahil sa nadinig sa kanya
Kinikilig pa na hinampas siya ng mga unan kaya todo ilag lang ang ginagawa niya
Natatawa siya sa mga itsura ng mga iyon, na pigil pigil ang pagtili dahil sa kinikilig
Baka kung nasa labas lang silang lima ay nagtatalon pa ang mga iyon at tumili ng tumili
"Hoy, ang iingay niyo," saway niyang natatawa lang sa mga iyon
"Kinikilig kami sa inyo," sabay sabay na turan ng mga iyon
"Ngayon alam na namin na hindi mabaho ang amoy ng bibig ni Khael at higit sa lahat masarap siyang humalik," ani ni Aira na napatili kaya agad niya iyong tinakpan kaya nagtawanan lang ang tatlo sa ginawa niya
Napatigil lang sila pag tili ng makadinig sila ng pagkahol, napalingon sila at nakita nila ang tutang si Khael na nakapasok na sa kanilang silid
Na tanging kurtina lang ang nagsisilbing takip, ngumiti si Aira at agad na niyakap ang tutang akmang magpapakalong sa kanya
Niyakap iyon ni Aira habang kinikilig pa, kaya napatawa nalang dila dahil impit na umiyak si Khael dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa katawan
"Maawa ka nga kay Khael," saway ni Trina sabay kuha kay Khael at ito naman ang yumakap ng mahigpit kaya nagkatawanan nalang silang lima
Matapos mapagasawaan si Khael ay binigay na nila iyon sa kanya, pinahiga niya sa kanyang unan bago kinumutan
Matapos makatulog ng tutang si Khael ay nagpasya na din matulog ang mga kaibigan niya na halata pa din ang ngiti at kilig sa mga itsura ng mga iyon
Nang makasiguradong tulog na ang lahat ng kasama niya at si Khael ay inilabas niya ang binigay na kahon sa kanya ni Lola Luciana
Inalis niya ang balot bago tinignan ang kahon na yari sa narrang kahoy na alam niyang ilang taon na iyong nagawa
Nakita niya doon ang isang bungo ng isang hayop, na alam niya na hindi ginagamit sa masamang gawain, sa tabi nito ay may apat na kandilang puti
Na alam niyang hindi ordinaryo, may maliit na libro at higit sa lahat ay may telang puti na may nakasulat na mga latin
Nagulat naman siya dahil naintindihan niya iyon at agad na kinabisado ng maigi
May bote din ng isang langis na kasama ang bungo, nalaman niya na ipapahid iyon sa bungo kapag gagamitin na at kasabay ng isang orasyon para sa kalaban na kaharap,
Binasa niya ang libro at may hinanap na pahina doon na nakalagay sa telang puti
Alam niya na iyon ang gagamitin niya kapag sinubukan niyang gamitin ang bungo sa oras ng kanilang pangangailangan at kagipitan sa Baryo Argua
Alam niya na manganganib ang kanyang buhay oras na gamitin niya iyon, nakita niya ang babala doon pero hindi na niya iyon pinansin pa
Mas kakailanganin nila iyon sa oras ng kagipitan,
Binasa niya pa ang ilang pahina ng librong maliit, kinabisado ang dapat kabisaduhing mga dasal at orasyon
Natigil lamang siya sa pagbabasa ng maramdaman niya ang pag akyat ni Khael sa kayang mga hita at ikinikiskisa ang makapal nitong balahibo sa kanyang paa
Nginitian niya iyon at kinalong bago ibinalik sa loob ng kahon ang librong maliit at binalot sa tela bago ipinasok sa loob ng kanyang bag at isinarado ng mabuti
"Bakit gising ka?," tanong niya habang hinahaplos ang ulo nito, napapikit nalang ang tuta habang dinadama ang haplos niya,"Sana bumalik kana sa dati, na mimiss na kita eh," bulong niya bago iyon hinalikan sa ulo
Nang makaramdam ng pagkaantok ay nahiga na siya sa tabi ni Nena habang nasa may ulunan niya si Khael na tulog na din sa mga sandaling iyon
Dahil sa pagod at pagkaantok ay kaagad na siyang nakatulog ng mahimbing at hindi na niya namalayan ang oras
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!