Emotionless PRINCESS [Volume...

By DarkPhantooom

9.5K 101 80

UNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in th... More

KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
Emotionless PRINCESS

KABANATA 83

51 4 1
By DarkPhantooom

KABANATA 83

Padabog akong naglalaba ngayon. Valentine's day na valentine's day pero heto ako ngayon, naglalaba. Parang wala akong boyfriend.


"Good morning."

Hindi na ako nag-abalang tingnan pa si Shanny. Bad mood ako ngayon.

"Morning." Walang good dahil hindi maganda ang umaga ko.

"Tch!"

Napanguso ako nang marinig ang favorite line ni Shanny.

"Teka Shanny, nasa'n na nga pala si Luhence? 'Di ba pupunta pa siya kila Dean?" Huminto ako sa pagkusot ng labahin at tiningnan si Shanny.

Taka naman niya akong tiningnan. "Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?"

"Hindi." Umiling ako. Wala akong naaalalang nagpaalam siya sa'kin ngayon na aalis na siya.

"Maaga siyang umalis, mukhang importante ang gagawin nila ni Dean. Pero pinuntahan ka naman niya sa kuwarto mo. Baka natutulog ka pa."

Kaagad na nanlaki ang mata ko. Tumayo ako at lumapit kay Shanny. "Shannyyyyy!" Niyugyog ko siya. "Wala ba akong panis na laway, o kaya ay muta, o kaya naman ay dumi sa mukha?!"

Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin. Wala manlang reaksyon.

"Shanny!"

"Tch, wala."

Napahinga ako nang maluwag doon.

"Walang sablay dahil meron ka lahat no'n."

"Waaahhhh!" Kaagad akong napatakip sa mukha ko.

Napangiwi naman si Shanny.

"Shanny, bakit hindi mo kaagad sinabi!"

Bahagya namang napataas ang kilay niya. "Aba, malay ko bang ang dumi mo palang matulog."

"Sana hindi mo pinapasok sa kuwarto ko!"

"Alangan namang pigilan ko siyang lumabas."

"A-ano?"

"Nung nakita ko siya sa kuwarto mo, papalabas na siya. Hindi ko siya napansing pumasok sa kuwarto mo. Kung napansin ko man, baka nasapak ko na 'yon. Aba, kuwarto ng babae ang pinasok niya."

"Okay lang naman---"

"Ano?!"

"A-ahh, okay lang na hindi mo na hinarangang lumabas. Hehe."

Makahulugan akong tiningnan ni Shanny. Tumalikod nalang ako at bumalik sa ginagawa ko kanina.

"Siyanga pala,"

Napatingala ako kay Shanny.

"Wala kang gagawin mamaya, 'di ba?"

"Oo."

"Pwede bang ikaw nalang ang mag-grocery?"

dTT__TTb

"Sige." Mahina kong sagot.

Mangiyak-ngiyak akong nakatingin sa labahan ko. Napag-utusan pa akong mag-grocery.

'Hindi ganito ang dream valentine's day ko!'

Matapos kong maglaba, tumambay na ako sa sala. Nakaupo sa sofa habang nanonood ng telebisyon.

*klak*

Sumandal ako sa backrest ng sofa, hindi na tiningnan si Shanny na lumabas ng kuwarto niya.

"Sigurado ka bang wala kang ka-date?"

Napanguso ako sa tanong ni Shanny. Nilingon ko siya. "Magiging ganito ba ang hitsura ko kung may ka-date ako?"

Tiningnan ako ni Shanny mula ulo hanggang paa. Tumango-tango kalaunan.

"Gusto mo bang e-date nalang kita?"

Kaagad akong umiling. "Hindi na. Ayokong sirain ang date niyo ni Jericho." Panunudyo ko.

"Tch!"

Palihim akong napahagikhik.

"Sige na, umalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya. "Enjoy!"

Nginiwian lang ako ni Shanny bago ko siya nakitang naglakad paalis.

Nang hindi ko na siya makita pa, kaagad na nawala ang pekeng ngiting nakapaskil sa mukha ko. Bumalik nalang ako sa pagkakaupo sa sofa at nanood ng tv.

3rd Person's POV

Kasalukuyang bumabyahe sina Vanessa at Harley papunta sa isang restaurant. Doon naisipan ng binata na e-date si Vanessa.

*sigh*

Napatingin ang binata sa kasintahan.

"Are you okay?"

Napalingon ang dalaga rito, ngumiti, kalaunan ay tumango.

"Hmm." Sumandal ang dalaga sa backrest. "Hindi lang ako mapakali."

Napangisi si Harley. "Magde-date lang naman tayo."

"Hindi naman kasi 'yon."

Napalingon ang binata sa dalaga.

"Si Rhea, hindi pa siya niyaya ni Luhence. Baka nagmumokmok lang 'yon sa bahay." Binalingan ng dalaga si Harley. "Sasabihan ko na ba si Lu na e-date si Rhea?"

Napangiti si Harley, napailing-iling at itinuon ang tingin sa daan.

"Bakit ba tumatawa ka." Nakangusong saad ng dalaga.

"Rhea is lucky to have you as her friend. And so I am, for having you as my girlfriend." Binalingan nito si Vanessa. "Pero nasa dalawa na ang bagay na 'yon, Van. 'Wag nalang nating pakialaman."

Muling napabuntong-hininga si Vanessa, tumango at sumandal sa backrest.

"Okay."

Palipat-lipat ang tingin ni Harley sa dalaga at sa daan. Nakita pa rin ng binata ang pag-aalala nito sa kaibigan.

"You can ask a friend to accompany Rhea." Pagbibigay ng binata ng ideya kay Vanessa.

Kaagad na napatingin si Vanessa sa binata, kalaunan ay napangiti. "Tama!"

Kaagad na kumuha ng cellphone si Vanessa. Palihim na napangiti si Harley doon, napailing pa ang binata.

Samantala, kasalukuyang naglalakad sina Adam, Aishia at Alyson para magsanay sa headquarters nila nang makatanggap ng text message si Alyson.

"Sandali." Saad ng dalaga bago kinuha ang cellphone.

One message received
From: Vanessa

Aly, pwede bang samahan mo muna si Rhea? Wala siyang kasama sa bahay ngayon, e. May date si Angela.

Napatingin si Alyson sa mga kasama.

"Alyson, magsasanay tayo ngayon."

Alyson was about to spoke up nang makatanggap na naman ng mensahe.

One message received
From: Shawn

I'll wait there.

Naguguluhan na ang dalaga. Napatingin siya sa kasama at nakitang problemado sina Adam at Aishia, napailing-iling pa.

"Sinabi ko na sa'yo Alyson, pigilan mo." Medyo naiinis na saad ni Aishia.

"Naiinis ako sa kanila kapag may ginawa sila kay Jericho, Ayie! Kaya naging kampante akong hindi ako mapapalapit sa kanila. Hindi ko naman aakalaing," Napapikit si Alyson, kalaunan ay hinarap ang kaibigan. "Ayie, sasamahan ko lang si Rhea. Yun lang 'yon." Nang makitang hindi nagsalita ang mga kasama, nagsalita siyang muli. "Tinuring niyo rin naman silang kaibigan, 'di ba?"

Nagkatinginan sina Adam at Aishia. Napabuntong-hininga.

"Okay, pero hindi kita matutulungan kapag napansin ni Miss Choi na wala ka sa pagsasanay."

Buong tapang na tumango si Alyson. "Okay." Saad ng dalaga at aalis na sana nang marinig si Aishia na magsalita.

"Treat Rhea well, okay? Baka puro bangayan na naman ang gagawin niyo."

Napangiti si Alyson. "Aye, aye!" Saad ng dalaga bago tumakbo paalis.

Sa kabilang banda, kasalukuyang nakasandal sa backrest si Rhea, nanonood ng telebisyon nang makatanggap ng mensahe.

One message received
From: Shanny

Riri, nakalimutan kong ibigay sa'yo yung listahan ng bibilhin mo mamaya. Inilagay ko 'yon sa study table mo. Isunod-sunod mo ah, 'wag mong laktawan.

Napanguso ang dalaga nang mabasa ang mensaheng iyon. Napilitang tumayo ang dalaga at pumasok sa kuwarto para magbihis.

Napako ang atensyon ng dalaga sa dress na nakalagay sa ibabaw ng kama niya. Napakunot-noo ang dalaga. Wala siyang naaalalang may inilagay siyang damit sa kama niya.

May nakita namang note si Rhea kaya kinuha niya iyon.

Ito ang suotin mo.

Napataas ang kilay ng dalaga, kalaunan ay napangiwi. Maggo-grocery na nga lang ako, magd-dress pa ako? The heck of the heck!

'Hindi ko susuotin 'to! Magje-jeans nalang ako.'

One message received
From: Shanny

Paalala lang, required na suotin ang damit na nasa kama mo.

Napairap ang dalaga. Wala nang nagawa si Rhea kundi ang suotin ang dress na iyon.

Matapos magbihis, tumingin sa salamin ang dalaga. Napangiti si Rhea nang makitang bagay sa kanya ang damit, kalaunan ay napangiwi nang maalalang mag-go-grocery lang pala siya.

Umupo sa kama ang dalaga at napabuntong-hininga. Kalaunan ay naisipan nitong tawagan si Luhence, baka sakaling maalala nito na valentine's day at yayain na siya.

Nakangiti si Rhea habang nagri-ring ang cellphone.

"Hello, Ri?"

Napangiti ang dalaga.

"Napatawag ka?"

Napanguso ang dalaga. "Wala ka ba talagang nakalimutang sabihin sa'kin?"

Napakunot-noo si Luhence, kalaunan ay naliwanagan. "Nagpaalam na ako sa'yo kagabi na mawawala ako ng dalawang araw. Pero hindi na ako nakapagpaalam sa'yo kanina na aalis na ako dahil mahimbing pa ang tulog mo---"

Napapikit si Rhea habang nagsasalita si Luhence. "Hindi naman kasi 'yan ang ibig kong sabihin!" Napasigaw na ang dalaga, hindi na inantay pang matapos sa pagsasalita si Luhence.

Gulat namang napatawa si Luhence sa kabilang linya. "Hey, easy lang Ri---"

"Anong easy lang?! Luhence, valentine's day na valentine's day, hindi mo manlang ako niyaya ng date! Excited pa naman ako dahil ito ang unang taon na magce-celebrate ako ng valentine's day na hindi na si Shanny ang ka-date ko! Hindi na friendly date tapos sasabihin mong easy lang ako?! Hoy Luhence---"

"Rhea." Napabuntong-hininga si Luhence. "Hindi ako pwede ngayon dahil busy ako. Importante---"

"So mas importante pa 'yan kaysa sa'kin?!"

"No---I mean yes. But it's not what you think---hello? Ri?"

Pinutol na kaagad ni Rhea ang linya. Masama ang loob ng dalaga. Kaagad na pinahid ng dalaga ang luhang dumadaloy sa pisnge niya. Masyadong masama ang loob niya na naging dahilan para mapaiyak siya.

Lumapit na lamang si Rhea sa may study table niya. Hinahanap niya ngayon ang listahan na siyang ibinilin ni Angela para may pagkaabalahan siya.

Napahinga ng maluwag si Rhea, hindi sa kadahilanang nakita na niya ang listahan kundi dahil sa nakitang maliit lamang ang papel. Siguradong maliit lang ang bibilhin niya at madali lamang siyang matatapos.

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea nang pagkuha niya sa papel ay may karugtong pa ito. Nakatupi lang pala ang papel sa maliit na paraan. Ang totoo, magda-dalawang ruler-an iyon.

"Shannnnny!" Sigaw ni Rhea.

"Rhea?!"

Napatigil sa pagsigaw si Rhea at napatingin sa may pintuan. Doon, nakita ang humahangos na si Alyson.

"Aly!"

Kaagad na lumapit si Rhea at niyakap si Alyson.

Natigilan naman si Alyson, kalaunan ay napangiti. Pagka-kalas ni Rhea sa yakap, kaagad niyang inirapan ang dalaga.

"Na-miss kitang bruha ka!"

"Waaah! Na-miss din kita Alyson-sabon!" Sigaw ni Rhea sabay yakap kay Alyson.

"O, wala ka rawng ka-date? Kawawa ka naman." Panunudyo ni Alyson sa dalaga.

Napairap si Rhea. Lumabas ng kuwarto at umupo sa sofa.

"'Wag mo 'kong tuksuhin Aly, baka sipain kita palabas ng bahay na 'to." Pagtataray ng dalaga.

Napatawa naman si Alyson. "Biro lang." Lumapit ito sa dalaga. Tutuksuhin na sana nito si Rhea nang mapansin ang pamumula ng mata nito. "Umiiyak ka?"

Napaiwas ng tingin si Rhea. "Hindi ah?"

"Bakit?"

Nagpapadyak-padyak ang dalaga. "Nakakainis kasi si Luhence, e! Valentine's day na valentine's day, hindi manlang ako niyaya ng date! Duh, importante sa ating mga babae ang mga ganyang okasyon, Aly! Isang beses sa isang taon lang 'yan tapos hindi namin e-c-celebrate 'yon?"

d-.-b

"'Yon lang ang dahilan?"

Kaagad na pinandilatan ni Rhea si Alyson. "Anong 'yon lang?! Kasasabi ko lang sa'yo na importante sa ating mga babae ang ganitong okasyon---"

"Baka busy siya, Rhea."

Napatigil si Rhea, kalaunan ay napanguso. "Busy nga siya."

"E, 'yon naman pala, e!"

"Kahit na! Kahit busy siya, dapat bigyan niya naman ng kaunting oras ang mga ganitong bagay!" Pangangatwiran ng dalaga.

Napailing-iling si Alyson. "Tara." Yaya sa kasama.

"Sa'n?"

"Gala tayo?"

"Mag-go-grocery pa ako."

"Edi sasamahan kita. Tara na, baka ma-late pa ako sa date ko."

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea. "Oh my gosh! Kayo na ni Shawn?!"

Hindi alam ni Alyson kung saan siya titingin. "H-hindi. Nanliligaw palang siya."

Napangiwi si Rhea. "Sagutin mo na 'yan! Ang tagal mong kumilos, Aly!"

Sumeryoso si Alyson. "Masyadong komplikado." Mahinang sagot nito.

"Ang alin?"

Alyson fake a smile. "Wala. Tara na!" Hinila ng dalaga si Rhea.

Pagdating sa mall, kaagad na dumiretso ang dalawa sa department store.

Sa kabilang banda, nakasunod naman sina Angela at Jericho kina Alyson at Rhea.

"Shan---"

Napatigil sa pagsasalita si Jericho nang makitang nakatingin na sa kanya si Angela.

"A-ah, Angela---"

"Shan is fine." Saad ng dalaga bago tiningnan si Rhea na nakangusong tumingin-tingin sa mga groceries doon.

Magsasalita na sana si Jericho nang maunahan siya ni Angela.

"Tara na."

"Sa'n?"

"Sa'n ba tayo magde-date?"

Napakamot sa ulo si Jericho.

Pagdating ng dalawa sa amusement park, kaagad na napatigil sa paglalakad si Angela. Nanatiling nakatingin sa mga rides.

Napatigil din sa paglalakad si Jericho at napatingin sa dalaga. "Okay ka lang?"

Tumango ang dalaga. "Tara."

Nakaupo sa bench si Angela habang si Jericho ang bumili ng halo-halo para sa kanila.

Kinuha ni Angela ang halo-halo na iniabot ni Jericho.

"Salamat."

"Minsan ko lang marinig sa bibig mo ang salitang 'yan."

"Dahil nagpapasalamat ako kung may dapat ipasalamat." Napaayos ng upo ang dalaga, nakatingin sa mga rides. "Puro naman kabwisitan ang nangyayari sa buhay ko kaya bihira lang talagang marinig ang salitang salamat sa bibig ko."

Natahimik ang binata. Aminado si Jericho na isa siya sa naging dahilan para lalong gumulo ang buhay ng dalaga. Pero nangangatwiran ang binata na hindi naman niya gagawin iyon sa dalaga kung wala itong ginawa sa kanya.

"Bakit." Tanong ni Angela sa binata, nanatiling nakatingin sa mga rides. Napansin kasi ng dalaga na kanina pa nakatingin si Jericho sa kanya, tila may gustong itanong sa kanya.

"Bakit mo---"

'Tungkol ba sa larawang nasa bulletin board 'yan?"

Gulat na napanganga ang binata.

Napatingin naman si Angela sa binata nang matahimik ito. "Hindi ako ang naglagay ng larawang 'yon sa bulletin board."

Gulat na napatingin ang binata rito, nanatiling nakatingin sa dalaga.

"P-pero tayong tatlo lang ang nando'n."

Napatingin muli ang dalaga sa mga taong sumasakay sa iba't ibang rides.

"Alam ko." Saad ng dalaga. "Alam kong tayong tatlo lang ang nando'n, pero alam ko ring marami akong kalaban. Kaya naman, alam kong isa sa kanila ang may pakana no'n. Nagtataka lang ako," Napakunot-noo ang dalaga, kalaunan ay tiningnan ang binata. "Bakit sa sitwasyong ganoon pa? Anong kaugnayan ng pangyayaring iyon sa buhay ko?"

Napaisip naman si Jericho, ngunit wala siyang maisip na dahilan para sa pangyayaring iyon.

Napabaling ang binata kay Angela nang maalala ang pagtigil ni Angela sa labas ng amusement park.

"Takot ka sa pagpunta dito sa amusement park?"

Napalingon ang dalaga rito. Nakatitig ng ilang minuto. "Pa'no mo naman nasabi."

"Dahil nakita kitang tumigil sa paglalakad kanina pagkarating natin dito. Takot ka ba?"

Napangisi ang dalaga. "Ano sa tingin mo?"

Nagsalubong ang kilay ng binata. "Tinatanong kita, emo girl."

"I said Shan is fine."

Napabaling sa mga rides ang dalaga, nakangisi.

"Hindi nga ako takot kay kamatayan, sa amusement park pa kaya?"

Napangisi ang binata. "Hambog."

Napabuntong-hininga.

"Napatigil ako sa paglalakad kanina, inaamin ko. Pero hindi dahil sa takot ako, kundi dahil sa memoryang sariwang-sariwa pa rin kapag nakakapunta ako ng ganitong lugar."

Napatingin ang binata sa dalaga.

"Nasasaktan ako."

At the moment, pain were invisible at Angela's face.

Bumalatay naman ang sari-saring emosyon sa mukha ng binata. Seeing the girl he loves being in pain, makes him more resent, especially to his self. Wala siyang magawa just to ease the pain Angela are suffering right now.

Matapos maalala ang nakaraan, ngumiti ang dalaga lalo na nang maalala kung paano niya ito nalampasan.

"Hindi ako pumupunta sa amusement park noon, pero dahil sa mga tito at popz ko, nakaapak muli ako sa lugar na gan'to."

"Ano bang dahilan, k-kung bakit hindi ka na umapak sa mga lugar na ganito?" Atubiling tanong ng binata.

"Sa isang amusement park, naranasan ko ang isa sa pinakamasakit at pinakamagandang pangyayaring hindi na kailanman mawawala sa isipan ko, at mananatili na lamang na masama ngunit magandang alaala sa buong buhay ko."

Flashback

Angela and Kirby are having a date.

Napansin ni Kirby na seryoso ang dalaga, pero mapapansin ang kalungkutan doon.

"Stai bene?"

"Si, sto bene."

Napangiti si Kirby bago akbayan ang dalaga. "Sakay tayo sa ferris wheel?"

Tanging tango lang ang isinagot ni Angela. Sumakay sila sa ferris wheel, ngunit wala ni isa sa kanila ang masaya. Wala ni isa sa kanila ang nakangiti.

The view is worthtaking. Nakakagaan sa pakiramdam. Pero sa sitwasyon ng dalawa, hindi naging paraan ang magandang tanawin para pagaanin ang mabigat at masakit na pakiramdam ng dalawa.

Magkaharap na nakaupo sina Kirby at Angela, dahilan para matingnan ng maayos ng dalaga ang kasintahan.

"Hiwalayan mo nalang siya, kapalit ng buhay niya."

Nakayuko, tahimik at walang imik si Kirby na siyang nasaksihan ng dalaga. Napaiwas ng tingin si Angela sa kasintahan at tumayo, tumingin sa tanawin na parang wala lang sa kanya.

Bumuntong-hininga ang dalaga, kasabay niyon ang pagkagat nito sa labi upang pigilan ang luhang nais nang lumabas sa mga mata niya. Ngunit tila pasaway ang mga ito, sunod-sunod itong nagsi-laglagan sa mga mata ng dalaga. Angela can't take it anymore. She can't take the pain anymore.

And so Kirby too. He cries, silently. While Angela was turning her way from him.

Tumayo ang binata, pinahid ang luha at niyakap ang dalaga mula sa likuran.

"Ti amo."

End of flashback

"Si Kirby," Napatango-tango ang binata, tila naliliwanagan na. "Siya ang tinutukoy mo, 'di ba?"

Napalingon ang dalaga rito. "Bakit, nagseselos ka ba?" Nagawa pang mang-asar ng dalaga.

Kaagad na napaiwas ng tingin ang binata. "H-hindi ah?" Tumayo si Jericho, nalatingin sa dalaga. "Sakay tayo?"

Nang mapansin na hindi tumugon ang dalaga, nagsalitang muli si Jericho.

"A-ah, para kapag pumunta ka ulit sa lugar na gan'to, ang alaala natin dito ang maaalala mo. Hindi na yung---"

"Gusto mong sumakay ako sa ferris wheel na 'yan," Sabay nguso sa ferris wheel. "Para kapag pumunta ako sa gan'tong lugar, ang alaala natin ang maaalala ko." Napangisi aag dalaga. "Ahh, so gusto mong alalahanin ko ang alaala natin kapag pumupunta ako rito---"

"Aishhh!"

Napatawa ang dalaga. Natigilan naman si Jericho sa nakita.

Natigilan at napatikhim si Angela, ngunit hindi mawala-wala ang ngisi sa labi nito.

"Ang bading mo." Mahinang komento nito sa binata bago naglakad palapit sa ferris wheel.

Napanganga naman si Jericho sa narinig. "Hoy, emo girl! Anong ang bading ko---" Napatigil sa pagsasalita si Jericho at napatingin sa paligid. Doon, nakita ng binata na napatigil sa ginagawa ang mga tao at nanatiling nakatingin sa kanya. Doon lang naalala ng binata na nasa amusement park pala sila. "A-ang macho ko!" Pagbabawi nito sa salitang bading.

*****

"Hindi pa ba tapos 'yan, Rhea?" Pagtatanong ni Alyson, pabaling-baling ang tingin sa dalaga at sa oras na nasa cellphone nito.

Inis namang binalingan ng tingin ni Rhea si Alyson.

"Bakit ba nagmamadali ka!" Sigaw ni Rhea.

Kaagad na pinandilatan ni Alyson ang dalaga. "Dahil may date pa ako!"

Nagsasagutan ang dalawa, hindi na napansin ang pag tingin ng mga tao sa kanila.

Napairap naman si Rhea nang marinig ang salitang date.

"Edi umalis ka na!" Tumalikod ang dalaga.

Napabuga ng malalim na buntong-hininga si Alyson. "Ihahatid kita."

"Hindi na, kaya ko namang umuwi. Puntahan mo na si Shawn, baka naiinip na 'yon."

Hindi pinansin ng dalaga ang pagtataboy ng kaibigan. "Ano pa bang kulang?" Tanong ni Alyson bago hinablot ang listahan. Napanganga ang dalaga nang makita ang haba ng listahan. "Sa'n ka na nito?"

"Hindi pa ako nakaabot sa gitna."

Halos mabitawan na ni Alyson ang listahan. "Grabe, ang dami naman nito! Higante ba ang kakain ng mga 'to?"

Kaagad na sinamaan ng tingin ni Rhea ang kasama. "So sinasabi mong higante ako?! Isa ako sa mga kakain niyan!"

Tinalikuran lang ni Alyson ang dalaga at siya na ang namili.

*****

Napanganga sina Alyson at Rhea nang makita ang paghinto ng magarang sasakyan sa harap nila. Nasa labas na sila ng mall.

Nakanganga lang ang dalawa, lalo na si Rhea na sinusundan ang pagbaba, paglakad at ang paghinto ng isang makisig na lalaking nakasuot ng black suit sa harap niya.

"Miss Go?"

"Y-yes?" Sagot ni Rhea.

"Sumama kayo sa akin."

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea. Napaatras pa ang dalaga.

'K-kidnap na ba 'to? Teka, ganito ba kapag kinikidnap? Sasabihan ka lang ng sumama kayo sa akin? E, tanga pala ang kidnaper na 'to, e! Pa'no kapag isusumbong kaagad siya? Edi sa kulungan ang bagsak niya!'

Buong tapang na hinarap ni Rhea ang lalaki.

"Hoy, ikaw!" Sabay turo sa lalaki. "Kung mangingidnap ka, dapat patulugin mo kaagad ang kikidnapin mo! Hindi yung sasabihan mo ng sumama ka sa akin! Pa'no kung ayaw?! Isa pa, kung mambi-biktima ka, 'wag ako! Baka masapak pa kita! Makaalis na nga!"

Naguguluhan naman ang lalaki. Sinundan nito si Rhea. "Binibini---"

"O, at may pa-binibini ka pang nalalaman diyan?" Pagtataray ng dalaga.

Umayos sa pagkakatayo ang lalaki. "Ako si Guard Roy, binibini. Sinusundo kita rito upang ihatid sa tahanang tinitirhan mo."

Nanlaki ang mata ni Rhea nang makita ang pagyukod ng lalaki.

"T-teka, totoo bang sinusundo mo ako?"

"Opo, binibini."

"Sinong nagpasundo sa'kin?"

Napatingin ang lalaki kay Rhea, kalaunan ay napayukod muli. "Si binibining Angela, binibini."

Napataas ang kilay ni Rhea, kalaunan ay napangiti. "Hindi mo naman kaagad sinabi! Tara na!" Sabay hila kay Alyson at sumakay na sa kotse.

Inihatid nila si Alyson sa isang park. Doon nila napag-isipan na magdate ni Shawn. Ideya nila 'yong dalawa.

NAPANGITI at kaagad na tumayo si Shawn nang makita si Alyson na papalapit sa kinaroroonan niya.

"Dumating ka."

Palihim na ngumiti si Alyson bago tumango. "Pasensiya na kung napag-antay kita. Sinamahan ko pa kasi si Rhea, walang kasama, e."

Nakangiting tumango ang binata. "Okay lang. Akala ko nga hindi ka na darating, e."

Umupo ang dalawa sa nakalatag na mat sa bermuda grass.

"Salamat."

Napalingon si Alyson sa binata. "Para saan?"

"Sa pagdating mo, dito, at sa buhay ko. Buong buhay akong magpapasalamat dahil nakilala kita."

Napangiti si Alyson. Para hindi mahalata ang pagngiti siya, humiga siya sa mat. Ganoon din naman ang ginawa ng binata.

"Masaya rin ako." Mahinang sabi ng dalaga.

Samantala, nakasandal si Rhea sa backrest ng upuan. Pagod ang dalaga sa ilang oras niyang pagbili sa mga ibinilin ni Angela na pabalik-balik lang ang iba, malayo nga lang ang agwat. Nagbilin naman ng paalala si Angela na hindi dapat laktawan ang mga nasa listahan.

"Narito na po tayo, binibini."

Napatingin si Rhea sa labas at nakitang nasa kanto na nga sila. Binalingan niya ang lalaki.

"Salamat sa paghatid, ginoo." Nakisabay na ang dalaga.

Tumango lang ang lalaki bago bumaba at pinagbuksan ang dalaga.

Napatingin si Rhea sa mga groceries na binili niya. Napangiwi ang dalaga nang makitang marami 'yon.

"Ako nang bahala riyan, binibini. Pumasok na po kayo. Alam kong pagod na kayo." Saad ng lalaki na mukhang napansin ang pag tingin niya sa mga groceries.

"Sige." Saad ng dalaga bago tarayan ang lalaki. "Pero 'wag mo 'kong ma po-po riyan, hindi pa ako matanda!"

Naglakad na ang dalaga palapit sa bahay. Nakangiting mukha ni Luhence ang nabungaran ng dalaga.

Natigilan kaagad si Rhea. Nakita niya ang magandang disenyo ng sala, table set-up, organized things, romantic music, at siyempre, si Luhence. Nakangiti at may hawak na bouquet.

"Umiiyak ka?" Nakangiting tanong ni Luhence na nakalapit na pala sa dalaga.

Napa-pahid ang dalaga. "Hindi ah?" Pagsisinungaling nito kahit halata naman ang pag-iyak nito. "Akala ko ba busy ka?"

"Oo nga."

Napatingala si Rhea. "Pero bakit nandito ka?"

"Para e-date ang pinakamagandang girlfriend ko, tinatanong pa ba 'yan?"

"Tch! 'Wag mo 'kong kausapin ng ganyan. Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo ah?"

Napatawa naman si Luhence. "Ano bang ginawa ko?"

Napaismid lang ang dalaga.

"Nakilala mo na si Guard Roy?"

Napangiwi si Rhea. "Oo. Akala ko nga kidnaper, e. Teka, kilala mo?"

"Siyempre, ako ang nag-utos sa kanyang sunduin ka, e."

Napataas ang kilay ng dalaga. "Ikaw? Akala ko ba si Shanny?"

Napangisi ang binata. "Inutusan ko rin siyang sabihing si binibing Angela ang nag-utos sa kanyang sunduin ka. Baka makahalata ka, e."


Napaismid lang ang dalaga, pero niyakap niya si Luhence. "Thank you."

Napangiti si Luhence. "Na-surprise ka ba?"

Napanguso si Rhea. "Oo, pero hindi ko parin nakalimutan ang ginawa mo."

Muling napatawa si Luhence. "Kalimutan mo na, biro lang naman 'yon, e. Hindi na 'to magiging surprise kapag niyaya kita."

"Pwede mo naman kasi akong yayain ng date."

"Pero magtatanong ka kung saan tayo magde-date."

Napaismid ulit si Rhea dahil totoo ang sinabi ng binata.





A/N:

Ilang chapters nalang, matatapos na ang Emotionless PRINCESS: Into the Human World [Volume 1]. Malapit na tayong makapunta sa Kaharian ng mga Smith o Smith Kingdom, so stay TUNED and be UPDATED. I will post it SOON the Volume 2 and the final battle of this story. So yeah, be updated. Ti amo, my Ellians!<3

Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 4.9K 58
Si Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian n...
22K 1.3K 47
A Tragedy that befell the Family. A tragedy that cause an Arcie Solomon to change, the only child and unique survivor of the tragedy. Arcie Solomon...
OBSESSED By thisbejaja

Mystery / Thriller

96.8K 4.1K 26
obsessed
116K 12.2K 32
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...